webnovel

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbain
Pas assez d’évaluations
131 Chs

AFTER THE RAINBOW'S GONE 2

"Huh? Ang Papang, Mang Kanor ang Papang!" Nasundan naman ito ng tingin ni Mang Kanor.

Ngunit ang sumunod na nangyari ay hindi na nito nagawang pigilan. Nang bigla na lang itong sumigaw upang tawagin ang ama nitong si Darius.

"Papang!"

Huli na bago pa ito napigilan ni Mang Kanor. Nakagawa na ito ng ingay upang makuha ang atensyon ng mga taong naroon.

Lalo na nang ama nitong si Darius...

Kilalang kilala nito ang boses na iyon, ang tinig ni Amanda. Kaya bigla itong napalingong muli at kinabahan.

Hinanap ng mga mata ang pinanggalingan ng tinig hanggang sa matagpuan.

"Amanda, anak!" Kasabay ng pag-iling...

Nakita niya si Mang Kanor at Amanda na na tila nagtatago lang sa kubling bahagi ng likod bahay. Habang pigil na nito si Amanda at nakatakip ang kamay sa bibig ng kanyang anak.

Naaawa man siya sa kalagayan ngayon ng kanyang anak. Alam niyang ito ang pinaka mabuti dito sa ngayon. Salamat na lang kay Mang Kanor alam niyang hindi nito pababayaan ang kanyang anak.

Sana lang maintindihan ni Mang Kanor ang gustong sabihin ng kanyang mga mata at sunod sunod na pag-iling.

Dahil hindi niya ito maaaring lapitan ngayon. Pagtingin sa kanya ni Mang Kanor, tila naman ito'y nakaunawa. Dahil pilit nitong hinila si Amanda palayo, kulang na lang buhatin nito ang dalagita.

"Kailangan na nating makalayo dito habang hindi nila tayo napapansin. Susunod na lang sa atin ang Papang mo anak."

Gusto niya sanang tumakbo palapit sa mga ito at sabay-sabay silang tumakas pero huli na...

"Boss si Darius, narito si Darius!"

Mas nanaisin pa niyang siya ang mapahamak kaysa magamit nito si Amanda laban sa kanila. Kaya walang pinaka mabuti kun'di ang harapin niya si Anselmo. Isa lang naman ang gusto nito ang lupain nila.

"Oh! Darius, narito ka lang pala balita ko gusto mo raw tumakas ah?"

"Hayup ka Anselmo kailan mo ba kami titigilan?"

"Siguro kapag lumuluhod ka na sa harap ko at nagmamakaawa baka nga sakaling maawa pa ako sa'yo?"

"Hayup ka hindi mangyayari 'yun! Hindi ako kailanman magmamakaawa sa'yong gago ka, naiintindihan mo?"

"Eh' mas gago ka, sige tingnan natin ang tigas mo ngayon! Sige na bugbugin n'yo na 'yan palambutin n'yong mabuti!"

Sinimulan na nga siyang bugbugin ng mga tao ni Anselmo. Suntok, sipa at tadyak ang inabot niya.

Subalit maya maya lang muling lumapit si Anselmo.

"Maarte ka hindi ba at para kang artista kaya kailangan ko pala ang Autograph mo. Oh sige pirma na!"

Hawak nito ang ilang piraso ng papel na nakalagay sa isang plastic folder at pilit itong pinapipirmahan sa kanya.

Kahit hindi pa niya ito tingnan alam niyang isa itong Legal documents o deed of sale ng kanilang bahay at lupa. Upang kunwari'y Legal nitong nakuha ang kanilang mga ari-arian.

Kahit ang totoo ay bunga ito ng pananakot at kahayupan nito.

"Ano ako uto-uto? Hindi ko pipirmahan 'yan!"

"Oh di sige h'wag mong pirmahan p'wes mabubulok ka na dito. Sino ba ang ipinagmamalaki mo ha? 'Yun pamilya mo sa Maynila na matagal ka nang kinalimutan? Tutal ayaw mo namang pumirma. Kaya hindi ko na pakikinabangan 'yang mga kamay mo wala na 'yang silbe, kaya dapat d'yan ito!"

"Aaaahhhh!"

Isang malaking tipak ng bato ang bigla na lang nitong ipinukpok sa kanyang kamay. Kaya napasigaw siya sa sakit, naramdaman pa niya ang tila pagkadurog ng mga buto niya sa daliri.

Halos manginig siya sa sakit na nararamdaman.

"Papang?" Biglang napalingon si Amanda ng parang naulinigan nito ang pagsigaw ng ama. "Tatay Kanor balikan natin ang Papang ko. Sige na po ayokong iwan ang Papang!"

"H'wag nang matigas ang ulo mo, ibinilin ng Papang mo na ilayo kita dito. H'wag kang mag-alala anak magkikita-kita pa naman kayo ng Papang mo kaya halika na!"

"Hindi, hindi ko i-iwanan ang Papang ko..."

Nagmatigas pa rin si Amanda hindi nito iginalaw ang mga paa pahakbang palayo. Bagkus ng malingat ang matanda, sinamantala nito ang pagkakataon iyong upang takbuhan ito.

Tumakbo ito pabalik sa kanilang bahay...

______

"Kuya Abner kinakabahan ako bumalik kaya tayo?"

"Hindi pwede nagbilin si Darius na sa pantalan na lang kayo magkikita-kita. Kaya hindi na tayo pwedeng bumalik!"

"Kuya Abner bumalik na tayo iba talaga ang kutob ko! Bahala na kahit ano pa ang mangyari. Basta bumalik na tayo!"

Kaya wala itong nagawa kun'di ibalik ang sasakyan at muling bumalik sa Baryo.

Patuloy namang binugbog ng mga tauhan ni Anselmo si Darius kahit puro pasa na ito at sugat sa katawan kahit halos hindi na rin ito makatayo.

Patuloy pa rin nagmatigas si Darius. Dahil hindi niya gustong bigyan ng kasiyahan si Anselmo. Kahit ito pa ang katumbas ng buhay niya ito lang naman ang alam niyang paraan upang biguin ito. Alam rin niya na kahit ibigay pa niya ang gusto nito patuloy pa rin sila nitong guguluhin at sasaktan. Dahil alam niyang kaya rin nitong kunin sa kanila ang lahat. Ang nais lang niya masiguro na ligtas ang kanyang pamilya sa mga kamay nito.

Pero may isang bagay na kailan man hindi nito makukuha sa kanya. Kahit pa mawala na siya sa mundo. Hinding-hindi!

Alam niya na sa bagay na iyon siya pa rin ang panalo.

Makalipas ang ilang sandali, hanggang sa...

"Sige na iwan n'yo na 'yan, wala na 'yang silbi! Siguradong hindi na 'yan makakabangon pa...

Tayo na!"

Iniwan na nga ng mga ito si Darius, matapos pagtulungan itong bugbugin. Halos hindi na ito makagalaw dahil sa sakit ng katawan.

Pero nagpumilit pa rin siyang makagapang kahit hirap at nginig na ang mga kamay. Ang mga paa niya na halos hindi na niya magawang igalaw.

Dahil habang gumagalaw siya lalo lang niyang nararamdaman ang sakit ng kanyang katawan. Pero hindi siya p'wedeng sumuko agad...

Siguradong hihintayin na siya ng mag-iina niya, kailangan nilang makaalis dito. Kailangan niyang ilayo ang pamilya niya at saka nais pa niyang makita ulit ang Daddy at kuya Darren niya.

Pero bakit ganu'n parang pakiramdam niya hindi na niya kakayanin pa?!

"Diyos ko! Konting panahon pa po pakiusap..." Bulong ng isip niya habang pinilit pa niya ang tumingala.

Bahagya pa niyang naaaninag ang kanina'y makulay pang Bahaghari sa kalangitan habang unti-unti na itong naglalaho.

Naramdaman na lang niya ang unti-unti pagpatak ng luha, mula sa kanyang mga mata. Ito na ba ang kanyang hangganan?

"Papang! Nandito pa rin po ako, Papang..."

"Huh! A-Amanda Diyos ko Anak! Hahh, b-bakit ka pa bumalik?"

Umiiling at umiiyak itong lumapit sa kanya. Hindi man niya gusto na makita siya nito sa ganu'ng kalagayan. Subalit wala na siyang magagawa.

Ayaw niyang maging dahilan siya ng kalungkutan nito lalo na ang kaawaan siya nito at mag-iwan pa ng sugat sa kalooban ng kanyang anak.

"Mahabaging Diyos Darius anong nangyari sa'yo! Tatawag ako nang tulong dadalhin ka namin sa ospital. Amanda h'wag mong iiwan ang Papang mo dito ka lang hihingi ako ng tulong!" Nababahalang wika ni Mang Kanor.

"Papang, bakit nila ito ginawa sa'yo ang sama-sama nila!"

"A-Amanda anak halika lumapit ka, makinig ka anak." Nagpilit siyang gumalaw upang higit na mapalapit sa anak at pilit inaabot ang kamay nito.

"Papang..."

Nagsimulang bumalong ang mga luha mula sa mga mata ni Amanda.

"A-alam mo namang mahal ka ni Papang hindi ba?" Nahihirapang saad ni Darius.

"O-opo, Papang..."

"Gusto ko umalis kayo dito anak kasama ng Mamang at ng kapatid mo. Lisanin n'yo ang lugar na ito at h'wag na kayong babalik anak!"

"Pero Papang, kailangan mo munang magpagaling hindi ka pa makakabyahe." Takang tanong ni Amanda.

"Hindi anak baka, b-baka hindi na ako makasama. Malaki ka na anak, konti na lang dalaga ka na at i-ikaw ang panganay ko hindi ba? Kaya dapat lang ikaw na ang mag-aalaga at titingin sa pamilya natin kapag wala ako."

"Hindi Papang, hindi kami aalis ng hindi ka kasama. Darating na si Tatay Kanor dadalhin ka namin sa ospital. Gagamutin ka ng mga Doctor pagagalingin ka nila. Kung gusto mo magiging Doctor din ako Papang at ako na ang magiging Doctor mo sa susunod. Basta lagi lang tayong magkakasama, matutuwa na sa'yo si Lolo. Dahil magkakaroon ka na nang anak na Doctor kaya makakauwi ka na Papang! Aalis na tayo dito Papang, kaya wala nang mananakit sa atin!"

"Ang gusto ko sundin mo kung ano ang gusto mo anak, kung ano ang pangarap mo. Dahil iyon ang totoong pangarap ko ang maging masaya kayo. Dahil mahal ko kayo mga anak ko. Tandaan mo, anak kita at ako ang iyong ama. H'wag mo akong kalilimutan anak ha? Tandaan mo mahal na mahal ka ni Papang mo ha!"

"Mahal na mahal din kita at s'yempre hindi ko kalilimutan na ikaw lang naman ang nag-iisang Papang ko!"

"Salamat, anak ko masaya ko na naging anak kita!"

"Darius! Bakit, a-anong nangyari anong ginawa nila sa'yo? Diyos ko Darius!"

"Mamang..."

"Papang! Anong nangyari kay Papang ate?"

"Kuya Abner tulungan mo ako dalhin natin sa ospital si Darius!"

Tila naman napatda sa kinatatayuan si Abner pagkakita nito sa kalagayan ni Darius. Hindi ito agad nakakilos.

"Tama na, hindi ko na kaya h'wag n'yo na akong dalhin sa ospital."

"Hindi Darius ano bang pinagsasabi mo d'yan? Kailangan pa nating umalis dito Darius. Kaya kailangan mong magpalakas."

"Patawarin mo ako mahal ko, hindi na kita masasamahan. Uhuum!"

"Darius?!"

"Papang!"

"Dalhin na natin sa ospital ang Papang, Mamang.."

Muli lang umiling si Darius...

"A-anak hindi na kaya ni Papang, g-gusto ko palagi kang susunod sa Mamang at ate mo ha! H'wag mo akong gagayahin, matigas kasi ang ulo ni Papang!"

"Hindi, Papang, halika na pumunta na tayo sa ospital bibili kami ng gamot aalagaan ka namin ni ate para gumaling ka agad... Papang!

"I-ikaw na ang bahala sa anak natin, gusto ko i-ituloy n'yo ang pag-alis. Pumunta kayo sa lugar na hindi na kayo magugulo ni Anselmo. Patawarin n'yo sana a-ako dahil hindi ko na kayo maalagaan. Uhuu!"

"H'wag kang magsalita ng gan'yan Darius kailangan ka pa namin, bakit parang sinasabi mong hindi ka na namin makakasama? Ayoko Darius! Kaya pa natin hindi ba? Darius h'wag mo naman kaming iiwan..."

"Nami-miss ko na si Daddy at si kuya Darren kaya lang parang hindi ko na sila makikita? Gusto ko sana makilala nila kayo, lalo na ang mga magaganda kong mga anak. Sayang wala na si Darwin pero makakasama ko naman siya. Kaya h'wag na kayong mag-alala sa'kin ha! Siya naman ang aalagaan ko."

Pilit siyang ngumiti para pagaanin ang kalooban ng kanyang mag-iina.

"Darius!"

"Papang bakit mo ba sinasabi 'yan hindi mo naman kami iiwan hindi ba? Pag-aaralin mo pa kami ni bunso sa Maynila hindi ba? Papang!"

"Hindi ko kayo iiwan kahit hindi n'yo ako kasama. Basta isipin n'yo lang palagi, na nasa tabi n'yo lang ako. Gusto ko ipangako n'yo sa'kin na kahit anong mangyari? Kahit hindi n'yo na ako kasama pipilitin n'yo paring pagandahin ang buhay n'yo at gusto ko maging masaya kayo ha?!"

"Ayoko Papang bakit ba hindi ka namin p'wedeng makasama magpagaling ka lang... Gusto ko pang kasama ka pa namin ni Ate at ni Mamang, Papang sige na!"

"Uhuum, m-mahal ko! G-gusto kong ma-ging m-malakas ka pa-ra sa mga a-anak natin ha? I-ipangako mo!"

Ramdam na niya na unti-unting nanghihina ang kanyang katawan. Nahihirapan na rin siyang huminga, gusto man niyang manatili pa sa tabi ng kanyang mag-iina at sundin ang hiling ng kanyang mga anak kahit sandali na lang...

Subalit napapagud na siya at parang lumalabo na ang kanyang paningin.

Parang gusto na rin niyang matulog...

"Darius, naririnig mo ba ako Darius? Mahal kita, ikaw ang nagbigay ng pag-asa sa buhay ko nagiging malakas ako dahil sa'yo. Salamat ha? Dahil hindi mo ako iniwan kahit kailan. Kahit alam ko na p'wede mo namang gawin 'yun. Pero nanatili ka pa rin sa tabi ko at hindi sumuko. Gusto kong malaman mo na ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Ang pinaka-makulay kong Bahaghari. Alam kong pagud ka na, kaya sige na pinapayagan na kita..." Saglit pa itong sumigok upang pigilan ang pag-iyak. Bago nito muling ipinagpatuloy.

"H'wag ka nang mag-alala sa mga anak natin, ako na ang bahala sa kanila... Darius, mahal na mahal kita!" Hindi na rin nito napigilan ang pagbalong ng luha.

Tila iyon lang ang hinihintay ni Darius. Matapos nitong humugot ng paghinga, biglang napahigpit ang paghawak nito sa mga kamay ni Annabelle.

Hanggang sa unti-unti ring lumuwag, kasabay nito ang unti-unti at tuluyan na ring pagpikit ng mga mata nito upang hindi na muling dumilat pa.

"DARIUS...!"

"Papang, nandito na si Tatay Kanor madadala ka na namin sa ospital..."

"P-papang?!"

"PAPAAANG?!"

*****

By: LadyGem25

Hello Guys,

Kumusta kayo? Narito na po ulit ang ating updated.. Sana nagustuhan n'yo ulit ang chapter na ito.

Medyo nakakasakit ng ilong!hahaha. Pero natapos ko din, para 'yun susunod balik na ulit tayo sa present.

Nami-miss ko din si Angela at Joaquin.

Pero mas nami-miss ko ang maganda n'yong comments at lalo na ang votes.

HAHAHAHa

Again salamat ulit sa suporta!

SALAMUCH! ❤️❤️❤️

LadyGem25creators' thoughts