webnovel

A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series#1)

"One wrong answer and I'll bury you alive." -Mafia Boss Her name is Abigail Suzanne Rivera. Isang graduating nursing student na may busilak na kalooban. Siya ay wala ng mga magulang but she had only one family left-her bestfriend,Nicole. Paano kung isang araw, isang krimen ang kaniyang matunghayan na siyang dahilan upang malagay sa alanganin ang kaniyang sariling-buhay. Matatanggap ba niya ang resulta ng pagiging makatao? As her life will be ruined & be put on risk by just saving a dying person whom been tortured by men in black. What would happen to her? Saan at kanino siya hihingi ng tulong? As she will escape from those who chased her and wants her dead. A WRONG PATH TO LOVE(Mafia Boss Escapade Series #1)

IamEvilCreature · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
22 Chs

Chapter 6

Nagising ako kinabukasan dahil sa init ng sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Pumunta ako ng banyo para maghilamos at saka bumaba.

"Clinton?"tawag ko rito habang binubuksan ang dining room. May nakahanda namang pagkain sa dining table.Pero nasaan siya?

"Zacharias?"tawag ko habang papalabas ng entrance.

"McHarry?"sigaw ko.

Nasaan kaya ang gagong yun?

Buong pangalan niya na ang tinawag ko.Nasaan na ba kasi yun?

Napagpasyahan ko nalang na maghanap sa labas at nilanghap ang maaliwalas na simoy ng hangin sa may dalampasigan.

Tinanaw ko ang malawak na karagatan na napakaasul ang kulay at napakalinis pa nito.

Patuloy lang ako sa paglalakad habang inaayow ang tikas ng aking buhok na nililipad ng hangin.

This place is a paradise. The environment is so refreshing. The sand is white, wispy and shells are scattered in the area. This is hella amazing. Dahil sa attract na attract ako sa sand diko napigilang mapaupo at kumuha ng isang shell at ginamit iyong pansulat sa buhangin.

"Te Amo."I read what I've written.

Naglakad-lakad ako hanggang narating ko yung bandang may malaking bato.

Ewan ko ba but I just felt an excitement sa naiisip ko.

Napalingon-lingon ako sa paligid bago hinubad ang suot kong T-shirt & shorts, what remains is just my sky blue bikini.Ipinatong ko ang mga damit sa ibabaw ng malapad na bato kasama na ang suot kong pair of slippers.Dahan-dahan naman akong naglakad papunta sa tubig-dagat.

"Ohhh."I said as the water touches my body.It's cold & refreshing.Huminto ako sa part na hanggang balikat ko while freely hanging my hands off the air.I swim underwater & I was literally in awe of what my eyes is witnessing right now.

From the small fishes,coral reefs & shells.

I've realized that I am just in the not-so deep part of the ocean.What's more if I'll explore to the deeper area? That thought brings so much excitement and curiosity on me.

Kaya naman lumangoy ulit ako and this time papunta sa bandang malalim na pero sure naman akong hindi lagpas sa akin ang tubig. And yes, hindi nga ako nagkamali dahil ngayon kakaibang kulay ng isda ang aking nakikita, nabibighani din ako sa marine plants na may isdang Nemo ang pumapalibot dito.

Lumangoy papalapit dito at hinawakan ang seaweed. Natakot yata ang isda na nandirito lang kanina dahil lumangoy ito papalayo roon. Aahon na sana ako but something caught my eyes. It's shining dahil nasisikatan ito ng sun rays.

What's that?

Out of curiosity, lumangoy ako para rito. Kinuha ko iyon sa ilalim ng algae at tinago sa may bra ko.

It's a necklace.

Mamaya ko na siguro ito susuriin kong peke ba or something na pagkakakitaan ko 'pag isinangla.

I tried to swim pabalik sa may dalampasigan but I felt something wrong. I kicked my foot para naman makaahon ako but then I failed. I need some air.

I got panic.Kaya nakainom ako ng maraming tubig.Napunta na pala ako sa part na lampas na sa height ko. Nagpupumiglas ako sa tubig though wala nanang humahawak sakin. Maybe I was too scared of the possibilities. I can't scream but I keep on trying na makaahon hanggang sa manghina ang buong katawan ko,di ko na talaga kaya.Dahan-dahang pumikit ang mga mata ko at wala akong nagawa kundi hintayin ang sariling tumaob sa ilalim dagat.

Is this the end for me? My last thought before everything went black.

•••••

Clinton's POV

Pabalik na ako sa resort galing sa may gubat nang mapadaan ako roon sa may malaking bato sa dalampasigan.I don't know pero I just found myself walking towards that direction.My eyes widened nang makita ang suot ni Abi last night at nandun din yung binigay ko sa kaniyang tsinelas.

How come it's here?

Naliligo ba siyang mag-isa?

Napalingon-lingon ako sa paligid to look for her. Napalunok ako at biglang nakaramdam ng kaba.

Damn woman! Where are you?

"ABI?"sigaw ko.

Sigaw lang ako nang sigaw at mas lalong nag-alala nang walang sumagot.

She's maybe a stranger, a stupid girl na pumasok lang bigla ng bahay ko. But I'm responsible of what might happened to her kasi ako ang nagdala sa kaniya rito.

And the fact that I have this fucking hopes that she can be her. I can't fucking afford to lose someone just like her again and again. Whatever they might say, I will keep her with me with or without their fucking approval. The heck I care anyway.

I need to find and rescue her as soon as possible.

I used to memorize the deep parts of this ocean. Dali-dali akong umakyat sa malaking bato at walang pagdadalawang isip na nagdive sa tubig.

Tatlong pagsisid ang nagawa ko bago nakita siya sa malalim na parte but damn it! She's losing consciousness.

Is she even alive? Fuck!

Agad-agad kong hinila ang kamay niya at lumangoy paahon sa tubig.Hangos na hangos akong tumakbo habang buhat-buhat siya papunta sa dalampasigan.Tinapik-tapik ko yung mukha niya.

"Abi,abi.Hey."

Using my both hands I push her chest part but nothing happened.

Malamang nakainom na siya ng maraming tubig-dagat. Nanginginig ako sa takot.

This feeling is pretty damn familiar. Not again please.

There's only one last thing to make her survive.Agad kong hinawakan ang baba niya to perform and give her cardiopulmonary resuscitation.

I keep doing the same steps-give her chest compressions and pinch her nose then give gentle breaths with my mouth over her. On my third time attempt, she had finally starts vomiting some water. Dahan-dahan ding bumukas ang kaniyang mga mata.

•••••

Nang maging malinaw ang aking vision.Tumambad sakin ang kaniyang mga asul na mga mata.His pointed nose & his hairy hard chest.

"Zach..."I whispered-like said. At pilit na tumayo.Tinulungan niya naman ako.Saglit kong inalala ang nangyari kanina.I was teary-eyed sa katangahan ko.Agad ko naman siyang niyakap.

If it's not because of him again. I'm dead already.He's my savior.I owe him alot.

Niyakap niya naman ako pabalik.

"Hush. Stop crying. You'll be alright."bulong niya at hinagod niya ang likod ko.

"Thank you."I sincerely said at niyakap siya ulit.

Nang kumalas ako ng yakap,tumayo siya.Susunod na sana ako pero napatitig nalang ako sa crystal blue eyes niya nang buhatin niya ako bigla.Di nalang ako nagreact pa.Mabilis naman ang naging hakbang niya kaya madali kaming nakarating sa may sala.

"You stay here."he said softly at dali-daling umakyat sa taas.

Bumalik naman siya agad na may dalang tuwalya.

"Eat up." Clinton said matapos malagyan niya ng pagkain ang plato ko.

I did not say anything but nodded.

"After 2:00PM, bumaba ka."he said nang paakyat ako ng hagdanan.Napatango nalang ako at nagpatuloy na.

While lying down,I'm looking at the ceiling thinking about everything that happens in my life.

Andaming misteryong nangyayari sa buhay ko.I need to be extra-careful.

Una.Kailangan kong mag-ingat sa mga taong naghahabol sakin.I need to know them,but how? Ba't ako naging interasado bigla sa kanila?

Pangalawa.Si Clinton,he's mysterious,a stranger I bumped in with.Aminin ko man o hindi but I'm starting to trust him as someone that's close to me. Mayaman siya but I know he has deep secrets.I need to know kung bakit may mga nagkalat na tauhang may mga armas na dala doon sa mansion niya.What are they? Who really Zacharias McHarry Clinton is? What organization they're up to?

Pangatlo.Yung nagkidnap sakin.I knew patay na yung muntikang gumahasa sakin.But for sure,di lang yun nag-iisa.May mga kasamahan iyon? Pero ang tanong ba't nila ako pinupuntarya? Iisang grupo lang ba sila nung mga naghahabol din sakin?

Pang-apat.May isa pang problema si Nicole,she needs to know that I'm safe.Safe ba talaga? Ligtas nga bang makasama ko si Zacharias? Ba't ba kasi lumantad sa National TV itong bestfriend ko.Paniguradong pupuntiryahin siya ng mga sindikatong grupo na naghahanap sakin.Though anak siya ng Congressman.Madadamay siya sa gulong sinimulan ko.

Panglima.Muntik ko ng makalimutan yung babaeng tinulungan ko.Kumusta na siya? And Nathan? What's the news about them both? Pero sino ba ang babaeng yun? I need to know who she is.Everything became like this because I helped her..

Nagpa-alarm ako ng 1:50 PM.Mabuti nalang at nagising ako.Pagkababa ko nagtaka ako kung ba't wala siya? Nasaan na naman ang gagong yun? Nang tanawin ko mula dito sa kinatatayuan ko ngayon.Nakita ko siya sa may di kalayuan na nagpreprepare ng lounger dun sa may dalampasigan.

Anong trip ng isang toh? Anong binabalak niyang gawin?

Naglakad nalang ako papalapit sa kaniya while hugging myself.Ang lamig pa naman ng simoy ng hangin.The waves of the ocean blew my hair away.

"It's done."he said.

"Let's go?"dagdag niya pa.

Nakakunot-noo ko siyang tiningnan.

"Huh?"clueless kong sabi.

"Let's go & swim."nakangiting sabi niya.

Napatingin naman ako sa suot ko.

Binabantayan niya siguro ang mga mata ko.Kaya niya naintindihan ang sinasabi ko saking isipan.

"Okay na yang suot mo.Let's go."sabi niya at nag-abot ng kamay.

Tatanggi na sana ako ngunit agad niyang hinablot ang kamay ko.Hindi naman ako nasaktan dun.Nagulat lang ako.

"Oh My God? Zach What are you--".naputol ako sa magsalita nang buhatin niya ko bigla at tumakbo siya bigla sa tubig.Bigla naman niya akong binitawan doon.Akala ko malalim kaya agad akong humawak sa braso niya.Tawang-tawa naman ang loko sa epic face ko.Sa inis ko winisikan ko siya ng tubig.Hanggang balikat ko lang pala ang parteng iyon kaya naman bumitaw na ako sa kaniya.

"Hanggang dito nalang ako.Di ako marunong lumangoy."nasabi ko out of a blue.

Ngumiti naman siya ng nakakaloko na tila may masamang binabalak.

"Uy,a-anong--."sabi ko at napaatras pabalik sa dalampasigan.

"Ahhhhhhh."napasigaw ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa malalim na bahagi.

"Oh My God! Oh My God! Zach ang lalim na.Ahhhhhhhh."reaction ko samantalang siya tila nag-eenjoy sa pagkapanic ko.Ang sama.

Nanlaki ang mga mata ko ng bitawan niya ako dun bigla.Pilit ko naman siyang inabot para mahawakan siya.Naramdaman ko nalang na dahan-dahan akong tumaob sa ilalim.

Oh God! Is he trying to kill me?

Before ako makainom ng tubig may mga makikisig na brasong humapit sa beywang ko paahon doon.Agad ko siyang pinagsuntok-suntok sa bandang chest niya.

"Ang sama mo huhu."napaiyak kong sabi.Siguro may trauma na ako sa insidente kaninang umaga.

Hinuli niya naman ang mga kamay ko saka tiningnan ako na feeling guilty ang mukha.

"Hey,hey! I'm sorry."he said then cupped my face.

"Ayoko na."may diin kong sabi.Gusto ko ng bumalik sa dalampasigan.

"No,it's too early for that.Let's have fun first."sabi niya pa na tila tutul da gusto kong mangyari.

"Have fun? You're making fun of me.Damn it."inis kong sabi.

"You cussed"he said like he's shocked.

"Don't worry. You'll be safe in these arms of mine."he said with sincerity.

Napanguso naman ako.Pero damn! Ba't ang lakas ng effect sakin ng sinabi niya.

Safe-safe in his arms pa siyang nalalaman.Eh muntikan na ngang ako'y malunod ulit kanina.

"Come on."masigla niyang sabi at winisikan ako sa mukha ng tubig.

"I'll teach you how to swim."he added.

But I still don't care.Kung gusto niya talaga,pipilitin niya ako.Chosss!

Di ako easy to get no!

Hawak niya ang mga kamay ko kaya naman nang nagpataob siya sa ilalim nadala niya ako.

Agad naman akong bumalik sa ibabaw at pinagpalo siya.

"Ano ba.Ayoko ko sabi.Papatayin mo ba talaga ako?"

"Just trust me,okay? You have nothing to worry about as long as I'm here."he said then carressed my face.

Ewan ko ba kung bakit tumango pa ako.Kaya naman ng pumailalim ulit kami napapikit nalang ako habang nakacrossed fingers ang magkabila naming kamay.Napamulat ako nang tapikin niya ang mukha ko sa ilalim.May itinuro siya na agad namang sinundan ng aking mga mata.

Three letters sinked in my mind.

It's really W-o-W!

Maraming isda akong nakikita like I'm in an aquarium seeing goldfishes & many coral reefs.

Pagkatapos ng mahigit 2 oras.

"Zach balik na tayo roon?" hindi naman siya

pumalag.

Nagpahinga kasi kami saglit sa lounger na ginawa niya.

"I think I need to go to the comfort room."

"Me too." casual niyang pagkakasabi.

Ginagaya niya ba ako? O baka nag-overthink lang ako?

"Mauna kana."mahinang sabi ko.

Tinaasan naman ako ng kilay nito.

"Girls are really unpredictable."namamangha niyang sabi.

"Ha? Why?" anong naiisip niya at nasabi niya 'yon? Maybe because he assumed na kailangan kong mag cr kasi naiihi ako? At nung sinabihan ko siyang mauna na sakin. Nagtaka siya? Napailing-iling ako. Why am I stressing myself with this thought?

Nang matapos siya agad akong tumakbo papuntang comfort room. Naghubad ako ng shorts at sleeveless.Iyon naman talaga ang rason ko kung ba't pinauna ko siya-maghuhubad lang ako. Ang sagabal kasi netong suot ko kanina.Kaya now that I'm on my bikini-makakalangoy na ako nang walang feeling of uncomfortability. Napatingin ako sa reflection ko sa mirror at umikot-ikot pa talaga just to make sure na walang natupi sa yellow bikini ko.

"Perfect."I said then smiled genuinely.

.....

Clinton's Pov

Ang tagal naman ng babaeng yun.Iihi lang daw? Seriously? Eh mukhang nag-inarte lang naman siyang naiihi.

What an actress!

Mula kanina sa comfort room dumiretso ako sa tubig-dagat. Ngunit nabagoy din nang hindi pa siya lumabas mula roln. Lumangoy nalang ako pabalik sa may lounger.Pero di pa ako umabot doon napatigil ako at parang tumigil ang aking mundo.

Seeing her walking like a goddess with just her damn sizzling hot yellow bikini.Mas lalo akong napatigil nang ayusin niya ang tikas ng kaniyang buhok na inilipad ng hangin.

Fuck! What comes up in her fucking mind to wear just like that?

She undeniably and breathtakingly beautiful.She's hot and sexy.

Damn! Her boobs is fantasizing. This isn't a maniac man's thought but I'm just admiring her wholeness charm and spice.

The exposure of his cleavage kills me & there's more....Down there,Fuck!

She's perfect...and now I'm fuckingly TURNED ON.

--End of Clinton's Pov--

...

Nang lumabas ako ng comfort room.Todo ang ayos ko sa buhok kong nililipad ng hangin.Nakita ko naman si Clinton na napatingin sa akin sa di kalayuan ng dagat.Naiilang tuloy ako sa tingin niya at sa suot ko.Gosh!

Papalapit na sana ako sa kaniya pero napatigil ako nang makita siyang papalapit din sa akin.

My eyes widened when I witnessed the topless,hard & very masculine body of him.

Titig na titig ako sa kaniya while he walks like a model of a clothing line.

Ang gwapo-gwapo niya. I can't deny it alright?

His wet messy hair adds more aroma on his aura. Is it the term for that? I am out of words right now.

Mas lalo akong napahanga nang masilayan ang mga mala-pandesal niyang abs at nababasa pa ng kaunting drops of water from his hair.

What an extra-oozing hotness!

Ang la-laki ng mga pandesal niya.Gusto kong hawakan ang mga iyon pero napabalik ako sa realidad nang makalapit siya sakin.Then I acted like I'm used to that kind of body.It doesn't affect me tho I'm drooling over it.Goodness!

Gosh Abi! Wag kang haharot.

"Why are you wearing that?/Why are you topless?"

Napanganga kami pareho nang sabay pa talaga kaming magsalita ng pagalit.

Oh my God! Oh My God!

Don't tell me...It is just a coincidence?

Nang makarecover napatahimik nalang ako at hinayaan siyang magsalita.

"Bakit ganyan ang suot mo?"

"Eh sa di ako comfortable sa suot ko kanina." sagot ko agad.

"Bakit? Hindi ba bagay? Diba ako maganda?"dagdag ko pa with a pose in a soft & seductive voice.

Nakita ko naman ang paggalaw ng Adams apple niya.

"He-hell no!"sabi niya.

Hell no? Pero nauutal? And it takes him 60 seconds bago siya nakasagot.

Talaga lang ha?

"Okay! Sabi mo eh."nakangiting sabi ko.

"Eh ikaw.Ba't topless ka aber?"masungit kong singhal pero nakaturo yung pointer finger ko sa abs niya.

Oh Gosh Abi! Wag mong ipapahamak ang sarili mo.

Napatingin naman siya sa daliri ko na agad kong ibinaba at ako'y umiwas ng tingin kasi nakakaintimidate yung aura niya.

Tumigil ka Abi... Gosh!

"Same as your reason."

"Why? Am I not that seductively hot?"malambing na tono niyang sabi at lumapit sa sakin na may nakakalokong ngiti.

Nag-aalaburto naman to the highest level yung puso ko.

Wag kang ganyan Clinton.Kunti nalang talaga.Bibigay na ako.

Abi, wag kang ganyan.Ang haharot mo.Keysi nemen eh.

Para akong baliw sa mga sinasabi saking isipan.

Matapang ko siyang tiningnan..

"Nasabi ko na ba sayo ito dati o hindi pa.Sa lahat ng malaking nakita kong nakahubad.Ikaw ang may pinakapangit na katawan." walang ganang sabi ko.

Napatigil naman siya.Pero napairap ako kasi nakakainis lang na nagawa niya pa talagang ngumisi na parang aso.

Mukhang happy ang loko?

Ganun? Abnong bipolar talaga to eh.

"Is that so? Okay! Sabi mo eh"natatawang sabi niya.

Anong tinatawa-tawa niya?

My statement can boil a water to the highest level.At nagawa niya pang tumawa?

He's not affected of mine while I'm melting with his presence.Gosh!

"Tara na"inis kong sabi at inunahan siyang maglakad papunta sa tubig.

"Let's go in there."sabi niya nang sumunod sakin at tinuro ang bandang malalim.

Napailing naman ako.

I already learned my lesson Clinton.

"Tsss.Nandito naman ako.Can't you trust me?"sabi niya pa na ikinabigla ko.

It's not something a joke-like line. He is dead serious & I really felt the sincerity of his tone.

Hindi ko nalang siya sinagot.

"Hold on"sabi niya bigla.

"Huh?"

"Hold me right here."nag-uutos niyang sabi sabay kuha ng kamay ko at nilagay sa leeg niya.

Anong trip ng isang to?

What is he thinking huh?

"Hold me tightly."he added.

Bala ka diyan.Ang awkward kaya ng ganitong posisyon.

Napasigaw ako nang bigla siyang lumangoy kaya nadala ako.Todo naman ang kapit ko sa kaniya.

Siraulo to shit! Gosh!

Hindi ko nalang pinansin ang pagkadikit ng katawan namin.Nakasakay ako sa likod niya.

Enjoy na enjoy ko naman ang paglangoy at his back.Duh Abi! Siya lang ang lumangoy.Wag ilusyunada.Geeez!

Ang layo na ng narating namin kaya kinabahan ako to the moon and back.Mabuti nalang at tumigil siya at hinarap ako.

"Let's stop here.You swim now!"

"Gago ka ba! Di nga ako marunong lumangoy."naiinis kong bulyaw.Galit level 2.0 na naman ako.

"Kaya nga tuturuan ulit kita.Tsss"

"Ayoko nga.Sinasabi ko sayo pag ako binitawan mo cocombohin talaga kita."puno ng pagbabanta kong sabi.

Napalunok naman ako nang magsmirk siya.

"So ayaw mong bitawan kita?"nakangising saad niya.

"Malamang"I answered directly.

"Talaga lang ha? Bakit importante ba ako sayo?"dagdag niya pa.

Napairap ako bago sumagot.

"Sa punto ng buhay ko ngayon.Nakasalalay sayo ang buhay ko."

"Really?"sabi niya na may malawak na ngising aso.

"Geeez.Ang duga-duga mo."

"May tiwala ka na ba sakin ngayon?

Anong klaseng tanong na naman yan Clinton?

Patience Abi! Wag kang sasagot na kakainisan niya baka iwanan ka niya dito.

"Nah.As if I have a choice."sabi ko sabay irap sa kawalan.

"Mahal mo ko?"

"Oo na.Oo na.Ang dami mong tanong."

Huh? Waaaaiiit-?

Nakita ko naman ang pagkagat-labi niya.

"Ah-eh.Teka nga.No.no.Anong klaseng tanong yan! Gosh!"hirit ko at ipinaypay ang kamay sa sarili.Ewan ko pero nag-init ang buong pakiramdam ko.Mukhang tinablan ang cold ng dagat.

Nadulas pa ang dila ko.

"Turuan mo na nga ako.Kundi tatadyakan talaga kita diyan."naiinis kong saad.

"Hahaha"humagalpak na tawa nito.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Isa pang tawa.Tatamaan ka talaga sakin."nangqiqiqil kong tugon.

"Hahaha"tawa niya ulit.

Gosh,he's pestering me!

He's getting into my nerves.

Anong akala niya nagbibiro ako?

Pinagsuntok-suntok ko siya sa dibdib.

"Hey easy easy hahaha hey."sabi niya at hinuli ang aking mga kamay.

"Isa pa talaga."pagbabanta ko at binigyan siya ng death glare.

"Hit me baby.One more time."kanta niya na natatawa sa kanta ni Britney Spears.

Oh Gosh!

Yucks! Kadiri talaga ang lokong toh.Kinalibutan ako.May pa kagat-labi at pakindat-kindat pa siyang nalalaman.

Pero aminin.Ang hot at sexy nung pagkakanta niya.

Kanina lang inis na inis ako.Pero bakit nag-iba bigla ang nararamdam ko.

Ba't bigla akong natatawa na parang kinikilig? Sheeeyyyt!

"Ano bang gagawin?"pag-iiba ko ng topic.

"Do what?"pampipilosopo nito.

Napaawang ang bibig ko dun.

Aba! Sinusubukan talaga ako ng gagong to.

Sinamaan ko ulit siya ng tingin pero ayon na naman siya,tinatawanan lang ako.

"Nakakatawa yun? Siraulo."inis kong sabi.

"Okay okay.Ito na.Haha"

"First thing to do.Inhale-Exhale.Pigilan mong wag huminga sa ilalim kasi makakainon ka ng tubig pag huminga ka.At lastly gawin mong ganito kamay mo."sabi niya sabay sway-sway ng kamay sa tubig.

Agad ko namang sinunod lahat ng sinabi niya.Todo bantay naman siya sakin.Nung muntikan na akong malunod ulit todo rescue naman siya so walang worries.Hanggang sa medyo natuto na nga ako at hindi na ako humahawak na sa kaniya.

Nagtagal kami roon hanggang 5:00 pm.

Thanks to him.I learned how to swim.

Pero mas naeenjoy ko talaga ang pagsakay sa likod niya. Bigla akong nandiri sa mga naiisip ko. Oh my God!

"Hooo kapagod."nasabi ko nalang habang kami ay nakahiga sa may lounger while watching the very amazing sunset.

Namamangha talaga ako while him? Ewan ko lang kung natingin din ba siya sa tinitingnan ko eh nung bumaling ako sa kaniya nahuli ko siyang nakatitig sakin.Nagawa niya pang umiwas pero too late nakita ko na.Halatang-halata naman kasi.

"Let's go back to the room."he said.

"Magbihis kana"sabi niya nang makarating kami sa kwarto.

Yun naman talaga ang gagawin ko.Like duh? Ang awkward kaya kong nakabikini lang ako at basang-basa pa.Ang lamig kaya.

Sinuot ko yung isa sa mga dresses na binigay niya.Isa itong floral dress above the knee.Inayos ko yung buhok ko at nagpabango pa gamit yung pabango niya dun.

Nagulat ako nang kumatok siya.

"Tara na."he said.

Nagtaka naman ako dun

Saan kami pupunta?

I take a look sa nakasabit na clock doon.6:20 pm na.

Di manlang ako nainform na may plano siyang lumabas ng resort.

Nauna na siyang naglakad sakin.Sumunod nalang din ako.

Napakagentleman din naman talaga ng loko.Hindi manlang ako hinintay.

Napailing-iling ako. What the hell is happening to me? Why am I expecting something from him?

Abi,stop thinking bout' clinginess.

Pero abno talaga siya eh.Kung minsan ang hard-hard ng treatment niya sakin at may moment naman na napakasweet niya.

Ano yun? Yung mood niya towards me ay parang tossing of coins lang ganun? Ang hirap hulaan.Kailangan ko pa yatang esolve ang probability of getting hard or sweet treatment.

Pero God Abi! Bakit ka ba nag-expect na aalayan?

Ano ka Prinsesa?

Napamura ako sa isip at naglakad nang mabilis para masabayan siya.