webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

C-26: I LOVE YOU, no matter who you are?

Bakit nga ba kailangan pang pahirapan nila ang kanilang mga sarili? Hindi ba talaga namang mahal n'ya ito at gusto rin n'yang maniwala na mahal s'ya nito.

Ayaw na n'yang tanungin ang kanyang sarili. Dahil alam n'yang magkakaroon lang ng contradiction sa kanyang isip.

Ang muli n'yang paglingon dito ay nangangahulugan lang ng muli n'yang pagbibigay daan, patungo sa kanyang puso. 

"Ano bang ginagawa mo, bakit ka ba gan'yan?" Tanong n'ya.

"I'm sorry, patawarin mo na ako please. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Para lang maniwala ka sa'kin, desperado na ako. Okay aaminin ko nu'ng una pinagdududahan kita. Ang akala ko masama kang babae, sorry kung inisip ko yun. Pero maniwala ka noon lang yun! Nahusgahan kita agad, huli na ng ma-realized ko na mali pala ako." Paliwanag nito.

"Wala pa rin namang pinag-iba ngayon, hindi mo pa rin ako kilala. Paano mo nasabing nagkamali ka nga ng paghusga sa'kin?" Tanong n'ya dito.

"Because, this is what my heart's says. It will never go wrong." Sabi nito sa klase ng pagtingin nito, parang gusto na lang n'yang yakapin ito at h'wag ng bitiwan pa.

Pero naunahan s'ya nitong gawin 'yun, nasopresa na lang s'ya ng bigla s'ya nitong yakapin ng mahigpit. Hindi na rin s'ya nakatiis, niyakap na rin n'ya ito.

Saglit pa silang napapikit upang lubos na maramdaman ang isa't-isa. Subalit agad din silang napaghiwalay ng makarinig sila ng mga nagpapalakpakan sa paligid.

Muntik pa nilang  malimutan marami nga pala silang audience Matapos silang magpasalamat sa mga ito sabay-sabay na rin itong nagsi-alis.

"Gusto mo bang mag-dinner na lang  muna tayo?" Tanong nito sa kanya, nang sila na lang ang naroon.

"Dinner ulit? Hindi pwede ngayon, gusto ko na sanang umuwi na. Nangako ako kay VJ na magvi-videocall kami ngayon. Nitong huli hindi na kami nakakapag-usap, kaya ayokong biguin ang anak ko." Hinarap n'ya ito at sadyang may diin ang pagbigkas n'ya sa huli n'yang sinabi. Upang ipaunawa dito na mas higit na mahalaga sa kanya ang kanyang anak. Gusto rin n'yang makita ang magiging reaksyon nito sa sinabi n'ya.

"Ah, okay sige.. Kung bumili na lang kaya tayo ng pagkain. Tapos sa apartment natin kainin? What do you think?" Mungkahi nito, nang bigla magbago ang isip nito. Tila ayaw pa nitong maghiwalay sila.

"Pwede naman, pero akala ko ba ipagluluto mo ako?" Bigla naisip n'yang itanong. Kahit alam n'yang hindi talaga ito marunong magluto.

"Ha! Ah, eh.. hehehe!" Bigla itong nawalan ng sasabihin, nakangisi itong tumawa. Na hindi malaman kung kakamutin ang noo o ang batok. Tila namumula na rin ito.

"Hmmm?" Ungol na tanong ulit n'ya at tila may nag-udyok din sa kanya na subukan ito. 

"Ah, sige basta ba tutulungan mo ako eh?" Nang hindi na rin ito nakatanggi pa.

"Okay maaga pa naman pwede pa tayong bumili ng supplies. Tayo na?" Aniya at s'ya na rin ang kusang humawak sa kamay nito. Tila alanganin pa kasi ito.

Pero mahigpit naman nitong ginagap ang kanyang kamay. Ngumiti rin ito sa kanya, nagulat na lang s'ya ng itaas pa nito ang kanyang kamay at halikan.

Nasalubong na nila si Russel, bago pa sila makarating ng parking area.

Saglit na napatingin ito sa magkahawak nilang kamay at napangiti.

"Boss, saan tayo?" Tanong nito. Saglit muna itong tumingin sa kanya, na tila nagtatanong.

"Ihatid mo kami sa Piazza, okay lang ba na doon na lang tayo mamili?" Tanong nito.

"Sige ikaw ang bahala." Aniya.

Pagdating nila sa St. Mark square bumaba na sila.

"Maghanap ka muna ng parking tapos sumunod ka na lang sa amin." Bilin ni Joaquin kay Russel matapos bumaba.

Inakay na s'ya nito at nagsimula na silang maglakad. Hindi na kasi pwede ang sasakyan, bukod sa masarap din ang maglakad na lang o sumakay ng Gondola. Pero mas pinili nila ang maglakad hindi naman sila magtatagal. Bibili lang sila ng mga kailangan.

Magkahawak kamay silang naglakad sa square. Habang namimili kumakain na rin sila, marami rin kasi ang mabibiling masasarap na pagkain sa paligid. Kumakain sila habang naglalakad.

Sobrang nakakalibang din kasi ang dami ng makikita sa paligid. Kaya hindi na nila namalayan ang pag-usad ng oras. Nalibang yata sila na magkasama, hindi na nila namalayan mag-aalas diyes na pala ng gabi. Pagtapat nila sa clock tower saka lang n'ya naalala tingnan ang oras. Nagulat pa s'ya ng makita ang oras sa kanyang cellphone.

"Grabe anong oras na?! Nalibang ako, kailangan ko nang umuwi!" Aniya.

"Hey! Relax ka lang okay, uuwi na tayo." Pagpapakalma pa nito sa kanya ng mahalata nitong nagpapanic na s'ya.

"Mukhang sinadya mo yata akong libangin ah? Para hindi mo ako maipagluto ah!" Biro pa n'ya. Natawa naman ito sa sinabi n'ya.

"Sa ibang araw na lang kita ipagluluto, marami pa namang pagkakataon. Promise ko yan sa'yo kaya paghahandaan ko!" Sabi nito.

"Sinabi mo 'yan ah?" Sabi n'ya na nangingiti na lang.

"Promise!" Tinaas pa nito ang kanang kamay bilang pangako sa kanya.

"Sige na nga uwi na tayo, halika na!" Nagpatiuna na s'ya sa paglakad pabalik.

Medyo malayo-layo na rin kasi ang nalalakad nila. Kaya sa isip n'ya kakain pa rin sila ng oras sa paglakad pabalik.

"Hey! Ang bilis mo talagang maglakad, Miss Rush hour!" Sabi nito na sinabayan pa ng pagtawa.

"Ano?" Gulat na tanong n'ya, nang marinig ang itinawag nito sa kanya.

"Palagi ka kasing nagmamadali tuwing kasama mo ako. Para sa'yo parang lagi na lang rush hour." Sabi nito na hindi man lang yata nabawasan ang saya sa mukha. Parang naka-plaster na ang ngiti nito sa labi. Ang gwapo nitong tingnan.

Kaya yata nagsu-swoon s'ya sa tuwing tinitingnan s'ya nito. Hindi n'ya mapigilang ma-excite at kiligin. Parang ngayon lang s'ya naging teenager, sabagay ano nga ba ang naging buhay n'ya sa panahon ng kanyang kabataan kung wala naman s'yang kamalayan sa kanyang nakaraan. Bigla s'yang napailing at nalungkot.

"Hey, are you okay? Uuwi na tayo tatawagan ko lang si Russel. Para maihanda na n'ya 'yun sasakyan, okay?." Sabi nito na biglang nag-alala ng makitang nalungkot s'ya.

"Okay lang ako, meron lang akong naalala." Aniya.

"Naalala?" Tanong nito na tila ba na may ipinahihiwatig.

"Bakit?"

"Ah, wala! Tayo na baka naghihintay na si Russel." Sabi nito at inakay na s'ya, paglihis nito sa pagtataka n'ya.

Hindi na lang n'ya ito pinansin at nagpatangay na lang s'ya dito. Mamaya na lang n'ya siguro ito kukulitin, kailangan munang makauwi sila. Patakbo nilang binagtas ang daan pabalik, nagkatawanan pa sila pagdating sa pinanggalingan nila kanina. Habang pareho silang humihingal tawa sila tawa na parang mga bata. Nagulat pa si Russel ng makita sila, pero natutuwa ito sa nakikitang kasiyahan sa kanilang dalawa.

Nagulat pa s'ya ng mapagod ito, bigla na lang s'ya nitong niyakap gamit ang isang kamay habang ang isa ay bitbit pa rin ang kanilang pinamili.

Bahagya pa itong humihingal habang nakayakap sa kanya ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita, h'wag mo akong iiwan ha?" Bulong pa nito ng mapalapit sa kanyang tainga.

Nahigit n'ya ang kanyang paghinga, kasunod ang paghinga ng malalim. Parang bigla s'yang nakaramdam ng possessiveness sa ugali nito.

"Halika na nga baka hinihintay na ang tawag ko ng anak mo?!" Huli na ng maisip n'ya ang kanyang nasabi. Napatingin na lang ulit s'ya dito ng hindi sadya.

Pero nanatili itong tahimik, kung ano man ang nasa isip nito. Tanging ito lang ang nakakaalam dahil hawak pa rin nito ang kanyang kamay. Hinila lang s'ya nito at iginiya papasok ng sasakyan.

Nang nasa loob na sila ng sasakyan, saka lang ito ulit nagsalita.

"Pwede mo na s'yang tawagan, ngayon pa lang.." humilig lang ulit ito sa kanyang balikat at hindi na muling kumibo.

Paano ko kayang gagawin yun kung katabi ko s'ya?

Hanggang sa makarating sila ng apartment nakahilig lang ito sa kanya.

"Narito na tayo." Si Russel na tumingin lang sa front mirror sa loob ng sasakyan.

Napilitan tuloy s'yang gisingin ito, ewan kung bakit naisip n'yang kalabitin ito sa tainga imbes na yugyugin ito. Narinig n'yang tumawa ito ng mahina.

"Gising na narito na tayo, bababa na ako. Bahala ka!" Tatayo na sana s'ya pero hindi n'ya nagawa.

Dahil pinigilan s'ya nitong bigla sa kanyang baywang. Na-out balance s'ya kaya ang bagsak n'ya sa kandungan nito.

"Ooops! H'wag ka kasing magmadali, maaga pa hayaan mo munang matulog 'yun bata. Iba yata ang gusto mong tawagan e?" Sabi pa nito.

"Anong sinasabi mo d'yan? Maagang gumigising si VJ para lang makapag-usap kami. Bago pa s'ya pumasok sa eskwela."

"Nag-aaral na pala s'ya?" Alanganin tanong nito.

"Oo sa kinder at matalino s'ya tulad mo!" Pinakiramdaman pa n'ya ang magiging reaksyon nito.

"Parang ayaw mo na yatang tumayo ah? Nagustuhan mo na yata d'yan, mapipigilan ba n'yan ang pagtawag mo sa kanila? Sa'kin okay lang na d'yan ka lang.." Sabi nito na lalo namang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Tumigil ka nga, bitaw!" Sabi n'ya

"Aray ko!" Bahagya tinapik n'ya ito sa noo at hinila n'ya ang tenga nito.

"Russel, pakibukas naman ng pinto." Binuksan naman nito.

"Oo na! Sige na bumaba ka na.." hawak pa rin n'ya ang tenga nito.

"Pambihira! Sige na pumasok ka na sa loob hindi na kami tutuloy uuwi na kami ang sakit na ng tenga ko." Reklamo nito. Habang si Russel na ang nagpasok ng pinamili nila.

Natawa na lang s'ya sa itsura nito, parang alam na n'ya kung paano ito iinisin palagi.

"Hindi na ba talaga kayo tutuloy? Tara muna sa loob magkape muna tayo!" Tumingin s'ya dito at saka ngumisi.

"Hmmm!" Ngumisi din ito at saka lumapit sa kanya, kaya naman hindi n'ya inasahan ang sunod na ginawa nito.

Naramdaman na lang n'ya na kinukuyumos na s'ya nito ng halik. This time mas mapusok na tila ba pinarurusahan s'ya nito. Parusang kailan man hindi s'ya masasaktan at tatanggapin n'ya ng buong buo. Dahil alam n'ya sa kanyang sarili na mahal na rin n'ya ito.

"From now on.. I love you, no matter who you are? And I will do anything, to make you stay by my side." Sabi nito sa kanya sa pagitan ng paghalik.

"Joaquin!" Ang tangi n'yang nasabi dito.

"Sige na pumasok ka na uuwi na kami bukas na lang ulit." Paalam na rin nito matapos lumayo ng konti sa kanya.

"Okay!" Aniya at tuluyan na s'yang pumasok. Saglit muna s'yang  tumayo sa likod ng pinto para makiramdam. Sadyang hinintay lang ng mga ito na pumasok s'ya. Dahil agad na rin itong umalis, ugong na lang ng palayong sasakyan ang kanyang narinig.

Iniligpit lang n'ya ang kanyang pinamili, pagkatapos masaya na s'yang nakipag-usap sa maglolo. Hanggang sa ang mga ito na mismo ang kusang nagpaalam sa kanya.

Papasok pa kasi si VJ at male-late na ito sa school. Gusto rin ni Liandro na makapagpahinga na rin s'ya. Matapos n'yang magpaalam dito at sa kanyang anak, naghanda na rin s'ya para matulog.

Naalala n'ya si Joseph, bukas na lang n'ya ito ime-message siguradong nagpapahinga pa ito ngayon. Lumuwas daw ito ng Manila kaninang madaling araw. Naisip n'ya bakit kaya ito maagang lumuwas? Sabi nila mayroon daw kasi itong sopresa sa kanya. Ano naman kaya 'yun? Napaisip s'yang bigla pero hindi n'ya mahulaan, hanggang sa makatulog na s'ya.

Kinabukasan, maaga s'ya ulit gumising kahit late na s'yang nakatulog. Nagluto kasi s'ya ng sopas at saka veggie omelette. Gumawa rin s'ya ng cupcakes para sa desserts.

Matapos n'yang kumain, ang iba iniwan n'ya para sa mga kasama sa apartment. Naglagay din s'ya ng sopas at omelette sa isang lalagyan, iinit na lang n'ya pagdating n'ya sa Hotel. At dala rin n'ya ang special na cupcakes na ginawa n'ya. Agad na s'yang naligo at nagbihis pagkatapos.

Masigla s'yang pumasok ng araw na iyon.. Pagdating n'ya sa Hotel, agad na s'yang dumeretso sa elevator. Hinabol n'ya kasi ang isang bellboy na papanhik sa itaas. Kilala na n'ya ito kasi tulad n'ya Pilipino din ito.

"Hoy! Hintayin mo ako sandali lang.." habol n'ya dito.

Agad naman nitong pinindot ulit ang button para muli itong bumukas.

"Oh, ma'am ikaw pala.. Good morning!" Bati nito sa kanya habang pigil ang pinto ng elevator. Agad naman s'yang pumasok.

"San ka ma'am, may pupuntahan ka sa itaas?" Tanong nito.

"Sana? Sa 8th floor ako, ikaw saan?" Balik tanong n'ya.

"Sa fifth floor lang ako ma'am." Sagot nito.

"Hala! 5th ka lang ba? Pwede bang samahan mo muna ako sa 8th? Sige na baka kasi sitahin ako sandali lang naman, please!" Aniya.

"Ikaw pa? Ang lakas mo kaya." Nakangiti nitong saad.

"Hindi ah?"

"Okay, sige na nga sasamahan na kita! Sino ba kasi talaga ang pupuntahan mo dito, si Sir Russel o Sir Joaquin?" Nagulat s'ya sa sinabi nito.

"Kilala mo si Joaquin?" Tanong n'ya.

"Oo naman ma'am ang tagal ko na kaya dito. 8 yrs. na akong dito nagtatrabaho. Ang lagi pang kasama dito ni Sir J yun dati n'yang girlfriend si ma'am Liscel. Ang suplada nu'n, palibhasa sikat na model yun. Kaya lang naghiwalay din yata? Bigla na lang hindi na nagpupunta dito si Sir Joaquin matagal na, ngayon na nga lang ulit s'ya nadalas ulit. Siguro nakalimot din, balita kasi niloko daw nang girlfriend." Mahabang kwento nito, nagulat pa s'ya ng nasa tapat na sila ng pinto ng kwarto ng mga ito.

"Nandito na tayo, pano iwanan na kita dito?" Sabi na lang nito.

"Oo sige, maraming salamat talaga!" Aniya.

Saglit pa s'yang nag-atubili sa pagkatok sa huli. Nagpasya s'yang katukin na ito. Subalit naunahan s'ya ng bigla nitong pagbukas.

"Ma'am, a-anong ginagawa n'yo dito?"

"Pwede bang tumuloy?" Tanong muna n'ya.

"Ah, oo ma'am tuloy, pasok ka!" Nalilitong pag-anyaya nito sa kanya. Niluwangan din nito ang bukas ng pinto. Nagtuloy-tuloy na rin s'ya sa loob.

"Si Joaquin?"

"Nasa kwarto ma'am, tulog pa! Saglit gigisingin ko lang." Sabi nito.

"Ako na lang.. Pwede pakiinit mo na lang ito, nagluto ako ng sopas dinalhan ko na kayo." Sabay abot n'ya dito ng lalagyan.

"Naku ma'am sa wakas, makakatikim din ng masarap na almusal. Sige ma'am tuloy ka lang d'yan, ikaw na bahala kay Boss. Eto nga pala ang susi, ako naman ang bahala dito." Turo nito sa dala n'ya na bitbit na nito.

"Sige!" Tumayo na s'ya at nagtuloy sa kwarto ni Joaquin. Pagpasok n'ya natutulog pa nga ito. Nakabalot ito ng kumot habang nakadapa, pero makikitang wala itong damit pang itaas. Nagkalat din ang damit nito sa sahig, nagkusa na s'yang pulutin muna ang mga ito. Bago ito gisingin.

Tila nanaginip pa ito, nang maulinigan n'ya na bigla itong nagsalita.

"Angela.." Bigla tuloy s'yang muli napabaling ng tingin dito. Bigla rin s'yang nagduda kung tulog ba talaga ito. Nilapitan na n'ya ito, at ginising.

"Joaquin?" Tawag n'ya dito.

Pero parang wala lang itong narinig, tulog na tulog pa rin ito. Ang gwapo pa rin nito kahit tulog, na-enganyo tuloy s'yang haplusin ang buhok nito.

Bigla itong gumalaw, sinabayan na n'ya ng tawag sa pangalan nito.

"Joaquin.." muli n'ya itong hinaplos sa buhok.

Nang bigla na lang nitong hinuli ang kanyang kamay. Muntik na s'yang mapatili dahil sa gulat. At sa muli nitong paggalaw, napahiga na s'ya sa kama nito at pigil na nito ang dalawa n'yang kamay. Habang nakatingin ito sa kanya at ang kalahati ng katawan nito ay bahagyang nakadagan sa kanya na tila ingat na ingat.

"Anong ginagawa dito ng mahal ko? Ang aga mo naman yata akong nililigawan. Baka sagutin kita agad n'yan sige ka!" Nakatawang sabi nito.

"Aba ang asyumero, tumayo ka na nga! May dala akong almusal kumain ka na lang at gutom lang 'yan. Sige na tumayo ka na!" Patulak n'yang itong inilalayo.

"Ayoko nga nasasarapan pa ako ng ganito. Ano kaya kung matulog na lang ulit tayo?" Sabay  taas baba ng kilay nito.

"Tumigil ka ayoko!"

"Hmmm, sigurado ka ayaw mo?"

Nagsimula nitong pagapangin ang mga daliri nito sa kanyang braso.

"Joaquin! Anong ginagawa mo?" Kabadong tanong n'ya.

"S'yempre minamahal ka!" Sagot nito sa malambing na tono at malagkit na tingin. 

Pero bakit ba parang naapektuhan yata s'ya? Hindi pwede ito, pero nagpatuloy lang ito sa paglalambing sa kanya.

"Joaquin, please!" Hindi n'ya kontrolado ang sarili, alam n'yang kapag nagpatuloy ito. Baka bumigay din s'ya at hindi 'yun maaari. Nang biglang mag-vibrate ang cellphone n'ya sa bulsa. Napatigil ito sa tangka sanang paghalik sa kanya.

"Fvck!" Napalakas na bulong nito.

Bigla naman s'yang natuwa at nagpasalamat buti na lang lagi n'yang nilalagay ang cellphone n'ya sa bulsa ng kanyang blazer. Bukod kasi sa makapal malalim din ang bulsa nito.

Bumiling ito at humiga sa kabilang side. Binigyang laya s'ya upang makabangon. Agad naman s'yang bumangon upang tingnan ang kanyang cellphone. Kinapa n'ya ito sa bulsa, pagkakuha agad n'yang sinagot ang tawag. Tatayo pa sana s'ya subalit agad s'yang pinigilan ni Joaquin sa kamay. Senyales na gusto nitong manatili lang s'ya doon.

"Hello, Joseph?" Napabaling bigla si Joaquin sa kanya, pagkarinig nito sa pangalang nabanggit n'ya.

"A-ano, nasa Airport ka na?"

*  *  *

By: LadyGem25

Hello again everyone,

Narito na ulit ang bago nating update, hinahabaan ko na po ang bawat chapter. Para mas ma-enjoy nin'yo ang pagbabasa.

Hindi man ako madalas mag-update sulit naman sa haba?hahaha. Para mas maintindihan din nin'yo ang story.

Kaya dapat h'wag n'yong kalimutang mag-votes at comments. Pa-rates na rin po para naman may ideya tayo kung talagang nagustuhan n'yo ang story na'to.

Maraming salamat ulit sa suporta at pagbabasa.

Enjoy reading! Until next chapter..

SALAMUCH!!❤️

LadyGem25creators' thoughts