webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

C-121: I CAN'T NO LONGER LIVE WITHOUT YOU

"WILL YOU MARRY ME?!"

"ANO PA BA ANG DAPAT KONG ISAGOT S'YEMPRE NAMAN "YES" AGAD!

'MAHIRAP NA BAKA MAGBAGO PA ANG ISIP MO AH'?!"

Sabay abot ng kanyang kamay kay Joaquin upang maisuot nito sa kanya daliri ang sing sing.

Ang sing sing na matagal nang binili ni Joaquin sa kanya noon pa mang iwan siya nito sa Batangas para sa isang Business trip noon.

"Grabe ka naman sis, konting pakipot naman sana diyan mahahalata tayo n'yan eh'!"

Komento naman ni Dustin habang yakap  nito si Gellie mula sa likuran na panay lang ang tawa mula pa kanina.

Alam niyang masaya rin ito para sa kanilang dalawa ni Joaquin.

"Hmmm, kung tutuusin kasalanan mo nga ito Kuya, kaya wala nang pakipot pa no baka matakasan lang ako nito."

Tuwang-tuwa naman si Joaquin sa sinabi niya. Inakbayan pa siya nito sabay halik sa kanyang buhok.

"Pambihira, kung sinabi mo lang agad sa'kin na gusto mo pala ng shotgun wedding e'di sana matagal na nating hinanting ang lalaking yan!" Komento ni Gavin.

"Oh' hayan nakikinig ba ang isa diyan sana narinig mo lahat para may matutunan ka!

'Ano kailangan na ba nating maghanda ng armas?" Nakangising saad ni Dust na tila may pinariringgan ngunit siniko ito ni Gellie.

"Malapit na..." Sagot ni Lyn.

"Boss, kung ganu'n pala may kailangan nang tumakbo!" Biro ni Anton habang tumatawa.

"Malamang!"

Sabay sabay na nagtawanan ang lahat pinaka malakas tuloy ang naging pagtawa ni Dustin.

Habang si Gavin bigla na lang pinagpawisan at natahimik.

Kahit pa malakas naman ang centralized Aircon sa loob ng bahay nila Joaquin.

__

Maraming oras pa ang lumipas na puno ng kasiyahan.

Naghiwalay sila ng umpukan matapos silang i-congratulated ng lahat. Marami pang proseso ang dapat nilang gawin sa kasal.

Ngunit ang mahalaga nagkakaunawaan na sila ngayon.

Nagpatuloy lang silang mga babae sa kainan at kwentuhan. Habang ang mga lalaki naman ay nagkaroon ng konting inuman.

Nagpabili rin kasi si Dustin ng maiinom bukod pa sa stock na ni Joaquin. Ngayon lang nangyari na nagkaharap harap sila kaya naman tuloy lang ang saya.

Hanggang sa lumalim na ang gabi at isa isa nang nagpaalam ang bawat isa.

Ang mag-asawang Dustin at Gellie sa bahay na ni Gavin natulog. S'yempre ganu'n rin si Lyn.

Si Lester na hinatid muna si Dessa bago bumalik sa bahay nila Joaquin. Doon na rin kasi ito matutulog magmula sa araw na iyon.

Ang iba naman ng dahil na rin sa kalasingan sa bahay na ni Gavin nakatulog. Lalo na ang grupo ni Anton.

Habang si Russell na naghatid kay Lucille bago nakauwi sa sarili nitong bahay. Hindi pa rin naman kasi ito nagsasama kahit malapit na rin ang mga itong ikasal.

Matapos naman nilang mailigpit ang lahat mabuti na lang tinulungan muna sila ni Lucille at Dessa. Bago nagpasya ang mga itong umuwi kaya naman hindi sila gaanong nahirapan sa pagliligpit ng mga kalat.

Maaga ring nakatulog ang mga bata marahil dahil sa pagod, masayang masaya ang mga ito kanina. Kaya naman napuno rin ng kaligayahan ang kanyang puso.

Isang bagay na lang ang pinag-aalala niya na hindi niya magawang sabihin kay Joaquin.

Iyon ay walang iba kun'di ang muli nilang pagharap sa Papa nito, sa kanilang Papa Liandro.

Matatanggap pa rin kaya siya nito at sa pagkakataong iyon bilang nobya na nang bunso nitong Anak.

Napabuntong hininga na lamang siya sa isiping iyon.

Bago pa siya nagsimulang humakbang papanhik sa itaas ng bahay.

Ngunit bago pa siya tuluyang makapanhik nasalubong na niya si Joaquin na pababa naman ng hagdanan.

"Oh' saan ka pa pupunta akala ko pa naman natutulog ka na? Ang dami n'yo pa namang nainom."

Medyo mabuway na rin kasi ang bawat hakbang nito. Medyo kinabahan tuloy siya kaya naman napabilis ang paglapit niya dito.

"Sweetheart, bakit ang tagal mo hik! K-kanina pa kita hinihintay ah' tulog na tayo!" Sabay yakap nito sa kanya, napahigpit tuloy ang paghawak niya sa railing ng hagdanan.

"Heto na nga papanhik na ako, halika na matulog na tayo!"

"Sigurado ka hindi mo na ako iiwan ulit?"

"Bakit naman kita iiwan saan ako pupunta?"

"Baka kasi umalis ka na naman kapag nakatulog na ako?"

Alam niyang nakainom ito kaya medyo malikot rin ang isip nito ngayon. Kaya pilit na niya itong inalalayan at iginiya pabalik ng masters bedroom.

Pero naging madaldal pa rin ito hanggang sa makarating sila sa loob ng kwarto. Kung ano-ano ang sinasabi nito para bang may gumugulo rin sa isip na hindi masabi.

"Mahiga ka na ulit sandali ha'?"

"Saan ka pupunta? Sabi ko na nga ba iiwan mo na naman ako!"

"Para kang sira pupunta lang ako ng banyo! Ano ka ba?"

"Sigurado ka hindi mo ako iiwan?"

"Grabe ka! Ano ba kasi ang ininom n'yo bakit naging gan'yan ka kakulit?"

"Mahal na mahal lang talaga kita at ayokong mawala ka pa ulit sa akin! Remember the last time na nagplano tayong magpakasal.

'Doon nagsimula ang lahat mula noon unti unti ka nang nawala sa'kin. Hanggang sa iwan mo na ako at mawala ka sa tabi ko. Ayoko na ulit na maranasan pa iyon.

'I know, I'm not a perfect man. But I'll do, love you for the rest of my life. Just promise me one thing, don't ever leave me again.

'Kahit pa may magawa akong mali sana sikapin mo pa rin akong patawarin.

'Dahil hindi ko na kakayanin pang mabuhay nang wala ka sa piling ko." Makahulugan at madamdaming saad nito.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan, nalasing ka lang naging madrama ka na! Gusto mo ba ng kape ipagtitimpla kita para mahimasmasan ka?" Ang totoo batid niyang nahimasmasan na ito at matino na rin ang pag-isip.

Ngunit tila may gusto lang itong ipahiwatig.

"Nakita mo na, gusto mo na yata talaga akong mamatay?!" Hindi niya matukoy kung nagbibiro lang ba ito sa sinabi.

Ngunit bigla na lang niyang natutop ang bibig ng bigla niyang maalala.

"Nakup!" Oo nga pala may allergy nga pala ito sa kape at maging si VJ. Bigla tuloy niyang naisip ang kambal kaya meron din?

"Naku sorry nalimutan ko! Bakit nga ba nalimutan ko?"

"Makalimutin ka lang talaga! Nakalimutan mo nga kami ng matagal hindi ba?" Tila may hinampong saad pa nito.

Kaya naman nilapitan na niya ito at umupo na rin siya sa gilid ng kama sa tabi nito.

Habang nakasandal naman ito sa headboard ng kama. Isinandal pa niya ang ulo sa balikat nito. Bago siya muling nagsalita.

"Sorry! Patawad sa mga nagawa ko sa'yo at sa mga pagkakataon na nasaktan kita ng husto.

'Pangako hindi na ako aalis sa tabi mo kahit ipagtabuyan mo pa ako!"

"Talaga? Kiss mo nga ako!" Saad nito sa malambing nang tono.

"Hmmm, ikaw talaga para-paraan na lang..." Saglit na pinindot pa niya ang ilong nito at saka ginawaran ito ng halik sa labi.

Ngunit hindi hinayaan ni Joaquin na matapos agad ang halik na iyon. Mas mapusok na halik ang naging tugon nito.

Hanggang sa humantong ulit sila sa mainit na sandali na muli nilang pinagsaluhan sa buong magdamag upang ipadama at punuan ang pag-ibig nila sa isa't-isa.

____

PARIS, FRANCE

"Hello, kumusta?" Bungad na bati nito pagpasok pa lang sa loob ng kabahayan.

"Ate Dorin!" Napatayo naman agad si Amara na nakaupo sa salas ng bahay.

"Oooppps diyan ka na lang at baka mapaano ka pa! Ang laki mo na ah' kumusta na ang pakiramdam mo. Pinapahirapan ka pa rin ba ni baby?" Tanong ulit nito.

"Ewan ko ba hindi naman ako ganito kay Kisha noon! Kaya hindi tuloy ako makabiyahe narito lang ako palagi sa bahay." Tugon nito habang hawak ang may kalakihan na ring tiyan.

"Hayaan mo na konting tiis na lang mabuti nga nagtuloy-tuloy na at wala nang naging problema pa sa inyong mag-ina."

"Oo 'yun na nga lang ang ipinagpapasalamat ko kahit na para na akong nakakulong dito sa bahay. Si Hazel hindi mo yata kasama?" Tanong rin niya.

Hindi kasi nito kasama ngayon ang Anak nitong si Hazel ang ipinagbuntis rin nito noon na ngayon ay tatlong taon gulang na.

"As usual kasama ng Lolo niya sinusulit pa ang bakasyon at pamamasyal.

Pero wala ka naman nang nararamdaman?" Muling tanong nito.

"Wala naman na maliban lang sa bumibigat na siya saka parang ang likot na."

"Normal lang naman 'yun kasi lumaki na siya. Hay! Salamat naman at okay na kayong mag-ina. Nasaan nga pala ang mag-ama at si Kisha?" Si Dorin habang umiikot ang tingin sa paligid ng bahay.

"Huwag mo nang hanapin wala dito kasama ng Lola Madz niya si Kisha. Ang mag-ama naman as usual nasa sports complex na naman, gusto pa yatang sumali sa Wimbledon." Tumatawang biro nito.

"Oh' kaya pala si Papa ang aga ring nawala. Siguradong magkakasama ang mga iyon!"

"Sinabi mo pa! Kailan nga pala ang balik n'yo ng Pilipinas?" Tanong ni Amara.

"Bukas na, kaya dumaan na ako dito kasi baka hindi na rin ako makabalik tomorrow maaga kasi ang flight namin." Tugon naman nito.

"Bukas na pala, ang bilis talaga ng araw natapos na agad ang bakasyon n'yo!" Bahagyang nakaramdam ng lungkot si Amara sa isiping babalik na ulit ang mga ito ng Pilipinas.

Mami-miss niya talaga ito, nitong huli kasi ito ang nagsilbing gabay niya at tumayong parang Ina at kapatid sa kanya.

Kaya siguradong mami-miss at hahanap hanapin niya ang presensya nito. Kapag bumalik na ito ng Pilipinas.

"Oo nga eh' mami-miss ko na naman kayo, kaya lang kailangan na naming umuwi." Tugon nito sa malungkot rin na tono.

"Ah' kung p'wede na sana akong bumiyahe, miss na miss ko na rin sa atin Ate Dorin."

"Konting tiis na lang makakauwi rin kayo. Halika nga dito..." Saad nito sabay yakap nito kay Amara at haplos sa buhok.

Magmula ng malaman nito na magpinsan sila kusang naging malambot ang puso nito sa kanya. Lalo na nang makilala nila ng lubos ang isa't-isa.

Sayang nga lang at wala sa tabi nila ang kanyang Ate Amanda. Siguro kumpleto na talaga ang kaligayahan niya at wala na siyang mahihiling pa...

Kahit pa ang pag-aasikaso sa kaso nila sa Hacienda ay ipinaubaya na niya sa Abogado nila. Tutal sila naman ang nanalo sa kaso at ayon kay Atty. Benitez wala na si Anselmo sa Hacienda.

Kung nasaan man ito nagtatago ngayon wala isa man sa kanila ang nakakaalam? Marahil nga ay tumakas na ito upang hindi ito managot sa batas sa dami ng kaso na isinampa nila dito.ú

Ang tanging ipinag-aalala na lang niya kapag nalaman na nito ang totoo, na hindi talaga siya ang tunay na Amanda. Kun'di siya ang tunay na Amara at siya rin ang mismong kumakalaban dito.

"Ate Dorin maaari ba akong humingi sa'yo ng pabor?"

"Oo naman, bakit ano ba kasing pabor ang hihilingin mo?" Curious namang tanong nito.

"Hindi ba alam mo na rin na bumalik na rin si Ate Amanda sa atin sa Pilipinas." Saad ni Amara habang magkayakap pa rin sila ni Dorin.

"Oo bakit mo naman naitanong?"

"Maaari mo ba siyang hanapin para sa'kin at kapag nagkita na kayo. P'wede bang ikumusta mo naman ako sa kanya?

'Sabihin mong mahal na mahal ko siya at isang araw magkikita rin kami. Please!"

Saad niya na nasa mga mata ang pakiusap at ang pagpipigil ng luha na kanina pa nagbabantang umalpas.

"Ano ka ba hindi mo na kailangang makiusap pa no? Dahil iyon talaga ang balak kong gawin ang hanapin ang Ate mo. Miss na miss ko na rin ang lukaret na iyon no?!

'Kaya nga gusto ko na rin talagang umuwi. Baka sakali na magkita na kami pagbalik namin ng Pilipinas." Tugon ni Dorin na makikita sa mga mata nito ang pananabik sa kanyang kapatid.

"Sana nga magkita na kayo Agad Ate, sabik na rin ako kahit man lang ang makausap siya sa phone. Siguro nasabi na rin sa kanya ni Kuya Dustin ang totoo, tungkol sa aming dalawa kaya hindi na niya ako hinahanap."

"Siguro kung alam na niya ang totoo nag-aalangan pa siyang lumapit sa'yo? Pero siguradong hinahanap ka rin nu'n!"

"Tama ka, siguradong hindi rin niya ako matitiis. Dahil alam kong mahal niya ako, marami lang nangyari.

'Pero kapag maayos na ang lahat magkakasama rin kami ulit at magiging isang pamilya. Hindi ba Ate Dorin magiging isa tayong pamilya ulit."

"Oo tama ka at siguradong matutupad 'yan makikita mo!" Tugon nito at muli silang nagyakap habang sabay ring lumuluha...

_____

PILIPINAS

Makalipas ang ilang araw nagbalik sa normal ulit ang lahat.

Naka-apply na rin sila ng marriage license na siya nilang unang ginawa.

Habang naghihintay patuloy na rin silang nagsama na para na ring mag-asawa.

Siya ang nag-aasikaso ng mga pangangailan ni Joaquin at ng mga bata. Nagsimula na rin kasing bumalik sa trabaho nito si Joaquin at pumapasok na rin si VJ sa eskwela.

Habang ang kambal ay unti-unti na rin nasasanay sa bahay. Kabisado na nga ng mga ito ang pag-uwi ni VJ at Joaquin maging ng sasakyan ng mga ito pauwi.

Tuwang-tuwa ang mga ito kapag kumpleto na sila sa bahay.

Nagagawa na rin ng mga ito na palaging maglambing sa kapatid at Ama. Deretso na rin nitong nasasabi ang salitang "Papa" kaya naman tuwang-tuwa rin si Joaquin.

Napansin rin niya na parang ang aga nitong umuuwi at laging may pasalubong pa sa tatlong bata.

Tila ba napakasarap nitong maging Tatay! Lagi tuloy niyang naalala ang kanyang Papang nitong huli. Kapag nakikita niya ang bonding ng mag-aama niya.

Dahil maaga itong umuuwi kaya naman madalas na magprisinta ito na tulungan siya sa pagluluto ng hapunan.

Pero ang totoo hindi naman talaga siya nito tinutulungan.

Dahil kung minsan mas marami pa nga ang kwento nito kaysa sa nagagawa nito.

Kung minsan naman panay lang ang paglalambing nito habang yakap siya mula sa kanyang likuran.

But atleast mas nakilala niya ito ng husto at kaiba rin ang sayang dulot nito sa kanya.

Aminin man niya o hindi mas lalo pa itong napamahal sa kanya, na para bang hindi na rin niya kakayanin pa ang mabuhay ng wala ito sa kanyang tabi.

Bukod pa sa mas naging malambing pa ito sa kanya kaysa noon. Tulad na lang ngayon tila ba ayaw pa nitong umalis.

"Huwag na lang kaya akong pumasok tutal Friday naman na!" Saad nito sa malambing na tinig habang nakayakap sa kanya at inaayos naman niya ang polo nito.

"Tumigil ka nga, Friday pa lang may Sabado pa kaya halika na bumaba na tayo tanghali ka na!"

Kumalas siya dito at hinawakan na lang ito sa kamay at hinila na niya palapit sa pintuan.

Ngunit hinila lang ulit siya nito at muling niyakap mula sa kanyang likuran. Bakit ba napaka clingy yata nito ngayon?

"Bakit ba pakiramdam ko parang ayokong mawalay sa'yo ngayon, ginagayuma mo na yata ako?

'Hindi kaya may inilalagay ka na sa iniluluto mo para lalo akong ma-inlove sa'yo?"

Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis sa sinabi nito.

"Tumigil ka nga Joaquin, pumasok ka na sige na maaga ka na lang umuwi mamaya. Kung wala ka namang importanteng gagawin bukas. Eh' di bukas ka na lang huwag pumasok tutal weekend naman bakasyon tayo?"

"Bakasyon, you mean out of town?" Paniniguro pang tanong nito.

"Oo ayaw mo ba?"

"Aba, hindi s'yempre gusto ko! Sige bakasyon tayo ba, tiyak na matutuwa rin ang mga bata saan mo ba gusto?" Tuwang saad nito.

"Alam ko na, umuwi na lang tayo ng Batangas! Ano sa tingin mo?"

"Hmmm, iyon ba talaga ang gusto mo?" Tanong nito imbes na sagutin ang tanong niya.

"Oo ang tagal ko na rin kayang hindi nakabalik doon. Saka yung dalawang bata hindi pa sila nakakarating ng Batangas at saka nami-miss ko na rin si Nanay Sol."

May halong excitement niyang tugon, kasabay ng hiling na sana pumayag ito. Tila pinakinggan naman agad ng langit ang hiling niyang iyon.

"Siguradong miss ka na rin ni Nanay Sol. Okay sige uwi tayo ng Batangas, tiyak na matutuwa rin si VJ kapag nalaman niya na uuwi tayo ng Batangas."

"Talaga... Thank you!" Masayang bulalas niya sabay yakap kay Joaquin.

"Pambihira, yakap lang wala bang kiss?!"

"Hmmm, sige na nga!" Naghintay naman ito sa halik niya. Alam niyang umaasa ito na hahalikan niya ito sa labi.

Ngunit imbes na sa labi niya lang ito halikan, pinupog pa niya ng halik ang buong mukha nito.

Tawa naman ito ng tawa ng tigilan na niya. Hanggang sa bigla rin itong huminto.

"I love you!" Sabay halik nito sa kanyang noo.

"Hmmm, ang cute talaga ng magiging asawa ko!" Imbes na tugunin ito.

"Magiging asawa, hind pa ba tayo mag-asawa?"

Bagama't nakangiti nga ito ngunit tila may nasisilip siyang lungkot sa mga mata nito. Hindi ba nito nagustuhan ang sinabi niya?

"Hmmm, s'yempre asawa na kita sa tingin mo ba pakakawalan pa kita?"

"Para kasing may doubt ka pa sa akin, ako nga gustong gusto na kitang tawaging asawa ko!"

"Oo na po asawa ko, p'wede bang pumasok na po kayo sa office at late ka na!" Niyakap na niya ito palabas ng Masters bedroom at iginiya na niya pababa.

Sumunod naman ito at nagpatangay sa kanya. Hanggang sa makababa sila ng hagdan.

Inakbayan na siya nito pagdating nila sa labas at ng makarating na sila sa sasakyan nito.

Narinig niyang nagbuntong hininga muna ito. Bago nagtuloy ng pasok sa sasakyan.

"Okay, I have to go!"

Isasara na sana nito ang kotse ng saglit pa niya itong pigilan...

"Hmmm, 'yung kiss ko nakalimutan mo!" Siya na ang kusang humalik dito and this time.

Hinawakan pa niya ito sa magkabilang pisngi at ginawaran ng mariing halik sa labi.

"I love you too, asawa ko mahal na mahal kita kaya mag-ingat ka ha'!" Sinabayan pa niya ito ng pagpisil sa matangos nitong ilong bago pa siya bumitaw dito.

Ilang segundo muna itong napatanga sa kanya. Bago pa ito maaliwalas na napangiti.

"Okay po, Boss!" Nakangiti nang saad nito. Hanggang sa tuluyan na itong umalis na may ngiti.

Alam niyang naghihintay lang ito ng assurance mula sa kanya. Hindi niya alam kung mayroon bang gumugulo sa isip nito o sadya lang takot na itong maulit ulit ang nangyari sa kanila noon?

Pero ano pa man iyon hindi na siya papayag. Kahit ano man ang mangyari sisiguraduhin niyang makakasal sila at magiging masaya kasama ng kanilang mga Anak.

Ang pangako niya sa kanyang sarili.

Pagbiling niya nakita niya si Lester na nakatayo sa labas at kausap ang isang guard.

Saglit na nilapitan muna niya ito bago muling pumasok sa loob ng bahay.

"Lester maghanda ka para bukas punta tayo ng Batangas!"

"Bukas na Ma'am?"

"Ayaw mong sumama okay lang?" Saad niya imbes na tugunin ito.

"Si Ma'am talaga palabiro, ilang araw pala tayo doon?"

"Hmmm, kailangan rin agad na makabalik tayo ng Sunday may pasok kasi si Joaquin at VJ."

"Okay Ma'am copy!"

*****

By: LadyGem25

(08-09-21)

Hello Guys,

Maulang Gabi sa inyong lahat. Alam kong naiinip na kayo sa paghihintay ng bagong update. Pasensya ulit sa delay, kaya narito na ulit sana magustuhan n'yo ulit ito?

Again maraming salamat sa inyong paghihintay, suporta at paulit-ulit na pagvotes, comments at sana may reviews and rates din!

Baka naman?hahaha...

THANK YOU GUYS!

UNTIL NEXT MORE EXCITING CHAPTERS!

BE SAFE AND HEALTHY EVERYONE

GOD BLESS PO SA ATING LAHAT...

MG'25 (08-09-21)

LadyGem25creators' thoughts