webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

C-36: THE FREEDOM OF LOVE

Kanina pa hindi mapakali si Joaquin sa loob ng kanyang kwarto. Kaya naisip niyang magpahangin muna sa Veranda. Doon natanawan niya si VJ na nasa ibaba at matiyagang naghihintay kay Angela. Tila ba wala itong ganang maglaro ngayon, nakaupo lang ito sa isang stool na nasa playground, habang katabi nito ang yayang si Didang.

Kahapon siya ang sumundo dito sa school. Ayaw pa sana nitong sumama sa kanya, dahil hinahanap nito si Angela pero wala itong choice. Mabuti na lang kasama na niya noon si Russel at ito ang matiyagang nakipag-usap dito. Hanggang sa napapayag na rin nila ito.

Marahil tulad din niya ito ngayon na sobrang nag-aalala at gustong-gusto nang makita si Angela. Subalit pareho lang silang walang magawa dahil pareho lang sila na hindi pwedeng magpunta sa ospital sa magkaibang kadahilanan.

Ah! Gusto niyang magwala, gusto niyang ibalibag ang lahat ng mahahawakan niya at gusto rin niyang suntukin lahat ng makita n'ya. Dahil naiinis s'ya sa sitwasyon n'ya ngayon.

Kasama n'ya rin ngayon si Russel na walang ring magawa kun'di sundan lang ang mga kilos n'ya, hanggang sa hindi na ito nakatiis..

"Boss, pwede bang itigil mo ang kalalakad mo? Relax ka lang okay!" sabi nito.

"Paano ako magrerelax ha? Sa tingin mo ba matatahimik ako ng ganito, na nandito lang ako? Habang nasa ospital si Angela at hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya?"

"Magiging okay din s'ya kaya h'wag ka nang mag-alala. Sabi naman sa ospital stable na ang lagay n'ya, kailangan lang n'yang  magpahinga."

"Bakit ba kasi kailangan ko pang maghintay bago ko s'ya makita? Bakit hindi ko s'ya pwedeng puntahan? Ganito na lang ba palagi, kailangan may limitasyon ang lahat sa pagitan naming dalawa?"

Ayoko na nang ganito, lahat na lang ba nang babaing mamahalin ko mapupunta sa iba? Tanong ng isip n'ya.

"Ito naman ang ginusto mo, hindi ba mas pinili mo ang bumalik ng Pilipinas para sundan s'ya kaysa ang kalimutan na lang s'ya ng tuluyan. Kahit na alam mong sa huli ikaw rin ang mahihirapan." Paalala ni Russel sa kanya.

"Dahil mahal ko s'ya, sila ng aking anak. Masama bang hangarin ko na maging masaya?"

"Kung ganu'n tanggapin mo na lang ang konsikwensa or else gusto mong mag-away kayong magkapatid?"

"Damn-it!" Napamura na lang s'ya at napasuntok sa ding-ding dahil sa sobrang inis. Ito lang yata ang kaya n'yang gawin.

Tama naman ito sa simula pa lang alam na n'yang posibleng ganito ang mangyayari pero matigas ang ulo n'ya.

Nagpumilit pa rin s'yang makauwi ng Pilipinas sa kabila ng pagpigil ni Russel sa kanya. Sinabihan na s'ya nito na umiwas na lang at maghintay ng tamang panahon pero hindi s'ya nakinig dito at sa huli s'ya pa rin ang nasunod.

Ang totoo hindi naman n'ya gustong makipagkumpitensya kay Joseph. Pero ano bang magagawa n'ya? Pareho sila ng babaing minamahal. Mahal din n'ya ang kapatid at lalong hindi n'ya gusto na maging dahilan ng kabiguan nito. Pero narito na s'ya wala na itong urungan pa..

Pero ngayon nalilito na s'ya may bahagi sa isip n'ya ang nagsasabing pabayaan na lang n'ya na maging masaya ang mga ito at s'ya na lang ang kusang lumayo.

Pero ayaw makisama ng puso n'ya patuloy s'ya nitong pinipigilan na makagawa ng pagpapasya. Lalo na ngayon na alam n'yang hindi maganda ang kalagayan ni Angela.

Gusto n'yang nasa malapit lang ito, kung sakali mang may masamang mangyari sa dalaga. Gusto n'ya itong alagaan kahit pa marami namang mag-aalaga dito, isa na doon ang kuya Joseph n'ya.

Kahapon kung hindi ito nakita ni Russel na nawalan ng malay. Marahil tinangay na ito sa mas malalim na bahagi ng dagat. Hindi n'ya mapapatawad ang sarili, kung may masamang nangyari dito. Dahil alam n'yang isa s'ya sa dahilan kung bakit ito nahihirapan ngayon.

Nangako na s'ya sa kanyang sarili na hindi na n'ya ito pahihirapan. Makita n'ya lang na okay na ito hindi na n'ya ito kukulitin. Kung ayaw pa nito na magsabi na sila, bibigyan n'ya ito ng panahon. Hahayaan n'ya itong magpasya kung kailan ito magiging handa.

Kahit pa manatiling lihim s'yang nagmamahal sa babae. Kahit pa magmistula s'yang second choice lang nito. Basta makita n'ya lang ito palagi, okay na s'ya dun. Dahil ang totoo s'ya naman talaga ang panggulo sa pagitan ng kuya n'ya at ni Angela. Sigurado namang magiging masaya ang mga ito kung hindi s'ya dumating.

Kilala n'ya si Joseph pati ang ugali nito. Kaya alam rin n'yang magiging mabuti itong nobyo o asawa kay Angela. Pero bakit ganu'n parang hindi n'ya kayang tuluyan itong bitiwan at ipaubaya na lang sa kapatid.

"Boss, okay ka lang ba?"

"Oo naman okay lang ako"

Napabuntong hininga na lang si Russel, kahapon ng tawagan s'ya ni Joaquin alam na n'ya na nahihirapan na ito sa sitwasyon nito ngayon. Nag-aalala man s'ya sa mga pinaggagawa nito, pero sinusunod pa rin n'ya ang gusto nito.

Luluwas sana sila ngayon papunta ng Maynila upang makipagkita sa isang kliyente, pero dahil sa nangyari hindi sila natuloy. Dahil dito malaking bagay na naman ang nawala sa kanila. Pero ano nga ba ang halaga nito kumpara sa babaing iniibig?

Kaya kahapon ng ipahanap nito sa kanya si Angela sa Resort, alam na n'ya na wala s'yang gagawin kun'di sundan ulit ang babae. Tamang tama naman na nakita n'ya ito bago pa, bigla na lang itong bumagsak sa tubig.

Sa kabila ng kalituhan nagawa pa n'yang makahingi ng tulong sa mga staff ng Resort. Kaya kaagad din nila itong nadala sa ospital, nawalan na kasi ito ng malay. Pinakiusapan na lang n'ya ang isang staff na tumawag dito sa bahay bago pa s'ya umalis ng ospital.

Dahil mas kailangan n'yang maunang bumalik sa bahay ng mga amo n'ya. Dahil sigurado s'yang kapag nalaman ito ng Boss n'ya hindi ito papayag na hindi makarating ng ospital. Kaya dapat n'ya itong pigilan, dahil sigurado magkakagulo. Mabuti na lang kahit paano nagpapigil naman ito noong una.

Pero nang gabi na nagpilit pa rin ito na pumunta sila ng ospital upang malaman ang kalagayan ni Angela kahit patago. Parang mas malala pa ito sa dati, parang hindi na nga yata ito papipigil pa..

"Huh! Dumating na ang Papa.." Biglang wika ni Joaquin habang nakatanaw sa entrance gate. Napalingon din si Russel kung saan ito nakatingin.

Kasalukuyang bumababa si Liandro at si Joseph sa sasakyan. Pero bukod dito meron pang isang sasakyan na sumusunod dito.

"Sandali bakit narito na sila, sinong naiwan sa ospital? At sino 'yung kasama nilang bumaba sa isang sasakyan?" Nagtatakang tanong ni Joaquin.

"Hindi ba siya 'yung anak ni Dr. Ramirez?"

"Si Dorin.. Bakit naman s'ya narito?" Bakit narito ang anak ng Ninong Darren n'ya? Tanong n'ya sa isip.. Kasama na rin ba nila si Angela?

Bigla tuloy s'yang nakaramdam ng pananabik na makita na ito..

"Tama narito na nga s'ya.." Bulong n'ya na mas ang sarili ang sinasabihan.

Bigla rin sumaya ang kanyang pakiramdam, ibig sabihin lang okay na ito kaya umuwi agad. Dahil na rin sa sayang nararamdaman saglit n'yang nalimutan ang tunay na papel n'ya sa buhay ng dalaga.

"Ooops! Sandali Boss, anong gagawin mo saan ka pupunta?" Si Russel na alerto s'yang hinawakan sa braso upang pigilan na naman s'ya.

"Sandali nga bitiwan mo nga ako, ano ba?" Mahigpit pa rin s'ya nitong hawak sa kanyang braso. Kahit halos isalya na n'ya ito.

"Bibitiwan lang kita kung maipapangako mo na hindi ka gagawa ng kahit ano? Alalahanin mo na lang kagagaling lang sa ospital ni ma'am Angela. Kapag nag-away pa kayong magkapatid siguradong mas lalong maii-stress 'yun sa inyong dalawa. Naiintindihan mo ba 'yun Boss?" Tuloy-tuloy nitong sita sa kanya.

Bigla tuloy s'yang natigilan sa sinabi nito. Naisip rin n'ya, s'ya nga pala ang panggulo at ang mga katulad n'ya walang karapatang magpakita ng bulgar na emosyon. Dahil makakasira lang s'ya sa kaligayahan ng iba.

"Boss?" Sa tingin nitong nakikiusap.

"Okay na ako, pwede mo na akong bitiwan alam ko kung saan ako dapat lumugar."

Napabuntong hininga na lang si Russel sa nakikitang lungkot sa mukha ng kanyang amo. Nang maglakad ito palabas ng Veranda sumunod lang s'ya dito. Nasalubong pa nila si Liandro nang pababa na sila ng hagdan. Habang si Joseph nagpapanhik ng gamit sa kwarto ni Angela. Tinanguan lang sila nito at tuloy-tuloy na sa loob ng kwarto. Marahil nais din nitong umiwas sa kanya.

"Papa! Narito na pala kayo, kumusta si Angela?" Kunwa'y pasimple niyang tanong.

"Okay na s'ya Iho, kaya pinayagan na kaming umuwi."  

"Mabuti naman pala kung ganu'n, Okay na ba s'ya?"

"Mabuti na sa ngayon, naroon s'ya sa ibaba kasama ang anak mo. Tuwang tuwa ng makita si Angela." Dagdag pa nito.

"Ah! sige po Papa bababa na rin kami." Paalam na n'ya, kung alam lang nito kanina pa n'ya gustong tumakbo pababa.

"Ah! sige Iho, narito rin pala si Russel, kumusta ka Iho?" Bati pa nito kay Russel.

"Mabuti naman po Sir, kayo po kumusta na?"

Unti-unti na s'yang bumaba habang kausap pa rin ito ni Russel. Nang makita n'yang nalilibang na ito nagmadali na s'yang bumaba. Pagkakataon na dapat n'yang samantalahin, para malapitan si Angela kaya bakit n'ya ito sasayangin.

Bahala na!

Kahit si Russel hindi na s'ya nagawang pigilan pa, patakbo s'yang bumaba at lumabas sa iisang dereksyon. Patungo sa nag-iisang babaing minahal n'ya mula sa Venice hanggang dito sa Pilipinas.

Gusto n'yang samatalahin ang pagkakataon na makausap ang dalaga kahit sandali lang..

Kahit ngayon lang..

Gusto lang n'yang makasiguro na okay na ito. Gusto rin n'yang mayakap ito kahit saglit lang sa huling pagkakataon.

Dahil handa na s'yang pakawalan ito ngayon at putulin na ang kanyang kahibangan. Para sa ikapapanatag nito hahayaan na n'ya itong magpasya..

"Angela!" Habol pa n'ya ang paghinga ng humarap sa dalaga. Dahil na rin sa pagmamadali n'yang magkalapit dito agad. Ayaw n'ya kasing mawalan pa s'ya nang oras o pagkakataon upang makalapit sa dito.

"Kumusta ka, okay ka na ba? Wala bang masakit sa'yo, hindi ka ba nasaktan?" sunod-sunod n'yang tanong wala na s'yang pakialam kahit pa nakikita at naririnig ito ni Dorin ngayon. Alam naman n'yang hindi ito tsismosa at sigurado s'yang hindi s'ya ipagkakalat nito.

Nang hindi na s'ya nakatiis na pagmasdan lang ito kaya nang sumunod na sandali, kinabig na n'ya ito ng yakap.

No one can stop me to hug her tight now for the last time, I did. Dahil mababaliw ako kapag hindi ko ito ginawa.

Until I heard the voice of a little someone besides me. Saying the words that I wouldn't expect to hear, not now.. not anymore!

"Bakit mo niyayakap ang Mama ko? Hindi naman ikaw ang love ni Mama ah, si Tito Joseph lang.. Bitiwan mo nga ang Mama ko!" Mabuti na lang karga ito ni Dorin kung kaya napigilan ito sa paglapit sa kanya.

Daig pa n'ya ang napaso dahil sa sinabi ng kanyang anak. Kaya bigla s'yang napabitaw sa pagkakayakap kay Angela. Saglit pa s'yang napapikit kasabay ng malalim na paghinga upang pigilan ang emosyon.

Ngayon n'ya na-realized na sa bahay na ito wala s'yang kahit isang kakampi. Pakiramdam n'ya daig pa n'ya ang estranghero sa sarili n'yang tahanan.

Alam n'ya wala isa man ang makakaintindi sa kanyang nararamdaman.

"I'm sorry.. sorry for making you suffer this time! Hindi na kita kukulitin, hindi na kita pahihirapan. Kung s'ya pa rin ang pipiliin mo maiintindihan kita. But promise me na palagi mong aalagaan ang sarili mo, okay? H'wag mo na akong alalahanin ha? Okay lang ako.. Dahil handa na akong palayain ka!"

Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ni Angela at hinalikan ito sa noo. Kasabay ng paghalik n'ya dito ang pagpapalaya n'ya sa dalaga. Hindi na n'ya ito guguluhin pa, makokontento na s'ya sa lihim na pagmamahal dito.

Ang kanyang anak na lang ang pag-uukulan n'ya ng kanyang panahon. Kahit ayaw pa nito sa kanya, kahit paulit-ulit pa s'ya nitong i-reject. Alam n'yang mahihirapan s'ya pero gagawin n'ya ang lahat upang makuha ang atensyon nito. Dahil kahit ano pa ang sabihin ng iba s'ya pa rin ang nag-iisang ama nito.

Muli s'yang humugot ng malalim na paghinga. Bago tuluyang tumalikod at umalis.

"Joaquin!"

Narinig pa n'yang tinawag nito ang kanyang pangalan. Subalit hindi na s'ya muling lumingon. Dahil kapag ginawa n'ya 'yun, baka hindi na n'ya ito magawang ipaubaya kay Joseph at tuluyan na n'ya itong agawin sa kuya n'ya. Hangga't maaari ayaw n'yang maging ganu'n kasama.

Tuloy-tuloy na s'yang lumakad patungo sa garahe. Ayaw muna n'yang manatili sa bahay gusto muna n'yang mapag-isa.

Palabas na s'ya ng gate ng humahangos si Russel upang habulin s'ya. Subalit maging ito hindi n'ya pinansin, ayaw muna n'yang makausap ang kahit sino. Gusto muna n'yang iwan ang lahat, kahit pa ang sasabihin ni Russel sa kanya.

Tuloy tuloy lang s'yang nagdrive at lumayo sa bahay nila. Kahit hindi n'ya alam kung saan s'ya pupunta?

Basta gusto lang n'yang mapag-isa.

Mag-isa lang..

Dahil ayaw n'yang makita ng iba na nasasaktan s'ya. Dahil kahit s'ya mismo sa kanyang sarili, hindi n'ya maisip na ganito pala kasakit. Kalalaki n'yang tao pero hindi n'ya mapigilan ang kanyang emosyon. Kahit ano pang pigil n'ya tila ayaw makisama ng kanyang mga mata.

Kinailangan pa n'yang ihinto ang kanyang sasakyan sa tabi. Dahil nagsisimula nang lumabo ang kanyang paningin. Dahil sa paglabas ng emosyon na kanina pa n'ya pinipigilan subalit hindi n'ya nagawang mapagtagumpayan.

Hindi ganito ang naramdaman n'ya noon kay Liscel, ibang-iba. Noon agad n'yang natanggap na wala na si Liscel sa buhay niya at madali lang n'ya itong naalis sa kanyang sistema.

Pero bakit ngayon kahit anong pilit n'ya, hindi n'ya matanggap na hindi si Angela ang para sa kanya at hindi n'ya ito pwedeng mahalin.

I want to set her free, but my heart's never will.

Pero ano na ba ang gagawin ko ngayon?

Saan ba ulit ako magsisimula?

* * *

By: LadyGem25

To all my readers,

Salamat sa pagbabasa at suporta nin'yo, sana na-enjoyed n'yo ang pagbabasa nito.

Sa mga naghintay pa rin ng updated kahit medyo natatagalan. Sa mga votes at nakatutuwang komento maraming salamat po.

Again.. votes, comments at pa-rates na rin po sana?❤️❤️❤️

At tumatanggap din po ako ng review paminsan minsan! HAHHAHAHA

SALAMUCH!❤️

LadyGem25creators' thoughts