webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

C-85: MISSING YOU!

JOSEPH

Narito sila ngayon sa bahay ng mga Ramirez na narito rin sa Alabang. Dito na sila namalagi sa nagdaang magdamag. 

Kasama niya si Joaquin at ang mga pinsang si Joshua at Arvin.

Habang si Liandro at Dr. Darren ay bumalik na ng Batangas. Dahil kahapon pa sila narito at patuloy na naghahanap kay Angela.

Kahapon kasi nalaman nila na narito sa Maynila si Angela. Dahil nalaman rin nilang ibinenta nito ang bag nitong dala. Madali lang naman nilang natunton ang pinagbentahan nito ng bag sa online.

Alam nila na walang dalang pera si Angela at mangangailangan ito ng panggastos. Ngunit kung nasa maayos na isip pa rin ito tiyak na alam nito kung ano ang dapat gawin. 

Ayon sa salaysay ng nurse na huling nakausap ni Angela noong manggaling ito sa Ospital.

Maayos itong makipag-usap at nasa tamang pag-iisip at normal mag-isip.

Kaya't naisip ni Joaquin na kung hindi ito gagamit ng pera sa sarili nitong account. Maaaring wala itong pagpipilian kun'di ang magbenta ng gamit nitong dala.

Binenta nga nito ang dala nitong bag sa online. Sa pagkakataong iyon masusubukan ang galing ni Joaquin sa paghahap gamit ang computer. Kaya't madali nilang na-trace kung saan nangyari ang transaction.

Pero nahihirapan pa rin silang hanapin ito lalo na at natiyak na nila na ito mismo ang nagtatago sa kanila. Pero delikado pa rin sa dalaga ang magpagala-gala lang kaya hindi pa rin sila tumitigil sa paghahanap. Dahil wala itong kamalay-malay na nasa peligro ito ngayon.

Hindi rin ligtas dito ang lumakad ng nag-iisa. Kaya't hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa na makikita rin nila ang dalaga.

Maaga siyang gumising kahit lahat ay walang maayos na tulog lalo na si Joaquin. Ang buong akala niya siya pa lang ang unang nagising. Pero gising na rin pala si Joaquin pagbaba niya o baka hindi na rin ito natulog?

Gusto niyang maawa dito pero pareho lang naman silang nangungulila sa dalaga. Pero kahit paano kaya pa niyang kontrolin ang kanyang sarili.

Pero hindi si Joaquin dahil halos dalawang araw pa lang mula ng umalis si Angela.

Napaka-miserable na nitong tingnan. Madalas niya itong mapansin na nakatulala lang at marahil nag-iisip.

Kaya't nag-aalala na sila dito lalo na ang kanilang Papa. Ayaw na niyang makipag-kumpitensya pa kung sino man ang mas higit na nagmamahal kay Angela. Pero alam niyang higit na nasasaktan ito ngayon sa mga nangyayari.

Lalo na ngayong batid nilang kusang lumayo ang dalaga at hindi ito nagpaalam sa kanila.

____

Saglit na nagpaalam si Joseph sa kapatid upang magtungo sa bahay ni Madz Soliven.

Tumango lang ito at hindi na kumibo. Kaya't agad na siyang umalis babalik rin naman siya agad.

Meron lang kasing gumugulo sa isip niya nitong mga huling araw. May gusto lang siyang alalahanin sa bahay ni Madi.

Dahil malapit lang naman dito ang bahay ni Madi kaya hindi naman siya magtatagal. P'wede na nga niyang lakarin pero mas pinili na niyang sumakay ng dala niyang sasakyan.  

Pagdating sa bahay ni Madi agad siyang pinagbuksan ng gwardiya ng makilala siya agad nito.

"Good morning po, Sir kayo po pala?" Agad na pagbati nito sa kanya matapos buksan ang gate at dumaan ang sasakyan niya sa harap nito.

Binuksan niya ang bintana ng kotse upang bilinan ito.

"H'wag mo na munang isara 'yun gate, aalis din naman ako agad may titingnan lang ako sa loob."

"Po? opo, Sir!" Medyo alanganin man, pero dahil tiwala naman ito sa kanya kaya sumunod na lang ito.

Hinintay pa muna siya nitong makababa ng sasakyan. Pero tatalikod na sana siya at deretso ng papasok sa bahay nang tila may naalala itong sabihin...

"Ay Sir..." Tila bantulot pa ito. Pero sa huli, muling nagpatuloy.

"Galing nga po pala dito ang girlfriend n'yo kahapon!" Medyo nilakasan pa nito ang boses dahil marahil naisip nitong malayo na ang distansya nilang dalawa.

Kaya malinaw niyang narinig ang sinabi nito na muling nakapagpalingon sa kanya sa direksyon nito.

Bago pa niya mahawakan ang pinto ng main entrance ng bahay.

GIRLFRIEND?

Medyo nalilito at alanganin pa siya sa sinabi nito. Ngunit mas pinili niyang bumalik at linawin ito. Kaya't muli siyang lumakad pabalik habang tinatanong ang guard.

"Sandali, anong sabi mo?" Muli naman itong lumapit sa kanya.

"Sabi ko po 'yung Girlfriend n'yo nandito rin kahapon pero hindi naman po pumasok sa loob sa gate lang po kami nakapag-usap."

"Teka sandali sinong Girlfriend ko ang tinutukoy mo?"

Nahihimigan na niya kung sino ang tinutukoy nito ngunit gusto pa rin niyang makasiguro.

"Eh' Sir sabi po kasi nila Sir Arvin at Joshua siya daw po ang nobya n'yo eh' mali po yata ako?" Tuliro nang saad ng guard ng makaramdam ng tensyon sa kilos niya.

"Ang tanong ko kung sino bang tinutukoy mo? Kaya 'yun lang ang sagutin mo! Si An..."

"Si Ma'am Angela po!" Agad na sagot nito, hindi na hinihintay na tapusin niya ang kanyang tanong.

"Si A-Angela, sigurado ka ba talagang si Angela ang nakausap mo? Kailan, saan, ngayon lang ba, nasaan siya ngayon, nandito ba siya?" Sunod-sunod na niyang tanong dito, habang palakad lakad minsang pasulong o paurong tapos lalapit ulit sa guard.

Napapakamot na lang tuloy sa ulo ang guard na nalilito at hindi na rin alam ang gagawin at sasabihin sa kanya.

"Eh' Sir kahapon pa po ng umaga kami nakapag-usap. Ano po ba ang nangyayari Sir?"

"Kahapon pa anong oras 'yun, may sinabi ba siya at bakit dito siya nagpunta, nasaan daw siya ngayon sinabi rin ba niya?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Po?"

"Oh' I'm sorry, nawawala kasi siya at hinahanap namin siya ngayon umalis kasi siya ng walang paalam at hindi namin alam kung nasaan at kung saan namin siya hahanapin? Kaya kung nagpunta siya dito maaaring nandito lang din siya! Hindi ba niya sinabi sa'yo kung saan siya posibleng pumunta?"

"Eh' hindi po Sir, pero hiningi po niya ang number dito sa bahay. Kaya baka po tumawag siya dito? Hinahanap po kasi niya si Ma'am Mandy. Kaya po pala naka-taxi lang siyang pumunta dito. Tinanong ko pa po siya kung bakit hindi kayo kasama. Ang sabi po niya may pinuntahan lang siya malapit dito at napadaan lang siya dito sa bahay. Kaya nagtataka rin po ako kung bakit hindi niya alam ang mga number na tinatanong niya. Ang hinala ko po wala siyang dalang cellphone kaya 'yun number dito ang hiningi niya." Nauwi siya sa malalim na pag-iisip habang nagsasalita pa rin ito.

"Sandali ang sabi mo si Mandy ang hinahanap niya hindi ba niya sinabi kung bakit niya ito hinahanap?"

"Hindi ho Sir, pero sa tingin ko po pursigido siyang hanapin si Ma'am Mandy kasi tinanong pa niya kung saan ito p'wedeng pumunta at saka hindi po pala niya alam na may anak na si Ma'am eh' nasabi ko po eh'!"

"Sandali may tatawagan lang ako d'yan ka lang h'wag kang aalis mag-uusap pa tayo!" Sinimulan na niyang tumawag sa cellphone.

"Hello! Bakit hindi ko ma-contact si Joaquin nasa bahay pa ba kayo ngayon?"

"Oo bakit? Kanina pa siya may tinatawagan e ngayon kausap na yata si Tito Liandro."

"Sabihin mo kakausapin ko ibigay mo sa kanya 'yang phone."

"Okay! Sandali lang... Kuya Joaquin si Kuya Joseph nasa phone!"

"Bakit?"

"Bro, nagpunta rin daw si Angela dito kahapon." Bahagya siyang lumakad palayo sa gwardiya...

Habang kausap niya si Joaquin, hindi sinasadyang mahagip ng paningin niya ang isang taxi na nakaparada sa labas.

Medyo malayo naman ito sa bahay ni Madi pero abot tanaw niya pa rin. Hindi naman sana niya ito mapapansin.

Kaya lang nakita niyang nasa labas ang driver nito habang naninigarilyo at nakasandal sa sasakyan.

Tila ba may hinihintay ito pero ang mas nakaagaw ng kanyang atensyon ay ang pagkakatingin nito sa direksyon ng bahay. Dahil imbes na sa bahay sa tapat nito itutok ang tingin nito, tila yata dito mismo sa bahay ni Madi nakatingin?

Kaya lumakad siya palapit ng gate habang kausap pa rin niya si Joaquin para mas makita niya itong mabuti sa labas at upang masiguro rin na dito nga sa gawi nila ito nakatingin.

"Ha' kelan anong oras?!" Tanong ni Joaquin sa kabilang linya.

"Kahapon daw ng umaga at hinahanap niya si Ama.... Oh' shit!"

"Ano? Hello..."

"A-Angela?" Bahagya na lang niyang naabutan ang dalaga na pasakay na sa taxi na kanina pa niya tinitingnan.

"ANGELAAA!" Naisigaw na lang niya ang pangalan nito upang tawagin ito. Ngunit tila parang hindi siya nito narinig.

"Hey, Kuya ano bang sinasabi mo, hello?"

"Si Angela nakita ko siya, narito siya!"

"Ano, nasaan totoo bang sinasabi mo? Kuya pupunta kami d'yan h'wag mo siyang hahayaang makaalis! Hello Kuya naririnig mo ba ako?" Naririnig niya ang sinasabi nito pero wala na dito ang focus ng isip niya ang nais niya, mahabol ang dalaga.

Ngunit pagtawid niya nakalayo na ang taxi. Awtomatikong bumalik siya ng bahay upang kunin ang sasakyan.

Mabilis siyang sumakay ulit sa kanyang kotse at nagmadaling makalabas.

"Sir saan po kayo pupunta anong nangyari Sir?"

"Susundan ko si Angela kapag dumating si Joaquin sabihin mo tatawag ako!" Sigaw na niya habang palabas na ang kanyang sasakyan.

"Oho Sir, mag-ingat po kayo Sir!"

Tuloy-tuloy na niyang pinaandar ang sasakyan. Nakita pa niya ito ng lumabas ng Village, ngunit tila binilisan na nang taxi ang takbo nito. Dahil sa crossing na niya ito huling nakita kaya't nalito siya sa dami ng taxi na dumadaan na kaparehas din ng sinasakyan ni Angela.

Tapos bukod sa rush hour na inabutan pa siya ng trapic sa south bound...

"Shit, shit! Bakit ba hindi ko nakita ang plate number?"

Napamura na lang ang binata dahil sa sobrang inis at kalituhan sa nangyari.

"Hello, Kuya buti naman sumagot ka na... Nasaan ka? Malapit na kami sa Town Center nasaan ka na ba?"

"Sige doon na lang tayo magkita, malapit na rin ako d'yan!"

Malungkot niyang saad...

Pero wala na siyang magagawa hindi na niya talaga makita 'yun taxi. Kahit anong hanap ang gawin niya o baka nakababa na rin ito?

Sadya yatang mahirap talagang hanapin 'yung taong nagtatago parang gusto na rin niyang maniwala sa kasabihang ito.

Bakit ba ayaw mong magpakita, nasaan ka na ba? Please magpakita ka na!

Pangako, palalayain na kita...

Basta magpakita ka lang kung siya talaga ang gusto mo? Okay na ako, basta makita ko lang na masaya ka. Pangako magiging masaya na rin ako para sa'yo!

Hindi ko gugustuhin kailan man na mapahamak ka para lang maiwasan mo kami Joaquin.

Sige na magpakita ka na, please!

Malungkot at desperado na niyang saad sa sarili.

Handa naman talaga siyang magparaya. Dahil mas mahalaga pa rin sa kanya ang kabutihan ng dalaga kaysa sa pansarili niyang kaligayahan.

Kaya't makita lang nila ito handa na siyang magparaya...

"Kuya!" Malakas na sigaw sa kanya ni Joaquin.

Without any care if it's cause of noise to everyone's there, who cares anyway?

But, duh! One thing get into his mind already. When he's going towards them...

Ngayon lang ulit n'ya naramdaman ang pagtawag sa kanya nito ng kuya o baka dahil ngayon lang rin ito nagkaroon ng kahulugan?

Dahil lately, mas pinili na lang nila na magkasundong hanapin si Angela kaysa ang mag-away. Kahit madalang silang mag-usap.

"A-anong nangyari nasaan na s'ya Kuya?"

Tanong nito na palinga-linga sa paligid sa pagbabakasakaling makikita ang hinahanap. Kahit pa may duda na rin ito, pero nais pa ring umasa.

Mababakas ang unti-unting pagbalatay ng lungkot sa mukha nito. Dahil sa katotohanan na muli na naman silang nabigo.

____

Subalit ang hindi nila alam, ang malakas na sigaw ni Joaquin. Ang nagsilbing alarma sa sana'y pagpasok ni Amanda sa lugar na malapit sa parking area.

Bigla rin itong napalingon sa direksyon nila. Pagkarinig niya sa boses na iyon na kilalang kilala rin niya. Nagulat man ito ngunit agad rin na nakabawi.

Bago pa man s'ya makita ng mga ito. Agad s'yang napaurong at nagtago. Hindi pa s'ya dapat na makita ng mga ito.

Kahit batid pa niya na s'ya talaga ang hinahanap ng mga ito ngayon. Saglit pa muna niyang pinakinggan ang pag-uusap ng mga ito. Bago s'ya nagpasyang umalis. Bago pa mabatid ng mga ito na naroon lang din s'ya.

Kaya't mabilis at maingat siyang umalis sa lugar na iyon. Agad rin s'yang sumakay ng taxi at tuloy tuloy nang bumalik kung saan s'ya tumutuloy.

Kahit pa mahirap din sa kanyang kalooban na makita ang mga ito na nahihirapan sa paghahanap sa kanya.

Ngunit kailangan niyang tikisin ang mga ito upang magawa niya ang mga bagay na nais muna niyang gawin na hindi, kailangan na umasa sa mga ito.

Kaya't kailangan na talaga niyang mag-isip ng mga susunod niyang plano.

Isa lang naman ang naiisip n'yang gawin ang bumalik kung saan s'ya nagsimula?

Pero paano n'ya ito gagawin kaya ba niyang bumalik ng nag-iisa?

___

Palakad lakad na s'ya sa loob ng kwarto habang nag-iisip ng mga dapat niyang gawin.

Nakakaramdam na rin s'ya ng gutom. Tanghali na kasi at kaninang umaga pa s'ya hindi kumakain. Gusto n'ya sanang lumabas at bumili ng pagkain pero natitigilan s'ya dahil sa kanyang sitwasyon.

Baka kasi nag-iikot pa rin ang magkapatid kasama ang mga pinsan nito at hinahanap pa rin s'ya hanggang sa mga oras na ito? Kaya wala s'yang choice kun'di kumain ng instant noodles upang maibsan ang kanyang gutom.

Bigla niyang naisip, siguro kung hindi bumalik ang alaala niya. Baka magkasama pa rin sila ni Joaquin ngayon o baka nasa Venice na ulit o nasa Australia na sila. Kagabi naalala niya na dapat magtatanan na sila ng nagdaang araw.

Dapat tatakas sila at isasama nila si VJ kahit paano gusto niyang isipin ang senaryo kung ito ang nangyari at hindi pa rin bumalik ang alaala niya.

Siguro masaya na sila ngunit paano nga ba sila magsasaya sa kabila ng lahat?

Magiging masaya nga ba sila kung alam na alam nila na sila ay tumakas lang? Kaya siguro nangyari ito, bumalik ang alaala niya sa pagkakataong hindi niya inaasahan.

Pero nangyari pa rin. Pero ngayon baligtarin man ang mundo isa lang ang pipiliin niyang gawin.

Bago pa ang kung ano pa man kahit pa ito mangahulugan ng pagkawala ng sarili niyang kaligayahan.

Pipiliin pa rin niyang unahin ang paghahanap sa kanyang ina at kapatid na si Amara. Babalikan niya ang kanyang pinagmulan kahit ano pa ang mangyari?

Tama!

Babalik s'ya ng Cebu pero paano? Hindi na niya maalala kung saan sila dati nakatira?

Kahit pa 'yung eskwelahan kung saan s'ya nanggaling hindi niya maalala ang pangalan. Basta ang naalala lang niya sa school s'ya nanggaling tapos sa Cebu, tapos sa Iloilo.

Pero nakalimutan na niya kung ano ang pangalan ng school. Pero sigurado s'yang kapag nakita niya maalala rin n'ya iyon. Kaya nais niyang balikan ang lahat para maalala rin niya lahat.

Pero kapag bumalik s'ya sa Cebu kailangan niya ng pera. Ano na ang gagawin niya? Kahit marami s'yang pera hindi naman niya p'wedeng galawin.

Sigurado rin s'ya kapag sumakay s'ya ng eroplano o kahit pa Barko siguradong malalaman rin nila.

Hanggang sa may bigla na lang sumagi sa kanyang isip...

Kahit pa alam niya na hindi ito maganda at posible ring delikado ngunit kailangan pa rin niyang subukan. Kailangan lang niyang mag-ipon ng maraming lakas ng loob.

Hindi na s'ya nag-isip ng matagal agad niyang kinuha ang kanyang cellphone. Nagbukas s'ya ng isa niyang account nagresearch ng mga pangalan.

Sinimulan n'yang mag-scroll at nang makita ang hinahanap agad niya itong kinopya. Pagkatapos ay kinontak niya gamit ang bago niyang account.

Nagsend s'ya ng private message direct sa account nito. Matapos pa ang halos kalahating oras ng sumagot ito sa video call...

"Hey, cutie!"

"Hi, ako ito!"

"Oh' hi Miss Beautiful ikaw pala 'yan? Isa ba itong himala, totoo ba talagang ikaw ang kausap ko ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"H'wag kang mag-isip ng kahit ano, siguro naman nahuhulaan mo na kung bakit kita kinontak?"

"Yun nga ang hindi ko mahulaan, what happened to the good girl, with a beautiful smile and sweet lovable face are here in front of me now, is it true?"

"H'wag mo na akong bolahin, okay. Alam mong, kung hindi ko lang talaga kailangan ang tulong mo. Hindi ko hihingin ang serbisyo mo!"

"Wow talaga lang ah' alam ko gan'yan ka naman..."

"Hindi ko gustong ma-open k...!"

"It's okay sweetheart hindi mo kailangang magpaliwanag ikaw pa e malakas ka sa'kin! Sige na saan ba tayo p'wedeng magkita para makapag-usap tayo ng maayos?"

"Hindi ako makakalabas p'wede bang sunduin mo na lang ako dito?"

"Sure, my Lady! But I can't promise na maibabalik pa kita sa boyfriend mo? Pero sigurado ka ba talaga na magpapasundo ka sa'kin sa bahay n'yo ba o sa shop mo?"

"No, naglayas ako sa amin, nandito ako ngayon sa Alabang dito mo ako sunduin!"

"Wow! Totoo nga ba? Mukhang marami nga tayong pag-uusapan ah? Sige send mo na lang sa'kin 'yun address d'yan. Then I'll pick you up there, wherever you are my darling sweetheart?"

"Hmmm, okay!"

Matapos nga niyang i-send dito ang address ng tinutuluyan. Agad na rin n'yang tinapos ang pagkain at naghanda na upang pagdating nito okay na s'ya aalis na lang sila...

____

MANILA DOMESTIC AIRPORT

"Paano ba 'yan Sweetheart hanggang dito na lang ako, hindi na kita masasamahan hanggang Cebu. Pero kung pumapayag ka ba namang pakasal sa'kin eh' handa akong samahan ka kahit habang buhay pa." Wika nito na sinundan pa ng pagtawa.

"Tumigil ka nga, Dustin Ruffert!"

"Hey Lady, why don't you call me darling Ruffert instead of saying my full name? Wala ka man lang kalambing lambing sa akin ah' matapos mong kunin sa'kin ang lahat ng gusto mo at ibinigay ko naman sa'yo ang lahat lahat, how could you?!" Natawa na lang s'ya sa sinabi nito, nagagawa talaga s'ya nitong patawanin palagi.

"Ayan, tiyak ko maiinlove ka na sa'kin n'yan. Ano pakakasalan mo na ba ako?"

"Sira, ka talaga!"

Nag-eenjoy pa sana s'yang kausap ito pero kailangan na talaga niyang umalis.

Nag-annouce na, na kailangan ng maghanda ang mga pasahero.

"Paano mag-iingat ka ha? Sigurado mapapatay ako ng mga nagmamahal sa'yo. Kapag may masamang nangyari sa'yo doon. Tawagan mo ako agad if ever na may problema ka okay. Kahit ano pa ang mangyari pupuntahan kita doon, okay?"

"Maraming salamat talaga tatanawin kong isang malaking utang na loob ang lahat ng ginawa mo para sa'kin. H'wag kang mag-alala kakayanin ko itong mag-isa."

"Basta ikaw, wala bang kiss?"

"Buwisit! Ito gusto mo?"

Sabay taas niya ng kamao na tinawanan lang nito. Pero hindi na niya pinigilan pa ang sarili na yakapin ito. Ilang araw din silang magkasama nitong huli.

Napatunayan niya na sa kabila ng uri ng trabaho nito. Hindi naman ito ganap na masama. Ngayon niya narealized na hindi ka talaga basta na lang kailangan na manghusga ng tao.

Anyway, wala naman talagang karapatan ang kahit sino na husgahan ka! Base sa kung ano lang ang nakikita at alam nila?

"Can I have a request?"

"Yes?"

"Be brave woman! For extra paid on me, okay?" Tinanguan niya ito ng may ngiti sa mga labi.

In mixed emotions.

"Maraming salamat kaibigan!"

"Whew! Friend zone talaga ha'? Sige na baka iwan ka na ng eroplano. Kapag sumama ka ulit sa akin hindi na kita iuuwi sa susunod. Sige ka!"

"Okay!" Natatawang tinalikuran na niya ito ngunit...

"Hey, mag-iingat ka ha' mami-miss kita. Hanggang sa muli nating pagkikita..."

"MISS. ALONDRA SANTILLAN!"

*****

By: LadyGem25

Hey, Buddies,

Here again...

The next updated, hope you like it!

At dahil d'yan siguro may magvo-votes, comments, reviews at rates ulit sa story na ito. Sana all? HAHAHAHa

But anyway thank you sa lahat ng suporta nin'yo.

I really appreciate it, and thankful to all your comments on this story.

BE SAFE EVERYONE AND GOD BLESS SA ATING LAHAT!

MG'25 (12-14-20)

LadyGem25creators' thoughts