webnovel

Fuerte College University

At nang makarating ako sa gate ng school ay dumiretso ako sa loob kahit na nag hahanap pa ng id si kuyang guard. May id naman akong dala pero nasa bag ko hehehe. Bago ako makarating sa parking lot ay may nadaanan akong umiiyak na bakla? Ano naman ang iniiyak neto at umagang umaga jusko. Gwapo sana kaso kung umatungal dinaig pa babae.

Ipinark ko muna ang motor ko sa parking lot at pinuntahan yung bakla na umiiyak sa may bench.

"Hello? Ayos ka lang ba?" tanong ko sakanya

"MUKHA BA AKONG OKAY?!" sigaw niya sakin kaya nagulat ako at napalaki ang mata at napakunot ang noo. Aba! siya na ang tinatanong siya pa galit! My goodness! Nakakainit ng ulo pero relax timpi timpi din. Gusto ko siyang ngatngatin sa inis!

"Gusto mo ba ng makakausap? Mamaya magkita tayo sa canteen hahanapin kita dun. Bye!" sabay takbo ko na rin dahil sa late na talaga ako isang minuto na lang.

Tinatawag ko ang mga anghel ko na sana wag ako pagalitan mamaya huhu. Pagdating ko sa room ay maingay, nagbabatuhan ng papel, may naka earphone, may nagsusulat sa board ano ba nangyayari sa mga to? wala bang instructor?

Pag-upo ko ay tinanong ko kaagad ang katabi kong si charisse na close ko din naman.

"Anong meron? Wala ba si Ma'am Catubig ngayon?" tanong ko sakanya dahil sa naguguluhan ako. It's monday bakit wala kaming instructor.

"Ay oo sis wala ngayon si ma'am, may urgent meeting daw kasi sila sa english department kaya eto ganto nanaman ang nadatnan mo" sagot niya sa tanong ko at habang nag uusap kami ay may tumamang papel sa may sintido ko kaya napapikit ako sa inis. Sa lahat ng pwedeng tamaan bakit ako pa! Lumingon ako bigla at nakita ko kung pano magulat ng sabay sabay ang mga kaklase ko dahil sa pag lingon ko ng biglaan. Bigla din tumahimik ang paligid ko ayan ganyan nga mas payapa buhay ko kapag walang maingay.

"Sino bumato sakin?" taas kilay kong tanong sakanila at wala man lang sumasagot kaya tinignan ko sila isa isa. May nakita pa akong natutulog o sadyang tulog tulugan lang? Hinayaan ko nalang at kinuha na ang bag ko at umalis.

Teka naalala ko try ko pumunta sa canteen at hanapin yung bakla tutal subject namin netong umaga ay walang klase kaya makakapag pahinga ang utak ko. HAAAAYYY! SARAP MABUHAY. Nakangiti ako at nakapikit ang mata na naglalakad at dinadama ko ang sarap ng hangin lasang asin pwee! Pagmulat ko may mabubunggo na sana akong tao kaso buti nalang nagmulat ako.

"Hello" kaway ko sa mukha niya habang nakangiti ako ng sobra hehehehe mag sosorry nalang ako dahil muntik ko na siya mabunggo pero diko naman siya nagalaw diba? kaya bat ako magsosorry aish!

Nakatingin lang siya sakin at di nagsasalita. Seryoso pipi ba to? O sadyang natulala sa ganda ko? Charot wala pala akong ganon.

Being a normal person doesn't mean that you can't do something. The truth is, you can do something you want. So let me know if there are wrong in my story guys. Mwehehehe just comment your ideas. Stay safe everyone!

Rosielyn_Valdezcreators' thoughts