Chapter 2 - Little Squeek
"Squeek---"
Isang maliit na tinig ang narinig sa silid kung saan nakatayo si Zeuz Trevor. Isang maliit na pigura ang makikitang unti-unting lumalapit kay Zeuz hanggang maabot ng maliit na pigura ang paanan ni Zeuz at inamoy-amoy ang kanyang paa.
Ang nilalang na lumapit kay Zeuz ay mahahalintulad sa isang daga. Ang nilalang na ito ay may taas na 4 na pulgada at may habang 8 na pulgada hindi pa kasama rito ang buntot niyang umaabot ng 6 na pulgada. Ang nilalang na ito ay may itim na balahibo na may kaunting kulay lila sa iba't ibang parte ng kanyang katawan at ang nilalang na kawangis ng daga ay may magkaibang kulay ng mata. Ang mata niya sa kaliwang bahagi ay asul na tila nagyeyelo samantalang ang kanang bahagi naman ay kulay pula na tila nagaalab na apoy. Sa dulo ng mahaba nitong buntot nito tila isang maliit na hugis lampara ang makikita, sa loob ng lampara tila nagtutunggali ang kulay pula at asul na enerhiya.
Kung ang iba ang nakakita at nilapitan ng mala-dagang nilalang na ito ay tiyak magtatalon sa takot. Sino nga ba ang hindi matatakot di'ba, kung nakakita ka ng kakaibang nilalang na katulad nitong mala-dagang nilalang.
Ngunit kung mapapansin, si Zeuz ay nilapitan at inamoy-amoy pa ng nilalang ngunit wala man lang makikitang pagkatakot sa kanyang mukha, bagkus may kumurba pa ang guhit sa kanyang labi hanggang sa isang matamis na ngiti ang nakita sa mukha ng bata. Sa ngiting ipinakita ni Zeuz mas nakita ang kagwapuhan ng bata sa kanyang mala-gatas na balat sa mukha, ang kanyang abong kulay ng bata ay tila tumatawa at sa perpektong pagka-ayos ng kanyang kulay rosas na labi at mapuputing pantay-pantay na ngipin ay masasabi mong siya ay natutuwa at nasisiyahan.
Kung iisipin nagagawa pa ring sumaya ni Zeuz Trevor sa kabila ng hirap na dinanas niya ng apat na taon sa loob ng Divine Tortoise Clan.
Hindi natakot o nandiri si Zeuz sa munting nilalang na nasa kanyang paanan bagkus binuhat niya pa ito at itinaas sa ere.
"Magandang Umaga sayo, Munting Squeek" bati ni Zeuz sa kakaibang munting dagang nilalang na tinawag nya pang, Munting Squeek.
"Squeek, squeek----" tugon ng munting nilalang na tila masaya sa ginawa ng bata. Kung nakakasalita lamang ito katulad ng tao at base sa tono ng tunog na ginawa ng nilalang siguro ang naging tugon niya sa bata ay;
'Magandang umaga rin, Zeuz'
Ang nilalang na hawak ni Zeuz ay ang kanyang tinuturing na kaibigan at pamilya. Ang pangalan ng nilalang ay Munting Squeek.
Si Munting Squeek ay kasa-kasama na ni Zeuz simula pa noong ito ay isilang. Si Munting Squeek ay apat na taon na ngunit ang kanyang laki ay napakaliit para sa isang apat na taong gulang na beast, Tama, si munting Squeek ay isang beast, isang wild beast dahil siya ay walang kinikilalang summoner. Kung mapapansin si Munting Squeek ay parang isang summon beast dahil sa pagiging maamo nito at malapit sa batang si Zeuz.
Ngunit kung malalaman mo kung saan galing si munting Squeek ay hindi na magtataka kung bakit sadyang kay amo at lambing nito kay Zeuz.
Si munting Squeek ang tinutukoy na isa pang 'bagay' na naiwan ng magulang ni Zeuz sa kanya. Si munting Squeek ay isinilang bago mangyari ang trahedyang nangyari sa kanyang magulang.
Kasamang namatay ng kanyang magulang ang mga magulang ni munting Squeek. Dahil ang magulang niya ay ang isa sa summon beast na mayroon ang kanyang magulang.
Ang ina ni munting Squeek ay isang Frost Spirit Soul Rat, na beast ng ina ni Zeuz
at ang kanyang tatay ay isang Hell Spirit Soul Mouse, na summon beast naman ng ama ni Zeuz.
Binalak kuhanin ng Divine Tortoise Clan si munting Squeek ngunit hindi pumayag si Zeuz dahil kahit ilang araw pa lang na kasama niya si munting Squeek ay tinuring niya na itong kaibigan.
Naalala pa ni Zeuz yung panahon kung paano sila nagkakilala ni Munting Squeek at kung bakit Munting Squeek ang kanyang naging pangalan.
-Pagbabalik tanaw-
Araw kung saan nangyari ang trahedyang nangyari sa mga magulang ni Zeuz.
Nagkagulo ang buong Divine Tortoise Clan nararamdaman ang pagyanig ng lupa, naririg ang tunog ng batong nababasag at tumitalapon.
Ito ang panahon kung saan kasalukuyang inaaatake ang Divine Tortoise Clan ng isang wild beast, ang Vicious Collosal Earth Bear.
Sa isang tahanan may mag-asawang tila nagmamadali ang babae ay may dalang maliit na basket. Dali-dali siyang lumapit sa batang limang taong gulang na may puting buhok, siya si Zeuz Trevor at ang mag-asawa ay ang kanyang magulang. Inabot ng ina ni Zeuz ang maliit na basket sa munting kamay ni Zeuz.
"Munting Zeuz, alagaan mo ang laman ng basket na iyan, ha. 'Wag na 'wag mong hahayaang makuha ito ng iba, ayos ba iyon?" Pagkatapos iabot ng kanyang Ina ang maliit na basket at binilinan ng mga dapat niyang gawin. At isinuot rin nito sa leeg ng bata ang kwintas na mayroong kulang itim na bato.
Pagkatapos nun dali-dali silang lumabas ng bahay at naabutan nila ang kapwa nila Summoner na lumalaban sa wild beast na nanggugulo sa Divine Tortoise Clan.
Wala pang kamalay-malay ang batang si Zeuz sa kahihinatnan kanyang mga magulang.
Itinuon ni Zeuz ang maningin nya sa basket na may lamang tela at ng buksan niya ang basket ay lumantad sa kanya ang maliit na nilalang na nakahiga sa telang nasa basket. Ang maliit na nilalang ay wala pang gaanong balahibo at napakaliit.
Di naiwasan ni Zeuz matawa dahil sa itsura ng munting nilalang ngunit natigil siya katatawa ng may naramdaman siyang pinaghalong lamig at init sa kanyang batok. Nang mahuli niya ang tingin ng munting nilalang na nasa basket, ang mata nito ay magkaiba at magkaiba rin ang pakiramdam na binibigay ng mga ito. Malamig na tila pinapalibutan ka ng mga kaluluwa at mainit na tila ikaw ay nasa impyerno.
Habang tumatagal ang oras ng labanan sa labas, sa loob naman ng isa sa tahanan ng Divine Tortoise Clan ay unti-unting nagkakamabutihan ang munting nilalang at si Zeuz Trevor.
Nang matapos ang kaguluhan sadyang nalungkot si Zeuz at ang munting nilalang. Sabay silang lumuluha sa silid ng magulang ni Zeuz. Nasawi ang mga magulang ni Zeuz ganun din ang magulang ng munting nilalang na summon beast ng mga magulang ni Zeuz.
Lumipas ang ilang araw nalungkot pa rin ang dalawa ngunit nagagawa na rin nilang maging masaya dahil iyon ang ipinangako nila sa kanilang mga magulang. Wala mang tunog na naririnig sa munting nilalang ay nararamdaman mo naman ang kanyang emosyon kapag ang temperatura ay nag-iiba.
Silang dalawa ay nasa hardin ng kanilang tahanan hawak ngayon ni Zeuz ang munting nilalang na puno na ng maninipis at kulay itim na balahibo. Masarap an pakiramdam ni Zeuz kung nahahaplos na niya ang mga maninipis na balahibo ng munting nilalang, samantala ang munting nilalang naman ay tuwang tuwa sa paghaplos sa kanyang katawan.
Ngayon ay sila ay tahimik at tinitignan lamang ang mga halaman sa hardin.
"Paano kaya kung bigyan kita ng pangalan, munting nilalang?" nabasag ang katahimikan dahil sa tanong ni Zeuz sa
munting nilalang.
Ang munting nilalang ay tila naguguluhan. Habang nagiisip si Zeuz ng pangalan, naisip nya ang, Hermez, Apollo, Hades at iba pa. Ngunit wala siyang matipuhan dahil hindi bagay ang naiisip niyang pangalan sa cute structure ng munting nilalang. Habang siya ay nagiisip.
Ang munting nilalang naman ay nababagot dahil parang wala sa sarili si Zeuz kaya gumawa siya ng paraan upang magpapansin ito ng bata, nandiyan ang magsisitalon siya, ang kakalabit at iba pang bagay na sa tingin niya ay mapapansin siya ngunit hindi parin siya napansin ng bata dahil ang utak nito ay lumilipad pa rin sa kakaisip ng pangalan sa nagpapapansing nilalang.
Hindi na nakatimpi ang nilalang at ginawa ang isang bagay at nakakuha sa atensyon ng batang si Zeuz.
"Squeek!, Squeeeek!, Squeeekk---" matinis na tunog ng munting nilalang dahil siya ay 'di makapagtimpi. Ang tunog na iyon ang unang tunog na nagawa ng munting nilalang simula noong araw na magkasama sila ni Zeuz.
"Alam ko na! Alam ko na kung ano ang ipapangalan ko sa iyo!" magiliw na turan ng batang si Zeuz, ang munting nilalang naman ay nakahinga ng maluwag ng mapansin siya ni Zeuz.
"Squeek?"
Tunog na tila nagtatanong, kahit na nakahinga ng maluwag ang munting nilalang ay gumawa pa rin ito ng tunog na naguguluhan dahil hindi niya gaanong naiintindihan ang sinasabi ni Zeuz. Hanggang nag-sink in rin sa kanya ang ang ibig sabihin ng bata.
"Squeek, ayun ang iyong pangalan, ikaw na ngayon si Munting Squeek dahil sa ikaw ay maliit at ang tunog na ginawa mo kanina ay Squeek kay ang pangalan mo ay Squeek at ako naman si Zeuz"
Masaya si Zeuz, at masaya rin si munting Squeek. Sa sobrang saya ni Zeuz inangat niya pa sa ere si munting Squeek, si munting Squeek naman ay taas noong tumingin sa kalangitan. At gumawa ng tunog na tila nagmamalaki at nagyayabang.
"Squeeek!, Squeekk!, Squeeekk!!--"
Na tila ang ibig sabihin ay "Ako si munting Squeek at magbigay galang kayo sa inyong hari"
-Katapusan ng Pagbabalik tanaw-
At doon nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa. At habang tumatagal ang samahan nila ay patatag ng patatag.
Dalawang nilalang na nawalan ng pamilya.
Dalawang nilalang na naiwan mag-isa.
Dalawang nilalang na dumaan sa napakaraming pagsubok.
At dalawang nilalang na nahanap ang bagong pamilya sa isa't isa.
Siya si Zeuz Trevor, isang batang nangangarap maging maging isang malakas na Summoner.
Siya naman si munting Squeek, isang munting beast na nangangarap maging hari ng mga beast.
At silang dalawa ay pinagbuklod ng tadhana.