webnovel

5

Lisa's pov

Ginising nya ako. Bumangon ako at naiyak sa napaginipan ko. Nung huminto ako, nagulat ako sa sinabi nya

"Ikwento mo sakin kung anong nangyare"

Nakatingin lng ako sa kanya.

"Ilabas mo yan. Dali makikinig ako" sabi nya habang nakangiti

Flashhhhback

At eto nga nakilala ko sya, sa isang coffee shop malapit sa school namin. Ilang beses ko na sya nakikita dito, crush na crush ko dahil ang ganda ng mata nya, lalo na pag ngumingiti sya. Pero diba sabi ng iba, pag yung crush e tumagal ng two months nagiging love na. At ang matindi dito, umabot na ng 3months.

Isang araw nagpunta ako dun at nasaktuhan na magkatapat yung table namin. Di ko naiwasan na mapatingin. Yung tingin na napunta na pala sa titig. Kaya di ko napansin na nakalapit na sya sakin.

"ah pasensya na ha, bakit kanina ka pa nakatingin sa akin?". Tanong nya

Ang tanging isinagot ko ay

"Im Lalisa Manoban"

Ang weird ng naisagot ko

"huh?"nagtatakang sagot nya

"gusto ko kasi makipagkilala sayo" sabi ko.

"Im Chaeyoung Park". Pagpapakilala nya sa akin

at ayun, mabait naman pala sya. Dun na nagsimula, na naging palagay sya agad sa akin. So I grab the opportunity na, hindi ko rin akalain na nafall na rin pala sya sakin. Kaya hindi na gaano naging mahirap yung pagkuha ko ng oo nya.

Sobrang saya ko everyday kasi yung pinapangarap ko lang dati, e girlfriend ko na ngayon.

Kaya lagi ko sya sinusurprise.

"hi babe :)" bati ko

"babe" halatang nasurprise

niyakap nya ako dahil biglaan yung pagpunta ko sa school nya

"oops wait babe, for you oh"

inabot ko sa kanya yung teddy bear at flowers

"thank you . dapat di ka na bumili nito. di ba nag iipon ka?" Sabi nya

"Hayaan mo na babe, minsan lang naman e." Sabi ko nang nakangiti

Niyakap nya ako ulit. Pero nagulat ako nung itinulak nya ako at tumakbo sya papunta sa cr.

Sumunod ako. Hinintay ko sya sa labas

"Babe bakit?" Tanong ko sa kanya

"Ah wala babe" sagot nya

Pero alam kong hindi sya ok.

Tahimik lang kami hanggang sa maihatid ko sya sa kanila

" babe text mo ako pag nasa inyo ka na ah?" Sabi nya bago ako umalis

.sabi ko saka nako umalis

Para kasing pagod na pagod sya e.

Minsan napapansin ko narin pagbabago sa katawan nya, parang namamayat at laging matamlay.

Sa pagwoworry ko naisipan ko magpunta sa kanila at ayain sya magpacheck up. Pero yung pinsan lang nya yung naabutan ko dun. Sabi nasa ospital daw sya. Pupunta sana ako kaso sabi ng pinsan nya kasama naman daw nya sina tita.

Nung gabi naisipan ko sya tawagan.

phone call

Ako: babe?

Sya: yes?

Ako: are you ok?

Sya: oo bakit?

Ako: bakit ka nasa Hospital?

Sya: alam mo naman kami lagi nagpapa check up

Yun rin ang pinagtataka ko halos tatlong beses nagpapacheck up sa isang buwan

Ako: akala ko may nangyari ng di maganda sayo

Sya: naku wala babe, nagpacheck up lang talaga ako.

Ako: sige babe. matulog ka na, baka napagod ka . Goodnight babe. Iloveyou

Call ended...

Hindi ko na sya tinanong pa dahil alam kong pagod sya.

Pagkatapos nun naging ilag na sya sakin, minsan hindi na ako naitetext. Madalang narin kami magkita yun nga lang parang wala narin kami. Kaya naisipan ko na kausapin sya dahil sobrang miss ko na.

"babe, we need to talk".

Nagkasabay pa kami pero iba ang dating kinakabahan ako.

"mauna ka na". Sabi nya

"ikaw na". Sabi ko naman

"sabay na lang tayo, bibilang ako". Sabi nya para mas ok

Sya: 1, 2, 3 go

Ako: Imissyou

Sya: Im breaking up with you

Nagulat ako sa sinabi nya.

"babe, bakit?". Nanlulumo kong sinabi

"Im sorry". Nakayuko sya habang sinasabi yun

"ayoko". Sinabi ko habang unti unting tumutulo luha ko

"please let me go, aalis na ako". Sabi nya at nabigla ako

"saan ka pupunta? sasama ako". Sabi ko dahil ayaw ko malayo sa kanya

"di ka pwede dun". Sagot nya

"babe please, aantayin nalang kita?"Pagmamakaawa ko sa kanya

"hindi na Lalisa. tama na, tapos na tayo". Sinabi nya yun At iniwan nya ako

End of flashback

"Yun ang nangyare, wala talaga akong alam". Sabi ko kay jennie

"Oo nga sobrang complicated". Pag sang ayon nya

Tumahimik ako at naramdaman ko nalang yung pagdampi ng labi nya sa labi ko

" sa ngayon magpahinga ka na muna, andito lang ako ok?" Sabi nya matapos maghiwalay ang mga labi namin

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko

Ano bang ginagawa mo sakin RubyJane, jennie kim?