webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

C-66: "Only mine"

Dahil sa sila lang ang nasa bahay ng gabing iyon. Kaya hiniling ni Joaquin na doon na lang din s'ya sa kwarto ng mag-ina matulog.

Napapayag naman niya si Angela dahil na rin sa pangungulit ng kanyang anak.

Matapos ang masayang biruan at paglalambing nilang tatlo sa isa't-isa sa wakas unti-unti ring nakaramdam ng pagod at antok ang kanyang anak na ngayon ay mahimbing ng natutulog sa pagitan nila ni Angela.

Dahil na rin marahil sa pagod sa maghapong trabaho nito sa shop. Kaya hindi na rin napigilan pa ni Angela ang antok.

Kaya kahit gusto pa sana n'yang makipagkwentuhan sa dalaga. Hinayaan na lang muna n'ya itong makatulog.

Alam n'yang napagod ito sa buong maghapon sa unang araw nito sa food shop.

__

By that time, kahit hating gabi na ngunit nanatiling gising pa rin si Joaquin.

Kahit bahagyang nakakaramdam na rin s'ya ng antok.

Subalit ayaw muna n'yang matulog kahit sandali gusto muna niyang manatiling gising.

Nais muna n'yang pagmasdan ang kanyang mag-ina habang nahihimbing na ang mga ito sa pagtulog. Dahil alam n'yang hindi na ulit mangyayari ito bukas.

Gusto n'yang samantalahin ang pagkakataon ito na katabi n'ya ang babaing kanyang minamahal at may bonus pa. Dahil katabi rin n'ya ngayon ang kanyang anak.

Napakasarap at ang saya ng kanyang pakiramdam. Napupuno rin ng kaligayahan ang kanyang puso ng gabing iyon.

Kung p'wede nga lang sana na h'wag ng matapos ang gabing ito. Kahit pa hindi na dumating ang umaga. Basta kasama niya ang kanyang mag-ina.

Pero alam n'yang imposible pa ito sa ngayon.

Dahil kailangan nilang harapin ang realidad na hindi pa sila malayang mahalin ang isa-isa.

Kailangan pa nilang iwasan na may masaktang iba. Lalo na at sarili n'yang kapatid ang tinatalo n'ya kahit hindi pa niya ito sinasadya.

Subalit narito na siya sa puntong hindi na n'ya kayang pigilan ang sarili na mahalin ang babaing nasa harap niya ngayon at katabi ng kanyang anak.

Kahit pa sariling niyang kapatid ang masaktan niya. Ipaglalaban niya ang pagmamahal niya sa dalaga. Lalo na at alam niyang s'ya rin ang mahal nito.

Ang pagmamahal nila sa isa't-isa ang magpapalakas ng kanyang loob at magpapatatag sa kanya.  Hinding-hindi n'ya ito igi-give-up kahit pa sa sarili niyang kuya.

Hinding-hindi na s'ya papayag na maagaw ito ng iba. Ipinapangako niya magiging masaya sila. Isang araw magiging malaya rin silang mahalin ang isa't-isa.

Sa ngayon hahayaan lang muna niya si Angela sa desisyon nito. Hanggang sa magkaroon na ito ng lakas ng loob na harapin ang kanyang kapatid at ang kanilang Papa.

Maaaring sandaling panahon lang naman ang kanilang ipaghihintay.

Maayos din ang lahat at magiging masaya sila. Aasikasuhin na lang muna niya ang kanyang negosyo at trabaho.

Kaya aalis muna s'ya pagbalik n'ya sana lang handa na rin si Angela na maging tapat sa totoo nitong nararamdaman.

Sana lang handa na rin ito na magsabi sa kanilang Papa at maging tapat sa kanyang kuya Joseph.

Sigurado s'ya na nakakahalata na rin naman ito. Baka nga talagang hinihintay lang nito na kusa silang magtapat.

Kung hindi naman ito magagawa ni Angela? Pagbalik n'ya, s'ya na mismo ang gagawa ng hakbang.

Gusto lang muna niya itong pagbigyan sa ngayon.

Pero hindi sa mahabang panahon...

Dahil sa totoo lang naiinip na s'ya marami na s'yang pangarap para sa kanilang tatlo.

Saka isa pa gusto na n'yang magpakasal sila agad, maging buo at ganap nang isang pamilya.

Hindi na niya ito pakakawalan pa, wala s'yang pakialam kahit pa wala itong maalala sa mga nakaraan at maaaring wala ring kasiguraduhan ang pagbalik ng alaala nito.

Hindi na ito mahalaga, dahil ang importante alam nito ang kasalukuyan at ang mga susunod pa para kanila...

__

Habang pinagmamasdan niya si Angela ng mga sandaling iyon, hindi niya napigilan ang sariling haplusin ang pisngi nito.

Dahilan tuloy kung kaya't bigla na lang itong nagmulat ng mga mata.

"Matulog ka lang mahal ko, sige na! Pasensya na naabala ko pa ang pagtulog mo." Wika niya sa dalaga habang mataman itong pinagmamasdan at marahang hinahaplos pa rin ang pisngi nito.

"Bakit hindi ka pa natutulog hindi ka pa ba inaantok?"

Tanong nito sa kanya na hindi na napigilan ang paghikab. 

Saglit s'yang napangiti, bigla naman itong nakaramdam ng pagkailang sa kanya.

"Bakit mo ba ako tinitingnan? Matulog ka na nga!" Sita nito.

"Masama bang pagmasdan ko kung gaano ka kaganda kapag natutulog?" Nakangiti niyang saad.

"Baliw! Maganda ka d'yan, malay ko ba kung tumutulo na ang laway ko kapag tulog o 'di kaya nakanganga ako habang tulog. Kaya siguro ngiting ngiti ka d'yan, pinagtatawanan mo ako no?" Paninita nito.

"Hindi ah', ang ganda ganda mo ngang pagmasdan habang tulog. Ang ganda mo pala kapag nakabukas ang bibig. Tinitingnan ko nga kung saan nanggagaling 'yung tumutunog para kasing may bubuyog sa loob." Sabay ngisi niya ng nakakaloko.

Kaya tuloy lalo itong nainis sa kanya. Hindi niya inaasahan ang sumunod nitong ginawa...

Bigla na lang s'ya nitong sinipa ng patulak.

Dahil sa maliit ang espasyong kanyang hinihigaan sa laki ba naman niyang iyon.

Nawalan tuloy s'ya ng balanse at tuloy-tuloy na nalaglag sa sahig.

Now I realized the truth, mahirap nga pala talagang magbiro sa bagong gising...

"Ouch!"

"Joaquin!" Narinig pa niya ang pagtawag nito sa kanya sa nag-aalalang tono.

Marahil nabigla rin ito sa nagawa? Agad pa itong tumayo upang daluhan siya.

Ngunit may pumasok na kalokohan sa kanyang utak. Naisip n'yang gantihan ito sa ginawa nito sa kanya ng mga oras na iyon.

Pero s'yempre hindi naman sa paraang sasaktan niya ito.

"Joaquin, o-okay ka lang ba? Ikaw kasi nakakainis ka!"

Pupungas pungas at parang maiiyak pa nitong saad.

"A-aray ko! Nabalian yata ako, gusto mo na yata talaga akong mamatay? Bakit mo ako sinipa hindi na yata ako makatayo. Aray-aray! Kapag tuluyan na akong hindi nakalakad, kasalanan mo!" Daing at kunwa'y paninisi niya sa dalaga.

Sadyang umarte pa s'ya na parang hindi makabangon upang magkunwari talaga siyang nasasaktan.

Ngunit hindi pala ganu'n kadaling mapaniwala ito.

"Grabe ka ah', ang arte-arte mo naman, hindi na agad makalakad ang baba naman ng binagsakan mo! Yung butiki nga pagbagsak sa sahig nakakatayo pa! Ikaw pa kaya?" Natatawa at pabirong wika pa nito sa kanya. Nang sa tingin niya nawala na rin ang antok nito.

"Pambihira! Hindi naman ako butiki ah'?" Katwiran niya.

"Bakit? Sinabi ko bang butiki ka!" Nakatawa paring saad ulit nito.

"Ah' ganu'n ha?" Nang matantiya niyang nagbibiro na talaga ito.

Naisip niyang hindi n'ya ito makuha sa magandang usapan, eh' di daanin na lang sa mas magandang galawan...

"Joaquin, anong ginagawa mo? Bitiwan mo nga ako!" Gulat na piksi nito sa kanya.

Bigla kasi niya itong hinila kaya napaibabaw ito sa kanya at iniyakap pa niya ang kanyang mga braso sa baywang nito.

Kahit pilit pa itong kumakawala sa kanya, hindi niya ito hinayaan na makatayo o kahit makaalis sa mahigpit niyang pagkakayakap.

"Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga babaing salbahe?" Wikang tanong niya.

"S'yempre hindi! Pakialam ko ba sa mga ginagawa mo sa mga babae mo no?!" Nakasimangot na wika nito sa itsurang tila ba nagseselos.

"Grabe! Sarap mong kagatin!" Natatawa niyang saad dahil sa itsura nito ngayon.

"Talaga naman ah' ano bang pake'ko? Teka sandali nga!" Nang bigla na lang tila may naisip ito. "Kung ganu'n pala kinakagat mo mga babae mo no?"

"What?!"

"Kasasabi mo lang di'ba?"

"Hey! Ang sabi ko ikaw ang masarap kagatin hindi ang kung sino mang babae. Ayos din ang toyo mo ah' sobrang advance! Iba ka pa lang magselos..." Sabay tinaasan pa niya ito ng kilay habang sagad ang pagkakangiti.

"Hindi ako nagseselos!" Malakas ang boses tanggi nito.

"Hindi ka pa nagseselos n'yan ah'?" Natatawa wika na lang n'ya.

"Talaga! Hindi ako nagseselos pero binabalaan kita... Subukan mo lang kumagat sa ibang babae at makikita mo. Talagang hindi ka na makakatayo!" Pairap na banta pa nito sa kanya.

"Hindi ka talaga nagseselos?"

"Hindi nga! Kaya p'wede ba bitiwan mo na'ko nangangawit na ako..."

"Nangangawit ka kasi ayaw mong dumikit sa'kin. Kapag mag-asawa na tayo gagawin din naman natin ito. Kaya bakit kaba lumalayo?"

Muli n'yang hinawakan ito sa baywang at lalo pang idinikit ang katawan niya dito. 

"Sabi mo nga kapag mag-asawa na tayo at hindi pa naman tayo mag-asawa."

"Bakit ayaw mo ba?" Tanong niya sa malungkot na tono. Hindi kasi niya gusto ang naging sagot nito.

Naramdaman niyang bigla itong nagbuntong hininga. Pagkatapos nitong makita ang lungkot sa kanyang mukha.

"S'yempre gusto ko!" Humilig pa ito sa kanya at saka tila bigla ring nawala ang pagkailang. Kusa na itong dumikit at yumakap pa sa kanya.

Napahinga s'ya ng malalim bago pa muling nagsalita.

"Mahal na mahal kita, kayong dalawa ng anak ko ang pinaka mahaga sa'kin. Ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko sa kabila ng mga naging kabiguan ko noon. Kaya h'wag mo akong bibitiwan ha?"

"Joaquin..."

Pagtawag pa lang nito sa kanyang pangalan tila musika na sa kanyang pandinig.

Sinabayan pa nito ng paghaplos sa kanyang pisngi na alam niyang gugustuhin n'yang maramdaman habangbuhay.

Kaya paano niya ito magagawang bitiwan? Alam n'ya sa kanyang sarili na hindi na niya kakayanin pa, na mawala ito sa kanyang tabi.

Patawarin s'ya ng kanyang kapatid pero ilalaban n'ya ito kahit ano pa ang mangyari?

"Mahal din kita... Joaquin! Pero natatakot ako, baka kasi hindi ko magawang pangatawanan. Dahil sa maraming bagay at dahilan. Naiintindihan mo naman ang kalagayan ko hindi ba. Ayokong masaktan ka, kaya ayoko sanang mahalin. Kahit noong una pa lang... Dahil kapag nasaktan ka, masasaktan din ako! Pero kahit anong pigil ko sa sarili ko. Bakit ba ang hirap mong iwasan?"

"Because we are just for each other and always remember that you're mine, only mine! Tandaan mo sa'kin ka lang ha? Pagdating ko ang gusto ko pag-usapan na natin ang tungkol sa ating dalawa, okay?" Seryosong saad niya.

"Aalis ka?" Napabaling na tanong nito sa kanya.

"Oo mga 2 to 3 weeks lang naman may aasikasuhin lang ako. Gusto ko nga sana next week na lang ako umalis. Para nandito pa ako sa Graduation n'yo pero nangungulit na si Russell. Alam mo na?"

"Dapat ngang asikasuhin mo na ang trabaho mo. Ako na ang bahala kay VJ kaya lang sigurado malulungkot 'yun! Kailan ka ba aalis?"

"Bukas na, hihintayin na lang ako ni Russell sa Airport 10 o'clock na ang flight namin tomorrow."

"Ha' ano bukas na agad?" Bigla itong napabangon sabay upo sa sahig.

"Bakit hindi mo sinabi agad? Sana nagpaalam ka muna kay VJ. Baka hanapin ka ng anak mo tiyak na maaga ka ring aalis bukas hindi ba?"

"H'wag kang mag-alala kahit paano nagpaalam na ako sa kanya kanina. Matalino ang anak natin ipinaliwanag ko naman sa kanya kung bakit kailangan kong umalis. I think naiintindihan naman n'ya ako. Bilib nga ako sa common sense ng batang 'yan manang mana talaga sa'kin!" Wika n'yang may pagmamalaki sa sarili.

"Hmmm, oo na sige na ikaw na!" Nakangiti nitong saad.

"Alam mo bang ang laki tuloy ng pagsisisi ko na itinanggi ko s'ya noon? Wala s'yang kasalanan, bata lang s'ya na hindi ginustong malagay sa ganitong sitwasyon. Pero idinamay ko s'ya sa galit ko, now I realized how bullshit I am, ang laki ko pa lang gago? Alam mo bang nahihiya ako sa tuwing maiisip ko, nahihiya ako sa anak ko. Pero mas nahihiya ako para sa sarili ko. Dahil ngayon ko lang na-realized ang katangahan ko. Sana mas maaga ko pa s'yang nakilala, sana nakita ko ang una n'yang ngiti, ang tunog ng una s'yang tumawa at magsalita. Ang dami kong sinayang na sandali. Pinagsisisihan ko ang lahat nang iyon, kung bakit ngayon ko lang na-realized ang sarap pala ng pakiramdam na maging isang ama. Kung bakit huli ko na nalaman na ito pala ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko noon. My son is the only treasure that I have and that treasure is only mine."

"Okay lang 'yan hindi pa naman huli para bumawi ka. Lalo ngayon na nagsisimula ka na n'yang magustuhan at makilala bilang ama." Hinawakan pa siya nito sa magkabilang pisngi.

Muli naman niya itong hinila pahiga.

"Salamat, salamat sa'yo!" Saad niya, sabay gagap sa kamay nito at paulit-ulit n'ya itong hinalikan.

"Bakit sa'kin ka nagpapasalamat hindi naman ako ang anak mo?"

"Dahil ikaw ang nagmulat sa'kin ng lahat ang naging daan upang magising ako sa katotohanan na naging bulag ako. Kun'di dahil sa iyo marahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam na marami pala akong sinayang na panahon at mga bagay na maaaring pagsisisihan ko habang-buhay."

"Nakaraan naman na 'yun kahit naman gustuhin pa nating balikan, hindi na p'wede... Dahil nakaraan na!"

"Talaga, kung ganu'n p'wede na tayo?" Wika niya, sabay hawak ulit sa baywang ni Angela upang alalayan ito.

Pinagpalit niya ang kanilang posisyon. Dahil s'ya na ngayon ang pumaibabaw sa dalaga.

Hindi naman niya ito kinakitaan ng pagtutol, ngunit ramdam niya na kinakabahan ito.

Nakatukod din ang dalawang kamay nito sa kanyang dibdib.

"Hmmmp, Joaquin ano bang p'wede tayo?" Tanong nito na pilit pinalalaki ang matang medyo singkit.

"P'wede na tayong ano...?" Sadyang ibinitin niya ang pagsasalita upang mauna itong mag-isip.

Nararamdaman niya ang malakas na pagkabog ng dibdib ng dalaga. Dahil sa pagkakadikit ng kanilang katawan. Hinawakan pa niya ang nanlalamig nitong mga kamay.

Sobra talaga itong kinakabahan ng mga sandaling iyon. Naaaliw s'yang makita ito at lalo pang lumalakas ang pagtibok ng puso n'ya habang pinagmamasdan niya ito ng mga oras na iyon.

Alam n'yang sa bawat sandali na dumaraan lalong nadaragdagan ang pagmamahal niya sa babaing ito. Pakiramdam nga niya hindi na niya kayang mabuhay at gumising sa umaga na hindi n'ya ito makikita at makakasama.

Hanggang isang desisyon ang biglang nabuo sa kanyang isip. Desisyon at pagpapasya sa sarili ang magkasamang ninanais ng kanyang puso at ng kanyang isip ng mga sandaling iyon.

Ang walang pasubaling nanulas sa kanyang bibig...

"Magpakasal na tayo?"

"Ano?"

*****

By: LadyGem25 ❤️

Hello guys,

Sa mga naghihintay pa rin ng updated narito na po tayo ulit... Sana nagustuhan n'yo ang chapter na ito. Hindi pa po tayo tapos marami pang magaganap!

Marahil ang iba nainip na sa mahabang paghihintay? Humihingi ako ng paumanhin sa pagkaantala ng inyong pagbabasa.

Pero hindi po talaga magawang bilisan. Dahil nid ko rin kasi gumawa ng ikabubuhay... Sa mga makakauna at patuloy na susubaybay sa istoryang ito.

MARAMING SALAMAT PO TALAGA!!

BE SAFE AND GOD BLESS ❤️❤️❤️

LadyGem25creators' thoughts