webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

C-119: THE FEARNESS AND APPREHENSION

Biglang napalabas ng bahay si Amanda ng makita niya at mabasa ang nilalaman ng diyaryo na iniabot sa kanila ni Didang.

Dahil sa biglang pagsulak ng riyalisasyon sa kanyang isip.

Ang balita tungkol kay Chloe at kung ano ang nangyari sa babae. Hindi niya malubos maisip na mangyayari ang ganitong kasamang balita. Kahit naman hindi niya gusto talaga ang ugali nito.

Hindi pa rin siya maghahangad ng masama para sa babae o sa kahit kanino maging sa kanyang kaaway. Pero bakit ito nangyari?

Gayung kahapon lang ay napaka tapang nito malakas at tila ba walang kinatatakutan.

Pero bakit sa isang iglap lang makikita niya na wala nang buhay ang babae at sa isa pang kahiya-hiyang sitwasyon.

Ang sitwasyon na ibinabato nito sa kanya kahapon lang ay tila bumalik lang dito.

Dahil natagpuan daw itong may kasama sa isang Hotel. Bagamat isang kilalang Business man ang kasama nitong lalaki ngunit kilala ring may asawa na ito.

Hindi naman niya gustong pakialam ang ano mang affairs meron ito ngayon. Pero ang isipin ang dahilan ng kamatayan nito.

Ang siyang nagbibigay ngayon ng matinding takot at kaba sa kanya.

Sana lang walang kinalalaman si Dustin sa nangyari. Dahil hindi niya mapapatawad ang sarili niya sa oras na ito ang gumawa?

Bigla rin niyang naisip si Gavin, ito alam niyang pinaka malapit kay Dustin. Kaya ng masalubong niya si Joaquin paglabas tuloy tuloy lang niyang nilagpasan ito.

"Gavin, n-nasaan si Dustin s-sabihin mo nasaan siya ngayon, sumagot ka?!"

"Ha', sandali p'wede bang huminahon ka lang muna okay?"

"Paano ako hihinahon? Kahapon lang may, may nangyari kahapon kasi si Chloe."

"Angela, please relax it's okay! Hindi gagawin ni Dustin ang iniisip mo. Baka, baka nadamay lang si Chloe sa lalaking kasama niya sa Hotel. Kaya huwag kang mag-alala, okay?"

"Tama si Joaquin huwag ka nang mag-alala nagkataon lang ang lahat." Sabad ni Lyn na agad rin palang sumunod sa kanya sa labas.

"Aalis muna ako, baka nasa bahay na si Dustin." Paalam ni Gavin.

"S-sandali sasama ako gusto ko rin siyang makausap at para makasiguro!" Aniya.

"Angela huwag ka nang sumama, hayaan mo na lang munang si Gavin ang kumausap sa kanya. Dito ka na lang muna, okay?"

"Pero gusto ko siyang makausap ngayon na!" Pamimilit pa rin niya.

"Huwag na, tama si Joaquin hayaan mong ako na lang muna ang kumausap sa kanya. Pangako aalamin ko kung nasaan siya ngayon? Saka babalitaan ko naman kayo agad. Dito ka na lang muna okay?" Saad rin ni Gavin.

"Pero gusto kong siya mismo ang makausap ko."

"Angela hayaan mo na si Gavin na lang muna ang maghanap kay Dust. Dito ka na lang muna okay? Sasabihin naman agad ni Gavin ano man malaman niya. Bumalik ka agad Gavin please." Pakiusap na rin ni Joaquin.

"Babalik ako agad at kung maisasama ko si Dustin dito gagawin ko o kaya tatawag ako agad sa inyo, pangako. Okay huwag ka nang mag-alala ha'?"

Lumapit pa ito sa kanya at marahan siyang hinaplos sa ulo.

Tumango at sumang-ayon na rin siya sa sinabi nito. Baka nga napapraning lang siya at kung ano ano lang ang pumapasok sa isip niya. Wala ba siyang tiwala kay Dustin?

Hindi naman siguro ito gagawa nang isang bagay na alam nitong maaaring ikapapahamak nito.

S'yempre iisipin rin nito ang kapakanan ng pamilya. Lalo na ngayon sa kalagayan ni Gelli.

"Tumawag ka agad Bro, sa oras na makausap mo na si Dustin. Sabihin mong nag-aalala kami ni Angela. Dahil sa mga nangyari kahapon kaya gusto sana namin siyang makausap." Saad naman ni Joaquin at saka umakbay na ito kay Amanda.

"Huwag kayong mag-aalala tatawag ako agad. Ikaw na muna ang bahala sa kanila."

"Sasama na ako gusto kong kumustahin si Gellie. Pauwi na rin naman na ako sa bahay nila saka narito na rin naman si Ate Liway." Saad ni Lyn.

"Mabuti pa nga hindi naman sa pinapaalis na kita. Gusto ko lang ikumusta mo rin ako kay Gellie. Tumawag siya sa akin kahapon pero gusto ko pa rin malaman na okay lang siya."

"Sige na nga, halika na umalis na tayo." Saad na lang ni Gavin.

"Sige aalis na kami, Joaquin ikaw na ang bahala sa kanila." Paalam na Lyn sabay halik nito kay Amanda.

"Okay tayo na, aalis na kami ihalik mo na lang ako sa mga bata!" Matapos na humalik si Gavin sa kanya ay tuloy tuloy na itong lumabas kasunod si Lyn.

Napalapit tuloy sila sa may gate para ihatid na lang ang mga ito ng tanaw.

Agad naman kinuha ni Gavin ang sasakyan at saka tuloy tuloy nang umalis matapos bumusina.

"Tayo na sa loob baka hinahanap na tayo ng mga bata."

"Natatakot ako bakit nagkataon naman, hindi kaya imbestigahan rin tayo ng mga pulis. Kapag nalaman nila ang nangyari kahapon?"

"Huwag mo munang isipin iyon at kung sakali man na ganu'n ang mangyari. Narito lang ako hindi ko naman s'yempre hahayaan na masangkot ka sa kahit ano?

'Kung sakaling magtanong sila sa'yo ang totoo lang naman ang sasabihin mo. Ikaw ang ginulo ni Chloe at hindi porke may motibo kang gumanti p'wede ka na rin nilang isangkot sa kaso.

'Tatawagan ko si Atty. Rodriguez magtatanong ako. Kaya huwag kang matakot hindi naman kita pababayaan."

"Paano kung si Dustin pala ang may gawa anong gagawin ko?"

"Ssshhh, hindi gagawin ni Dustin 'yun magtiwala ka na hindi niya 'yun magagawa, okay!"

"Alam ko naman 'yun kaya lang kasi hindi ko mapigilan na hindi mag-alala. Si Dustin kasi naalala ko kahit na noong mga bata pa kami. Hindi 'yun titigil hangga't hindi niya ako naigaganti sa mga umaaway sa'kin. Para daw hindi na nila ako ibully ulit."

"Hindi naman siguro sa pagkakataong ito hintayin na lang muna natin na siya mismo ang makausap natin para malaman natin ang totoo. Bago ka pa mag-isip ng ano pa man."

"Sana nga wala siyang kinalalaman sa nangyari. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nasangkot siya sa gulo ng dahil sa'kin!"

"Ssshhh, halika nga dito!" Niyakap siya ni Joaquin upang pakalmahin at iginiya na papasok ng bahay.

Sumunod na lang siya kay Joaquin. Dahil wala naman talaga silang magagawa sa ngayon kun'di ang maghintay.

____

"Ano ba talaga ang nangyari Bro, ikaw ba ang gumawa?"

"Ano bang sinasabi mo? Huwag mo na lang intindihin 'yun!

'Kumusta na pala ang ginagawa n'yong pagbabantay may lead na ba kayo kung nasaan na siya ngayon?"

"Sagutin mo muna ang tanong ko may alam ka ba? Alam kong hindi mo gagalawin si Chloe pero si Dexter... Umamin ka nga!"

"Napuno na'ko eh' sinaktan niya si Amanda. Alam mo ba kung ano ang ginawa niya? Ipinahiya niya ang kapatid ko sa harap ng maraming tao. Sinaktan pa niya si Amanda, kung nakita mo lang kung ano ang ginawa ni Chloe sa kanya!"

"Kung ganu'n may dahilan nga pala ang pag-aalala ni Amanda sa'yo ngayon! Pambihira ka bakit mo 'yun ginawa paano ka na, ano na mangyayari sa'yo. Kapag may nakaalam nitong ginawa mo?"

"Hindi ko naman alam na aabot sa ganito ang lahat. Ang sa akin lang gusto ko silang maturuan ng leksyon. Hindi ko naman alam na tatapusin na pala talaga sila nu'ng magkapatid na iyon!

'Ang masama pa nga nito tumakas na 'yung magkapatid, wala na sila ngayon at nakalabas na ng bansa. Nakalipad na sila kanina pang madaling araw."

"Ano, paano na ngayon 'yan?!

"Hindi ko naman inaalala ang sarili ko. Dahil wala namang makakaalam na kami ang nag-tip du'n sa dalawa.

'Hindi pa rin nila kami p'wedeng iugnay sa kaso kahit ano pa ang mangyari? Dahil hindi naman talaga kami ang pumatay!

'Pero ang inaalala ko lang ay si Amanda kapag may nakapagsabi ng tungkol sa nangyari sa kanila. Baka isama nila si Amanda sa iimbestigahan nila."

"Yun na nga, pero sigurado naman na hindi siya pababayaan ni Joaquin. Pero alam mo bang nag-aalala rin sa'yo si Amanda.

'Gustong gusto ka niyang puntahan at makita. Tawagan mo na siya para hindi na siya mag-aalala."

"Tatawagan ko naman talaga siya kaya lang dumating ka. Alam kong hindi siya pababayaan ni Joaquin. Pero siguradong matatakot 'yun!"

"Malamang! Sinabi ko ring tatawagan ko siya once na nakausap na kita. Alam mo na rin bang umuwi na silang mag-iina sa bahay nila Joaquin?"

"Oo iniwan ko na sila doon, kahapon may tiwala naman ako kay Joaquin.

'May pangako siya sa akin at inaasahan kong tutuparin niya 'yun at hindi niya ako gagaguhin.

'Dahil baka nga maging kriminal na ako ng tuluyan. Kapag ginago niya ang kapatid ko!"

"Sa tingin ko rin naman hindi niya magagawang lokohin si Amanda. Mukha namang may isang salita at talagang mahal niya si Amanda."

"Dapat lang... Dahil hindi ko talaga siya mapapatawad kapag nadehado pa ulit si Amanda!"

"Mabuti pa tawagan mo na sila!"

"Oo sige na, pero huwag ka munang umalis hindi pa tayo tapos mag-usap. Hindi ka pa nagrereport sa'kin kung ano na ginagawa n'yo?"

"Malabo pa pero wala pa rin kaming lead kung saan ang eksaktong location. Pero may nakapagsabi na nasa Europe nga siya ngayon. Iniisip ko na baka pupuntahan niya si Amara o ang Anak niyang si Bradley?

'Pero huwag kang mag-alala may tao na akong pinadala doon. Pero mayroon akong nalaman, 'yung hinala natin na may tumulong sa kanya palabas ng Bansa.

'Hindi pa kumpirmado pero nalaman ko na may tumulong nga sa kanya na makalabas ng bansa. Isang babae at siya ang pinapahanap ko ngayon."

"Babae, sino kaya ang babaing iyon?"

"Malalaman natin kapag natagpuan na siya."

"Huwag kayong titigil hangga't hindi n'yo natatagpuan ang babae gawin n'yo lahat ng magagawa n'yo maliwanag!"

"Talagang hindi ko titigilan ang babaing iyon, siya ang sumira ng ating plano. Tapos na sana ang hayup na iyon kung hindi siya nakatakas!"

"Tama ka, pero mag-iingat pa rin kayo kung nagawa niyang tulungan si Anselmo na makatakas. Ibig sabihin hindi siya isang pipitsugin lang maaaring may lakas rin ang babaing iyon." Paalala pa ni Dust.

"Oo tama ka! Pero tawagan mo na si Amanda. Bago pa 'yun ma-stress sa iyo." Pangungulit ulit ni Gavin.

"Oo na sige na! Alam mo ba na kahit hindi pa niya alam na tunay kaming magkapatid.

'Alam ko na nararamdaman na rin niya na mahal na niya ako hindi ba?

'Kahapon gustong gusto ko nang sabihin sa kanya na kapatid niya talaga ako. Pero hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan?

'Siguradong masasaktan siya lalo na kapag nalaman niya na hindi pala si Tito Darius ang tunay niyang Ama."

"Tiyak na malalaman rin niya iyon, alalahanin mo may kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag. Kaya dapat kang maging handa ano mang oras. Mas maganda kung ikaw na mismo ang magsasabi sa kanya ng katotohanan. Kaya kausapin mo na si Amara." Suhest'yon pa ni Gavin.

"Balak ko naman nang kausapin na si Amara sa mga susunod na araw."

"Mas mabuti kung ganu'n? Gawin mo 'yan bago pa magpakasal ang kapatid mo!

'Para naman ma-feel mo ang pagiging Kuya na maghahatid sa kanya sa altar. Alam ko namang gusto mo 'yun, hindi ba Kuya?!" Tinapik pa siya nito sa kanyang balikat at saka tumawa ng malakas habang lumalayo.

"Gago, puro ka kalokohan!" Pero hindi pa rin niya napigilan ang sariling umasam.

Tila ba naglaro pa sa kanyang isip ang ganu'n ideya. Ang bahagi ng isang napaka espesyal na okasyong iyon sa kanyang kapatid.

Ang ihatid ito sa taong magiging kaligayahan nito habangbuhay.

Pero paanong mangyayari iyon kung hindi naman siya nito matatanggap bilang kapatid?

Napahugot na lang siya ng malalim na paghinga bago pa sinimulang idayal ang cellphone number ni Amanda.

___

"Anong sabi ni Dustin nakausap mo ba?" Paglabas ni Joaquin ng Bathroom ay agad na tanong nito kay Amanda.

Katatapos niya lang makausap si Dustin sa cellphone. Nasa kwarto sila ng mga oras na iyon matapos nilang kumain ng lunch.

Gumagayak sila para lumabas niyaya kasi siyang lumabas ni Joaquin kasama ng mga bata.

Para maipaayos na rin niya ang kanyang buhok at pagkatapos ipapasyal nila ang mga bata sa Mall.

Ayaw sana niyang lumabas dahil wala siya sa mood pero mapilit si Joaquin. Bawas stress daw sa mga nangyari saka hindi na rin siya nakatanggi.

Lalo na nang nagpatulong na ito sa mga bata sa pagkumbinsi sa kanya. Tuwang-tuwa ang mga ito ng malamang mamasyal sila.

Kaya naman paano pa siya makakatanggi?

"Hey! Hindi mo na ako sinagot natulala ka na naman. Okay ka lang ba?" Tanong ulit nito.

"Ha' oo sabi niya huwag na raw ako mag-aalala. Pupunta siya dito bukas at mag-uusap kami."

"So 'yun naman pala eh' sabi ko naman sa'yo wala kang dapat na alalahanin. Mabuti pa maligo ka na para makaalis na tayo! Hindi ka pa kasi sumabay sa aking maligo eh'." Nakangising saad nito.

"Eh' di hindi na naman tayo nakatapos maligo!"

"Hahaha!" Natawa na lang ito sa sinabi niya. "Sabagay nga bitin pa nga ako eh'!"

"Anong bitin ka pa? Tabi na nga diyan, maliligo na ako!" Hinawi niya ito ngunit hinuli nito ang kanyang kamay sabay hila nito sa kanya.

Kinabig siya nito palapit sa katawan at siniil ng halik. Pilit niya itong itinulak ngunit hindi man lang ito natinag.

Narito na naman ang pakiramdam na tila siya nalalasing. Lalo na nang pilit nitong ipasok ang dila nito at simulang galugarin ang kanyang bibig.

Hindi na naman niya napigilan ang sarili na muling tangayin ng mahika ng masarap nitong halik.

Pero bago pa man sila makarating kung saan kailangan na niya itong pigilan. Hangga't kaya pa rin niya.

Lalo na at nararamdaman na naman niya na nagsisimula na namang gumapang ang mga kamay nito kung saan saan.

Maging ang halik nito na bumababa na rin sa kanyang leeg.

"Joaquin, may pangako ka sa mga bata maghihintay na sila hindi pa ako nakakaligo, nakakainis ka!"

"Huwag na kaya tayong tumuloy dito na lang tayo sa bahay."

"Ano, ikaw itong masidhi sa pagyayaya kanina tapos ngayon ikaw ang magiging KJ diyan!"

"Eh' pano ba to, mukhang masidhi na rin ang nararamdaman ko dito?!" Sabay turo nito sa ibabang bahagi.

"Joaquin, para kang sira, baliw!"

"Pambihira sira na nga, baliw pa! Masisisi mo ba ako kung ganito talaga ako kabaliw sa'yo tatlong taon mo kaya akong iniwan. Hindi ko nga nagawang tumingin sa iba. Dahil ikaw lang palagi ang nasa isip ko!"

"Hmmm, maniwala naman ako sa'yo ikaw pa makatiis?"

"Hindi ka ba talaga naniniwala sa akin?"

"Hmmm?"

"Tok, tok, tok!" Sabay pa silang napalingon dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto.

"Papa, Mama! Hindi pa po ba kayo tapos diyan? Tapos na po kaming magbihis, naiinip na po sila kambal."

"Nakita mo na, ikaw kasi!"

"Ah' oo Anak lalabas na naliligo lang si Mamà pero malapit nang matapos." Sigaw na ni Joaquin.

"Hay! Naku Papa, Mama anong petsa na?!" Reklamo ng kanilang panganay.

"Hay! Naku ang reklamo naman ng Anak ko!" Sadyang inilakas pa ni Joaquin ang boses para talaga marinig ng Anak.

Dahil sigurado siyang nakadikit na naman ang tenga nito sa likod ng pintuan at nakikiramdam.

Hindi naman tsismoso ang kanyang Anak at sigurado siya doon. Mahilig lang talaga ito mag-eardrops minsan at mag-obserba ng hindi halatain.

Kaya minsan nagugulat na lang siya na ang dami nitong alam.

"Sige po Papa sa ibaba na lang kami maghihintay bilisan n'yo ah'?"

"Opo Kuya!"

Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad.

"Ikaw kasi bitiwan mo na nga ako maliligo na'ko!" Yakap pa rin kasi siya ni Joaquin at hindi pa rin binibitiwan.

"Kung paliguan na kaya kita?!"

"Heh' tumigil ka!" Pairap niya itong tinalikuran at patakbong pumunta ng banyo.

Narinig pa niya ang malakas na pagtawa nito sa naging reaksyon niya.

"Kainis!"

*****

By: LadyGem25

(08-01-21)

Hello Guys,

Kumusta? Dahil sa gustong ko namang makabawe, kaya narito na ulit ang ating update sana magustuhan n'yo.

Para rin sa paulit-ulit n'yong pagvote at nakakatuwang mga comments kaya sinisikap kong mapabilis ang update. Malapit lapit na rin kasing matapos ito kaya abang-abang lang sa next chapters.

Baka nmn pwede magkahingi tayo ng kahit maikling reviews sa story diyan kahit positive o negative pa yan okay lang po!

Again... Thank you!

BE SAFE EVERYONE & GOD BLESS.

MG'25 (08-01-21)

LadyGem25creators' thoughts