webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

C-68: Love From Beginning To The End

Dahil na rin sa labis na pagud nakatulog silang magkayakap at nanatili sa sahig.

Hindi na nila nagawang makapagbihis at ayusin pa ang kanilang mga sarili.

Ilang oras din ang matuling lumipas ng magising si Joaquin. Kahit inaantok pa pinilit pa rin n'yang bumangon.

Pagtingin n'ya ng oras halos mag-aalas singko na nang umaga.

Mahigit dalawang oras lang ang kanyang naging tulog. Subalit nanatiling magaan at masarap ang kanyang pakiramdam.

Dahil sa mga naganap sa pagitan nila ni Angela, ilang oras lang ang nakalipas.

Saglit pa n'yang  ipinikit ang mga mata upang balikan sa isip ang mga pangyayari kanina.

Kaya naman isang matamis na ngiti ang mababakas sa kanyang mukha.

Tila ba may humihila pa sa kanya na muling mahiga at tumabi sa babae na hanggang ngayon ay nanatiling himbing na himbing pa rin sa pagtulog.

Kay ganda nitong pagmasdan habang natutulog at tila ba kay sarap nitong yakapin.

Tila naman wala s'ya sa sarili na muling nahiga at niyakap ito mula sa likuran.

Dahil nakatagilid ito paharap sa ibang dereksyon.

Niyakap n'ya ito ng mahigpit at hinalik-halikan sa buhok. Kung p'wede lang sana manatili na lang silang ganito. 

Subalit... "Huh!"

Bigla na lang s'yang napabalikwas ng bangon ng maalala n'ya ang dapat sana ay kanyang gagawin.

Ano nga ba ang gagawin niya?

Patay!

Kailangan pa nga pala niyang lumuwas papunta ng Manila. Dahil babalik sila ng Australia ngayong araw at hinihintay na s'ya ni Russell sa Airport.

"Shit! Kailangan ko ng umalis..."

Kung hindi lang importante ang aasikasuhin niya doon. Hindi na s'ya aalis dahil gusto pa n'ya sanang manatili sa tabi nito.

Pero kailangan para maging maayos ang lahat at para kahit matagal pa s'yang bumalik ulit wala s'yang magiging problema.

Lalo na at may hinala s'ya na gumagawa na nang paraan ang kanyang Papa kung paano s'ya muling panatiliin sa Australia.

Kaya dapat n'ya itong unahan, kailangang maayos n'ya muna ang lahat upang hindi s'ya magkaroon ng problema sa kanyang negosyo at trabaho.

Para din naman ito sa magandang future nila, nang hindi na nila kailangang asahan pa ang kanyang Papa.

Maibibigay niya ang lahat para kay Angela at sa anak n'ya at sa mga magiging anak pa... Lalo na at nakaplano na silang bumuo ng isang pamilya.

Ah'... Magpapakasal na rin naman sila pagdating n'ya. Kaya okay lang kahit umalis s'ya ngayon, pansamantala lang naman! Naisip n'ya bilang pagkonsola sa sarili.

Sa una tila ba nag-atubili pa s'ya kung ano ang uunahing gawin. Hanggang sa mabilis na s'yang nakapag-isip at kumilos.

Nagsimula s'ya sa mabilis na pagpulot ng nagkalat nilang damit.

Bigla tuloy s'yang nagsisi kung bakit n'ya ito ibinalibag kung saan, sana hindi s'ya nahirapang pumulot!  

Pagkatapos isa-isa n'yang sinuot ang kanyang damit. Ang kay Angela ay itinabi n'ya sa gilid ng kama, pansamantala.

Bago pa s'ya pumasok sa loob ng banyo at kumuha ng malinis na face towel upang basain ng maligamgam na tubig.

Mabuti na lang may heater sa banyo kaya hindi na niya kailangan pang bumaba.    

Muli s'yang lumapit kay Angela at umupo sa tabi nito. Sinimulan n'yang linisan ang dalaga gamit ang mainit init na bimpo.  

Bigla itong umungol ngunit saglit lang tulog na tulog pa rin ito. Alam niyang pinahirapan niya ito nang husto kanina.

Kaya alam n'ya na kahit paano ay makakatulong ang ginagawa niya para maginhawahan ito.

Kung gising ito sigurado s'yang hindi s'ya papayagang linisan ito. Kaya mabuti na lang at himbing na himbing pa rin ito, hanggang sa matapos na s'ya sa ginagawa.

Huminga muna s'ya ng malalim, kanina pa kasi butil butil ang kanyang pawis. Kaya kanina pa panay ang pagbunton niya ng hininga.

Kahit malakas naman ang Aircon sa kwarto pinagpapawisan pa rin s'ya... Hmmm!

Agad na s'yang tumayo bago s'ya hindi makapagpigil at tuluyan na s'yang hindi makaalis.

Ngunit kumuha muna s'ya ng malinis na bestida at underwear sa kabinet upang mabihisan ang dalaga.

Nang mga sumunod na sandali mabilis na n'yang binihisan ang dalaga. Bago ito binuhat at dinala sa kama sa tabi ng kanyang anak.

Tamang tama naman na saka lang nagising si VJ. Dahil marahil sa paglundo ng kama.  

"Daddy anong ginagawa mo kay Mommy?" Pupungas pungas na tanong nito.

"Ha, ah?" Mabilis s'yang nag-isip ng isasagot dito. "Inaayos ko lang ang higa ng Mommy mo baka kasi s'ya mahulog.   

Nakangiti niyang saad upang pagaanin ang sitwasyon. Kasabay ng kanyang hiling na sana hindi na mag-usisa pa ang kanyang anak.

Tumango tango naman ang bata bilang tugon. Tila napaniwala naman niya agad ito. 

"Ah' anak kailangan ko na pa lang umalis... Babawi ako anak pagbalik ko ha' at saka dapat good boy ka palagi ha? Pero may pakiusap sana ako anak, p'wede bang alagaan mo ang Mommy mo para sa'kin?"

"Oo naman po Daddy..." Mabilis pang sagot nito ng tuluyan ng magising.

"Good, 'yan ang anak ko! Sige anak matulog ka pa tulog pa si Mommy. H'wag mo muna s'yang gigisingin okay?" Hinawakan pa niya ang ulo nito at ginulo ang buhok.

"Opo, Daddy hindi na po ako inaantok eh' pero babantayan ko na lang po si Mama!"

"Okay! Kailangan ko na talagang umalis anak... And remember what I said to you before! H'wag kang maingay kila Lolo Paps ha' and promise me you'll always keep our secret. Okay lang ba 'yun anak?"

"Opo Daddy, I will keep our secret Daddy! Hindi ko po sasabihin sa kanila na dito po kayo natulog kagabi. Promise ko po 'yun Daddy, hindi po dahil gusto kong mag-lie. Hindi ko po sasabihin kasi mahal ko kayo ni Mama at ayokong pagalitan kayo ni Lolo Paps!"

"Very good anak, gan'yan nga! Always remember that, if what's the difference in between of the good things and the bad things, okay?"

"Yes Dad, I'm a big boy na po kasi!" Napangiti na lang s'ya sa tinuran ng anak.

Hanggang sa tumalikod na s'ya upang umalis at nagsimulang na ring humakbang.

Ngunit saglit s'yang natigilan at muling lumingon...

"VJ anak, I love you, love ka ni Papa ha! Sabihin mo rin sa Mommy mo na mahal na mahal ko kayong dalawa ha'. Dahil kayo ang buhay ko!"

Saglit na lumapit pa s'ya sa mga ito at magkasunod na hinalikan.

"I love you too po Papa, mag-ingat ka po!" Wika nito na lalong nakaragdag sa masaya n'yang pakiramdam.

Bago pa s'ya nagpasyang tuluyang nang lumabas ng kwarto.

Para asikasuhin naman n'ya ang sarili...

__

Ilang sandali pa ang lumipas matapos ang mabilis na pagligo at mabilis na pag-aayos sa sarili.

Lulan na s'ya ngayon ng kanyang sasakyan patungo na ng Maynila.

Pagdating n'ya sa Airport ilang minuto lang ang hinihintay bago lumipad ang eroplano na kanilang sasakyan.

Mabuti na lang kabisado na s'ya sa Airport dahil na rin sa madalas niyang pagbibiyahe kaya hindi s'ya nahirapang makapasok kahit na late na s'ya sa boarding.

Nang magkita sila ni Russell nasa mukha na nito ang kawalan ng pag-asa sa kanyang pagdating.

Bakas pa sa mukha nito ang panlulumo, ngunit daglian ring naibsan ng makita na s'ya nito.

Tila ito nabunutan ng tinik pagkakita nito sa kanya...

Gusto pa sana nitong magsalita ngunit kailangan na silang pumanhik ng eroplano. Kaya nakaligtas s'ya sa paninita nito.

Pagdating naman sa loob agad niya itong tinulugan. Dahil talagang kulang pa s'ya sa tulog kaya natulog lang s'ya sa buong durasyon ng b'yahe.

Napailing na lang si Russell at hinayaan na ito. Kasabay ng pagbuntong hininga, mas mabuti na ito kaysa hindi na naman n'ya ito kasama. Ang bulong nito sa sarili...

___

Naalimpungatan pa si Angela ng magising dahil sa naramdamang panunubig.

Ngunit ng bigla s'yang bumangon bigla s'yang nakaramdam ng pagkirot, kaya awtomatikong napahawak s'ya sa kanyang puson.

Pilit rin n'yang inaalala ang mga nangyari...

Awtomatikong nagflashback naman ito sa kanyang utak. Nang maalala n'ya ang mga naganap, nasapo na lang n'ya ang kanyang noo...  Sabay kastigo niya sa sarili habang tinatapik ang noo.  

"Shit! Ano ba itong ginawa mo? Ang landi landi mo! Bakit ka ba bumigay agad? Hindi pa naman kayo kasal ah', magpapakasal pa lang hindi ba?"

Pero bigla rin naman n'ya itong binawi at kinontra sa sariling isip.

"Hindi ba ang sabi mo hindi mo ito pagsisisihan, nagsisisi ka na ba ngayon?" Tanong pa niya sa sarili.

Hindi!

Wala naman talaga s'yang pinagsisisihan. Kusang loob naman n'yang ibinigay ang sarili kay Joaquin. Dahil mahal n'ya ito, mahal na mahal at alam niyang mahal din siya ng binata! 

Wala rin namang magiging pagkakaiba, kahit pa paulit-ulit s'ya nitong pakasalan at bigyan ng pangalan.

Sino ba ako?

Sino ba ang pakakasalan niya ako ba? Hindi! Hindi naman ako ang pakakasalan n'ya kun'di si Angela at hindi ako si Angela o si Angeline! Biglang protesta niya sa sarili.

Hindi maitatama ng kasal ang lahat hangga't hindi n'ya ganap nakikilala ang sarili o naalala ang lahat.

Dahil mananatili s'yang mali at hindi magiging tama. Hangga't wala s'yang pagkakilanlan at nabubuhay ng iba ang katauhan.

Kaya ang mahalin s'ya nito ng totoo ay sapat na at ang gustuhin s'ya nitong pakasalan ay isang bagay lang na gusto talaga sana n'yang maranasan.

Kahit hindi naman magiging  ganap na totoo sa kabila ng kanyang kalagayan.

As long as I still do not know who I am, where do I live, do I have parents or siblings and what exactly is my name?

Who really I am and whatever my name before?

Bakit ba sa pagkakataong iyon bigla n'yang naramdaman ang malaki n'yang kakulangan.

Na kung sana naging isa s'yang ganap na normal na babae hindi sana s'ya mag-aalala.

Kung dati balewala lang sa kanya kung bumalik man o hindi ang kanyang alaala. Bakit ngayon tila nag-iiba ang kanyang pananaw.

Gusto na niyang makilala ang kanyang sarili. Kung saan nga ba s'ya nagmula at tila bigla na lang nagkaroon s'ya ng interes sa uri ng kanyang pagkatao.

Kung karapat-dapat ba s'ya sa lalaking minamahal, kung nababagay ba s'ya sa binata at kung ano ano pang tanong na gumugulo sa isip n'ya ngayon?

Bigla rin ang pagtataka sa kanyang sarili kung bakit bigla na lang itong sumagi sa kanyang isip.  

Dati naman hindi ito mahalaga at hindi rin n'ya binibigyan ng pansin. Dahil walang mahalaga sa kanya kun'di ang kasalukuyan at kung ano ang kaya niyang gawin?

Alam n'ya marami ang kaya niyang gawin sa kasalukuyan. Dahil marami na s'yang natutunan at napatunayan sa kanyang sarili.

Subalit mananatiling hindi ito sa kanya, dahil nabubuhay s'ya sa katauhan ng ibang tao. Kaya kahit anong gawin n'ya naroon pa rin ang katotohanan.

Hindi s'ya ang totoong Angeline Alquiza o kahit pa si Angela. Kaya hindi s'ya maaaring magpakasal kahit kanino man.

Pero gusto pa rin n'yang maranasan na ikasal sa lalaking iniibig kahit pa kunwari lang...

Naniniwala s'yang tutuparin ni Joaquin ang pangako nito. Hindi s'ya nito bibiguin, magpapakasal sila pagbalik nito.

Kahit hindi pa ito magiging legal ang mahalaga kasama n'ya ito sa isang mahalagang araw na iyon, na p'wede pa lang mangyayari sa buhay niya sa kabila ng lahat ng kanyang kakulangan.

Noon ang akala n'ya p'wede silang magpakasal ni Joseph. Dahil lang napapasaya nila ang isa't-isa at nagkakasundo sila.

Pero hindi pala 'yun sapat kung may isang mahalagang bagay na wala sa pagitan n'yong dalawa.

And that is... LOVE!

LOVE FROM BEGINNING TO THE

END...

Dahil si Joaquin lang ang gusto n'yang mahalin mula ngayon at hanggang sa huli ng buhay niya.

Makalimutan man niya ulit ang lahat lahat. Gusto pa rin n'yang ito ang maalala ng puso niya ng paulit-ulit.

_

"Tok, tok! Mama gising ka na po ba?"

"Huh?"

Pagkatok sa pinto at tawag ng kanyang anak ang gumising sa naglalakbay niyang isip...

"Anak sandali lang nand'yan na!"

Napabilis ang kanyang pagtayo upang pagbuksan ito ng pinto. Tumayo na s'ya kahit hindi pa rin s'ya komportableng kumilos.

Saglit pa s'yang natigilan ng magtaka s'ya sa suot niyang damit na ngayon lang niya napansin. Subalit hindi na niya ito gaanong pinag-ukulan pa ng pansin.

Dali-dali na s'yang lumapit sa pinto at mabilis na ibinukas ito.

"Mama, good morning po!"

Sabay abot nito ng isang piraso ng rosas na mukhang pinitas nito sa Garden.

Napangiti naman s'ya agad at tila nakagaan rin ito sa kanyang pakiramdam.

"Hmmm, ang anak ko talaga! Thank you anak, kanina ka pa ba gising? Bakit hindi mo naman ako ginising anak. Tinanghali tuloy si Mama ng gising."

"Okay lang po 'yun Mama, sabi kasi ni Daddy hintayin ka na lang namin na magising. Tapos nipitas n'ya ang bulaklak bago s'ya umalis kanina. Bigay ko daw po sa'yo para hindi ka magalit. Okay po ba Mama?"

"Hmmm, kayo talaga ng Daddy mo magkasundo sa kalokohan!"

Natatawa pa n'yang saad sa anak, pakiramdam ba n'ya gusto n'yang kiligin ng umagang iyon. Lalo na sa sumunod na sinabi nito.

"Saka Mama, sabi nga pala ni Papa I love you daw! Love na love n'ya tayong dalawa. Mama babalik ba agad si Daddy?"

"Oo anak pero baka hindi na s'ya maka-attend sa Graduation natin anak."

"Sinabi na po sa'kin ni Daddy 'yun Mama, kaya h'wag ka na po mag-alala. Babawi naman si Daddy pag-uwi n'ya kaya hindi na ako nalulungkot. Kaya h'wag ka na rin malungkot Mama."

"Okay lang naman sa'kin 'yun anak kaya lang s'yempre mas masaya kung narito s'ya. Pero naiintindihan ko naman ang Daddy mo kailangan kasi s'yang magwork.

Nasa ganu'n silang pag-uusap ng bigla uling may kumatok...

"Psssst!" Agad niyang inilagay ang isang daliri sa tapat ng kanyang labi. Upang saglit na patahimikin ang bata. Agad naman itong tumahimik na tila nakaunawa.

"Sino 'yan?" Tanong niya.

"Ako ito anak, papasok na ako!"

"Okay sige po Nanay Sol pasok po kayo!" Agad siyang nakahinga ng maluwag ng malamang si Nanay Soledad ang kumakatok.

"Hija mabuti naman at gising ka na, nariyan na kasi ang Papa n'yo. Siguradong itatanong nu'n kung bakit narito ka pa."

Lumipas pa ang ilang segundo bago pa s'ya nakasagot.

Dahil sa hindi n'ya inaasahang sinabi nito lalo na at naabutan pa s'ya ni Liandro dito sa bahay.

Anong sasabihin n'ya kapag nagtanong ito. Bukod pa sa isiping ikalawang araw pa lang n'ya sa food shop pero late na s'ya agad?

Ngayon pa lang nangangapa na s'ya ng isasagot at nagsisimula na rin s'yang balutin ng tensyon.

"Hija okay ka lang ba?"

"Po? Opo!"

Hindi na nga n'ya nagawang bigyan ng pansin ang biglang pagtakbo ni VJ kasabay ng paalam sa kanya ng marinig nito ang sinabi ni Nanay Sol.

Kaya silang dalawa na lang ng matandang katiwala ang nasa loob ng kanilang kwarto.

Napabuntong hininga pa ito bago muling nagsalita...

"Ayusin mo na ang sarili mo anak bago pa maisipang pumanhik ng Papa n'yo dito. Kaya nga agad na akong pumarito para ipaalam agad sa'yo anak. Kaya sige na maligo ka na bago ka bumaba. Para hindi makahalata ang Papa mo at magtanong pa sa'yo."

"ANO NAMAN ANG HINDI KO DAPAT MAHALATA, MANANG SOLEDAD?!"

"AYYY! KABAYONG BUNDAT... AY SER KAYO HO PALA?!"

Idinaan na lang nito sa pagtawa ang pagkagulat upang matakpan ang nararamdamang tensyon.

Habang si Angela ay awang pa rin ang mga labi at biglang naumid ang dila.

Hindi n'ya malaman ang gagawin at sasabihin. Dahil mas lalo lang yatang nadagdagan ang tensyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

Hindi n'ya alam kung paano n'ya ito haharapin ng mga oras na iyon?

Bakit ba parang bigla na lang s'yang nakaramdam ng kakaibang kaba ngayong kaharap niya ito?

Kahit pa hindi niya alam kung ano nga ba ang eksaktong kasalanan n'ya?

"Hija bakit nga pala narito ka pa, hindi ka ba pupunta sa shop ngayon?"

Ilang segundo pa s'yang nakatitig lang dito bago pa s'ya nakasagot.

"Po, o-opo!" Nauutal pa niyang saad.

"Hija may problema ba, okay ka lang ba?"

"Ho! Ah' oo naman po wala pong problema. Medyo napagod lang po kasi ako kahapon kaya medyo napasarap ang tulog tinanghali po tuloy ako ng gising!"

"Okay lang 'yan hija mabuti nga at napahinga ka... Sabi rin ni Apo nagkulitan pa kayo kagabi kaya gabing gabi na kayo nakatulog."

"Ah' opo Pa!" Saka lang s'ya tila nakahinga, mukha na mang wala pa itong alam sa nangyari kagabi dahil parang hindi naman ito naalarma?

Saglit pa s'yang napasulyap kay Nanay Sol, tumango lang ito sa kanya bilang pakikisimpatya.

"Ah' hija... Pupunta ka na ba agad sa shop ngayon?" Tanong ulit ni Liandro na tila ba alanganin pa itong nagtanong.

"Opo, bakit n'yo naman po naitanong?" Bigla naman s'yang na-curious sa naging tanong nito.

"Ah' wala naman hija, gusto ko lang sana na mag-usap tayo. Matagal-tagal na rin kasi, nang huli tayong makapagkwentuhan. I'd like you to spend enough time together hija. Marami kasi akong gustong sabihin sa'yo. Okay lang ba 'yun hija?"

"Nga-ngayon na po ba?" Nauutal niyang tanong tila nagbalik rin ang kanyang kaba.

Ngunit pinilit niyang h'wag magpahalata dito. Muli rin s'yang napasulyap kay Nanay Sol para humugot ng lakas ng loob.

Nang muling magsalita si Liandro...

"Take it easy hija, hindi naman ako nagmamadali. Mamaya na lang siguro pagdating mo galing sa shop hihintayin kita dito sa bahay. Ayoko namang abalahin ka sa iyong trabaho sa food shop. Lalo na ngayong kabubukas n'yo lang, kaya sige na hija mag-ayos ka na ng sarili mo para makapasok ka na rin agad at bababa na rin ako. Mag-almusal ka bago ka umalis, okay!" Sunod sunod na pahayag nito.

"Baka sa shop na lang po ako kumain tanghali na po kasi."

"Kahit magkape ka man lang... Manang, padalhan mo s'ya ng kape!" Baling nito kay Nanay Sol.

"Ah' opo ser! Kukuha na po ako ng kape."

Napailing na lang si Liandro kahit kanina pa nito napapansin na parang may kakaibang nangyayari sa dalawang kaharap.

Hindi na lang nito iyon binigyan pa ng pansin.

"Sige na hija bababà na rin ako. Baka sumaglit muna ako sa Farm magkita na lang tayo mamaya!"

Lumapit muna ito sa kanya at hinalikan s'ya sa noo. Bago ito tumalikod at tuluyan nang umalis.

Pakiramdam n'ya tumigil ang kanyang paghinga at ngayon lang ulit bumalik sa normal.

Ano ba itong nangyayari sa kanya, bakit ba s'ya sobrang kinakabahan?

Gawa ba ito ng nararamdaman n'yang guilt?

Tama naman ito matagal tagal na rin na hindi sila nag-uusap. Dati naman normal lang sa kanilang mag-usap, lagi nilang binibigyan ng oras ang isa't-isa at gusto rin n'ya ang ganu'n set up.

Subalit iba nitong huli, dahil parang iniiwasan na rin n'ya na makausap ito ng sarilinan. Hindi man niya aminin pero yun talaga ang nangyayari.

Nakakahalata na kaya ito? Hindi niya naiwasang itanong sa sarili.

Pero ano ba ang p'wede nilang pag-usapan? Alam niya may gusto itong sabihin sa kanya at sigurado s'ya sa bagay na iyon!

Pero ano nga ba ang sasabihin nito?

Mga tanong sa isip na hindi n'ya mabigyan ng sagot...

Hanggang isang pangitain ang sumagi sa kanyang isipan.

Bigla na lang n'yang naalala ang sinabi ni Joaquin.

HINDI!

HINDI N'YA 'YUN GAGAWIN...

*****

By: LadyGem25

Hello guys,

Kumusta kayo na-miss n'yo ba ako? hahaha.. Dahil hindi nmn gaanong bc ang Lola n'yo kaya medyo napadali ang updated.

Sana nagustuhan n'yo ulit ang chapter na ito.

Maraming Salamat ulit sa suporta at patuloy n'yong pagsubaybay...

Hanggang sa susunod na kabanata!

ALWAYS BE SAFE EVERYONE AND GOD BLESS SA ATING LAHAT!!

SALAMUCH!!❤️❤️❤️

LadyGem25creators' thoughts