webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

C-37: The strange feelings

Mula noong araw na iyon hindi na sila nakapag-usap ni Joaquin. Naging napaka-ilap na nito sa kanya. Tila ba naglagay ito ng pader sa pagitan nila. Kahit nasa paligid lang ito parang ang layo layo nito sa kanya. Lately hindi na n'ya ito maintindihan, hindi talaga!

Kung tutuusin dapat nga matuwa pa s'ya sa kusang pagdistansya nito sa kanya. Pero ano ba itong nangyayari sa kanya? Bakit ganito ang nararamdaman n'ya? Pakiramdam n'ya lalo lang s'yang nahihirapan. Hindi nga ito umalis ng bansa pero para din naman itong wala.

Madalas umaalis ito ng bahay kasama si Russel. Nalaman n'ya na nagtatrabaho na ito ulit at pumupunta ito kung saan saan. Pero nanatiling sa Pilipinas pa rin ito nakabase.

Naging mas maasikaso din ito pagdating kay VJ. Palagi itong gumagawa ng paraan upang mapalapit sa anak. Kapag dumarating na ito galing sa trabaho. Palagi itong may pasalubong kay VJ, talagang bumabawi ito ng husto.

Gusto sana n'yang matuwa, dahil nagpapaka-ama na ito kay VJ. Kaya lang hindi n'ya maiwasang mag-alala at kabahan. Paano pala kung gusto na nitong kunin sa kanila ang bata? Kung meron mang mas higit na natutuwa, iyon ay ang kanilang Papa.

Lumipas ang bawat araw na napaka-routine para kay Angela. Nagdaan nga ang mga okasyon na parang wala lang, siguro dahil hindi n'ya magawang i-absorb ang kaligayahan sa puso n'ya. Bagama't narito silang lahat at may dagdag pa, kompleto tulad rin ng nagdaang limang taon.

Pero pakiramdam n'ya may kulang pa rin.. Mula nang araw na iyon wala silang kayang gawin kun'di pagmasdan ang isa't-isa, kung hindi nakatingin ang isa.

Kagaya na lang ngayong umaga, katatapos lang kasi nilang mag-almusal at naisipan nilang magpahinga sa waiting shed sa may Garden. Kasama niya doon si Doreen na umaga pa lang narito na, alam kasi nito na wala s'yang pasok ngayong araw ng Linggo.

Habang si VJ ay naglalaro naman sa Playground kasama ang ilang mga bata na anak ng mga tauhan nila. Palabas naman si Joaquin sa kabahayan patungo sana sa Garden habang nakikipag-usap ito sa cellphone. Pero tila bigla itong natigilan ng makita sila sa Garden shed.

Saglit pang nagtama ang kanilang paningin at ilang segundo rin ang lumipas bago nito unang binawi ang tingin sa kanya. Tumalikod ito sa kanila at tinungo ang playground.

"Whoa! Grabe s'yang umiwas ah, hindi naman masyadong halata no?" Komento ni Dorin.

Napabuntong hininga na lang s'ya bilang tugon. Mabuti na lang medyo malayo sila sa playground kaya hindi nito maririnig ang ano mang pinag-uusapan nila. Dahil kapag si Dorin ang kasama n'ya sobra itong prangka at malakas ang loob. 

"Ang lalim naman n'yan.." sabi pa nito. Pero hindi n'ya ito pansin.

"Bakit s'ya ganu'n?" Bulong n'ya.

"Bakit kaya hindi s'ya ang tanungin mo? Para hindi ka bulong ng bulong d'yan. Nahihirapan ka na no?" Diretsang tanong nito sa kanya.

"Paano? S'ya na na nga ang kusang umiwas sa'kin. Para wala ng maging problema, tapos ako naman itong mangungulit sa kanya. Ganu'n ba? Hindi ba nakakahiya naman yata 'yun!"

"Wow! My extension agad? Sabi ko lang tanungin n'ya. Hindi ko naman sinabing ligawan n'ya."

"Eh, ano pa ba ibig sabihin nu'n? Hindi ba nga umiiwas na sa akin 'yun tao alam namang habulin ko pa. Hindi ko naman din s'ya pwedeng tanungin! Dahil alam ko naman kung bakit n'ya ako iniiwasan?"

"So, alam mo naman pala eh bakit ka pa nagtatanong? Ano nanghihinayang lang..? gagad nitong tanong.

"Hindi ko alam.. Okay naman kami ni Joseph kaya lang.." hindi na n'ya natapos ang sasabihin dahil sa sagot ni Dorin.

"Kaya lang hindi mo na s'ya mahal!" Sabi nito.

"Mahal ko si Joseph sa tingin ko naman magiging okay din kami."

"Sinungaling pwede ba? H'wag mo nang pahirapan ang sarili mo! Sa tingin mo rin ba hindi mararamdaman ni Joseph na may mahal kang iba? Baka nga ngayon pa lang nakakahalata na 'yun tao? Baka hindi lang n'ya masabi, dahil wala naman talaga s'yang pinanghahawakan sa'yo. Maliban lang sa matagal n'yo nang unawaang dalawa. Ang hirap kasi sa'yo ikaw mismo ang nagtatali ng sarili mo sa kanya. Gurl, gusto ko lang ipaalala sa'yo hindi ka pa n'ya nobya! Pero ina-assumed mo na sa tao na kayo nang dalawa!"

"Anong gagawin ko alam kong umaasa s'ya sa akin, hindi ko s'ya kayang biguin."

"Ayun! Yan ang hirap sa'yo duwag-duwagan lang.."

"Alam mo naman ang dahilan ko, hindi naman ganu'n kadali para sa'kin na balewalain lang ang lahat at ang mga.." hindi na naman s'ya pinatapos nito.

"Tama na okay, h'wag mo nang ituloy paulit-ulit lang tayo d'yan! Sabi mo nga alam ko na 'yan! Kaya please lang magbago ka na nang alibi!"

"Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko? Ang sabihin kay Joseph na hindi ko na s'ya mahal, dahil mahal ko na si Joaquin?"

"Bravo!" Pumapalakpak pa nitong saad "Yun naman talaga ang dapat matagal mo nang ginawa!" Sabi pa nito.

"Alam mo namang hindi ko kayang gawin 'yun kay Joseph."

"Hay naku! Nandito na naman kami, ilang beses ko kayang sasabihin sa'yo na sa pag-ibig natural lang na may masaktan. Dahil kahit patagalin mo pa ang sitwasyon ganu'n pa rin ang magiging suma total. Hindi mo s'ya mahal! H'wag kang duwag, maging matapang kang harapin ang katotohanan. Dahil kahit ibiling baligtad mo pa yang puso mo isa lang ang kasukat n'yan, ayun oh!" Turo pa nito kay Joaquin na kasalukuyang nasa playground habang tinutulungan na bumuo ng Lego ang ibang mga bata.

Habang si VJ nanatiling mailap pa rin dito kahit pa nasa mukha nito ang simpatya sa ginagawa ng ama.     

"Sa tingin mo ba tatagal dito 'yan kun'di dahil sa'yo? Kanina pa tayo nag-uusap at alam mo ba kung naka-ilang tingin na s'ya sa'yo mula pa kanina at kung nakailang sulyap ka na rin sa kanya? Grabe kayo ah! Ang sarap n'yo bang ingudngud sa isa't-isa. Ano 'yun tinginan na lang palagi, paramihan ng tulo ng laway ganu'n? Eh obvious naman na nga-nga kayo pareho at todo tiis!"

"Sira!" Naiinis n'yang saad dito.

"Ayoko lang namang mag-away silang magkapatid ng dahil sa akin. Hindi rin magiging maganda ang dating nu'n sa anak ko at siguradong malulungkot ang Papa." Malungkot na paliwanag n'ya.

"Kaya magtitiis ka na lang ganu'n? Alam mo kahit pa mag-away ang mga 'yan magkapatid pa rin sila at hindi na magbabago 'yun! Maaaring magsuntukan sila ngayon pero kung mahal nila ang isa't-isa, siguradong mangingibabaw pa rin ang pagmamahal nila bilang magkapatid. Si Tito Lian sigurado maiintindihan ka nu'n at h'wag mo nang alalahanin si VJ matalino yung bata." Mahabang paliwanag nito.

"Pero hindi ko pa rin kayang gawin sa ngayon, hindi ko alam kung kailan? Siguro kapag nakahanap na ako ng magandang pagkakataon, kapag kaya ko na?"

"Hay naku ewan ko sa'yo! Yan kapag nakakita ng iba bahala ka. Sige ka, ang yummy pa naman n'yang tingnan ngayon. Grabe ang abs lalo pa yatang mas na-develop ngayon kaysa dati, haay!"

Bigla namang napataas ang kilay niya dahil sa sinabi nito. Agad na nagreact.

"Dorina!"

"Oh! Nakita mo na? Ako pa lang to beshii, grabe to! Ang taas agad ng kilay!" Tuwang-tuwa nitong pansin sa kanya. "As if naman kakagatin ko. The best pa rin sa akin si Aaron ko no!" Dagdag pa nito.

"Oo na! Ang cute din kaya ni Aaron kaya alam kong imposibleng ipagpalit mo 'yun!" Sabi n'ya sabay baling n'ya ulit ng tingin sa playground. Nakita n'ya si Joaquin na nakikipagkulitan na sa ibang mga bata. Si VJ na sa una ayaw pang makisali pero sa huli nakikisali na rin ito. Hindi n'ya napigilan ang mapangiti dahil sa nakikitang progresyon sa mag-ama. 

"Buti alam mo, pero kung.." Hindi na naituloy pa ni Doreen ang sasabihin ng mapansin kung saan s'ya nakatingin. "Ehem!" Agaw pansin pa nito sa kanya.

Hindi naman ito nabigo muling naagaw nito ang kanyang pansin. Napalingon s'ya ulit dito na bakas pa ang ngiti sa mga labi.

"Pambihira, s'ya lang yata ang nakapagpapangiti sa'yo ng gan'yan ah?" Komento nito.

"Sira! Natutuwa lang ako para kay VJ."

"Hmmm, okay sabi mo e! S'yanga pala hindi ko yata napapansin yung isang ampon?" Tanong nitong bigla.

"Ah, wala s'ya dito umuwi yata ng Cebu noon isang araw pa. Pero babalik din yata agad may importante lang daw na aayusin du'n!"

"Alam mo hindi ako komportable sa isang yun ah.. Saan ba talaga nakilala ni Joseph 'yun? Para kasing kakaiba s'yang kumilos, hindi ko maintindihan pero parang may something na ewan. Malikot ang mata at kahit pa lagi s'yang nakasuot ng salamin sa mata, halata pa rin na kaiba s'yang tumingin ah?"

"Pero mabait naman 'yun tao at kasundo n'ya si Joseph at si VJ. Ganu'n lang siguro talaga s'ya baka ilag lang s'ya sa atin?" Hindi  na n'ya sinabi pa kay Doreen na iba rin ang pakiramdam n'ya kay Maru'. Dahil siguradong hindi ito titigil sa pagsususpetsa nito.  

"Okay mabait na kung mabait  pero kaduda duda pa rin. Alam mo bang napansin ko rin kung paano s'ya tumingin kay Joseph? Para s'yang bakla, palagay ko may gusto s'ya kay Joseph?"

Napabuntong hininga na lang s'ya sa sinabi nito. Parang ganu'n din ang pakiramdam n'ya. Pero ayaw naman n'yang makadagdag pa 'yun sa problema n'ya. Kaya hahayaan na lang muna n'ya ang tungkol sa bagay na iyon, ayaw na muna n'yang bigyan pa ito ng pansin sa ngayon.

Kinabukasan..

Dahil sa umaga lang s'ya may klase kaya nakakapunta pa rin s'ya sa Resort sa hapon. May tatlong buwan pa kasi s'yang papasok sa eskwela, may mga units pa kasi s'yang kailangang tapusin upang makasama s'ya sa mga magtatapos ng March. Pagkatapos nu'n magiging isa na s'yang ganap na Pastry Chef o isang Professional Chef.

Kahit pa umikot lang ang buong pag-aaral nila sa pagluluto at paggawa ng pagkain. Hindi rin biro ang mga pinagdaanan nila para makatapos kaya maipagmamalaki n'ya na nagsikap talaga s'ya at ibinigay n'ya ang buong puso n'ya sa propesyong ito.

Mula nang lumabas s'ya sa ospital kahit pa tutol ang mag-amang Liandro at Joseph na magtrabaho pa rin s'ya sa Resort hindi pa rin s'ya nagpapigil. Hindi naman mabigat ang trabaho n'ya dito sa Resort, kung tutuusin nga mas mahirap at under pressure ang naging training nila sa Venice pero kinaya n'ya dito pa kaya sa Resort na kinasanayan na n'ya sa loob ng limang taon.

Napapayag naman n'ya ang mga ito, subalit batid n'ya na lihim s'yang minomonitor ng mag-ama. Hindi na lang n'ya kinotra pa at nagpapanggap rin na hindi pa n'ya alam. Besides para din naman ito sa kabutihan n'ya at alam rin n'yang sobrang nag-aalala lang ang mga ito sa kanya.  

Si Joaquin naman kung minsan nagpupunta rin ito sa Resort para magscuba diving o snorkeling pero hindi man lang ito nakikipag-usap sa kanya kung hindi rin lang kailangan. Kaya hindi hindi n'ya ito maintindihan kung bakit bigla na lang todo iwas ito sa kanya. Samantalang pwede rin naman itong maging polite sa kanya o kaya maging magkaibigan sila. Para naman kahit paano in good terms pa rin sila sa isa't-isa. Hindi 'yun ganito, nakakainis!

Pero kung si Dorin ang tatanungin, sinasabi nito na kaya naroon ito ay dahil sa kanya at dahil gusto s'ya nitong makita. Pero parang hindi naman yun totoo, dahil hindi naman s'ya nito pinapansin. Mula nang sabihin nito na hindi na s'ya nito kukulitin, hindi naman n'ya sukat akalain na kasama rin pala dun na hindi na rin sila mag-uusap..

Kahit naman si Joseph napansin n'yang kakaiba rin nitong huli. May mga pagkakataon na parang ang tahimik nito at ang lalim ng iniisip. Minsan pa nga nahuhuli n'ya ito na nakatingin lang sa kanya at kapag tinanong naman n'ya sasabihin lang nito, wala lang.. Parang gusto na rin tuloy n'yang maniwala sa sinasabi ni Doreen na nakakahalata na ito sa biglang pagbabagong nangyari sa kanya.

Pero nagbago ba talaga s'ya?  Sinisikap naman n'ya na ibalik 'yun dating happiness sa pagitan nila, pero bakit ganu'n parang ang hirap ng gawin? Dati naman kahit alam n'yang kapatid lang ang turing n'ya dito. Nagagawa n'yang maging sweet o malambing dito. Pero ngayon ni hindi n'ya kayang tumitig ng matagal sa mga mata nito.

Dahil ba 'yun sa guilty talaga s'ya? Gusto n'yang sundin ang payo ni Tito Darren.

Ang magdate sila nito baka daw magkaroon pa ng chance sa puso n'ya na mas mare-consider n'ya ito. Maaari kasing naguguluhan lang s'ya sa ngayon. Baka sakali daw na bumalik 'yun spark? Baka daw dahil sa absence na namagitan sa kanila kaya nawala 'yun pagtingin nila sa isa't-isa.

Pero meron ba talagang spark? Hindi ba madalas naman talaga ang absence sa kanila dahil sa pareho nilang trabaho?

Kung si Dorin ang tatanungin, kabaligtaran ito ng ama. Mas gusto nito na pakawalan niya ang binata. At palayain rin n'ya ang sarili n'ya dito. Dahil 'yun lang daw paraan para maging masaya sila pareho.

Maaaring masaktan n'ya si Joseph sa umpisa, but later on makakahanap din ito ng bagong mamahalin at makakamove-on tulad rin ni Joaquin noon. Dapat rin daw na maging tapat s'ya sa kanyang sarili at kay Joseph.

Dahil alam naman n'ya kung sino talaga ang kanyang mahal? Pero paano ba n'ya 'yun magagawa? Kapag nangyari 'yun siguradong magkakalamat ang relasyon ng magkapatid. Magiging dahilan din ito ng sama ng loob sa kanilang Papa at kaguluhan sa isip ng kanyang anak. Iyon ang iniiwasan n'yang mangyari.

Bukod pa sa pakiramdam na napaka-selfish n'ya kung gagawin n'ya 'yun! Kaya gulong gulo na ang isip n'ya.

Naging routine din sa kanya na pagkatapos ng klase n'ya nakasanayan na n'yang dumaan muna sa pinagagawa nilang Bakeshop at doon sabay na silang kakain ng lunch ni Joseph. Pagkatapos tutuloy na s'ya sa Resort at sinusundo naman s'ya nito kapag pauwi na. Kahit paano naman may pagkakataon s'ya na makabawi dito.

Kasama pa rin n'ya ngayong araw si Doreen na naglalakad lakad sa paligid ng Resort. Pinuntahan kasi s'ya nito para sabihin ang isang magandang balita, magdadalawang buwan na pala itong buntis. Kaya naman masayang masaya ito ng araw na iyon. Nakakahawa ang saya nito kya gumaan din ang kanyang pakiramdam. Bukod pa sa talagang natutuwa s'ya para sa kaibigan.

Kasalukuyan silang nasa receiving area malapit na sa entrance gate, nang may taxing pumasok at huminto sa tapat ng main entrance. Agad naman itong inasikaso ng gwardyang nakatalaga dito. Para sana igiya ang sasakyan papasok kung saan ito dapat tumuloy. Pero tila ba tumanggi lang ang driver nito.

Dahil imbes na nagpatuloy ito sa pagpasok sa loob. Lumigid na lang ang guard nila sa passenger seat upang buksan ang pintuan nito.

Lulan nito ang isang babaing talagang makaagaw pansin sa lahat. Lalo na nang tuluyan na itong makababa ng sasakyan.

Hindi naman nakapagtataka dahil sa angkin nitong ganda. May taas itong limang talampakan at walong pulgada. Lumalakad ito na tila ba isa itong modelo. Palibhasa balingkinitan ito at nasa tamang kurba ang pangangatawan. 

Bagama't revealing din ang suot nito ngayon, hindi naman bastos ang dating. Dahil bagay na bagay dito ang suot nitong halter top blouse na tinernuhan nito ng high waist na short at high knee stilleto boot's. Makikita rin na makinis at maputi ang balat nito. Dahil sa naka-expose nitong balikat at likod. Bumagay din dito ang coffee brown nitong buhok na medyo kulot at bahagyang bangs sa harap. Halatang maganda ito kahit nakasuot pa ng sunglasses.

Hindi naman kataka-taka na sundan ito ng tingin ng lahat, lalo na ng mga kalalakihan sa Resort. Habang lumalakad ito patungo sa receiving area. Saglit pa itong tumingin sa kanila ng mapadaan ito sa kanilang harapan.

Napabuntong hininga pa s'ya paglagpas nito sa kanila.

Hanggang sa dumeretso na ito sa front desk at nag-inform. Marahil para magcheck-in. Dahil malapit lang sila sa front desk kaya dinig nila ang pakikipag-usap nito.

"Hello ma'am, good afternoon po!" Bati naman dito ng staff sa front desk.

"Good afternoon! One room with one bed please.." sagot naman nito.

"Okay ma'am, you're name please.." Muling tanong ng staff nila.

Saglit muna itong natigilan bago muling sumagot. Tila ba iniisip pa nito ang susunod na sasabihin. Bigla tuloy s'yang na-curious sa sagot nito. Kahit pa hindi magandang tingnan ang mag-earsdrop. Pero talagang gumagana ang radar n'ya.. Dinunggol pa s'ya ng siko ni Dorin at bumulong.

"Curious?" Kaya s'ya napalingon dito, s'ya namang pagsagot ng babae.

Sagot na, biglang nagpabangon ng kaba sa kanyang dibdib..

"Amanda.. Just put my name here Amanda Ram.. I mean, Ramones. Amanda Ramones that's it!"

"Amanda?" Bulong n'ya na narinig naman ni Dorin.

Amanda tama ba ang narinig n'ya, 'yun ang pangalan sa panaginip n'ya hindi s'ya maaaring magkamali 'yun nga!

Bigla s'yang napatayo na hindi na nag-isip pa..

Habang si Dorin na nagulat naman sa kanyang ginawa.

"Hey, anong gagawin mo? Saan ka ba pupunta? Hoy!" Biglang naalarma tuloy si Dorin.

Parang wala lang s'yang narinig dere-deretso s'ya sa front desk kung nasaan ang babaing may pangalang Amanda. Hindi n'ya alam kung bakit bigla na lang s'yang kinabahan?

Kung bakit bigla gusto n'ya itong lapitan kahit pa, wala namang dahilan..

"Amanda?"

Biglang tawag n'ya dito..

"Yes?"

Biglang baling nito sa kanya at bahagyang pa nitong inayos ang suot na sunglasses.

Kasunod ang isang tanong..

"Do I know you?"

Bigla s'yang natigilan at hindi malaman ang isasagot sa babae.

Ano nga ba itong ginagawa n'ya?

Nababaliw na nga yata s'ya? Bigla s'yang nalito at sunod sunod rin ang kanyang naging pag-iling. Isa lang ang naisip n'yang paraan para matakasan ang pagkapahiya.

Yun ay ang talikuran na lamang ito..

Kasabay ng pagtalikod n'ya ang bigla na lang pagpatak ng kanyang mga luha.

 

*  *  *

By: LadyGem25

Hi po sa inyong lahat,

Sana na-enjoyed nin'yo ang pagbabasa kahit hindi araw-araw ang updated nito. pasensya na talaga!

Hanggang sa susunod na kabanata..

SALAMUCH!❤️

#SUPPORT

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

❤️❤️❤️

LadyGem25creators' thoughts