webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

C-93: I'M BACK

SAN LUIS, BATANGAS

JOAQUIN:

"Daddy lets go na, hinihintay na tayo ni Mommy!"

"Okay, I'm coming..."

Kasalukuyan nitong itinutupi ang manggas ng polong suot nang tawagin ito ng anak na si VJ.

Agad na rin siyang lumabas pagkatapos na masigurong maayos na ang sarili.

Kung pagmamasdan larawan siya ng isang matatag na tao.

Mababakas ang masayang awra sa kanyang mukha. Kahit sa likod nito naroon ang nakatagong kalungkutan.

Pilit niyang kinukundisyon ang sarili na maging masaya para sa kanyang anak. Sinisikap rin niya na magkaroon ng oras palagi sa Anak.

Tulad ngayon araw ng Linggo, sabi nga nila today is a family day. Kaya't ipapasyal nila ito ngayon kasama si Liscel.

Paglabas niya ng kwarto nasa labas na ang Anak at sadyang naghihintay. Magkahawak kamay pa silang bumaba nito mula sa second flour ng bahay.

Habang si Liscel ay matiyaga namang naghihintay habang nakaupo sa Salas sa ibaba ng bahay. Kausap naman nito ang kanilang Papa habang hinihintay sila nito.

Napabuntong hininga na lamang siya pagkakita kay Liscel habang matamang pinagmamasdan ito.

Medyo hapis na kasi ang mukha nito at malaki na inihulog ng katawan.

Bukod pa sa nangingitim na ang palibot ng mata nito. Maaring hindi na rin ito nakakatulog ng maayos.

Halatang may dinaramdam at pilit lang nagpapakatatag. Alam niyang nahihirapan na rin ito at hindi lang sinasabi sa kanya.

Gusto niyang maawa sa babae pero wala naman siyang magagawa.

Halos mag-iisang Linggo na rin ito sa poder nilang mag-aama. Siya na rin ang kusang loob na nagsuggest dito na pumisan na sa kanila. Para hindi na rin ito mahirapan pa sa pagbibiyahe mula Maynila papunta dito sa Batangas.

Gustong gusto kasi nito na laging makasama si VJ. Marahil gusto nitong makabawi sa kanilang anak. Kaya halos araw araw din itong bumibiyahe patungo dito sa Batangas.

Naaawa na rin siya kay Liscel, lagi na lang itong pagod sa b'yahe. Kaya sinabihan niya ito na manatili na sa bahay.

Kahit paano naman may pinagsamahan rin sila at saka matagal na rin naman niya itong napatawad.

Hindi naman siguro masama kung magkasama sila ulit kahit bilang magkaibigan lang, alang alang sa kanilang Anak.

Ngayong araw napagkasunduan nilang gugulin ang buong maghapon sa pamamasyal.

Plano nilang sa malapit na lang pumunta. Para hindi gaanong mapagod si Liscel. Dahil ang mahalaga naman magkakasama sila ngayon.

"Mommy aalis na po tayo narito na si Daddy." Salubong nito sa ina na agad namang tumayo ng makitang pababa na sila.

Sinundan na rin ito ng tayo ni Liandro.

"Oh' nakagayak na pala kayo, mabuti naman kanina pa kayo hinihintay ni Liscel."

"Okay lang po Tito Hindi naman po ako nainip, narito naman po kayo." Saad nito na nakangiti pa rin kahit halatang naiilang.

"Pasensya na kung medyo natagalan ako, tumawag kasi si Rusell kanina. May idiniscus lang ako tungkol sa trabaho kaya hindi ako agad nakapagbihis."

Paliwanag niya, totoo naman kasing tumawag si Rusell. Muntik pa nga niyang makalimutan kung hindi pa niya naalala na may lakad nga pala sila. Kaya nagmadali na siya sa pagbibihis ng maalala.

"Okay lang talaga..." Ulit pa ni Liscel. Tila ingat na ingat ito na magkamali ng salita.

Napabuntong hininga na lamang siya habang pinagmamasdan ito.

Nang biglang magsalita si VJ...

"Nagpapogi pa kasi si Daddy eh' saka nagpabango. Kagaya ng ginagawa niya palagi noon kapag nandito si Mama Angela."

Bigla tuloy natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni VJ. Ngunit unang nakabawi si Joaquin.

"How many times did, I tell you na h'wag mo nang babanggitin ang pangalang 'yan?" Naiinis na niyang bulyaw sa Anak.

"Joaquin, hijo hindi naman niya sinasadya. Ano ka ba Anak?" Pagtatanggol ni Liandro sa apo.

"Sorry po Daddy, hindi ko na po uulitin." Mangiyak-ngiyak na tugon naman ng bata.

Nilapitan na ito ni Liscel at inalo sabay yakap nito kay VJ. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng awa sa mag-ina. Hindi naman niya gustong masaktan ang kalooban ng mga ito.

Nakakaramdam lang siya ng inis at ayaw na niyang maalala pa si Angela at pilit na rin niya itong kinakalimutan. Pero palagi itong pinapaala ni VJ sa kanya.

Hindi rin niya maintindihan kung bakit ganu'n lang kasimple dito na banggitin ang pangalan ni Angela. Kahit pa sa harap mismo ng sariling ina.

Hindi niya alam kung ano eksaktong nararamdaman ni Liscel pero sigurado siyang nasasaktan din ang kalooban nito hindi lang nito pinapahalata.

Pero ang totoo siya yata ang higit na apektado. Dahil kahit pilit man niyang iwaglit sa isip, hindi niya magawa.

Naroon pa rin ang sakit, parang dinudurog pa rin ang puso niya. Lalo na kapag naiisip niya kung nasaan ngayon ang mga ito?

Kung ano ba ang posibleng ginagawa ngayon ni Angela at ng lalaking iyon na ipinagpalit nito sa kanya.

Dahil hanggang sa mga oras na ito alam niyang kasalukuyan pa ring nasa ibang bansa ang dalawa at hindi pa nakakabalik ng Pilipinas.

"Mukhang nasarapan pa sa paghahoneymoon ang mga walanghiya!" Bulong ng nasasaktan niyang puso.

"Humanda kayo sa'kin pagbalik n'yo, hindi ko kayo mapapatawad magbabayad kayo sa'kin mga walanghiya!" Bulong ng isip niya hindi na niya pansin ang mga nasa paligid niya.

Bigla rin kasi ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha.

Mula sa masiglang anyo niya kanina, napalitan ito ng galit at seryosong anyo. 

"Hijo okay ka lang ba?"

Nag-aalalang tanong ng kanyang Ama. Tila nagising naman agad ang kanyang diwa at naaalala ang kasalukuyang sitwasyon.

"Ah' o-okay lang ako Pa, pasensya na." Hinging paumanhin niya, bago bumaling kay Liscel na nakamasid.

Kung ano man ang nasa isip nito ay walang nakakaalam. Nanatili itong tahimik lang...

"Let's go, alis na tayo? Sorry Anak nabigla lang ako, galit ka ba sa'kin?" Baling naman niya kay VJ, alam niyang nasaktan niya ito sa inasal niya kanina.

Hindi lang talaga niya maiwasang hindi makaramdam ng galit at inis. Kahit alam niya na magkaiba sila ng pakiramdam pagdating kay Angela.

Dahil hindi niya ito nakitaan ng galit sa ina-inahan. Alam niyang nanatili pa rin itong naghihintay kay Angela.

"Hindi po Daddy, sorry din po!"

"Okay now, p'wede na ba tayong umalis? Tanghali na baka abutan na tayo ng lunch sa daan."

"Mabuti pa nga at lumakad na kayo at tanghali na!"

"Sa Resort na lang kami kakain ng lunch bago kami mamasyal at magshopping. Nagpahanda na ako ng pananghalian doon. Bakit hindi ka na lang kaya sumama sa amin Papa? Kahit sa Resort lang para sabay sabay na tayong maglunch." Suhestyon niya sa Ama.

"Oo nga po Tito mas okay 'yun!"

Segunda naman ni Liscel...

"Naku hindi na, para sa inyo ang araw na ito kaya sige na lumakad na kayo. Pupunta pa kasi ako sa Farm, hinihintay ko lang talaga na makaalis kayo."

"Sandali lang naman tayo doon Papa, pagkatapos kumain saka ka pumunta sa Farm."

"Sige na po Lolo sama ka na, please..." Yumakap pa ito sa abuelo na tila naglalambing. 

Kaya naman wala na itong nagawa kun'di ang sumama sa kanila papunta sa Resort.

________

AMANDA:

Tatlong araw na ang nakalipas mula ng magbalik siya galing ng Iloilo.

Mula sa Airport tumuloy muna sila sa isang Hotel sa Alabang.

Pinili niyang sa Hotel na lang muna tumuloy, may pera pa naman siya kahit paano kaya kakayanin pa naman niya ang mag-hotel.

Pansamantala lang naman, hindi naman siya magtatagal dito. Baka nga kapag nakausap na niya ang mag-aama siguradong hindi na siya pababalikin ng mga iyon sa Maynila.

Napangiti pa siya sa kanyang naiisip at nakakaramdam na rin siya ng excitement sa kanyang pagbabalik.

Wala siyang kamalay-malay sa totoong sasalubong sa kanya sa oras na siya ay bumalik.

Hindi muna kasi sila dumeretso ng Batangas kahit 'yun sana ang gusto niyang gawin.

Kahit nami-miss na niya talaga ang mga taong naging bahagi ng buhay niya at naging pamilya sa loob ng mahigit limang taon.

Noong mga panahon na hindi pa bumabalik ang lahat ng kanyang alaala.

Nag-aalangan kasi siya na baka hindi na maging ganu'n kadali. Pagkatapos na iwan niya ang mga ito ng hindi man lang siya nakapagpaalam. Sa madaling salita nagi-guilty at nahihiya siya sa inasal niya.

Pero siguro naman kung malalaman nila ang naging sitwasyon niya maiintindihan rin siya ng mga ito.

Pagpapalakas loob na lang niya sa sarili.

Ngayong araw kasi ang plano niyang bumalik. Kaya gumising siya ng maaga para paghandaan ang araw na iyon.

Palabas na siya ng kwarto ng makita niya si Lyndon na nagkakape sa salas ng okopado nilang suite.

Agad itong napatayo ng makita siyang nakabihis.

"Naku ma'am may lakad po ba tayo ngayon?" Tanong nito.

"Ako lang hindi ka kasama, kaya sige na ituloy mo lang ang pagkakape." Saad niya dito.

Sinadya talaga niyang hindi sabihin dito ang plano niyang pag-alis ngayong araw.

Dahil hindi niya gusto na bubuntot na naman ito sa kanya. Kahit saan pa siya magpunta ay kasunod pa rin niya ito.

Ang akala niya ihahatid lang siya nito pabalik ng Maynila at iiwan na siya pagkatapos. Pero hindi na siya nito iniwan, kabuntot pa rin niya ito hanggang sa makarating siya ng Hotel.

Hindi na lang siya kumibo at hinayaan na lang niya itong ihatid siya sa Hotel.

Pero hindi pa rin ito umalis kahit ng makakuha na siya ng sarili niyang Hotel suite.

Kaya hindi na siya nakatiis siya na ang nagsabi dito na iwan na siya at siya na ang bahala sa sarili.

Ngunit hindi pa rin siya nito iniwan. Nang tanungin na niya ito kung bakit hindi pa rin ito umaalis?

Ang sabi nito wala pa raw utos na iwanan na siya nito. Kaya't kailangan pa rin siya nitong bantayan.

Kaya wala na rin siyang nagawa kun'di ang tanggapin na kasama na niya talaga ito saan man siya magpunta? Dahil sa tingin niya wala talaga itong balak umalis sa tabi niya.

Pero hindi sa pagkakataong ito, hindi niya ito p'wedeng isama sa Batangas.

Siguradong itatanong nila kung bakit siya may kasama?

Ano na lang ang sasabihin ng mga taong pupuntahan niya sa Batangas? Kapag nalaman ng mga ito na may bibit pa siyang asungot.

Baka nga mapagkamalan pa na silang dalawa? Dahil sa sobrang lapit nito sa kanya sa tuwing nasa labas sila ng bahay. Hindi naman niya ito mapagsabihan.

Kapag naman sinabi niya sa kanila na pinababantayan siya, sigurado ang kasunod nu'n ang tanong kung sino?

Sino nga ba, kahit siya hindi pa niya alam kung bakit kailangan pa siyang bantayan at sino ba ang nag-uutos na bantayan siya?

Noong una naiilang pa siya kay Lyndon pero nitong huli kahit paano medyo nasasanay na rin siya sa presensya nito.

Kaya lang para bang naalala niya si Maru' sa katauhan nito.

Hindi niya alam kung bakit pero iyon ang eksaktong pakiramdam niya dito. Parang may lihim rin ang pagkatao nito na hindi niya maintindihan.

Palabas na siya sa kanilang suite ng maramdaman niya na parang kasunod rin niya ito. Kaya siya muling lumingon, muntik pa silang magkasalubong ng mukha.

Dahilan para mapahugot siya ng malalim na paghinga.

"Hindi ba sabi ko ako lang ang aalis at hindi ka kasama, bakit ka ba sumusunod?" Naiinis nang sita niya dito.

"Eh' ma'am pasensya na kahit ayaw n'yo pa akong kasama, trabaho ko pa rin ang bantayan kayo. Kaya sa ayaw sa gusto n'yo babantayan ko pa rin kayo! Dahil ayokong mawalan ng trabaho."

"Eh' sino ba naman ba kasi ang nag-uutos sa'yo na bantayan ako?  Wala naman akong natatandaan na nag-hired ako ng bodyguard ah'?"

"H'wag kang mag-alala ma'am malalaman mo rin kapag nagkita na kayo ulit."

"Kapag nagkita kami ulit, means nagkita na kami dati?" Nagtatakang saad niya.

"H'wag n'yo na po akong tanungin ma'am dahil wala po akong sasabihin!" May katiyakan tugon nito.

"Naku ewan ko sa'yo bahala ka na nga!" Sinabayan niya ito nang talikod. Nauubusan na siya ng pasensya at saka naalala niya na aalis nga pala siya.

Kaya tuloy tuloy na siyang naglakad patungo sa elevator at sadya pa niyang binilisan at iniwan na ito.

Ang akala niya magagawa niya itong takasan. Pero bago pa siya makarating sa pintuan ng elevator nauna na ito. Hindi naman siya makatakbo dahil inaalala niya ang kanyang anak.

Nahahalata na rin ang kanyang pagbubuntis at napahawak pa siya sa kanyang tiyan ng bigo siyang unahan ito.

"Ma'am p'wede po bang h'wag n'yo nang pahirapan ang sarili n'yo baka kung ano pa mangyari sa inyo niyan eh', siguradong patay ako!" Humihingal pang pakiusap nito.

"Bahala ka nga!" Sabay talikod at deretsong pumasok sa loob ng elevator.

Pipindutin pa lang niya ang buton pababa naunahan na naman siya nito. Bakit ba ang bilis nitong kumilos? Naibulong pa niya sa sarili.

Pagbaba nila hindi na siya nito hiniwalayan at iginiya na palapit ng sasakyan, na hindi rin niya alam kung saan nito pinulot.

Dahil ito na ang service nila mula pa ng bumalik  sila ng Maynila.

Basta pagdating nila sa Airport may sasakyan na, na naghihintay sa kanila.

Kahit puno pa siya ng pagtataka wala siyang nagawa kun'di sumunod. Sigurado siyang gawa pa rin ito ng taong nag-uutos dito.

"Saan po ang punta natin Ma'am?" Tanong muna nito bago pa i-start ang sasakyan.

"Batangas tayo, sasabihin ko sa'yo kapag naroon na tayo. Kung saan ang eksaktong lugar."

"Sa Food shop po ba Ma'am sa Resort o sa mismong bahay ng mga Alquiza?" Tanong ulit nito.

"Huh'?" Kung ganu'n pala wala na pala siyang itatago, kilalang kilala pala siya nito. Nang higit pa sa kanyang inaasahan?

Naisip niya...

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman, pero mas higit ang kanyang pagkainis. Dahil hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o dapat siyang mabahala?

Dahil ayaw niya ng ganitong pakiramdam. Dahil nalilito siya at hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Dahil baka isang araw magugulat na lang siya na, hindi pala dapat niyang hinayaang mangyari ang lahat.

Naalala niya ang ginawa ni Joseph, ang biglaang pagpropose na hindi niya napaghandaan.

Ano naman kaya ngayon ang ibig sabihin ng lahat ng ito?

Bakit ba parang ang dami palang nakakakilala sa kanya? Pero siya ngayon pa lang niya unti-unting nakikilala ang sarili.

"P'wede ko bang malaman kung ano ba talaga ang motibo ng Boss mo at kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito?" Inis na tanong niya, ipinaramdam talaga niyang naiinis na siya.

"Pasensya na po Ma'am pero wala ako sa posisyon para magsalita." Tugon nito. 

"Karapatan ko namang malaman hindi ba? Dahil ayoko na nang sinisekreto ako. Kapag hindi mo sinabi sa'kin, hindi na talaga ako papayag na sundan mo pa ako!"

"Pasensya na Ma'am, sumusunod lang po ako sa utos." Tugon ulit nito.

"Pasensya, pasensya! Puro ka na lang pasensya. Pagdating natin sa Batangas iwan mo na ako. Ayoko nang susundan mo pa ako. Dahil ipakukulong na kita kapag hindi ka pa tumigil ng kasusunod mo sa akin. Naiintindihan mo?"

"Pero Ma'am..."

"Tumigil ka na, ayoko nang marinig ang pangangatwiran mo! Kapag hindi ka pa tumigil talagang ipakukulong kita."

Napabuntong hininga pa ito bago muling nagsalita.

"Okay sige po kung 'yun ang gusto n'yo. Pero p'wede po bang pakinggan n'yo muna ako?"

Saglit na tinantiya muna nito ang magiging reaksyon niya. Bago pa muling nagsalita. Nang hindi pa rin s'ya kumibo saka lang ito nagpatuloy.

"H'wag po kayong mag-alala, ang totoo concern lang po talaga sa inyo si Boss. Ayaw lang niyang may masamang mangyari pa ulit sa inyo. Kaya gusto niya kayong protektahan."

"Hah' at ano naman ang alam niya sa buhay ko. Bakit kailangan niya akong protektahan. Ano ba ang alam niya sa masamang mangyayari sa'kin ha' at saka sino ba siya?" Pasigaw niyang tanong.

Ano ba ang mangyayari sa kanya e wala naman siyang kaaway. Ah' si Anselmo, nasip niyang baka iyon ang ibig nitong sabihin?

Bakit wala naman dito si Anselmo kaya imposibleng namang masundan siya dito ng taong iyon.

Saka hindi naman alam ni Anselmo na narito siya, kaya bakit siya nito masusundan? Hindi naman siya nito kilala.

"Ayaw lang ni Boss na mapahamak ka ulit, kagaya ng nangyari sa'yo noong bago ka pa pumunta ng Cebu." Tugon nito.

"Anong ibig mong sabihin na bago ako pumunta ng Cebu?"

Bigla na lang siyang napaisip...

Ano bang nangyari sa akin noon? Awtomatiko ring nagflashback sa kanyang isip ang mga pangyayari. Bago siya nagpasyang pumunta ng Cebu.

Parang eksena sa pelikula na dumaloy sa kanyang isipan ang mga nangyari nitong huli. Saglit siyang napapikit, tila lalo lang siyang nakaramdam ng curiosity.

Sino ba talaga ang amo nito para makilala siya ng ganu'n?

"H'wag po kayong mag-alala Ma'am, magkikita rin kayo sa takdang panahon. Malapit na po tayo sa Resort Ma'am saan po ba tayo unang baba?"

Ang dapat sana niyang sasabihin ay biglang nabalam. Dahil sa sinabi nito, napalitan ito ng kaba sa kaalamang narito na ulit siya ng Batangas.

Ang lugar na kanyang tinakasan, ngunit paulit-ulit pa rin niyang babalikan. Dahil dito rin siya naging masaya.

Magkahalong lungkot at pananabik ang nararamdaman niya ngayon. Ngunit nababalot rin siya ng kaba at samu't-saring emosyon.

Hanggang sa naramdaman niyang unti-unting bumabagal ang sasakyan nila. Marahil tila hinihintay ni Lyndon ang kanyang pagpapasya. 

Dahil palapit na sila sa entrance ng Resort.

"Ma'am?" Alanganing tanong nito sa kanya at tila hinihintay lang nito ang kanyang magiging tugon.

"Sige ihinto mo muna sa tabi dito na lang muna tayo."

Inihinto nga nito ang sasakyan sa gilid ng entrance ng Resort. Balak na sana niyang lumabas ng bigla siyang matigilan. Isang sasakyan ang kasunod nilang dumating.

Sasakyan na kilalang kilala niya dahil ito ang sasakyan na alam niyang gamit ni Joaquin.

Kaya't ang plano niyang paglabas ay hindi natuloy. Nagkasya na lang muna siya sa pagtanaw dito.

Hinintay muna niyang umusad ang sasakyan. Ngunit huminto na ito sa mismong tapat nila, nahigit tuloy niya ang paghinga at bahagya pang napayuko.

Kahit tinted naman ang kanilang sasakyan. Tuluyan na rin kasi itong huminto.

Tila ba wala na rin itong balak pumasok sa loob ng Resort. Kaya tulad rin nila huminto na lang ito sa gilid ng entrance ng Resort. 

Marahil sandali lang ito doon at hindi magtatagal naisip niya.

Ilang saglit pa ang lumipas ng unang bumukas ang passenger seat kasunod nito ang driver seat...

Halos magkasabay na lumabas dito ang mag-amang Liandro at Joaquin.

"Joaquin!" Pabulong pa niyang sambit.

Kasabay nito ang pag-uunahan ng mga luha sa kanyang mga mata. Natutop pa niya ng kamay ang bibig upang pigilan ang labis na emosyon.

Labis ang pananabik niya sa binata, ngunit sinisikap pa rin niyang pigilan ang sarili.

Kahit gustong gusto na niya itong lapitan at yakapin.

Patuloy na bumabalong ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Habang patuloy na pinagmamasdan ito.

Nang hindi na siya makatiis, muli tinangka niyang buksan ang pinto.

Ngunit.....

Bigla na naman siyang natigilan ng isang babae ang biglang lumabas mula sa backseat ng sasakyan.

"Huh'?"

Isang babaing matangkad at may magandang mukha, kahit pa medyo payat itong tingnan.

Ngunit bakas pa rin ang taglay nitong ganda para itong isang modelo.

Ang akala pa nga niya tapos na ang sakit at pananaghili na mararamdaman, ngunit hindi pa pala...

Dahil kasunod nitong lumabas ang kanyang anak si VJ. Makikita ang masayang ngiti at tuwa sa mga mata ng bata. Habang akay ito ng babaing iyon.

Hindi!

Bakit ganu'n nahuli na ba ako ng dating?

Mahigit tatlong buwan lang naman akong nawala ah'... Bakit kay'dali naman nila akong nalimutan?

Wala na rin ba akong babalikan?

Mga tanong na pumupuno sa kanyang isip...

Kasabay ng pagkawasak ng kanyang puso ang pagkamulat sa katotohanang ang dating abot kamay lang niya. Ngayon ay tila hindi na niya kayang abutin at parang ang layo na nang mga ito.

Ang tahimik tuloy niyang pag-iyak kanina ay unti-unting nagkaroon ng tunog.

HINDI!

HINDI P'WEDE....

Paano naman ako, paano na kami ng magiging Anak ko?

Isang pasya ang nabuo sa kanyang isip, kailangan niyang makausap si Joaquin. Kailangan niyang ipaglaban ang karapatan ng kanyang Anak!

Agad niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan. Tatayo na sana siya upang lumabas at habulin ang mga ito.

Habang kasalukuyan nang pumapasok sa loob ng Resort.

Ngunit isang kamay ang bigla na lang pumigil sa kanya. Napabalik tuloy siya ng lingon kay Lyndon habang mahigpit na hawak nito ang kanyang braso.

"Ma'am sandali lang..."

"Ano ba, bakit mo ako pinipigilan at saka bitiwan mo nga ako?" Nang maalala niya ang kanilang sitwasyon.

Pero hindi pa rin siya nito binitiwan kahit nang tangkain niyang magpumiglas at pilit kumawala dito. Bigla pa siya nitong niyakap sa kanyang pagkagulat.

"Sorry po talaga Ma'am pero kailangan ko itong gawin. H'wag ka na kasing magwala baka kung mapaano ka lang..." Mababakas na sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

Pero pilit pa rin siyang kumawala at pabiglang itinulak niya ito sa dibdib.

Ngunit bigla siyang natigilan.....

"Huh' a-anong teka sandali nga, b-babae ka ba?"

Gulat at nalilito niyang kumpirmasyon!

*****

By: LadyGem25