webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

C-95: LEAVING FOR A CHANGE

Ang bilis talagang lumipas ng mga araw. Kung kailan lang pinipilit pa niyang maging masaya para kay Liscel at sa kanilang Anak.

Pero ngayon tuluyan na silang iniwan ni Liscel. Ano ba ang dapat niyang maramdaman.

Tila ba hungkag ang kanyang pakiramdam at nasasaktan din siya sa tuwing nakikita niya ang kanyang Anak. Ilang araw na sobrang tahimik lang nito at tila wala sa kondisyon.

Hindi rin niya alam kung paano ito aaluin. Bigla tuloy niyang naisip kung narito lang si Angela siguro hindi siya mahihirapan.

Pero mabuti na lang nariyan ang kanyang Kuya Joseph.

Hindi niya alam kung paano nito nagagawang aluin ang kanyang anak. Pero nagpapasalamat siya sa presensya nito ngayon.

Kasi sa totoo lang nahihirapan siyang pakitunguan ngayon ang kanyang anak. Lalo na kapag hinahanap nito si Angela, kaya lalo lang tuloy s'yang natutuliro at nasasaktan.

Dahil sa lahat yata ng gusto nito, ito ang isang bagay na hindi pa niya kayang ibigay sa ngayon.

Pero nangako siya sa sarili na hihintayin niya ang pagbabalik ni Angela.

Once and for all susundin niya si Liscel kakausapin niya si Angela. Dapat nga siguro na magkaroon na sila ng closure sa isa't-isa.

Dahil gusto rin niyang malinawan ang lahat lahat.

Kung bakit sila nito biglang iniwan, kung bumalik na ba ang alaala nito o kung may iba ba pa itong dahilan.

Kahit pa masakit tatanggapin na niya, kalilimutan muna niya ang galit alang-alang sa kanyang Anak.

Handa na s'yang pakinggan ang paliwanag nito. Para na rin sa ikatatahimik nilang mag-ama.

Nagpasalamat na lang s'ya na kahit paano okay na si VJ makaraan ang ilang araw. Tila naintindihan na rin nito ang sitwasyon.

Dahil sa huling sandali lumapit na rin ito sa ina at umiiyak na nagpaalam kay Liscel.

______

Matapos ang libing nagbalik ulit sa normal ang lahat. 

Pagkaraan lang ng ilang araw muli silang pinuntahan ng mga magulang ni Liscel. Nalaman niya na babalik na ulit ang mga ito sa Canada.

Gusto sana ng mga itong isama si VJ pabalik ng Canada.

Ngunit hindi s'ya pumayag kahit pa sinabi nito na bakasyon lang at ibabalik rin ang bata.

Kahit pa para daw malibang naman ito ngunit hindi pa rin s'ya pumayag. Kaya wala ring nagawa ang mga ito kung hindi irespeto na lang ang kagustuhan niya.

Lumipas ang mga araw, ramdam pa rin niya ang kalungkutan ni VJ kahit pa anong gawin nila? Kaya nag-aalala na rin sa Anak, hindi tuloy siya makapag-focus sa trabaho.

Kaya naman minabuti nilang lumipat ng ibang lugar. Naisip niyang isama na ito sa Maynila at doon na lang muna sila tumira.

Kasama si Liandro at VJ mula sa Batangas, pansamantala silang lumipat sa bahay ni Madi.

Gusto sana niyang bumili agad ng bahay at lupa sa may bandang Alabang rin para malapit sa kanyang trabaho.

Pero si Madi ang mismong nag-offer ng bahay nito para pansamantala nilang tirhan.

Dahil matatagalan pa naman daw ito sa ibang Bansa. Kaya hindi ito pumayag na hindi sila dito tumuloy. Kahit daw habang nagpapagawa lang sila ng bahay.

Dahil ito rin ang nag-alok ng isa pang lote na nabili nito malapit lang din sa mismong bahay nito.

Tatlong bahay lang ang pagitan nito mula sa bahay ni Madi.

Bukod pa sa ibinenta ito sa kanila ni Madi sa mas mababang halaga, maganda rin talaga ang lugar. Kaya naman hindi na siya nag-isip pa agad na rin niya itong binili.

For a change, dito na muna sila maninirahan sa mga susunod na araw.

Ngunit pansamantala ring tumira muna sila sa bahay ni Madi sa Alabang. Pero agad na rin niyang pinasimulan ang pagpapagawa ng kanilang bahay.

Wala rin naging problema sa kanilang paglipat. Maging ang paglipat ni VJ sa bago nitong school ay naging maayos rin.

Mabuti na lang at nasa unang baitang pa lang ito. Kaya hindi naman gaanong nakaapekto ang paglipat nila.

Maging si Joseph ay madalas na rin sa Alabang ito umuuwi. Pero dahil sa trabaho nito kaya hindi rin ito madalas nanatili ng bahay.

Kahit paano nakatulong din naman ang environment kay VJ. Kahit paano sumisigla na ito at unti unti na rin itong nasasanay sa buhay nila sa Alabang.

Dahil malapit lang ang kanyang inuuwian kaya kahit paano lagi pa rin s'yang may oras para sa Anak. Naipapasyal pa niya ito pagkagaling niya ng opisina.

Malaking bagay na malapit lang ang town center sa Village na tinitirhan nila. Nalilibang kasi ito at napapansin rin niya na balik na ulit ito sa isang masayahing bata tulad noon.

Kalaunan unti-unti na ring bumabalik ang dati nitong sigla.

Hanggang sa hindi na rin nila namalayan pa ang paglipas ng mga araw.....

_______

"Boss, anong gagawin ko ang tigas talaga ng ulo niya. Mukhang nagmana lang sa'yo?"

"Anong sabi mo?" Tila ba biglang kumulog dahil sa lakas ng timbre ng boses nito.

Parang katabi lang niya ito kahit pa sa cellphone sila nag-uusap.

Bigla tuloy niyang nailayo sa tapat ng tenga ang hawak na cellphone.

Kung minsan hindi rin pala maganda na may high tech na cellphone at malakas ang speaker kapag ganito ang taong kausap sa loob loob niya.

"Boss, relax! hehe. Hindi ka naman mabiro." Kahit hindi nakikita ng kausap nakangisi pa ring saad ni Lyndon sa kausap nito.

"Sino ba kasing nagsabi na gusto kong makipagbiruan ha'?" Bigla ulit niyang nailayo ang hawak na cellphone.

Baritono sana ang boses nito 'yung tipong masarap pakinggan kahit sa telepono. Nakakakiliti sa tenga lalo na siguro kung nasa loob kayo ng kwarto.

Haysst! Ano ba itong pumapasok sa isip niya? Buti na lang hindi niya ito type at iba ang gusto niya. Saka hindi na rin naman ito p'wedeng tumingin sa iba...

Saka siguradong masasabunutan siya ng kanyang Bestfriend

Tila naging seryoso naman ang kausap niya sa kabilang linya at bigla rin itong nawala sa mood.

"Sorry na Boss pero inaalagaan ko naman siyang mabuti ah' kaya lang ang tigas ng ulo." Hirit pa ulit ni Lyndon.

"Linawin mo nga ang sinasabi mo? Ang gusto kong malaman kung ano ang kalagayan niya d'yan, kung okay lang ba siya, nakakain ba siya ng maayos?"

Para bang nawawalan na ito ng pasensya at sunod-sunod na ang naging tanong habang kausap niya sa kabilang linya.

Nararamdaman rin niya na puno ito ng pag-aalala kay Amanda.

Hindi naman niya ito masisisi kung maging over protective man ito sa alaga niya.

Matagal na kaya nitong gustong makasama si Amanda. O kung hindi man kaya ay maging maayos ang samahan nila.

Kaya lang hindi p'wede...

"Boss okay lang naman sana s'ya kung hindi lang sana siya depressed. Pero tingin ko naman magiging okay rin siya, kailangan lang talaga niya ng space."

"Space, sure ka?" Paninigurong tanong pa ulit nito.

"Oo naman Boss, kaya lang naman siguro 'yun masungit kasi nga naglilihi pa..."

"Hindi kaya makasama sa kanya ang pagiging depressed niya? Ano kaya kung isama namin s'ya pagpunta namin ng London. Ano sa tingin mo?"

"Kasama ba ako Boss?" Biglang naglakbay ang utak niya papunta ng London.

Tila ba saglit s'yang nanaginip at napapikit pa. Nagulat pa siya sa paglakas ulit ng boses nito.

"Donnalyn! Ano bang nangyayari sa'yo?" Alam niyang naiinis na ito kapag tinawag na siya nito sa ganoong pangalan.

Ito at ang Bestfriend lang niya ang nakakatawag sa kanya sa tunay niyang pangalan.

"Boss! Ano nga po 'yun ulit?"

"Hindi ka nakikinig, ang sabi ko kumbinsihin mo kaya siya na pumunta kayo ng London. Kung gusto mong makasama ka.

'Tutal hindi ko rin naman siya mababantayan at saka kailangan niya talaga ng kasama. Lalo na sa kalagayan niya ngayon at kapag nanganak na siya."

"Okay Boss copy, areglado akong bahala!" Excited pa niyang tugon sa kausap.

"Sure ka ba talaga na okay lang na umalis ka kasama si Amanda wala ka bang mami-miss?"

"Ano 'yun Boss? Sure naman ako hindi rin ako mami-miss nu'n!"

"Ows malay naman natin, hindi mo na ba s'ya babantayan?" Pabirong tanong pa nito.

"Babayaran n'yo ba ako Boss, kung s'ya ang babantayan ko?" Tanong naman niya dito.

"S'yempre hindi, ano ka sinusuwerte?"

"Yun naman pala eh'... Doon na lang ako sa may bayad Boss. Bahala na siya sa buhay niya!"

"Sure ka...?" Hindi na nito naituloy ang ibang sasabihin ng biglang makarinig sila ng ibang boses.

"Sinong kausap mo ang Boss mo ba?" Sabay agaw ni Amanda sa cellphone na hawak ni Lyndon.

Dahil hindi ito handa kaya naman madali lang niya itong nakuha sa kamay nito.

"Hello! Alam kong naririnig mo ako, kung sino ka man? Aminado naman ako na marami ka nang ginawang pabor sa akin.

'Pero kung inaakala mo na magpapasalamat ako sa'yo nagkakamali ka! Dahil hindi ko hiningi o hiniling ang lahat ng ginawa mo.

'Bukod sa hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na tumanggi. Magpakilala ka kaya baka sakaling pasalamatan pa kita!"

Ngunit imbes na magsalita ito pinatay na nito ang linya. Pero nagsend ito ng message...

=TEXT MESSAGE=

"Kung gusto mo talaga akong makilala magpunta kayo ni Lyndon sa London. H'wag kang mag-alala hindi ako masamang tao. Magtiwala ka lang...

'Mapapatunayan ko rin sa'yo ang kabaitan ko sa oras na magkita na tayo.

'Maghihintay ako..."

"Ma'am ano po ang sabi ni Boss?" Tanong agad sa kanya ni Lyndon

"Anong sabi, may narinig ka ba wala naman hindi ba?" Iritado niyang sagot.

Lately alam niyang nagiging irisonable na siya. Dahil wala na siyang pakialam kahit ano pa ang maging tingin ng lahat sa kanya.

Hindi na mahalaga sa kanya ang opinyon ng kahit sino. Sinasadya rin niya na inisin ito.

Para mainis ito at mapilitang sabihin sa kanya kung sino ang amo nito. Pero napatunayan niya kung gaano ito katigas o kaloyal sa Amo.

Kahit pa nga isa rin itong babae na tulad niya, kakikitaan pa rin ito ng katatagan at dedikasyon sa trabaho.

Hindi rin niya makuha ang loob nito kahit pa yata suhulan niya ito ng mga masasarap na pagkain at ipagtimpla araw araw ng kape.

"Walang sinabi pero may text siya Ma'am oh'. Ano po ang sagot mo dito, gora na ba tayo para makilala mo na si Boss." Saad nito na nilangkapan pa nito ng matamis nitong ngiti.

Sa sinabi nito para bang napaka-simple at napakadali lang dito na desisyunan ang sinabi ng Amo nito.

"Akala mo ba ganu'n lang ako kadaling magtitiwala diyan sa Amo mo?" Sagot niya.

"Ma'am look kung makinig ka muna kaya sa sasabihin okay?"

"Aba, okay ka rin ah'?"

"Okay sorry na pakinggan mo lang ako pero s'yempre nasa iyo pa rin naman ang desisyon!

'Promise irerespeto ko ano man ang maging desisyon mo. Hindi ako magrereklamo.

'Kahit pa salungat iyon sa hangarin ko. Please..." Pakiusap pa nito sa kanya. Kaya hinayaan na lang niya ito.

"Okay sige magsalita ka na, ano ba ang gusto mong sabihin?"

"Alam kong naiinip ka na at marahil iniisip mo na hindi ka makagalaw. May limitasyon ang bawat kilos mo. Dahil marami ka ring iniisip."

"Bakit hindi mo na lang ako diretsahin doon rin naman ang punta mo. Gusto mo akong sumunod sa Amo mo hindi ba?"

Deretso at walang ligoy niyang tugon sa nais nito.

"Dahil iyon rin ang alam kong makakabuti para sa'yo! Sobrang stress ka na sa nangyari sa'yo. Anong gusto mo magmukmok ka na lang dito.

'Habang hinihintay mo ang paglaki niyang tiyan mo? Kapag nanganak ka na anong gagawin mo? Hindi ka makapag-isip kasi lagi ka na lang sa loob ng bahay o ng Hotel na ito.

'Natatakot kang lumabas kasi baka may makakita at may makakilala sa'yo! Alam mo ring hindi makakabuti sa'yo na narito ka lang palagi sa loob at hindi ka lumalabas."

"So ano ngayon ang ibig mong sabihin?" Tanong niya ulit.

Hindi naman talaga siya natatakot lumabas. Basta bigla na lang siyang nawalan ng gana.

Pakiramdam niya kasi nag-iisa lang s'ya kaya wala naman s'yang dapat ipagsaya. Kaya mas mabuti pang h'wag na lang s'yang lumabas.

Hindi kasi niya alam kung paano pa siya magsisimula.

Ayaw muna niyang lumabas naalala lang niya ang mga dati niyang ginagawa at ang mga taong malapit sa puso niya.

Naalala niya si Liandro, si Joseph si VJ at si Joaquin. Maging si Amara ay naiisip niya. Bakit ba pakiramdam niya kinalimutan na siya ng lahat.

Kaya ano pa ba ang dahilan para siya lumabas wala na.....

"Okay kung ayaw mo talagang sundin si Boss, hindi na kita pipilitin. P'wede naman sa ibang lugar ka pumunta. Kung saan mo gusto?

'Doon sa lugar na marerelax ka makakapag-isip at malayang makakagalaw.

'Kapag nakapanganak ka na, saka ka na lang bumalik. Kapag kaya munang harapin at ayusin ang buhay mo. Kapag maayos ka na at kapag kaya mo na silang harapin.

'Naiintindihan mo ba ako? Dahil kailangan mong mabuhay ulit para sa magiging Anak mo. Lalo na at ikaw na lang ang p'wede niyang asahan.

'Kung iniisip mo na iniwan ka na ng lahat nagkakamali ka. Dahil marami pa rin ang nagmamahal sa'yo hindi mo lang alam.

'Dahil may kapatid ka pa na nagmamahal sa'yo. Kung tutuusin maswerte ka nga. Dahil may mga kaanak ka pa, hindi tulad ng iba d'yan....." Saglit itong huminto marahil upang saglit na huminga.

'Habang siya naman ay nag-isip upang i-process sa utak niya ang mga sinabi nito.

Hanggang sa naisip niya tama naman nga siguro ito. Baka nga kailangan niya ng bakasyon.

Baka nga kailangan muna niyang lumayo at pumunta sa lugar na walang kailangang iwasan.

Sa lugar na mapapanatag ang isip niya kahit sandali lang...

Gusto rin niyang magkaroon ng tahimik na lugar para sa kanyang magiging Anak.

Pero saan nga ba ang tamang Lugar na iyon?

"Ang gusto lang naman talaga ni Bossing matulungan ka. Dahil malapit ka sa puso niya, pero wala 'yung kahulugan ah'. Gaya nga ng sabi niya maiintindihan mo rin siya kapag nagkita kayo."

Muling salita nito ng hindi pa rin s'ya kumibo. Pero dahil hindi na rin siya nakatiis kaya naisip niyang itanong...

"Ano ba ang pagkakaiba ng ngayon at bukas ko siya makikilala?"

"Sabihin na lang natin na wala kasi siya dito ngayon at kung pupunta na tayo sa London ngayon. Baka bukas makikilala mo na siya 'yun ang pagkakaiba."

Napabuntong hininga na lamang siya sa sinabi nito. Sa madaling salita wala rin naman pala siyang lusot. Dahil doon pa rin ang punta nila.

"Okay!"

"Okay, means...?" Sadyang ibinitin pa nito ang pagsasalita upang kumpirmahin ang kanyang tugon.

"Pumapayag na'ko..."

"YES!" Nakataas pa ang kamay na sigaw nito sa tuwa. Kasunod ng matunog na pagtawa.

Hinawakan pa nito ang kanyang dalawang kamay at dahan-dahan silang umikot habang kinakanta nito ang.....

"London bridges falling down, falling down....." Kahit wala pa ito sa tono at tamang lyrics ng pagkanta.

Hindi nakaila sa kilos nito na masayang masaya talaga ito sa pagpayag niya.

At aminin man niya o hindi nakakahawa ang kasiyahan nito ngayon.

This time, aaminin niya masaya at masarap itong kasama. Kaya hindi na niya napigilan pa ang mapangiti.....

Dahil palagay niya matagal pa silang magkakasama. Kaya dapat siguro ihanda na niya ang sarili sa mga susunod pang kagagahan ng babaing ito.

______

"WELCOME TO LONDON MADAM..." Sadyang nagpatiuna pa ito sa pagbaba nila sa Airport ng London.

Sabay lahad ng kamay nito para i-welcome siya pagbaba. Mabuti na lang wala na sila sa Pilipinas.

Marahil kung nasa Pilipinas pa sila pinagtatawanan na sila ng makakakita. Mabuti na lang din at dedma lang ang mga tao doon kahit na may ibang napapatingin na sa kanila.

"YES! Narito na tayo sa wakas!" Masayang saad nito, halos ito lang naman ang nagsasalita sa buo nilang biyahe hanggang sa makababa sila.

_

"Hay naku Madam, kung alam ko lang na ikaw pala ang magdadala sa akin dito sa London. Sana pala noon pa kita inalagaan.

'H'wag kang mag-alala ibibigay ko na talaga sa'yo ang loyalty ko. Kalilimutan ko na si Boss, kahit si Bossing pa ang nagpapasweldo sa'kin. Promise cross my heart!"

Pinagsalikop pa nito ang dalawa nitong daliri at nakangiting pang humarap sa kanya ngunit...

"Anong sabi mo, pakiulit nga?!"

Bigla itong napabiling sa narinig at gulat na gulat...

"Ay! Kabayong nabundat, Bossing i-ikaw pala 'yan?!"

"Huh' i-ikaw?"

"Yes! My Dear, may inaasahan ka bang iba?!"

Sagot at tanong ng isang lalaking nakasandal sa isang magarang sasakyan. Habang nakaharap sa kanila at naka-plaster ang isang masayang ngiti sa labi...

*****

03-03-21

By: LadyGem25

Hello guys,

Narito ulit tayo, update, update! Sana magustuhan niyo ulit ito.

Ayan dahil hindi pa tayo gaanong busy kaya may kasunod na ulit update....

Alam ko sigurado, may magtatanong d'yan at may huhula?

Ang hindi ko lang alam kung matutuwa kayo sa kasagutan at katotohanan?

Char!hahahaha

Basta ang masasabi ko lang...

ATING SUNDAN SA SUSUNOD NA KABANATA!!

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES GUYS.

GOD BLESS PO SA ATING LAHAT!

THANK YOU!

MG'25 (03-03-21)

LadyGem25creators' thoughts