webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

C-84: FINDING ANGELA

Halos mag-aalas dose na ng gabi pero hindi pa rin dalawin ng antok si Amanda. Hindi pa rin siya makatulog at walang tigil sa pag-iyak mula pa kanina.

Narito siya ngayon sa isang transient house. Dito muna siya mananatili ng pansamantala. Habang naghihintay siya ng lead kung paano niya makikita si Amara.

Medyo may kamahalan ang upa para sa isang Linggo pananatili niya dito. Pero okay lang, hindi naman iisipin ng mga Alquiza na dito siya pupunta. Mahal din naman kung sa Hotel siya tutuloy.

Puro loaded naman ang mga apartment, may nakita siyang isang bed space compound pero hindi naman niya nagustuhan.

Saka ang mahalaga ito ang pinaka malapit sa Village. Para madali siyang makakapunta doon ano mang oras.

Malaki rin ang nagastos niya bumili rin kasi siya ng mga gamit at ilang piraso ng damit at iba pang mga kailangan niya.

Mabuti na lang pala at nabitbit niya ang kanyang bag kanina. Kung hindi daig pa niya ang sumugod sa giyera na wala man lang dalang armas.

Hindi naman siya p'wedeng magwithdraw sa Banko kaya naisipan niyang ibenta na lang ang bag online.

Bumili na lang siya ng bago at simple lang kahit hindi ganu'n kamahal. Pero okay lang mas kailangan niya ng pera para sa paghahanap.

Nakapanghihinayang nga lang at halos kalahati na lang ng presyo nito ang bumalik sa kanya. Alam din niya madali lang din niya itong mauubos. Kaya't kailangan na niyang makita agad si Amara.

May maisasanla o maibebenta pa naman siya dahil may suot siyang bracelet at hikaw na tinanggal muna niya sa katawan kanina, nang mapansin niya na suot niya ito. Para siguradong safe ito sa kanya mas naging sigurista na siya ngayon. Bagay na natutunan niya dahil sa mga naranasan.

Pero hangga't maaari hindi niya gustong dumating sa punto na pati ito ay maibebenta niya.

Dahil hindi niya sana gustong maging ganu'n kadesperado. Kaya sana makita na niya si Amara as soon as possible.

Kung bumalik na lang kaya siya sa Cebu, hindi kaya bumalik na doon si Amara? Baka naroon pa rin ang kanilang Mamang o hindi kaya sa Iloilo? Ang pagkakaalam niya may mga malalayo pa silang kaanak doon na maaari niyang mapagtanungan.

Tama kapag hindi niya nakita agad si Amara wala na siyang choice kun'di bumalik ng Iloilo...

Kahit nakabuo na siya ng plano, nanatiling hungkag pa rin ang kanyang pakiramdam.

For the first time, kasi ngayon lang kasi siya ulit matutulog na mag-isa. Noong nasa Venice siya alam niya kahit paano ay may kasama siya sa tinutuluyang apartment. Kasama niya ang mga kaklase sila Alyana at Diane.

Nakakaramdam siya ng takot sa kanyang pag-iisa ngunit mas higit ang nararamdaman niyang kahungkagan. Nami-miss niya ang may kasamang pamilya.

Nami-miss niya ang lahat, ang kanyang Mamang, si Amara, si Liandro, si Joseph, si Joaquin at si VJ. Maging ang kanyang Papang nami-miss niya ng sobra.

"Papang kung narito ka lang sana? Alam ko magiging maayos ang lahat. Gaya rin ng palagi mong sinasabi noon, noong palagi pa tayong masaya at walang problema. Sana hindi na lang nangyari ang lahat!" Bulong niya sa sarili.

Kahit hindi pa niya ganap na naaalala ang lahat. May mga bagay natatandaan na niya sa kanyang Ama. Lalo na ang mga ngiti nito, ang paghaplos nito sa kanyang buhok. Naaalala niya palagi nitong sinasabi ang mga katagang... "Anak maaayos din ang lahat!" Saka ito ngingiti sa kanya na tila nagsasabing wala kang dapat alalahanin. Dahil ako ang bahala.

Dahil doon sobrang naging dependent siya sa kanyang Ama. Dahil wala naman kasi itong hindi kayang gawin para sa kanilang mag-iina. 

Ngunit hindi na ito magagawa pa ng kanyang ama.

Hindi na ito mangyayari pa...

Dahil hindi na niya makikita pa ang ngiting iyon ng kanyang ama. Dahil wala na ito at ang lahat ng ito ay dahil sa taong iyon. Ang taong iyon na labis rin niyang kinasusuklaman!

Kung p'wede nga lang sana hindi na niya ito gustong makita kahit pa sa kanyang balintataw. Subalit kasabay ng pagkaalala niya sa pagkamatay ng kanyang Papang.

Ang paggulong rin ng mga alaala niya sa taong iyon na dahilan ng pagkamatay nito.

Lalo na ang pagmumukha nito na hinding-hindi rin niya malilimutan.

Dahil para sa kanya ang mukhang iyon ay larawan ng isang demonyo!

Ito ang pumatay sa kanyang Papang at hindi-hindi niya ito mapapatawad. Magbabayad ito sa lahat ng ginawa nito. Kapag nagkaroon siya ng pagkakataon.

Sisingilin niya si Anselmo...

"MAGBABAYAD KA RIN SA'KIN!"

Banta pa niya sa sarili, bago pa siya hilahin ng antok at tuluyan nang nahimbing na bakas pa ang luha sa mga mata...

____

Sobrang nakakabigla at hindi pa rin niya mapaniwalaan.

Hanggang ngayon hindi pa rin n'ya maisip kung totoo ba ang lahat ng ito o panaginip lang?

Gusto niya sanang gisingin ang sarili kung panaginip lang ang lahat. Dahil baka masanay lang siya, ayaw na niyang mabigo.

Ngunit alam niya totoo na ito...

Dahil nararamdaman na niya ito, totoo nang narito siya sa bahay ng mga Ramirez.

Ito ang bulong niya sa sarili habang papasok siya sa bahay ni Dr. Darren Ramirez.

Dahil hindi ito pumayag na hindi sila sa bahay nito tumuloy.

Lalo na nang malaman nitong sa lumang bahay ng mga Soliven siya tumutuloy.

Dahil sa pangungulit nito hindi na rin niya nailihim pa ang tungkol kay Kisha. Plano naman na talaga niyang sabihin dito ang lahat nais lang sana niyang humanap pa ng tiyempo.

Pero dahil gusto na talaga nito na lumipat na siya agad kaya't kinailangan na talaga niyang sabihin dito ang lahat pati na ang tungkol sa kanyang anak.

Magkahalong tuwa naman at pagkabigla ang mababakas sa mukha ng kanyang amain ng malaman nito ang tungkol sa bata. Pagtataka kung paano siya nagkaanak at kung sino ang ama nito?

Ngunit mas pinili nito na h'wag na lang munang magtanong sa ngayon. Makikita rin ang tuwa at kasiyahan sa mukha nito ng makita na si Kisha. Kaya't lalo na itong nagpursigeng isama na sila.

Pagbaba pa lang nila ng sasakyan iba na ang pakiramdam niya at hindi niya alam kung bakit?

Ito kasi ang unang pagkakataon na nakatung-tong siya sa bahay ng mga ito. Kahit narito rin siya sa Batangas hindi siya nagkainteres na mapunta dito. Hindi dahil ayaw niya, hindi naman kasi siya naging close sa pamilya. Kahit na nasa katauhan siya ni Maru' o ni Mandy.

Siguro dahil hindi rin sila naging close ni Dorina.

Pakiramdam niya kasi daig pa nito ang microscope kung suriin siya. Bukod pa sa sobrang close ito sa kanyang Ate Amanda. Kaya mas minabuti na lang niya na siya na mismo ang dumistansya.

Hindi katulad ng kanyang Ate Amanda. Sabi nga ng kanyang Tito Darren ito ang naging ikalawang tahanan ng kanyang kapatid magmula ng mamalagi ito sa Batangas.

Iba talagang magbiro ang tadhana...

Hindi man lang naramdaman ng kanyang kapatid na matagal na pala nitong nakita ang mga taong hinahanap nito. Matagal na pa lang nakakasama nito ang angkan ng kanilang Papang.

Ang tadhana na rin pala ang gumawa ng paraan para magkalapit-lapit sila ng kaanak ng kanilang Papang.

Ngunit nawalan ng kakayahan ang kanyang kapatid na makilala ang mga ito sa tamang paraan.

Siya na walang kamalay-malay at matagal na ring isinuko ang paghahap. Hindi na rin kasi siya umaasa na makikita pa ang mga ito. Pero siya pala ang unang makakakilala sa mga ito ngayon.

Gusto niyang matuwa maging masaya, ngunit hindi sa ganitong sitwasyon. Siguro kung sabay nila itong natuklasan ng kanyang Ate Amanda. Baka maging ganap ang kanyang kaligayahan.

Pero hindi, lalo lang tuloy siyang napupuno ng kaba. Dahil habang narito siya wala naman ang kanyang Ate Amanda.

Gusto niyang sisihin ang kanyang sarili kasalanan niya ang lahat.

Kung bakit siya napupuno ng pangamba ngayon ay dahil rin sa sarili niyang gawa. Sigurado rin  siyang hindi siya mapapatawad ng kanyang Papang at Mamang.

Kapag may masamang nangyari sa kanyang kapatid. Kaya't hindi rin niya mapapatawad ang kanyang sarili...

"Hija okay ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo ah'?" Nagulat pa siya ng biglang magsalita ang kanyang Tito Darren.

Kaya't saglit pa siyang napatitig dito bago pa siya nakasagot...

"Po, a-ano po?"

"I said are you okay, there is something bothering you?"

"Hindi, O-okay lang po ako! Naiisip ko lang po si Ate Amanda sana narito rin siya at kasama natin." Malungkot niyang saad.

Totoo namang naiisip niya si Amanda, kung kasama lang nila ito ngayon. Siguro mas magiging ganap ang kaligayahan niya sa mga oras na iyon.

Tiyak na matutuwa rin ang kanyang Mamang at Papang kung magkasama sila ngayon na makakasama na nila ang kapatid ng kanilang Papang.

"Halika tuloy kayo maupo muna tayo dito ipinapanhik ko na ang mga gamit n'yo sa itaas. Mabuti pa Dorina anak ipanhik n'yo muna ang bata sa magiging kwarto nila." Baling nito kay Dorin. Nakatulog kasi ang bata habang pauwi sila, oras na rin kasi ng tulog nito.

"Ako na po ang bahala Papa, d'yan muna kayo, tayo na!" Saad naman nito sa Yaya ng bata at tuloy tuloy na ang mga itong pumanhik sa itaas.

"Salamat po sa pagpapatuloy n'yo sa amin dito."

"Ano kaba hija? This is your home, your father home too and don't worry hija, we are doing our best. A best way to see Angela, the sooner the better!"

Wika nito sabay tapik sa kanyang balikat.

"Tatanawin ko pong isang malaking utang na loob kung matutulungan n'yo po akong hanapin siya. Dahil talaga pong sobrang nag-aalala na ako sa kanya." Naiiyak na namang saad niya.

"Kahit hindi mo pa sabihin iyan, nakahanda talaga akong tumulong sa paghahap sa kanya. Napamahal na rin sa akin ang Ate mo para ko na rin siyang tunay na anak. Bukod pa sa pagiging malapit nila ni Dorina at sa tingin ko alam mo na rin 'yan? Pasensya ka na hija dahil ngayon lang tayo nagkakilala at sana naging malapit ka na rin sa amin noon pang unang araw mo dito sa Batangas."

"Ako po ang dapat humingi ng pasensya. Dahil hindi ko po kayo binigyan ng pagkakataon na makilala ako. Noong una pa lang dumistansya na ako lalo na kay Ate Dorina."

"Buti naman alam mo kaya kasalanan mo, luko-luko ka kasi. Ah' hindi pala luka-luka!" Pairap pa na wika nito at kunwa'y galit. Ngunit saglit lang... "Hmmm, halika nga dito payakap nga!" Tumutulo ang luhang saad nito sabay kabig ng yakap sa kanya.

Nakababa na ito ulit matapos nitong tiyaking okay na ang magyaya sa itaas.

"Bakit ka ba kasi nagpanggap na lalaki ang ganda ganda mo pa naman, mas maganda ka ngayon kahit wala kang make-up. Alam mo bang gandang ganda kami sa'yo ng Ate mo, kaya lang ang sama sama kasi ng ugali mo bilang ikaw si Mandy."

"DORINAA!" Mariing wika ng Ama nito.

"Okay lang po Tito, sanay na po ako sa kanya. Talaga pong magkaaway kami niyan palagi!" Bahagyang nakangiti pa niyang saad.

"Ikaw na sana ang bahalang magpasensya sa walang prenong bibig ng Ate Dorina mo ha'?"

"Dad?!"

"Okay lang po Tito sa palagay ko nga po iyon rin ang pagkakatulad naming dalawa. Kaya nga po siguro talagang magkamag-anak nga kami!"

"Sa tingin ko nga magkakasundo na kayo ngayon, sana nga?" Pabirong hiling pa nito.

"Hmmm, o sige na h'wag kang mag-alala habang wala ang Ate mo ako muna ang mag-aalaga sa inyong dalawa ni Kisha, okay? Basta ba h'wag ka lang ulit maging babaing pasaway na si Mandy."

"So ikaw pala, sabi ko na nga ba ikaw 'yun? Sa'yo natutunan ni VJ ang salitang 'yan! Ang tawagin akong babaing pasaway pala ha'?" Inirapan pa niya ang pinsan, habang nakabusangot.

Hindi na napigilan ni Dorin ang pagtawa. Dahil sa inasal niyang iyon!

"Kung ganu'n hindi pala ako ang unang nagsabi sa'yo nu'n?" Saka ito tumawa ng malakas.

"Hmmm, kasalanan mo!"

"Hindi naman kayo nag-aaway n'yan ha'?"

"Hindi!" Halos magkasabay pa nilang saad.

"Mabuti pa samahan mo na siya sa itaas hija para makita niya ang magiging kwarto nila. Gusto mo na bang magpahinga o gusto mo muna malibot itong buong bahay hija?" Tanong ulit nito.

"Okay lang po ako, dito na lang po muna siguro ako sa ibaba."

Saglit na inikot pa niya ang paningin sa paligid.

Hanggang sa kusang huminto ang tingin niya sa mga larawan na nakasabit sa ding-ding at nakadisplay sa salas ng bahay.

Nararamdaman kasi niya ang presensya ng kanyang Ama sa bahay na ito. Hindi niya alam kung bakit?

"Alam mo bang dito kami lumaki ng iyong ama?" Napalingon siya dito at nakuha nito ang kanyang interes.

Maluwang at malaki ang lupain ng mga Ramirez tulad ng sa mga Alquiza. Halos magkatabi lang ang mga bahay ng mga ito.

Ngunit hindi sa literal na paraan dahil maluwang na lupain at taniman kape, pinya, tubo at iba't-ibang klase ng mga prutas. Ang naghihiwalay sa parehong bahay ng mga ito.

"Dito rin naging napakasaya ng aming kabataan. Buhay na buhay dito ang iyong ama. Gusto niya kasi ang tahimik na lugar kaysa sa magulong buhay sa lungsod. Madalas makita namin siya sa gitna ng bukid. Kung minsan may dala siyang gitara tumutugtog at kumakanta. Kung minsan naman ginuguhit niya ang mga bagay na kung ano ang kanyang makita. Lagi niyang dala ang kanyang sketch book na regalo sa kanya ng Mama. Iniispoil ng Mama ang mga hilig niya kahit lingid pa 'yun sa kaalaman ng Papa." Kwento pa nito.

Tumayo siya at lumapit sa mga larawan. Isang larawan ng kanyang Papang ang pumukaw sa kanyang paningin.

Agad niya itong hinawakan at niyakap, ito nga ang kanyang Papang. Hindi na niya napigilan ang maluha ng mga sandaling iyon.

Totoo nga na narito na siya sa bahay ng kanyang Papang. Totoo pa lang mayaman ang kanyang Papang. Pero mas pinili nito na mabuhay sa hirap kasama ng kanilang Mamang, kasama nila.

Dahil sa kanila natuto itong magbungkal ng lupa upang itaguyod sila.

"Iyan ang huling larawan niya dito at ang huling itsura niya ng huli namin siyang makita. Kaya iyan na rin ang huli naming alaala sa kanya. Dalawampu't isang taong gulang pa lamang siya d'yan! Noong una kahit paano nakakausap ko pa sa phone. Hanggang sa tuluyan na kaming nawalan na nang komunikasyon sa kanya. Mula noon hindi na namin siya nakita, nagsisi rin ang Papa kung bakit niya nagawa itong itaboy. Kaya pinahanap namin siya pero hindi na namin siya nakita. Alam ng Diyos kung saan-saan din namin siya hinanap pero lagi kaming bigo. Iyon pala ay..." Hindi na rin nito napigilan ang emosyon.

Napayakap na lang siya dito alam niya at nararamdaman niya na pinipilit lang nitong tanggapin ang sakit ng katotohanan na wala na ang kapatid nito. Pilit rin itong nagpapakatatag.

"Siguradong matutuwa ang Papa kapag nakita niya kayo. Mamaya ko siya tatawagan. Tamang-tama balak niyang umuwi dito this coming month."

Bahagya siyang nakaramdam ng kaba sa sinabi nito.

"Hindi na kaya siya galit sa amin Tito?" Tanong ni Amara.

"Hindi s'yempre hindi, bakit naman siya magagalit sa inyo sigurado nga matututwa 'yun kapag nakita kayo. Kilala din siya ng Ate Amanda mo at dahil close si Dorin sa Lolo niya kaya magkasundo rin sila at si Dion ang isa ko pang anak. Kaya sigurado ako magkakasundo rin kayo."

"Tama si Daddy h'wag kang mag-alala makikita mo rin sila pati ang Mama, pag-uwi nila malapit na." Dugtong naman ni Dorin.

"Bakit po ang sabi ng Papang sa Maynila kayo nakatira? Kaya doon po namin kayo hinahanap."

"Oo meron kaming bahay doon at du'n din kami nakatira noong bago kami magkahiwa-hiwalay. Pero dahil nagmigrated na ang Papa sa Europe kaya matagal na rin kaming hindi umuuwi doon. Ito naman ang dati pa naming bahay. Pero nakabili ang Papa ng bahay sa Maynila. Dahil sa klase ng trabaho niya at saka gusto rin kasi ng Papa na sa Maynila kami mag-aral. Ang akala siguro ng Papang n'yo natuloy na ibenta ito. Ang totoo ibinenta na talaga ito ng Papa sa mga Alquiza noon. Dahil ang gusto ng Lolo n'yo sa Europe na kami tumira lahat kapag nakapagtapos na si Darryl ng Medisina. Pero hindi naman iyon ang nangyari. Natuloy pa rin naman na ibenta itong lupa at ang bahay. Pero dahil hindi na rin naman iba ang mga Alquiza. Kaya pumayag naman si Liandro na bilhin ko ulit ito kahit man lang itong buong bahay. Binili ko ulit ito agad noong umuwi kami mula sa Europe. Hindi ko kasi nagustuhan ang buhay doon. Naiwan lang si Dion at ang Papa nag-aaral pa kasi ito ng Medisina. Ang Tita mo naman ang siyang dumadalaw doon upang siyang makibalita sa maglolo paminsan minsan."

"Ah' ganu'n po ba, ah' p'wede ko po bang itanong saan po ba 'yung bahay n'yo na may swimming pool dito ba o sa Manila?"

"Ah' pareho lang pero mas malaki lang ang narito. 'Yung nasa Manila maliit lang gusto kasi namin ni Darryl ang bahay na may swimming pool. Mahilig kasi ang Ama n'yo na maligo. Kaya kung swimmer ang Ate Amanda mo sigurado ako na ang Ama n'yo ang nag-impluwensya sa kanya?"

"Tama po kayo ang Papang ang nagturo sa amin na lumangoy. Pero si Ate Amanda ang mas naging magaling."

"Nakikita ko na maganda ang naging pagpapalaki sa inyo ni Darryl. Sayang at ngayon lang tayo nagkakila-kilala. Pero naniniwala ako na hindi pa naman huli ang lahat upang makabawi kami sa inyo. Hindi ba hija?" Malamlam ang mga mata nitong saad.

"Ako din Tito gusto kong makabawi, sayang lang sana narito rin si Ate Amanda. Siguro mas masaya tayo ngayon?"

"Tama ka hija sana nga narito rin si Angela. Bweno babalikan ko pala ang Tito Liandro n'yo para makibalita at baka sakaling may maitulong pa ako sa kanila."

"P'wede po ba akong sumama Tito? Gusto ko ring tumulong!"

"No! Dito ka na lang muna at magpahinga gagawin naman natin ang lahat para mahanap siya pangako babalitaan ko kayo agad sa oras na may balita na okay?" Sabi nito sabay tapik sa kanyang balikat.

"Tama ang Papa dito na lang muna tayo. Sige na, lahat tayo nag-aalala sa kanya manalangin na lang tayo na sana makita na siya agad."

"Please Tito balitaan n'yo po kami agad, kung totoo po na bumalik na ang alaala niya. May hinala po ako na siguradong babalik siya ng Cebu. Dahil hanggang ngayon maaring hindi pa niya alam na wala na rin si Mamang o kaya ang mas masama pa. Baka maisipan niyang bumalik ulit ng Iloilo kapag hindi na niya kami nakita sa Cebu. Natatakot po ako Tito kung babalik siya ng Iloilo mas mapapahamak siya doon. Dahil maraming galamay si Anselmo sa dati naming lugar."

"Nagiging palaisipan sa akin ang tungkol sa taong iyan. Gusto ko pagbalik ko ikwento mo sa akin lahat ang tungkol sa Anselmo na iyan. Dahil hindi ako papayag na hindi siya mananagot sa ginawa niya sa kapatid ko sa inyong Ama naiintindihan mo ba hija?!" May diin at paniniguro sa bawat salita nito.

"O-opo Tito nakahanda po akong sabihin sa inyo ang lahat pero ang mahalaga ngayon makita muna natin si Ate Amanda."

"Sige na, kayo muna ang bahala dito, okay Dorina anak ikaw muna ang bahala sa kanila."

"Opo Daddy!"

Matapos itong humalik sa kanila tuloy-tuloy na itong umalis.

____

Kinabukasan maaga pa ring gumising si Amanda kahit na hindi naging sapat ang kanyang tulog. Hindi kasi komportable sa lugar na iyon.

Para bang namamahay siya at saka parang may hinahanap siya na hindi niya maintindihan. Dahil ba hindi niya katabi si VJ o nami-miss niya ito at si Joaquin.

Pinilit na lang niyang bumangon at agad rin siyang naligo at nagbihis. Naisip niya na babalik na lang ulit siya sa Alabang. Kung sakaling hindi pa rin bumalik doon si Mandy mag-iiwan na lang siya ng number na p'wede nitong matawagan.

Matapos niyang makapagbihis at mailocked ang pinto. Naghanap na siya agad ng taxi na sasakyan malapit lang naman dito ang kanyang pupuntahan. Kaya't saglit lang naman siguradong naroon na rin siya hindi na rin siya nag-almusal o nagkape.

Pero okay lang naman, balak kasi niyang sa Mall ulit tumambay. Plano na rin niyang maglakad lakad at mag-apply ng trabaho. Habang hinahanap pa rin niya si Amara.

Pagkakita niya sa taxi na unang dumaan agad na niya itong pinara at sumakay. Matapos niyang matiyak na okay naman ang driver nito.

Mag-aalas syete pa lang ng umaga ng makarating siya ng Village.

Papalapit na sana sila sa tapat ng bahay ni Madi ng mapansin niyang bukas ang gate nito. Kaya pinahinto muna niya ito sa gilid ng kalsada. Hindi kalayuan sa malaking bahay ni Armando Soliven.

"Kuya hinto n'yo na lang po muna sa tabi. Sandali lang po!"

Bumaba muna siya upang saglit na magmanman. Bumaba siya at pasimpleng lumapit sa gate.

Mabuti na lang medyo malayo sa gate ang hinintuan ng taxi sinasakyan niya kaya hindi ito agad mapapansin. Kung hindi rin lang lalabas ang nasa loob ng bahay. Mukhang may bisita kasi sa loob ng bahay? Wala rin kasi sa pwesto nito ang guard na kausap niya kahapon. Marahil busy rin ito sa loob ng bahay.

Gumilid siya at pasimpleng nagkubli sa harap ng malaking bakuran ng bahay, sa lugar kung saan ay natatakpan siya ng mga malalagong halaman. Kailangan din kasi siyang maging maingat. Baka may makakilala sa kanya sa loob.

Napansin niya agad na may kausap ang guard. Hindi niya ito gaanong makita noong una dahil nakokoberan ito ng guard.

Ngunit dinig niyang malakas ang timbre ng boses nito at mukhang nagpapanic. Nang lumihis ito sa pagkakacover ng guard at tila lito at nagmamadaling tumawag sa hawak nitong cellphone. Saka pa lang niya ito napagmasdang mabuti.

Ngunit laking gulat niya ng tuluyang makilala ito. Bigla na lang siyang napaurong at natutop ng kamay ang bibig...

"Huh' Joseph?"

Muntik pa siyang mabuwal kung hindi lang siya napahawak sa grill na bakal na bakuran.

Hindi na siya nag-isip pa, mabilis na siyang tumawid at mabilis na naglakad patungo sa taxi na naghihintay sa kanya.

"Kuya alis na po tayo sa Town Center n'yo po ako ihatid."

Dahil sa pagmamadali hindi na niya napansin ang paglabas ni Joseph ng gate.

Habang nakikipag-usap ito sa cellphone at tiyempo namang napalingon ito sa kanilang direksyon.

Habang nagmamadali rin siyang pumasok sa loob ng taxi.

Kahit bahagya na lang siya nitong nahagip ng tingin. Mabilis pa rin siya nitong nakilala.

"Huh' Angela? Oh' shit!"

Tumawid pa ito at sinikap siyang habulin. Ngunit nagkunwari siyang hindi ito naririnig. Kahit pa panay ang tingin sa kanya ng driver.

"ANGELAAA!"

Nagbingi-bingihan siya at sinikap na hindi lumingon kasabay ng pagpipigil niya sa pag-alpas ng emosyon.

Hindi na siya si Angela ngayon, hindi na siya p'wedeng maging si Angela.

Hindi naman talaga siya si Angela.

Dahil magmula ngayon siya na si...

AMANDA RUTH RAMIREZ

*****

By: LadyGem25

Heyooo!

Kumusta?

Nagustuhan n'yo ba ang ating update...

Sana nmn? Para magvotes kayo ulit at mag-rate! HAHAHAHa

Maraming salamat ulit sa mat'yaga n'yong paghihintay!

Hanggang sa susunod ulit...

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS!

GOD BLESS PO SA ATING LAHAT!!

SALAMUCH!

*****

MG'25 (12-08-20)

=Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

=Have some idea about my story? Comment it and let me know.

=I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

LadyGem25creators' thoughts