webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

C-75: LOVE IS LOVE "Don't give-up!"

Matapos niyang iwasan manatili sa bahay at iwasan ang kanilang Papa at si Joseph.

Pati na ang pagtawag ng mga ito sa kanya sa telepono ay iniwasan rin niya sa kabila ng pagtataka ng mga kasama niya sa shop.

Inabala na lang niya ang sarili sa mga gawain sa shop kaya naman nalibang s'ya sa maghapon at hindi namalayan ang pag-usad ng mga oras.

Ngunit pagsapit ng hapon muli na naman s'yang nakaramdam ng pananakit ng ulo. Kaya naisip niyang umuwi na nang maaga at h'wag ng hintayin ang pagsasara ng shop.

Matapos n'yang magpaalam at bilinan si Diane at Alyana. Tuloy tuloy na s'ya umalis pagkakuha ng gamit at bag niya.

Isang staff din ang nagsabing may naghahanap na sa kanya sa labas at sa pag-aakala niyang ito na ang sundo niya kaya naman nagmadali pa s'ya sa paglabas.

Para pala magulat sa presensya ng lalaking hindi niya inaasahan na makita sa mga oras na iyon.

Ngunit hindi na s'ya makakaiwas at bakit nga ba niya ito iiwasan? Tanong ng naguguluhan niyang isip.

Bigla rin ang pagbangon ng kaba sa kanyang dibdib at pagkalito.

Bago pa niya nagawang bigkasin ang pangalan nito...

"JOAQUIN!"

Hindi na s'ya nito hinintay na makalapit, dahil ito na ang kusang lumapit sa kanya.

Sabay hawak nito at hila sa kanyang braso. Iginiya rin s'ya nito palapit sa sasakyang dala nito. Halata ang tinitimping galit sa mukha at mga kilos nito.

Pagtapat nila sa passenger seat agad nitong binuksan ang pinto.

"Get in the car!" Marahas at malakas ang tonong utos nito sa kanya. 

"Joaquin, anong ginagawa mo dito hindi ba dapat...?"

Nalilito n'yang tanong at hindi na rin niya natapos ang iba pa sanang sasabihin...

"I said, get in the car!" Malakas na ulit nito.

Bigla na lang s'yang napasunod, kaya mabilis s'yang sumakay ng sasakyan nito.

Hindi na s'ya magtataka kung bakit galit ito sa kanya? Base sa ikinikilos nito ngayon, mukhang alam na nito ang mga nangyari kagabi.

Marahil nagulat lang s'ya na nalaman nito agad ang tungkol dito at hindi sa kanya nito unang nalaman. Kahit na alam din naman niyang hindi imposible na malaman nito iyon agad.

Mabilis na nitong isinara ang pinto pagpasok niya at umikot na rin ito papunta sa driver seat.

Saka mabilis na pinaandar ang sasakyan. Kung saan man s'ya nito balak dalhin hindi rin n'ya alam.

"Joaquin, ano bang ginagawa mo saan ba tayo pupunta?" Hindi na niya natiis na itanong nang sa tingin niya malayo na ang nararating nila.

Tahimik lang kasi ito sa mabilis na pagdadrive at kinakabahan s'ya sa ikinikilos nito ngayon.

"Tumahimik ka! Niloko mo ko hindi ba? Bakit sa akala mo ba, basta ko na lang palalagpasin ang panlilinlang mo sa'kin ha?"

Nagsisimula na itong manumbat kahit hindi pa naman nito alam at naririnig ang panig niya. Hindi rin niya alam kung hanggang saan ang alam nito sa nangyari?

 

"Ano bang sinasabi mo hindi kita niloloko!" Sigaw na rin n'ya.

Bakit ba sinasabi nito na niloloko n'ya lang ito. Ano bang pumasok sa isip nito at ganu'n na lang ang paratang sa kanya?

"Hindi? Magkakaila ka pa ba at ano sa tingin mo ang ginawa n'yo kagabi, may pa-party pa kayo at ano 'yun frank lang ba 'yun sa'yo ha'?" Galit na sigaw nito habang nagmamaneho.

Bigla tuloy s'yang nag-alala at hindi malaman kung ano ang una niyang sasabihin.

Ang paalalahanan ba ito o paliwanagan ito? Ngunit mas pinili pa rin niyang paalalahanan ito.

"Joaquin! P'wede bang itigil mo muna itong sasakyan mag-usap muna tayo, please? Baka kasi mabangga tayo!" Nag-aalala na niyang saad dito.

"Bakit natatakot? Mabuti nga 'yun para sabay na lang tayong mamatay!" Galit na pahayag nito.

Alam niyang galit lang ito kaya nasasabi nito ang mga bagay na iyon. Pero hindi maayos ang takbo ng utak nito ngayon kaya hindi ito dapat magpatuloy sa pagdadrive.

"Joaquin! Ano bang nangyayari sa'yo p'wede bang pakinggan mo muna ako? Nakikiusap ako sa'yo ihinto mo muna ang sasakyan mag-usap muna tayo, please!"

Pakiusap n'ya kasabay ng hiling na sana makinig naman ito sa kanya.

"Para ano pa, para lokohin ako ulit, paasahin sa wala at patuloy na linlangin ha... Pare-pareho lang kayo, tulad ka rin ni Liscel. Niloloko n'yo lang ako!" Sumbat nito.

"Bahala ka kung ano ang gusto mong paniwalaan. Pero p'wede ba ihinto mo na ang sasakyan natatakot na'ko, please!" Tila nakaramdam s'ya ng pag-aalala sa mga mata nito.

Ngunit para ding lalo pang nadagdagan ang pananakit ng kanyang ulo. Kaya sinalo na lang n'ya ang ulo at tahimik na umiyak.

Maya-maya naramdaman na lang n'ya na unti-unting bumabagal ang sasakyan.

Hanggang sa tuluyan na itong huminto...

Narinig pa niya ang marahas na pagbuga ng hininga nito.

"Ano ba talagang gusto mo ha', o baka naman gusto mo talagang pagsabayin kaming magkapatid!"

Sumbat pa rin nito sa kanya na punong-puno ng sama ng loob. Kahit batid niya na nabawasan na ang galit nito.

"Tama na!"

Hindi na n'ya napigilan pa ang sariling sigawan ito. Labis na ang paratang nito sa kanya, hindi na nito naisip na nasasaktan din ang damdamin niya.

Ano ba ang akala nito na ginusto niya at sinadya ang lahat ng nangyayari?

"Bakit nasasaktan ka, nagsasabi lang naman ako ng totoo hindi ba at ikaw alin ba ang totoo sa'yo, ha'?" Mapanuya pa nitong saad.

Ang hindi nito alam daig pa niya ang sinampal dahil sa mga sinabi nitong iyon.

"Wala, tama ka walang totoo sa'kin at 'yan din mismo ang dahilan kung bakit kailangan kong magpakasal sa kapatid mo!"

"At anong ibig mong sabihin, dahil ba may sakit ka, wala kang maalala at ang kapatid ko lang ang nakakakilala sa'yo? Iyon ba ang ibig mong sabihin ha?"

Tumingala pa ito habang pabulong na nagmura at tumawa ng mapakla bago nito itinuloy ang pagsasalita.

"Luma na 'yang alibi mo wala ka na bang maisip na bago?"

Ganito na ba kababaw ang tingin nito sa kanya ngayon? Hindi n'ya naiwasang itanong sa sarili habang pinagmamasdan niya ito na alam n'yang masama lang ang loob.

"Joaquin, naniniwala ka ba talaga na magagawa kitang lokohin?" Aniya.

"Ta*****! Hindi ba ginagawa mo na nga..."

Marahas itong lumingon sa gawi niya bakas sa mukha nito ang pait at sama ng loob.

"Kung ganu'n pala useless nang magpaliwanag pa ako! Kung hindi ka rin naman makikinig."

"Okay ka rin ah' ikaw pa ang may ganang magdemand hindi ba ikaw ang may kasalanan sa'kin?"

Nararamdaman niyang unti-unti na niyang nakukuha ang loob nito. Dahil nakikita niyang mas kalmado na ito ngayon kumpara kanina. Bukod pa sa alam naman n'yang hindi s'ya nito matitiis.

Galit lang ito ngayon dahil sa nalaman nito ang nangyari kagabi. Saglit muna s'yang huminga ng malalim at nag-alis ng bara sa lalamunan.

Bago s'ya muling nagsalita, sinikap rin n'yang makuha ang buong atensyon nito.

"Hindi ka na ba talaga nagtitiwala sa'kin, ayaw mo na ba akong pakinggan?" Sinigurado niyang mararamdaman nito ang sinseridad sa kanyang mga salita.

"Para ano pa, para paasahin ako ulit at i-reject pagkatapos?"

Malungkot itong napalingon sa kanya. She could see the sadness and pain in his eyes.

By that moment, she can't stop herself to caressing its cheek. Then its suddenly stopped and look at her intently.

Ngayon lang niya ito nagawang pagmasdang mabuti. Halata ang pangingitim ng paligid ng mga mata nito. Maaaring hindi rin ito nakatulog ng maayos.

Ngayon lang din niya naisip na kinukuhanan nga pala sila ng video ng magpipinsan kagabi.

Dahil sa walang kamalayan ang mga ito sa totoong nangyayari sa kanila. Kaya't hindi rin naman niya masisisi ang mga ito. Kung nagawa man nila na unahan s'ya sa pagsasabi ng mga nangyari.

Marahil ito ang nakita at nasaksihan ng binata kaya ganu'n na lang ang sama ng loob na nararamdaman nito ngayon.

She sudden kept her eyes closed and start to roll the flashback in her mind...

The scenery while he watching those video of the scene that happened last night.

Huminga muna s'ya ng malalim bago pa s'ya nagsalita. Habang hawak pa rin n'ya ang mga pisngi nito at nakatingin na sila sa isa't-isa.

"I'm sorry!" Ang tanging nabigkas ng kanyang bibig.

"No! I won't give you the right to say sorry. H'wag mong sabihin sa'kin 'yan! I don't accept you're sorry. It doesn't mean you give up, right?"

Malungkot na pahayag nito na may kasamang antisipasyon.

"Ang totoo hindi ko alam kung paano ko ba sisimulang sabihin sa'yo?" Napayuko na lang s'ya at isinandal ang ulo sa balikat nito.

Bahagya ng nawala ang sakit ng kanyang ulo. Siguro dahil mas masakit isipin na kailangan na yata niyang tuldukan ang ano mang namamagitan sa kanilang dalawa.

"Then don't say anything else, maniniwala naman ako kahit ano pa ang sabihin mo. Dahil mahal kita at ayokong mawala ka sa'kin! Hindi mo naman ako ganu'n kadaling igi-give-up, right?"

Hinarap s'ya nito at ito naman ang humawak sa magkabila n'yang pisngi upang magkatapat ang kanilang mga mata.

"Engagement pa lang 'yun hindi pa kayo ikinasal. Kaya nga may  pag-asa pa tayo! Ayokong basta ka na lang ipaubaya sa kanya naiintindihan mo ba? Hindi ko isusuko agad ang pag-ibig ko sa'yo, ako naman talaga ang mahal mo hindi ba?" Umaasa pa ring wika nito.

"Joaquin!" Hindi na n'ya nagawa na pigilan pa ang emosyon.

Nasa pagitan s'ya ng pagtatalo ng kanyang isip. Kung ang puso lang n'ya ang kanyang susundin.

Hindi na s'ya mahihirapan pang mag-isip dahil ito naman talaga ang mahal niya gaya ng sabi nito.

Pero kailangan din n'yang pakinggan ang kanyang konsensya at alalahanin ang damdamin ng iba.

Dahil ayaw n'yang may masaktan s'yang iba. Lalo na kung ang mga taong mahalaga sa kanya.

"H'wag mo naman akong isuko agad, alam kong mas una mo s'yang nakilala. Hindi ko rin mapapantayan ang mga nagawa niya sa'yo at ang mga taon na kayong dalawa ang magkasama. Lalo na ang pag-aalaga n'ya sa'yo for the past 5 years for being here. But it doesn't mean that is the same rate as a man in your heart, right?"

Saglit itong huminga at muli ring nagpatuloy...

"Because I do believe love is no matter what it means to others. It will never be compare to the one another? And no one count of years of being in love by one or a thousand times. Love is love! Maybe I don't believe in eternity nor forever. But believing in love can feels, until you're breathing is possible!"

"Hindi mo naman kasi ako naiintindihan eh'!" Wika niya sa malumanay nang salita.

"Naiintindihan kita, ayoko lang mawala ka sa buhay ko. Hindi ko kakayanin na makita ka sa piling ng iba. Kahit pa sa sarili kong kapatid, naiintindihan mo ba? You can call me a selfish or whatever you want to call what suit on me. Basta h'wag ka lang mawawala."

"Anong bang gagawin ko? Tama ka, gusto ng Papa na si Joseph ang piliin ko. Dahil ayaw n'yang masaktan ang Kuya mo. Matagal kasi s'yang umasa sa'kin tapos mababalewala lang ang lahat. Dahil du'n masasaktan ko s'ya ng husto at iyon ang ayaw ng Papa na mangyari." Bahaw itong tumawa.

"Paano naman ako, hindi ba ako masasaktan?" Agaw nito sa mga sasabihin pa niya.

"Hindi ko alam, basta ang alam ko lang hindi rin n'ya gustong mag-away kayong magkapatid."

Pagak itong tumawa habang  umiiling ngunit batid niyang sa kalooban nito naroon ang tunay nitong emosyon...

"Umalis na lang tayo dito sumama ka na lang sa'kin sige na! Promise I will take care of you. Aalagaan naman kita." Nasa mukha nito ang kagustuhan na makumbinsi siya.

"Hindi naman ganu'n kadali 'yun paano si VJ?"

Saglit na hinawakan pa nito ang kanyang mga kamay.

"Hey, s'yempre hindi ko naman iiwan ang anak ko, ang anak natin! H'wag kang mag-alala ako na bahalang kumuha sa kanya, sumama ka na sa akin. Then leave it to me, I assure you na makakaalis tayo dito." Wika nito ng sa tantiya nito ay nakuha na ang kanyang simpatya.

"Talaga bang kailangan pa nating gawin ito? Natatakot ako!"

Nagsimula na namang umulap ang kanyang mga mata sa isiping iyon.

Kasabay ng tanong sa kanyang isip, ano na lang ang sasabihin sa kanya ni Liandro kapag ginawa nila iyon, may mukha pa kaya s'yang ihaharap dito pagkatapos ng lahat?

Ngunit sadyang malakas ang tawag ng kanyang damdamin at pagmamahal sa lalaking kaharap. Dahil parang hindi rin n'ya kakayanin na mawala pa ito sa buhay niya.

"H'wag ka nang matakot ako na ang bahala sa lahat, maaaring ngayon hindi tayo matanggap ng Papa kaya nga natin ito gagawin. Pero alam ko maiintindihan din niya tayo pagdating ng panahon."

"Pero paano naman ang Kuya mo? Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya? Dahil sigurado namang hindi na n'ya ako mapapatawad. Kapag iniwan ko siya!"

"Pareho lang n'ya tayong hindi mapapatawad pero siguradong maiintindihan din niya tayo at makakatagpo rin naman s'ya ng ibang mamahalin. Yung talagang magmamahal na sa kanya ng totoo."

Tumango-tango s'ya at niyakap na lang ito na ginantihan din s'ya nito ng yakap.

"Mahal na mahal kita pangako hindi ka magsisisi sa pagsama sa akin. Gagawin ko ang lahat para maging masaya tayo sa kabila ng lahat. Aalagaan ko kayo ni VJ at mga magiging anak pa natin. Kapag kasal na tayo at maayos na ang lahat, babalik din tayo dito at haharapin natin sila, okay?" Muli s'yang tumango at yumakap na ulit sa binata.

Ipapaubaya na niya ang lahat sa lalaki. Bahala na kung ano man ang mangyari?

Basta magkakasama sila at hindi maghihiwalay.

Saka na lang n'ya iisipin kung paano n'ya haharapin si Liandro at Joseph. Tama si Joaquin saka na lang s'ya hihingi ng tawad sa mga ito kapag maayos na ang lahat.

Hihingi na lang s'ya ng tawad kahit pa paulit-ulit hanggang sa mapatawad din s'ya ng mga ito.

"Okay let's go it's late, kailangan na rin nating magpahinga."

"Ha' sa-saan tayo pupunta?"

Nagulat pa s'ya sa pagkakayuko sa dibdib nito ng dahan-dahan nitong iangat ang kanyang ulo at ayain na s'ya nitong umalis na sila nakahanda na rin kasi itong paandarin na ulit ang sasakyan.

"Saan pa, hindi ba magtatanan na tayo?" Nakangiti na at pabiro ng wika nito.

Daig pa nga nila ang magtatanan biglang niyang naisip hindi ba nakakahiya sa idad nilang iyon.

"Ha' hi-hindi na ba tayo babalik sa bahay?" Nalilito na n'yang  tanong.

"Pambihira, may balak ka pa bang magpaalam sa kanila at may nagtanan bang nagpaalam pa?" Wika nito at sinimulan nang paandarin ang sasakyan.

"Hindi sa ganu'n, pero paano si VJ baka hanapin tayo." Wika n'ya na puno ng pag-aalala.

Nang maramdaman na n'yang umuusad na ang sasakyan.

"Don't worry about VJ okay, hindi naman s'ya mawawala. Hindi ba sabi ko nga ako sa'yo na ako na  ang bahala sa kanya? H'wag kang mag-alala hindi naman ako papayag na mawala s'ya sa atin. Kukunin natin s'ya bago tayo umalis at pumunta ng Australia."

"Pupunta tayo ng Australia?"

"Bakit ayaw mo ba sa Australia, gusto mo ba bumalik na lang tayo sa Venice? Sa akin okay lang naman kahit saan basta kasama kita! Pero maganda rin naman sa Australia, and I'm sure did you like there too." Ginagap pa nito ang kanyang kamay at hinalikan.

"Kailangan pa ba talaga nating umalis? Hindi ba p'wedeng dito na lang tayo?"

Naramdaman niyang napahugot ito ng paghinga. Bago pa muling nagsalita.

"Look kapag nanatili tayo dito lalo lang nating masasaktan si Kuya Joseph. Kung araw araw din n'ya tayong makikita hindi s'ya makakalimot. Lalo lang s'yang makakaramdam ng galit sa atin. Mabuti na rin 'yung malayo tayo sa kanya at least kahit paano mabawasan ang sakit na idudulot natin sa kanya. Kung hindi n'ya tayo nakikita mas madali s'yang makakalimot at mas madali rin n'yang maiintindihan ang sitwasyon. Anong malay natin baka madali rin n'ya tayong mapatawad?"

"Siguro nga tama ka nalulungkot lang kasi ako dahil sa mga  maiiwan ko dito."

Dahil totoong namang nalulungkot s'yang isipin na iiwanan niya ang lahat. Pero dahil mas mahalaga pa rin sa kanya si Joaquin.

Kaya dapat nga siguro pansamantalang kalimutan muna niya ang lahat. Sumunod na lang sa agos kung saan man siya gustong dalhin nito.

"H'wag ka na kasing malungkot magiging maayos din ang lahat, akong bahala makikita mo! Yun tungkol naman sa shop, siguro maaaring hindi ko na maibalik 'yun saya na idinulot nu'n sa'yo. Pero p'wede rin naman tayong magtayo ng sarili nating negosyo. Kahit saan pa tayo magpunta at doon natin itutuloy ang mga bagay na nasimulan mo na. Matutulungan pa kita palagi, magtutulungan tayo pangako. Basta magkasama lang tayong dalawa, okay lang ba 'yun?"

Tanong nito sa kanya matapos ang mahabang paliwanag nito.

"Okay sige ikaw na ang bahala! But promise me na kahit ano pa ang mangyari hindi natin iiwan si VJ ha' magkakasama tayong tatlo, okay?"

"Promise, hindi rin naman ako papayag na mawawalay s'ya sa atin."

Pinipilit naman n'yang h'wag mag-alala pero kung ano-ano ang pumapasok sa isip n'ya at hindi s'ya mapalagay.

"Paano kung hindi s'ya sa atin ibigay ng Papa?" Bigla na lang n'yang naisip ang bagay na iyon.

Kahit pa sobrang advance na yata ng takbo ng isip n'ya. Pero alam din n'ya na hindi naman iyon imposible.

"Hindi mangyayari iyon, anak ko pa rin si VJ at hindi na iyon mababago pa, kaya ako lang ang may karapatan sa kanya!"

"H'wag mong awayin ang Papa ha' mahal ka naman n'ya alam ko. Siguro iniisip n'ya lang na hindi pa tayo ganu'n kaseryoso sa isa't-isa. Hindi tulad namin ni Joseph noon kaya marahil mas pinapanigan niya ito. Pero hindi naman nangangahulugan iyon na hindi ka niya mahal bilang kanyang anak..."

"Alam ko natural anak n'ya ako eh' kaya alam ko rin na hindi n'ya ako kayang tikisin ng matagal." May kumpiyansa sa sariling sagot nito.

She sighed and then lean on his shoulder again...

"Saan na tayo pupunta ngayon?"

"Sa Manila, basta ako na ang bahala. Inaantok ka na ba, sige na matulog ka muna gigisingin na lang kita kapag nandoon na tayo, okay?"

"Okay!" Sinunod na lang n'ya ang sinabi nito, ipinikit n'ya ang mga mata at sinubukang matulog.

Habang nakahilig ang kanyang ulo sa balikat nito. Nakaramdam s'ya ng kapanatagan ngayong nasa tabi n'ya ito.

Nakahanda na s'yang ipaubaya na lang dito ang lahat, bahala na kahit ano pa man ang mangyari.

Hinding-hindi nila bibitiwan ang isa't-isa...

___

Nagpatuloy lang sa pagdadrive si Joaquin. Habang katabi nito si Angela na nakahilig sa balikat niya at sa palagay n'ya nakatulog na rin ang dalaga.

Kaya naging maingat ang bawat kilos niya upang hindi ito magising. Kahit ang kanyang pagdadrive ay sinigurado niyang maingat. Nais niyang mapanatag ito hanggang sa makarating sila ng Maynila.

Subalit...

Malapit na sana sila sa SLEX ng may mapansin s'yang kakaiba at kahina-hinala.

May napansin kasi s'yang isang sasakyan na tila ba sumusunod sa kanila.

Noong una tila nag-aalangan pa s'ya na baka nagkakamali lang s'ya ng hinala. Kaya bahagyang binilisan na lang n'ya ang pagmamaneho.

Ngunit napansin niyang binilisan din nito. May sampung minuto na rin ang nakakalipas pero nananatiling nakasunod pa rin ito sa kanila.

Kaya sigurado na s'ya ngayon na sila nga ang sinusundan nito.

Hindi s'ya nagpahalata, nanatili s'yang kalmado. Ngunit unti-unti mas binibilisan niya ang takbo.

"Shit! Ano ba problema nito bakit n'ya kami sinusundan?"

Napalakas niyang bulong... 

Kasabay ng mabilis na pag-ikot niya sa manibela saglit rin na nalimutan niyang nakasandal nga pala si Angela sa kanyang balikat.

Isang mali niyang galaw bigla na lang itong nagising...

Naalimpungatan pa ito at puno ng pagtataka sa ikinikilos niya at sa mabilis n'yang pagmamaneho.

"Huh' Joaquin?"

"Relax, sweetheart! Don't do anything cause of panic, just relax okay? May sumusunod sa atin sa likod h'wag kang magpahalata." Malumanay at maingat na salita niya.

"Ha' sino nasaan?"

"Hey, relax don't look back!"

Maagap niya itong inakbayan at pinigilan itong lumingon pa sa kanilang likuran...

"I said, don't look back!"

*****

By: LadyGem25

Hello guys,

Kumusta kayo? Kahit maulan tuloy-tuloy lang tayo. Maraming salamat sa inyong suporta at patuloy na paghihintay ng updated.

Sana nagustuhan n'yo ang updated natin ngayon? Until next chapters po!

Don't forget to...

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND PLS. RATES MY STORY GUYS!!

GOD BLESS AND ALWAYS BE SAFE SA ATING LAHAT!

SALAMUCH!

MG'25 (10-21-20)

LadyGem25creators' thoughts