webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

C-101: THE ONLY ONE, LOVE OF MY LIFE

Mag-aalas tres na nang hapon pero nasa bahay pa rin si Joaquin ng mga sandaling iyon.

Linggo naman kaya wala siya ngayon sa opisina. Pero may kailangan siyang puntahan ngayong araw.

Ngunit hanggang ngayon hindi pa rin siya makapagpasya.

Wala naman kasi siyang hilig um-attend ng kasalan. Kung hindi lang sana masugid ang imbitasyon sa kanya.

Hindi rin niya kilala personally ang mismong ikakasal. Kilala niya ito by name pero ang Ama nito ay isa sa matagal na rin niyang kliyente dito sa Pilipinas.

Ang Ama rin nito ang mismong nag-imbita sa kanya. Nahihiya kasi siya dahil sa lahat ng mga pagkakataon na iniimbitahan siya nito.

Palagi niyang dinadahilan na out of town siya o kaya nasa labas siya ng Bansa na totoo naman noon. Pero ngayon hindi na siya makapag-dahilan, alam kasi nito na nakabase na ang trabaho niya dito sa Pilipinas.

"Hey, why you look upset, Dad?"

Tanong ni VJ na mukhang galing lang sa kusina.

Habang bitbit nito ang ginawa nilang meryenda. Deretso lang ito at nilagpasan siya.

"Hey, where you going?"

"Dito lang sa Garden Dad..."

"Diyan ka sa Garden kakain, mainit diyan ah'?"

"Yes Dad, pero lumalamig na kaya okay lang masarap dito."

Tuloy tuloy lang ito sa paglabas.

"Wait aalis ako may pupuntahan ako, dito lang kayo sa bahay ha'. Pipilitin kong maagang makauwi. Okay lang ba Anak?"

"Don't worry Dad I'm a big boy na hindi na ako magtatantrums okay?"

"Hindi ka ba nag-aalala, hindi mo ba ako pipigilan?"

"Pipigilan, bakit po?" Nagtatakang tanong nito.

"Hindi ka ba mag-alala, baka pag-uwi ko may bago ka nang Mommy?" Pigil ang tawang biro niya sa Anak.

"Are you serious, Dad? I know you haven't interest in the other girls, except my Mommy and I trusted it. You had a promised, remember?" Napahinto pa ito at tila seryosong nagsalita.

Inilang hakbang lang niya ang paglapit dito at nang makalapit siya ginulo na naman niya ang buhok nito.

Na kanina lang ay ang tagal pa nitong inayos.

"Dad, sometimes you are so rediculous! You're always mess my hair and I don't like that. You seems like Mommy too."

"What?"

"Nevermind!"

"Okay sige na, now you go to the garden and I will bring you something to drink there. Before I'll go to shower, okay?"

"Owkay!" Tuloy tuloy na itong lumabas.

_____

"Here's your drink Mister. How about the taste of meryenda?"

"P'wede na!"

"What p'wede na, pagkatapos kong paghirapang iluto 'yan kanina?

'Para lang may meryenda ka 'yun lang ang sasabihin mo. Grabe ka ah'!"

"Okay naman, Dad kulang lang sa sweet. I think you need love, already. Hanapin mo na kasi si Mommy at iuwi mo na siya dito. Ikaw din baka maunahan ka pa ng iba?"

Nakangiting wika nito habang panay ang subo at nguya ng banana bread na pinaghirapan talaga niyang gawin.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang kanyang Anak. Alam naman niyang nagbibiro lang ito sa sinabi nito kanina. Dahil nakikita niya na talagang nasisiyahan ito.

Salamat sa isang blogger na pinanood niya kanina.

Her name is Chef Alon, ang galing nitong magdiscuss madali niyang nasundan ang procedure.

Bukod doon nakuha nito ang kanyang simpatya partikular sa boses nito. Hindi siya sigurado pero parang kahawig ito ng boses ni Angela may pagkakaiba lang ng konti.

"You may go Dad, I can manage myself and Yaya is there too. You need to hurry your friends are waiting you." Ang salita ni VJ ang muling nagpabalik sa kanyang diwa.

"You sure?" 

"Go on, Dad!"

"Owkay! I tried to come back soon, okay?

'Don't eat too much make sure, you have some space for dinner. Buddy! I cooked roasted chicken in the oven. Iinit na lang 'yun ni Yaya mamaya ha'."

"Owkay!"

Tumalikod na siya para ihanda ang sarili sa pag-alis. Ngunit nang magsisimula na siyang humakbang muling nagsalita ang kanyang Anak.

"Sometimes you're being a perfect Dad, and for that I don't need anyone cause only you is enough.

'But I know the only one to make you happy, that is Mommy! And it's the only way to fullfil my happiness too, than to make my stomach full.

'Don't lose hope to win her back Daddy. And I promise, whatever happens I'm always be there for you. I wish both of you to be happy. I love you both!"

Saglit pa siyang napapikit dahil sa nag-uumapaw na emosyon.

"Yes, I know buddy and trust me I win her back! Promise, I will never failed this time." Tugon niya nang hindi na lumingon pa.

Ayaw niyang makita pa nito ang pagiging emosyonal niya.

Being a father to his child is too much challenging to him. But at the same time it's all means of his life and dignity as a father.

________

Pagdating niya sa venue marami ng tao. Hindi siya agad bumaba ng kanyang sasakyan.

Nakikita pa niya ang ilan na bumababa ng kanilang mga sasakyan. Ang lahat ay tila nagmamadaling makapasok, marahil magsisimula na ang wedding ceremony.

Hinayaan lang niya na mauna ang iba hindi naman siya kasama sa entourage kaya hindi niya kailangan na magmadali.

Ang mahalaga narito na siya at mukhang hindi na makakaurong pa. Dahil naipit na siya ng ibang mga sasakyang dumating sa itinalagang parking ng mga Cariño.

Dahil sa mismong bahay ng mga ito ang venue kaya mukhang Garden Wedding ang theme ceremony.

Ilang saglit pa siyang nanatili sa sasakyan kaya napansin rin niya na halos magkakapareha o may mga kasama ang mga bumababa sa sasakyan.

Natural Wedding ito hindi naman boxing o UFC competition kaya naman obviously partners ang imbitado.

Nasaan na ba ang utak mo? Bulong at kastigo niya sa sarili.

Kahit nga si Rusell humiwalay sa kanya ng punta. Dahil kasabay nito ang kanyang sekretarya. Mukhang nagdidate na ang dalawa lately.

Kaya bigla tuloy siyang naasiwa marami man may gustong sumama sa kanya siya naman ang tumatanggi.

Kaya sino ba naman kasi ang p'wede niyang isama ngayon. Alam namang isama niya si Didang? Para lang magkaroon siya ng kapareha.

Ah' bakit ba, p'wede pa naman akong maghanap ng kapareha sa loob? Bulong niya sa sarili

Kaya't nagpasya na siyang bumaba nang sa tingin niya nahawi na ang karamihan sa labas at nagsipasok na.

Bababa na lang siya ng bigla na lang siyang matigilan at muling napabalik sa loob ng kanyang sasakyan.

Nang makasabay niyang bumaba ang pamilyar na sakay ng isang sasakyan na halos kadarating lang at humimpil ito sa mismong tapat niya sa kabilang side.

Mukhang nagmamadali rin ito sa pagbaba at sa tingin niya kasali rin ito sa entourage base sa suot nitong Amerikana.

Ngunit ang higit na nakaagaw ng kanyang pansin ng lumigid ito sa passenger seat. Hindi ito nag-iisa meron itong kasama.

Ayyyssst! Joaquin nagiging nganga ka na! Move on, boy!

Bulyaw ulit niya sa sarili.

Ngunit natahimik siyang bigla ng makita na niya ng tuluyan ang babaing kasama nito.....

And it's non other than, the only one love of his life.

She is wearing a sleeveless Chippon V-neck and wrap floral dress in high heels sandals.

Huh' kailan pa siya natutong magsuot ng heels?

Lumilitaw ang maputi at makinis nitong binti at hita sa tuwing ito ay hahakbang.

Parang gusto niya itong habulin at harangin upang isara sa kahit anong paraan ang slit ng dress nitong suot.

Bakit ba kasi iyon ang isinuot niya, dapat sa akin lang 'yun ako lang ang dapat makakita sa kanya.

Shit ka Torres! Bakit mo siya hinayaang gan'yan ang isuot?

Mabilis itong lumagpas sa kanyang harapan at hinabol rin niya ito ng tingin.

Napalunok pa siya ng sundan niya ang bawat pag-indayog ng balakang nito.

Saglit lang din niya itong napagmasdan dahil sa nagmadali na ang mga itong makapasok sa loob.

Ngunit sigurado siyang lalo itong gumanda at sumeksi sa suot nito ngayon. Paanong ang sabi ni Cloe nagkaanak na ito pero parang hindi naman?

But I don't care anything!

The game will start now and I'll make sure, I get her to him whatever happen.

Bumababa na siya sa sasakyan at nagtuloy-tuloy rin sa pagpasok sa loob.

Agad na hinagilap ng kanyang mga mata ang dalawa. Tama namang inabutan pa niya ang mga ito. Habang natataranta na ayusin ang nagusot na damit ni Torres.

Dahil malapit na magsimulang maglakad ang mga kabilang sa entourage. Lalo lang siyang nakaramdam ng pagngingitngit ng dahil sa eksenang inabutan.

Pero kahit paano ngayon kaya na niyang kontrolin ang sarili. Dahil alam niyang kailangan niya itong pagplanuhang mabuti.

Hindi siya maaaring magkamali, dahil kung kinakailangan niyang magdahan-dahan gagawin niya.

Kaya't kailangan niyang kumalma at mag-isip ng mabuti.

"Hey, look who's here? Joaquin you already here! Ang akala ko inindian mo na naman ako, kanina ka pa ba?" Napabaling siya ng tingin sa nagsalita. 

"Hindi naman ho Sir kadarating ko lang rin medyo na-late po ng konti." Tugon niya dito.

"It's okay ang mahalaga dumating ka. Nag-iisa ka yata wala ka bang kasama?"

"Wala po eh." Nakangiti niyang tugon, habang kunwaring nagkakamot ng ulo.

Pero pasimple siyang tumingin sa direkyong tinitingnan niya kanina. Bigla siyang nataranta ngunit hindi siya nagpahalata sa kaharap.

Bigla kasing nawala ang mga sinusundan niya tingin kanina.

Nasaan na 'yun? Bulong niya.

"Ha' may sinasabi ka ba hijo?"

"Ah' wa-wala po!" Umiiling niyang tugon dito.

"Mabuti naman pala at wala kang kasama hijo. Dahil may pagkakataon na ako ngayon na ipakilala sa'yo ang unica hija ko!"

"Hahaha, palabiro talaga kayo Sir!" Tugon niya kahit batid niya na birong totoo ang sinabi nito.

"Aba hindi ako nagbibiro, anong malay natin kapag nagkatuluyan kayo e di hindi ko na kailangang magbayad ng taxes."

"Kayo talaga Sir, p'wede naman po. Hindi ko lang po kayo masasagot pagdating sa BIR."

Pero hindi naman nito talaga sineseryoso ang birong iyon. Marahil tinatantiya rin nito ang kalooban niya.

Pero noon pa man madalas na siyang pahagingan ng biro nito.

Kulang na lang hilingin nito sa kanya na ligawan niya ang Anak nito.

Mas kilala rin niya ang isang Anak nitong babae kaysa sa mga lalaki.

Dahil school mate at kaklase niya sa isang subject ang isang Anak nitong babae na si Eunice na alam niyang tinutukoy nito.

Magsasalita pa sana ito ngunit tinatawag na ng emcee ang mga parents ng ikakasal. Kaya naman napilitan siya nitong iwan agad.

Nagpasalamat naman siya sa pagkakataong iyon. Dahil kanina pa talaga niya gustong iwan ito.

Dahil may iba siyang gustong gawin at hindi niya magawa. Dahil ayaw niyang makahalata pa ito. Iniwasan rin niyang may makakita pa sa kaniyang mga kakilala sa pagtitipong iyon.

Dahil isa lang ang gusto niyang gawin ng mga oras na iyon. Ang hanapin ang nag-iisang babaing nilalaman ng kanyang puso at isip.

Mula noon hanggang ngayon.....

_________

"GOTCHA! AT LAST NATAGPUAN DIN KITA!" Bulong ni Joaquin sa sarili.

Habang lumalapit siya at pinagmamasdan ang babaing nakatalikod sa kanyang direksyon.

Pero kahit pa nakatalikod ito hindi ito kailangang humarap pa para makilala niya.

Dahil kilalang kilala niya ito mula ulo hanggang paa. Pati nga ang amoy nito kabisado na niya.

Hanggang sa walang kilatis niya itong nilapitan habang patuloy pa ring pinagmamasdan ito.

Nakalapit siya sa babae nang hindi nito namamalayan. Marahil dahil nalilibang ito sa nangyayari sa paligid.

Bakas ang saya sa mukha nito habang pinanonood ang seremonya ng kasal. Partikular sa lalaking iyon na kanina pa niya gustong palipitin ang leeg kung p'wede lang?

Kanina pa rin nagngingitngit ang puso niya sa inggit sa lalaking iyon.

Tang*** nakakainis!

Pero ngayong may pagkakataon na siya hindi na niya dapat pang palagpasin ito.

Hindi na tuloy niya napigilan ang sarili na samyuin ang buhok nito.

Habang nakatalikod pa rin ito at nalilibang sa paligid.

Saglit niyang inilapit ang mukha sa buhok nito at pumikit ngunit agad ring naman siyang dumilat. Dahil sa pag-aalalang baka may makakita sa kanya na para nang baliw.

But God knows how much he want to embrace her tightly from behind and make cuddles with her while both standing.

But, Duh!

How can I do that here?

_______

"So here you are and surely I'm not hallucinating. Where have you been for a long time my Lady?"

"Huh' i-ikaw?" Nabiglang tanong ni Amanda. Dahil na rin sa hindi inaasahang presensya ng lalaki na ngayon ay kaharap na niya.

"Yes, and who do you expect, I know you don't expect to see me right?" Tanong at sagot rin nito.

Daig pa niya ang natuklaw ng ahas sa pagkakatitig sa kaharap.

Hindi naman talaga niya ito inaasahan na makikita doon at lalong hindi ngayon.

Ngunit kelan ba niya gusto bukas, sa makalawa, sa isang Linggo o sa isang buwan? Tanong niya sa sarili.

Samantalang kung pakikinggan lang niya ang kanyang puso maliwanag na sasabihin nito.

H'wag kang ipokrita!

Dahil mula noon hanggang ngayon kinasasabikan mo pa rin siyang makita.

Aminin mo na!

Hindi ba maraming mga pagkakataon na gustong gusto mong umuwi. Dahil gusto mo siyang makita kahit sa kabila pa ng alam mo na nasa piling na siya ng iba?

Kung hindi lang mas malakas ang pagpipigil mo sa iyong sarili at pagpapahalaga sa iyong dignidad.

Baka nga tumakbo ka na palapit sa kanyang mga bisig.

Pakiramdam rin nila ng mga oras na iyon ay biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo at walang ibang tao sa lugar na iyon kun'di silang dalawa lang at napakalapit rin nila sa isa't-isa.

Halos magkadikit na ang kanilang mga sarili at wala nang ispasyo sa pagitan nila.

Ramdam rin niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Mabuti na lang abala ang lahat sa panonood sa mga ikinakasal. Kaya wala pang nakakapansin sa kanila.

Nakatulong din ang mataas at malagong halaman sa gilid na bahagi ng garden. Kung saan sila nakatayo ngayon at walang ginawa kun'di ang magtitigan.

Ilang segundo pa ang lumipas na nanatili lang sila sa ganu'n sitwasyon. Bago niya nahamig ang sarili na unang magsalita.

"A-anong ginagawa mo dito?" Pasimple rin siyang lumayo.

What a stupid questions.....

Bigla naisip ni Amanda, mga kilalang business top executives. Ang halos lahat ng mga guest kaya natural lang na kilala nila ang isa't-isa.

"Like what you are doing here baby, may imbitasyon din ako s'yempre!"

"P'wede bang lumayo ka ng konti baka may makakita sa atin na magkasama?" Nakaramdam kasi siya ng pagkailang.

"Ow! Nag-aalala ka ba, na baka makita tayo ng asawa mo na magkasama?"

Ngunit tila balewala lang dito ang lahat. Hindi man lang ba ito nag-aalala?

"Huh' a-asawa?" Takang tanong niya nang ganap na niyang maunawaan ang sinabi nito.

"Yes! Mrs. Torres? I'm sure hindi mo na rin ginagamit ang Alquiza ngayon hindi ba?" Nagulat man siya sa sinabi nito hindi na lang niya itinama. Posible bang alam na rin nito na bumalik na ang alaala niya?

Marahil din naipagkamali nito na mag-asawa sila ni Dustin.

Pero naisip rin niya mabuti na rin iyon at least alam nito na may boundaries sa pagitan nilang dalawa.

"Ka-kaya nga dapat mag-ingat ka sa paglapit sa'kin. Saka baka kung ano rin ang isipin ng asawa mo."

Bahagya pa siyang umurong palayo. Ngunit humakbang naman ito palapit sa kanya na tila ba wala itong pakialam sa paligid.

"Asawa?" Mapang-uyam pa nitong tanong na ngumiti pa ng nakakaloko.

Dahil sa kakaurong niya muntik pa siyang mabuwal kung hindi nito maagap na naikawit ang braso nito sa kanyang baywang.

Awtomatikong naitulak rin niya ito ng muli siyang makabawe.

"Hindi ba dapat ikaw ang asawa ko kung hindi mo lang sana ako iniwan. Hindi ba magtatanan pa nga tayo noon, remember?"

Mahinang wika nito na tila iniingatan rin nito na makalikha sila ng ingay. Ngunit may kalakip na panunuya sa bawat diin ng salita.

"Matagal na 'yung tapos at hindi natin iyon dapat pinag-uusapan dito." Pabulong rin niyang tugon na iniwasan nang tumingin pa sa lalaki at itinutok niyang muli ang paningin sa ikinakasal.

Kaya naman hindi na niya nakita pa ang kapaitan sa mukha nito na dulot ng tahasang niyang pambabalewa sa kanilang nakaraan.

"Tapos? Para sa akin hindi pa tayo tapos iniwan mo lang naman ako sa ere, hindi ba?

'Now kung ayaw mo namang pag-usapan natin dito? Puwede naman tayo doon sa labas kung gusto mo sumama ka sa'kin!"

Pakiramdam niya may diin at galit ang bawat salita nito. Ngunit naroon pa rin ang pag-iingat na marinig sila ng iba.

"A-ayoko, hindi ako p'wedeng sumama sa iyo, ano ka ba?!" 

"Nakalimutan mo na yata? I don't take no for answer, honey! Or else gusto mo pang buhatin kita palabas?" Muling bulong nito sa kanya na sadyang inilapit pa sa kanyang tenga.

Pakiramdam niya tumaas ang lahat ng balahibo niya sa batok. Hindi niya mapigilan ang sariling makaramdam ng kakaiba ng mga sandaling iyon.

Tila ba may binubuhay ito sa kanyang katawan. Dahil lang sa simple nitong bulong.

Gosh! Ano bang nangyayari sa kanya ngayon?

Lalo pa siyang napaigtad ng hawakan nito ang kanyang baywang upang magkadikit ang kanilang tagiliran.

Habang sabay silang nakatingin sa karamihan na nagkakatuwaan pa rin at patuloy na pinanonood ang ikinakasal na kasalukuyan nang nagbibigay ng message vow sa isa't-isa.

"What a beautiful scenery happen today. For the past years I dream like this before, that you and me together.

'But you run away and leave me, that's why all turned into trash. Dahil ibinasura mo lang ako at ipinagpalit sa alikabok na iyon!"

Bigla niya itong nilingon, bakit ba parang may nakikita siyang kapaitan sa mukha nito?

Hindi ba ito ang unang sumuko? Bumalik siya pero wala na pala siyang babalikan.

Hindi ba binigyan pa nga niya ito ng pabor noon upang hindi na ito mahirapan pa at para mabuo ang pamilya nito.

"Ano man ang nangyari noon mas mabuting kalimutan na lang natin iyon!"

Hindi lang naman ikaw ang nasaktan, hindi mo lang alam kung gaano ako nasaktan para hayaan kayong maging masaya ni Liscel. Bulong pa ng isip niya.

"Kalimutan? Tang***! Ganu'n lang ba 'yun sa'yo?"

"Tama na Joaquin! Baka may makarinig pa sa atin na nagtatalo pareho lang tayong maiiskandalo kaya please tumigil ka na."

"Okay fine, hihintayin kita sa labas! Tatlong minuto lang, tutal naman mabilis kang maglakad hindi ba? Kapag hindi ka pa sumunod baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko?

'Kaya umaasa ako na susunod ka, kagaya noong umasa ako na babalik ka.

'Hihintayin kita sa kotse ko sa labas sa mismong tapat ng sasakyan n'yo maliwanag!"

"Hindi a-ayoko matatapos na ang ceremony at tiyak na hahanapin ako ni Dust!"

"Hayaan mo siyang maghanap, malaki ka na hindi ka na bata kaya hindi ka na mawawala!

'At, at saka p'wede ba takpan mo nga 'yang hita mo. Kapag kasi lumalakad ka nakikita na ang hindi dapat makita. Umayos ka kung ayaw mong may bulagin, ako. Inuulit ko hihintayin kita sa labas!"

Tumalikod na ito at tuloy-tuloy ng humakbang palayo...

Ngunit makalipas lang ang ilang segundo nagsimula na rin naman siyang humakbang upang sundan ito. Hindi man ito ang nais niyang gawin. Ngunit may isang pakiramdam na gusto pa rin niya itong sundin.

Kahit pa parang nakikita niya kung paano matataranta si Dustin sa oras na hindi siya nito makita doon. 

Ngunit mas hindi niya gustong makita na magalit si Joaquin. Dahil muli na naman niya itong binigo.

Nalaman na lang niya na nakarating na pala siya sa parking. Dahil sa huli binilisan pa niya ang paglalakad. Dahil sa pag-aalala na mahuli siya sa oras na itinakda nito.

Luminga-linga muna siya sa paligid ng makarating na siya palapit sa dala nilang sasakyan.

Awtomatikong lumipat ang tingin niya sa katapat nitong sasakyan.

Isang Lexus na Dark blue gray ang nakita niyang katapat ng Maserati ni Dustin. Kaya medyo nag-aalangan pa siya kung ito na ba ang sasakyan ni Joaquin?

Nagulat pa siya ng bigla itong bumusina ng tatlong beses. Tila ba naiinip na ang sino mang nasa loob.

Shit talaga ang lalaking ito! Gusto ba talaga nitong makaagaw ng pansin. Nataranta tuloy siya at napalapit sa sasakyan nito. Saka lang ito bumukas sa gawi niya sa passenger side.

Awtomatiko ring napabilis ang kanyang pagpasok. Bago pa man niya nakumpirma na ito nga ang sasakyan na tinutukoy nito.

"Iniisip mo ba na bibili rin ako ng Maserati o nang Bugatti na tulad ng sasakyan ng asawa mo?

'Ever since alam mo namang hindi ako ganu'n kaluho sa sasakyan.

'Kung ano lang ang komportable para sa akin okay na ako du'n! Regalo lang ito sa akin ng isang kliyente.

'Pero h'wag kang mag-alala hindi naman kita paglalakarin kapag ako ang kasama mo." Lahad nito.

Isang bagay pa ang nakumpirma niya ng mga sandaling iyon.

Naniniwala ito na talagang mag-asawa sila ni Dustin. Dahil nakikita niya sa mga mata nito. Ang panibugho sa tuwing babanggitin nito si Dust.

Tulad rin ng nakikita niya dito noon, kapag magkasama sila ni Joseph.

Ano na bang nangyari sa'yo Joaquin?

"Hindi ko 'yun iniisip, maniwala ka hindi 'yun ang nasa isip ko!" Tugon na lang niya.

"Talaga, okay forget it! Ako, alam mo ba kung ano ang nasa isip ko ngayon na kanina ko pa sana gustong gawin?"

"Huh'?"

Muli siyang napalingon sa mukha nito na sa pagkakataong iyon. Nakatingin na rin pala ito sa kanya, isang klase ng tingin na tila tumatagos hanggang sa kalooban kanyang puso.

Hanggang sa namalayan na lang niya ang unti-unting paglapit ng labi nito sa kanyang labi.

Bigla siyang naalarma sinubukan pa niya itong itulak ngunit hindi niya nagawa.

Pinigilan pa ng isang kamay nito ang kanyang batok habang pigil rin ng isa ang kanyang braso.

Dahilan para mahirapan siyang makagalaw at lumayo dito. Lalo na nang tuluyan na nitong sakupin ang kanyang labi.

May pakiramdam na unti unti na namang nabubuhay sa kanyang pandama.

Isang pakiramdam na ito lang ang may kakayahang buhayin.

Hindi lang naman iilang lalaki ang nagtangkang manligaw sa kanya noon sa London.

Lahat ng ito ay handang akuin ang responsibilidad sa kanyang kambal. Ngunit nanatiling sarado pa rin ang puso niya sa tawag ng pag-ibig.

Sabi nga ni Lyn, siguro daw dahil umaasa pa siya sa Ama ng kanyang kambal.

Kaya nga hindi siya sumama noon kay Lyn na umuwi ng Pilipinas upang patunayan na hindi na niya ito babalikan.

Dumating pa nga siya sa punto na sinubukan niyang magnobyo.

Pero hindi ito nagtagumpay, dahil tuwing mauuwi na sila sa mainit na tagpo at ng minsang gustuhin nito na makipag-s*x sa kanya.

Kusa itong sumuko sa kanya at nakipaghiwalay dahil daig pa raw niya ang yelo sa sobrang lamig.

Ngunit hindi ngayon, hindi sa mga oras na ito. This time she was realized one thing.

Isa pa rin pala siyang normal na babae na kinikilig, bumibilis ang pagtibok ng puso at nasasabik pa rin sa pagmamahal.

Ilang saglit lang ang lumipas namalayan na lang niya na kusa na siyang tumutugon sa mga halik ni Joaquin.

Ang buong akala rin niya nakalimutan na niyang umibig hindi pa pala. Dahil ang totoo hindi naman talaga nakalimot ang puso niya kahit kailan.

Nagkataon lang na iisa lang ang gusto ng puso niya, ang nag-iisa niyang pag-ibig.

The only one love of her life, only one....

Mula noon hanggang ngayon si Joaquin pa rin ang lahat lahat sa kanya.

Katunayan ang pananabik niya ng labis sa init ng pagmamahal nito ngayon. Tila nakalimutan na niya ang kanilang sitwasyon.

Lalo namang naging mapusok si Joaquin nang maramdaman nito na tumutugon na rin siya sa mga halik nito.

Ang kaninang kamay nitong pumipigil sa kanya, ngayon ay humahaplos na sa kanyang likod at braso.

Ang isa na kanina lang ay nasa kanyang batok. Ngayon naman ay malaya na ring humahaplos sa kanyang binti at hita.

Hindi na nila alintana ang mga nasa paligid. Dahil mas malakas ang tawag ng pananabik nila sa isa't-isa.

Kaya't hindi na nila alam ang nangyayari sa mga nakapaligid sa kanila. Hindi na tuloy niya alam na kanina pa natutuliro at natataranta si Dustin.

Kanina pa ito naghahap sa kanya, halos kinse minutos na ang nakalipas mula ng matapos ang wedding ceremony at kumakain na ang lahat.

Pero si Dustin halos naikot na nito ang buong bahay at bakuran ng mga Cariño.

Dahil sa paghahanap kay Amanda hindi kasi nito maiwasan na hindi mag-alala pagdating sa kanya.

______

Punong puno ito ng kaba at takot sa tuwing mawawala si Amanda sa paningin nito.

Alam na alam kasi ni Dust kung bakit ito hinahabol ni Anselmo at ang lahat ng iyon ay dahil sa kagagawan ni Amara.

Ngayong nawawala ito talagang natatakot na siya, silang dalawa lang ang narito at gumagabi na.

Naging abala ang isip niya kanina kung kaya't hindi niya ito nabantayan.

Hindi niya mapapatawad ang sarili sa oras na may masamang mangyari sa kapatid. Nagawa na ni Anselmo noon na tangkain na saktan ito.

Alam niyang magagawa ulit ni Anselmo ang bagay na iyon ng hindi niya namamalayan.

"Shit, Amanda nasaan ka na ba?" Pabulong niyang saad habang lumalakad.

Kanina pa niya tinatawagan si Amanda ngunit nagriring lang ang phone nito at hindi naman ito sumasagot.

Alam niyang madalas na nakasilent ang phone nito lalo na kapag may ginagawa ito.

"Amanda sagutin mo ang phone mo!" Muli niyang bulong habang patuloy rin siya sa paglalakad.

Nang wala pa rin nakuhang sagot naisip niyang tawagan na si Lester at magpatulong na sa paghahanap kay Amanda.

Dahil talagang kinakabahan na siya. Habang dumidilim ang paligid at gumagabi. Lalo lang nakakadagdag sa pag-aalala niya.

"Hello Lester, pumunta ka dito please hindi ko makita si Amanda nawawala siya! Oo sige hihintayin kit..."

"Beeeeep!" Biglang busina ng isang sasakyan ang umagaw ng kanyang pansin.

"Okay sige na Lester!"

Inikot niya ang paningin sa paligid nasa parking na siya ng mga sandaling iyon. Para kasing dito niya narinig ang busina.

Papalapit na siya sa kanyang sasakyan ng matutok ang tingin niya sa kabilang side.

Nang biglang sumagi sa isip niya ang isang bagay. Kung kanino nga ba ang sasakyang iyon?

Saglit siyang napaisip at tuloy tuloy na lumakad palapit sa sasakyan!

Maya maya.....

"PUT***INA, ALQUIZA!"

*****

By: LadyGem25

(04-17-21)

Hi Guys,

Kumusta? Narito na ulit ang bago nating update. Sa kabila ng mga nangyayari sa paligid libang libang lang tayo.

Sinisikap ko talaga na ituloy tuloy lang ang story. Ito na rin kc ang libangan natin.

Ayoko nmn na basta isulat lang ito, s'yempre sinisikap ko rin na talagang magugustuhan ninyo.

Bukod kc sa pagsusulat marami rin tayong gawain dito sa bahay.

Kaya konting tiyaga lang sa paghihintay.

VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY.

GOD BLESS...

SALAMAT!

MG'25 (04-17-21)

LadyGem25creators' thoughts