webnovel

A Wrong Path To Love (Mafia Boss Escapade Series#1)

"One wrong answer and I'll bury you alive." -Mafia Boss Her name is Abigail Suzanne Rivera. Isang graduating nursing student na may busilak na kalooban. Siya ay wala ng mga magulang but she had only one family left-her bestfriend,Nicole. Paano kung isang araw, isang krimen ang kaniyang matunghayan na siyang dahilan upang malagay sa alanganin ang kaniyang sariling-buhay. Matatanggap ba niya ang resulta ng pagiging makatao? As her life will be ruined & be put on risk by just saving a dying person whom been tortured by men in black. What would happen to her? Saan at kanino siya hihingi ng tulong? As she will escape from those who chased her and wants her dead. A WRONG PATH TO LOVE(Mafia Boss Escapade Series #1)

IamEvilCreature · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
22 Chs

Chapter 5

Nagulantang ako at nahimasmasan nang makarinig ng ingay na parang may nababasag sa 2nd floor. Kinakabahan ako kong ano ang nangyayari roon ngunit natatakot akong puntahan siya. Ilang minuto na ang lumipas at hindi pa rin ito tumigil, I've decided to climbed the stairs as fast as I can. Tapos dumiretso sa kwarto kung saan nanggaling ang ingay. Nagulat ako nang mabuksan ang pinto. Napatigil ako at napapikit. Hinintay ko nalang ang paghagis niya sa akin ng dala niyang flower vase. Mabuti nalang at di niya itinuloy ngunit sa bandang gilid niya ito ibinato. Nabasag ito at nagkalat sa buong kwarto ang mga bubog.

"What the fuck are you doing here?" nagdidilim na mga mata at galit niyang sigaw sakin.

His voice is like a thunder with the flashes of lightning strikes so fastly in the whole room. Napatigil ako at hindi nakasagot agad. Lalo akong kinabahan at di alam ang gagawin nang magsimula siyang maglakad nang mabilis papunta sa akin.

"Get out!" he shouted then pointed the doorway. Umalingawngaw na naman sa buong kwarto ang pagsigaw niyang 'yon.

Parang tumigil ang tibok ng puso ko nang bigla niya nalang suntukin ang pinto sa gilid ko. Napasinghap ako at parang nawalan ng lakas. I thought, ako ang tatamaan niya. Tiningnan niya ako nang nakakamatay pero hindi ako nadala. I suddenly act firmly. Nakafocus ang atensyon ko sa kamay niyang nagdurugo. Napaigtad at napaatras ako sa gulat nang pagsipasipain niya out of a sudden ang mga bagay na nakikita niya.

"Utang na loob. Umalis kana bago pa kita masaktan." he devastatedly said. Habang napasabunot sa buhok niya. Napatakip ako ng bibig nang mapaupo siya sa sahig pagkatapos niyang suntukin ulit yung concrete wall. Tumagaktak sa sahig ang dugo mula sa kamay niya. Akmang lalapit ako sa kaniya pero di ko nagawa dahil tumayo siya bigla at parang nagwawild na demonyo o sinapian ng masamang espirito habang itinikwang at tinadyakan ang closet, bedside table at couch. I can't bear watching him like this. Di ko kaya. Is it normal to feel like hurting too while I witnessed him hurting himself?

Akmang susuntukin niya na naman ang concrete wall pero wala sa sarili akong tumakbo at niyakap siya patalikod. I hugged him tightly at binaon ang mukha sa likuran niya.

"Please, tama na.." I pleadingly whispered.

We stayed in that position for a couple of minutes. Ako ang umatras at pinakawalan siya. Dahan-dahan naman siyang humarap sa akin. He's different now compared to the darker version of him. Umamo na ang kaniyang mukha and I can clearly see his guilt & sorry in those crystal blue eyes. I don't know why, but I just stiffened when he suddenly stepped forward at niyakap ako nang sobrang higpit. Nagdalawang-isip naman ako kong yayakapin ko ba siya pabalik.

"Oh shit." reaksiyon niya nang dampian ko ng alcohol using a soaked cotton ang sugatan niyang kamao. It's been an hour since the wild scene happened. He looked at me with creased forehead, but I just give him an innocent look.

"Ah, dahan-dahan naman." he said

Napairap ako for the nth times sabay dampi nung cotton.

"Ewan ko sayo. Para kang bakla."

"What?"

Ang OA mong loko ka. Kasalanan mo naman ang nangyari sayo. Tsssk!

"Sabi ko ang arte-arte mo. Ang liit-liit ng sugat kung makareact ka parang 50/50 na yung buhay mo."

Napaawang ang bibig niya but when he recovered,he just smirked.

"Bakla? Eh kung buntisin kita riyan?" mapanghamong saad niya.Napalunok naman ako.

He seemed not liking jokes, sarcasm or whatever it is that's obviously not serious.

I calmed myself and fearlessly faced him.

"Tsss. Tumigil ka nga. Para kang timang."

He'll make me pregnant!? As if he can. Eh kung combohin ko siya.

"Tapos na ba yan?" inis niyang turo sa ginagawa ko.

Aba!

"Matuto kang maghintay." saad ko sabay dampi nang diin na diin kaya't napasigaw siya.

"Ah Fuck!"

"What was that?" he added.

"What?" sabi ko at sinundan ang mga mata niya. Nakipagtitigan ako pero nauna siyang umiwas.

Is he affected!? Is he hypnotized by the look of my eyes too? I smirked.

"Don't act like an innocent fool. Damn you!"

"Stop cussing at me. You road."

"Road!?" pag-uulit niya at mukhang natawa pa ang loko.

Here he goes again. Acting like he doesn't know the trend. Para pa ngang it gives him the moment to burst into laugh. Really?

What's funny?? Ah! Got it.

"Wag mong pansinin ang mga words na ganyan. I bet you really thought that I've terribly mispronunced it, am I right? Well, for your fucking information. It is really it is. Y'know? Anyways, I understand. Palibhasa ang tanda mo na siguro. Kaya wala kang knows saming mga millenials. At? Wag mong dalas-dalasin ang pag-inom ng energy drinks because it has too much caffeine. Many researchers claimed that it can possibly cause dementia or memory loss." nakangisi kong tugon..

"D'fuck! I just turned 25+!" agad niyang tugon.

Oh!? Seems like he's offended by my words? Is it because of calling him,"tanda?"

Turned 25+, what? Eh ba't di niya nalang direktahang sabihin ang edad niya. Pasuspense pa ang loko bes. He's probably 26,27 or more than that.

Napailing-iling ako.

"Di halata ah." wala sa sarili kong sinabi. Plus, casual tone pa 'yon ha. Ano nalang ang iisipin niya.

Napapikit ako at pinamulahan ng mukha.

Abiang, darn it. Pahamak ka!

Nakita ko naman siyang ang lawak-lawak nang ngiti.

Isip-isip Abi. Lusutan mo, gosh!

I wonder what he might be thinking right now? Maybe, assuming that I admired him that much? God! Spare me.

"Am I looking younger than 20 then? A teenager y'know?" smile-smile niyang sabi sabay hawak sa baba niya.

Napaawang naman ang bibig ko.

What a conceited jerk!

"Tseee. Ang ibig kong sabihin,di halata sa age mo ang kakapalan ng peys mo. You have this young age, but it doesn't suits you. Coz with all honesty, you looked like a man at 60. May pention ka na bang makukuha sa pagiging senior citizen?" mahaba kong tugon at tinalikuran siya na may nakakalokang ngiti saking mga labi.

Great Abigail, that was spectacular.

Ewan ko nalang kung anong naging reaction niya roon. I just walk out & find my way to the kitchen downstairs.

Naalala ko ang mga nangyari. Ang weird talaga na ganun ang mga reactions niya at ang napapansin kong epekto ng presenya ko sa kaniya. Parang may nagbago talaga.

Binuksan ko ang fridge at tinignan kung anong pwedeng kainin. Nagugutom kasi ako.

Haysss. Ang hirap lutuin ng mga ingredients na nandirito. Wala bang instant foods na pwede nalang initin. Makainom na nga lang ng yogurt drink. Kumuha ako ng tatlong yakult at umupo sa dining table. Agad ko naman itong binuksan at ininom.

Since then, this taste has always been yummy.

Magiging okay kaya ako nito all the time. Kasi yun ang sabi sa commercial nila.

"Yakult Everyday! Everyday Okay! " napakanta pa ako.

Sure na sure akong gayang-gaya ko ang nasa advertisement.

Ngunit naibuga ko ang aking iniinom nang bigla nalang pumasok si Clinton.

God! He's like a ghost passing through in and out the wall. May lahi bang ganun ang lokong 'to?

Patayin ba naman ako sa gulat.

"Hoy ikaw! Wala ka talagang kamodo-modo." inis na inis kong bulyaw sa kaniya.

But he just act like he never cared at all coz his eyes is on the yakult drink I'm drinking. Then suddenly nag-iba ang aura niya na parang batang naagawan ng kendi.

What the heck!

"Why did you drink that?" nakakunot noong sabi niya na may tonong di kanais-nais.

Inubus ko muna ang natirang ilang oz bago siya hinarap at napameywang.

"Alangan naman kung kakainin ko ang isang liquid yogurt drink aber?" napairap kong sabi.

"Stop being an idiot, woman." nangqiqil na sabi niya.

Ako pa talaga ang idiot ngayon?

Hello?

What a brain he has?

May liquid bang kinakain? At kailan pa naging pagkain ang isang liquid?

Abnong bipolar talaga ang gagong ito.

"Magkano ba 'to nang mabayaran ko aber?" I asked him.

"Mahal pa yan sa inaakala mo."

I rolled my eyes heavenwards again.

"Mahal? Duh. It's just Php12.00 each."

"That's a personal order by an affluent man. The ingredients used are not just like a simple yakult you've used to drink." maarteng katwiran nito.

"Ay ang taray. Personal order? Gaguhin mo my ass. Mahal-mahal ka pang nalalaman. Eh sa ganoong taste like naman. Tssss. Binigyan mo lang ng OAng definition."

"So anong gusto mong gawin ko ngayon?" dagdag kong sambit.

"Bayaran mo." diretsahan niyang sagot.

"Magkano nga?" inis kong sabi.

Napahawak pa siya sa baba niya bago humarap at tumingin sakin na may nakakalokong ngiti sa labi.

"A deep kiss will do." mahinahon at nakangising parang manyakis niyang sabi.

Napanganga ako sa sinabi niya. Nang makarecover, dali-dali kong kinuha ang basura ng yakult at ibinato sa manyakis niyang mukha.

Napapikit naman siya nang matamaan ang noo niya.

Napangiti ako at tiningnan siya na tila nang-aasar.

Napaatras ako nang maglakad siya papalapit sa akin. Walang emosyon ni kaexpre-expression ang mukha niya. Napasinghap nalang ako nang maramdaman ang lamig ng kitchen counter.

"Hoy. A-anong binabalak mo?" nauutal at kinakabahang tugon ko rito. Nagulat ako nang ikulong niya ako sa mga braso niyang nakatukod sa magkabilang gilid ko. Mas lalong nag-aalaburto ang pintig ng aking puso nang ngumisi siya nang nakakaloko.

"Hmm, watch me" parang bulong niyang sabi at walang pagdadalawang isip na sinakop ang aking mga labi.

Nanigas naman ako saking posisyon na nanlaki ang mga mata at di makareact manlang para patigilin siya.

It took him minutes bago siya tumigil at tiningnan ako na nakangisi.

"Sweet virgin lips." sabi niya at kumindat pa bago ako iniwan doon na napatulala.

Ilang minuto rin bago ako nahimasmasan at napahawak saking ibabang labi.

"Watch me..."

"Watch me..."

Paulit-ulit na nagfaflashback saking isipan ang nangyari.

Oh My God! He just kissed me!

Oh My! That's my very very first ever kiss and he just stole it.

Napahilamos ako ng mukha. I don't know what I must feel.

My first kiss should be special from the man I truly loved. For the man whom will be my first & definitely my last. I just lost one of my precious treasures. Oh! cut the crap. It wasn't lost, that was a crime by Zacharias McHarry Clinton.

Gusto kong sugurin siya sa galit, but fuck these butterflies I felt disintegrating in my stomach!? God! What happened to me?

Ba't ba ako kinikilig? I should be erupting right now. But why!? Damn this unusual feeling!

Nagpabalik-balik ako ng lakad sa kusina. Paano ko siya haharapin? Diko siya kayang makita.

Nagpunta nalang ako ng sala at nagbasa ng magazine na nakalatag doon sa mini-table. Pero kahit ako'y nagbabasa, di ko makalimutan yung nangyari. Nababaliw na ba ako? Maski ang headline pictures nung magazine, napapalitan ito ng scene sa nangyari kanina. Oh my goodness! Malala na 'to.

Pinilit kong pinakalma ang natarantang puso ko nang marinig ang mga yabag niyang pababa sa hagdanan.

Why I am trembling!? Am I that affected!?

Anong gagawin ko. I am starting to get panic.

Mas lalo akong di mapakali nang makita sa peripheral vision ko na siya'y naglakad papunta sa kinaroroonan ko.

Damn this guy! Ba't ba siya lapit ng lapit sakin?

Bahala na. Nagkunwari akong walang pakialam sa presensya niya. Napapikit ako at huminga nang malalim. Agad kong tinakpan ang mukha ko ng magazine as if I'm reading it seriously.

Ilang minuto ang lumipas naging curious ako sa kung ano ang ginagawa niya, kaya't dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong magazine.

"Ahhh" napasigaw ako dahil ang mukha niya ang tumambad sa akin. Napakalapit niya to the point na parang yung magazine nalang siguro ang nakaharang sa pagitan naming dalawa. Ay hindi, basta sobrang lapit

talaga siya. Why am I exaggerating?

Napapikit siya sa pagtili ko sabay sabing;

"Why are you shouting for woman?" singhal niya.

"I-ikaw. Oo ikaw. Ba't ba ang lapit-lapit mo sakin." I said & point my finger at him.

"Does it matter?" nakataas na kilay niyang tanong.

Natahimik naman ako at napaisip.

"In fact, I am reading the front page." dagdag niya pa.

"Whatever. " nasabi ko at umirap. Ako na ang nag-insist na wag ng makipag-argue.

"Aha! Ikaw ba't mo hawak ang magazine ko?"

"Malamang may binasa ako." sagot ko.

"Talaga lang huh? Baka naman mini-memorize mo yung steps o kaya'y yung iba't-ibang style ng pakikipagsex dyan." nakangisi niyang sabi.

Napalunok ako pero nagawa kong kumalma at hinarap siya with confidence.

"Like duh! Sino namang publishing company ang gagawa ng ganiyang kalaswaan. Eeews! Dinamay mo pa ang magazine sa kamanyakan mo." depensa ko.

Nagulat ako nang hablutin niya ito bigla at ipinakita sakin.

"It's good to know that you're interested in this matter baby girl." mahinahon na sabi ng gago at ngiting-ngiti pa.

Binasa ko yung lede at ako'y napatakip ng bibig.

God! It's a men's magazine, wtf! I can't believe it. Huhu ba't ba kasi ang tigas ng ulo ko. Hindi ko manlang siya pinawalaan. Wala na finish na. Bukingan na.

"Waahhh." diko napigilang mapatili at kumaripas nang takbo paakyat sa hagdanan. Hingal na hingal akong napasandal sa ng pinto ng kwarto.

Gosh Abigail! Ang tanga-tanga mo!

Nakakahiya talaga.

It's a For Him Magazine(FHM). At sakto ngang yung page na kunwari binabasa ko kuno ay patungkol nga sa tinutukoy ni Clinton.

"It's good to know that you're interested in this matter baby girl." dimawala-wala sa isip ko ang nakakaasar na sinabi niya kanina lang.

May mukha pa ba akong ihaharap sa kaniya?