webnovel

A Vocalist Diary

Ito po ay isang One Shot Story na sariling likha ng aking malawak na pag iisip. Ang mga lugar, pangalan ng mga tauhan , pangyayari sa kwentong ito ay pawang likha lamang at walang katotohanan . Kung sakali mang ito ay may pagkakatulad sa mga nabanggit ay maaring nagkataon lamang at walang kinalaman sa aktuwal na kwento. Ano man ang maging opinyon at saloobin nyo matapos mabasa ang kwentong ito ay aking tinatanggap. ******** Sypnosis ******** Ninais ni Melvin na tapusin na ang kanyang buhay upang magwakas na ang kanyang paghihirap. Pero sa di maipaliwanag na dahilan dinala sya ng kanyang kamatayan sa nakaraan. Sa lugar na kung saan ipapakita sa kanya ang kanyang naging buhay. Sa papaanong paraan kaya niya matatanggap ang mga bagay bagay na pilit nyang tinatakasan, ang mga bagay na kung saan pinilit nya na itong wakasan. At ano nga ba ang dahilan kung bakit sya humantong na tapusin ang kanyang buhay ? A Sci-Fiction Romance Drama Story at base sa mga literal na nangyayari sa buhay . Layunin ng lumikha na gumawa ng mga kwento na kung saan magkakaroon ng aral ang mga magbabasa, at pagiisip kung paano tumatakbo ang realidad ng mundo . Kwento ito ng isang tao na may pangarap sa buhay . Pangarap sa kanyang magulang. Hilig at talento . Pero sa kabilang banda nariyan ang realidad ng mundo , mga pagsubok at mga paghihirap na magpapabago sa takbo ng kanyang pananaw sa buhay . Ipapakita naten kung gaano kahalaga ang pangarap sa buhay ng isang tao. Nawa'y masuportahan nyo ang aking gawa. Salamat. ----------------- Panulat ng may akda : Keleyan Jun Pyo

MyNameIsKeleyan · Romance
Pas assez d’évaluations
22 Chs

Author's message to the readers

Clarifying about the story

Bago po ako magsimula. Meron lang sana akong mga bagay na dapat linawin.

Una. Ang kwentong ito ay sariling likha mula sa aking malawak na kaisipan. Tulad ng lagi kong sinasabi. Wala akong pinapatamaan or wala po akong sinisiraan na organisasyon o kahit na sinong uri ng tao. Hindi rin po ako pabor sa karahasan at mga pang aabuso sa ating kapwa. Wala akong gustong ipabatid na pwedeng makasira sa imahe nang anumang mga bagay or tao na nakapaloob sa aking kwento.

Ginawa ko po ito upang maging aware ang bawat isa sa atin. Dahil ito po ang realidad ng buhay. Aminin man naten o hindi ay may mga nangyayare sa atin na ganito. Subukan nyong ilibot ang inyong mga mata sa paligid. Lawakan ang inyong mga panrinig. Intindihin ang mga bagay na hindi nyo maunawaan.

Iba iba ang kwento ng ating buhay. Hindi naten alam kung ano ang nakaraan ng bawat isa. Kaya ginawa ko ito ay para mabuksan ang inyong isipan at baguhin ang mga maling paniniwala at pananaw sa buhay. Maraming mga bagay na nakapaloob sa kwentong ito na maaring mali pero sa huli ay naitama lahat. May mga bagay akong iniligay sa kwentong ito na hindi katanggap tanggap sa ating lipunan pero sa huli ay binigyan ko ng mga kasagutan . Ito ay dahil gusto kong magbago ang pananaw ng aking mga mambabasa. At umaasa ako na kapag natapos nyo mabasa itong aking nobela ay maiisip nyo ang mga bagay na yan.

Sa huli kayo po ang magdesesisyon nyan. Sabi ko nga

Hindi ko kayang pilitin ang aking mambabasa na ganito ang inyong isipin at unawain nila, dahil lahat tayo ay may pagiisip at nasa inyong mga kamay na rin ang tamang desisyon.

Nirerespeto ko po ang lahat ng inyong sasabihin sa akin dahil karapatan nyo po iyan.

Thankful message :

Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtangkilik sa aking likha. To be honest po, ito ang aking unang sinulat dito sa Wattpad. Ang unang one shot novel na aking nagawa.

Mahiyain kase akong tao. Madalas mapagisa at walang kausap. Kaya minsan nakikinig nalang ako ng mga kanta sa aking cellphone. Hindi talaga ako ganon ka open sa tao .

Kaya itong pagsusulat ang isang bagay na nagpapawala sa aking takot at hiya sa maraming tao. Pakiramdam ko dito ako sumasaya kapag nakakapagsulat ako ng mga bagay bagay.

Naisipan kong ilikha ang "A Vocalist Diary " dahil gusto kong gumawa ng mga kwento na kung saan may mapupulot na aral ang aking mga mambabasa. Gusto ko tumatak sa kanila ang mga gawa ko sa paraang may matututunan sila at magbabago ang kanilang papanaw sa mga bagay bagay.

Sana sa mga susunod kong gagawin ay suportahan nyo parin ako at sana bigyan pa ako nang lakas ng loob ng ating Diyos upang makapagsulat pa at magpatuloy sa aking hilig na ito. Napakaraming kwento pa ang aking naiisip at gustong isulat. Sana patuloy nyo paring basahin ang aking mga likha. hindi pa po ito ang una at huli kong novel .

MARAMING MARAMING SALAMAT PO !!

Ito po ang aking mga social media accounts. Kung gusto nyo lang po akong iadd or ifollow ( thank you in advance )

FB :  Clian June Sarino (my real name)

         Kle Hi Yan ( my fb name )

Twitter : @I Keleyanjunpyo

IG : @kleanjun

Tiktok : @kleHIYAN (hindi po ako active dito pero sana follow nyo parin ako haha)

About plan for future works

Kung isa ka sa nagtatanong kung gagawan ko ng sequel o part 2 ang "A Vocalist Diary" ito ang aking kasagutan.

SORRY BUT NO SEQUEL OR ANY PART 2.

Hindi ko po kase ugali talaga na gawan ang aking mga likha ng karugtong o sequel hindi ko po gawain yan eh. Pag gumagawa po ako ng mga istorya ay isang diretsong kwento lang at binibigyan ko ng katapusan na nararapat sa aking palagay. Either man na maganda o masama , malungkot o mabuti sa mata ng aking mga readers sila na ang bahala doon.

Kung nabitin man sila ay humihingi ako ng paumanhin, dahil uulitin ko po ay hindi ako gumagawa ng sequel dahil satisfied napo ako sa mga katapusan na aking ginagawa.

Pero no one knows. Kung maalala nyo ang timeline set sa katapusan ng "a vocalist diary ay 2029 diba ? Baka merong ibig sabihin yun ? Haha di naten alam.

Baka balang araw maisipan ko diba?  walang makakapagsabi . Malay naten .Lalo na may inilagay ako sa kwentong ito na mga maliliit na bagay na magiging malaki pagsapit ng takdang panahon. May mga nilagay ako dito sa kwento na pwedeng makaapekto sa mga susunod kong likha (spoilers tuloy haha)

Basta sana nandyan parin kayo para sa suportahan ako. May sarili po kase akong style sa pagkwekwento at malalaman nyo rin yan kapag nabasa nyo na ang mga susunod na aking gagawin.

Hindi ko po gusto ang direct sequel sa isang kwento , pero hindi ko rin po sinabi na ayaw ko sa sequel.

THANK YOU VERY MUCH AND I LOVE YOU ALL  ❤❤❤❤❤

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

MyNameIsKeleyancreators' thoughts