webnovel

A Vampire Soulmate :0

"Ma alis po muna ko" pagpapaalam ko kay mama, wala namang pasok eh, kaya gagala muna kami ng mga kaibigan ko.

"Saan ka na naman pupunta?"

"Gagala lang kami nila Jessy at Max ma!" ganito talaga lagi sa bahay kapag magpapaalam ako na gagala o lalabas laging mga interview na nagaganap.

"Sige mag iingat ka ha!" ganoon na lang magsabi si mama kasi only child ako.

"Opo ma" sabi ko at humalik muna sa pisngi ni mama bago umalis.

Di rin naman madali na maging only child noh! oo maganda yun kasi wala kang kahati pero nasayo naman lahat ng trabaho sa bahay kapag wala si mama at papa.

pumunta na ako sa meeting place namin ng mga kaibigan ko.

"Bakit ang tagal mo? kanina pa kami nandito" pagmamaktol ni Max.

"Eh alam mo naman kasi si mama, bago ako paalisin mayroon pang interview na gagawin sakin"

"Eh pano naman kasi only child ka"

"Tama na yang chika na yan jan Jessy tara na!"

napakaatat talaga ni Max, siya lang ang bukod tangi sa aming tatlo. Sumakay na kami sa van nila Max si Max na rin ang nagmaneho.

tatlo kaming babae, nagpapalitan lang kami sa pagmamaneho, di ko nga alam kung saan kami pupunta kasi di naman sinasabi sa akin ng dalawang to. May map kasi kaya sinusundan ko lang pero di ko talaga alam kung saan kami pupunta. Ilang oras ang byahe kaya naantok na ako, nakipagpalit na ako kay Jessy.

Nakatulog ako ng saglit, nagising ako kasi bigla na lang akong nilamig. Nakikita ko mula sa labas ng bintana na puro puno na lang at wala ng mataas na gusali.

"Jess saan ba talaga tayo pupunta? Di nyo pa sinasabi sa akin!" nagtatakang tanong ko na, dahil natatakot na ako.

"Sa bahay ng lola ni Max" sagot ni Jessy habang nasa daan pa din nakatuon ang atensyon niya.

Ano?! Sa lola ni Max! Na dating manggagamot!

"What!? Alam nyo namang dalawa na takot ako sa mga ganitong lugar diba at sa lola pa talaga ni Max!"

"Oh come on sis! Sabi mo kakaiba ang nararamdaman mo lately so we are going to help you"

"Helping me?! Did you think are you helping me?! I'm so scared now!"

"We've got you Shane!"

Kaya pala hindi nila sinabi sa akin kung saan kami pupunta dahil sa lola pala ni Max kami pupunta.

Nakwento ko kasi sa kanila na kakaiba ang nararamdaman ko these past few days. Bigla bigla na lang akong nilalamig kahit na yung mga kasama ko ay init na init. Feel like i'm in a place that pull of ice pero tirik na tirik ang araw. Minsan din nagkakaroon ako ng mga sugat ng walang dahilan. Ang weird lang kasi kaya na kwento ko sa kanila. And now pupunta kami sa lola ni Max na dating manggagamot.

"Were here!" sabi ni Jessy at pinark ang sasakyan namin sa tabi ng isang malaking puno. Yung kaninang feeling ko'y malamig ngayon ay nawala pagkalabas ng lola ni Max sa bahay nito.

"Hi lola! I've miss you so much!" sabi ni Max at niyakap ang lola niya. Hindi halata sa mukha ng lola ni Max na matanda na ito.

"Napasyal ka ata ng biglaan apo, anong mayroon at napadalaw ka?" tanong ng lola nito.

Pumasok kami sa loob ng bahay ni Lola.

"bakit nga ba kayo naparito?" muling tanong ng lola ni Max.

"Lola kasi papatingnan ko po sana sayo yung kaibigan ko" sabi ni Max sa Lola niya at biglang nabaling ang tingin nito sa akin.

"Siya ba?" tanong nito kay Max at si lola ay lumapit sa akin.

"Opo lola, siya po si Shane kaibigan ko po. Ang weird na po kasi ng nararamdaman niya lately"

Lumapit sa akin ang lola ni Max at hinawakan ng kanang kamay nya ang palad ko at ang kaliwa ay nakahawak sa noo ko. Dumampi sa balat ko ang palad niya at ang init nito animo'y isang baga. Nakakapaso at alam kong namula ang noo ko dahil sa init ng palad niya.

"Hindi to maaari!" sigaw ng lola niya at agad na binitawan ang kamay ko.

"Bumalik na sila! At ikaw hija! Ikaw ay nakatali na sa kaniya!"

Kinilabutan ako sa sinabi ng lola ni Max.

"Ano pong ibig nyong sabihin la?" tanong ni Max sa lola niya.

"Nakatali ka sa anak ng pinakamalakas sa lahat ng lahi ng mga bampira! Nagbalik na sila at ikaw! Ikaw ang napili nila para sa anak nila, ano mang oras pwede ka na nilang kunin"

"Max! Uuwi na ko! Kung ano-ano pinagsasabi ng lola mo!"

"Hindi! Wag ka munang lumabas! Mapapahamak ka, nakamatyag lang sila sa paligid mo"

"Max! Jessy! Ano na?! Gusto ko na umuwi!" pasigaw ko sa kanila dahil natatakot na ako.

"Shane makinig muna tayo sa lola ni Max, gabi na rin baka mapahamak tayo"

"Bakit ako magstay dito?! Ang creepy!"

"Believe on us Shane"

"Dito na kayo magpalipas ng gabi mga apo, walang makakagalaw sa inyo dito sa loob ng pamamahay ko, dahil may panaboy tayo para sa mga tulad nila."

Talaga namang walang makakapasok na masamang elemento o kung ano man sa bahay nya sa labas palang mukhang hindi talaga makakapasok.

"Matulog na kayo, may bakante pang kwarto jan magtabi na lang kayo, pasensya na kayo sa liit ng bahay ko dahil sa mga panaboy na nakatabi sa paligid ninyo para na rin ito sa kaligtasan nyo." pagpapaliwanag niya. Natatakot man ako ay sumang-ayon na lang ako.

"Salamat po Lola" pagpapasalamat ni Jessy sa lola ni Max.

Ako na nililibot ko lang ang tingin sa paligid ko at iniisip kung maniniwala ba ako o hindi. Wala naman sigurong mawawala sa akin kung maniniwala ako, sila lang naman ang naniniwala sa akin dahil sila mama at papa hindi ako pinaniniwalaan.

Pumunta na kami ni Jessy sa kwarto na sinasabi ni Lola at si Max naman ay sumama sa Lola niya dahil tatabi daw sya dito.

______________________________________

Ilang oras na ang lumipas at di ako makatulog habang ang mga kasama ko ay tulog na.

"Jessy! Jessy!" panggigising ko kay Jessy pero hindi ito magising. Niyugyog ko na ang katawan niya pero ayaw niya talagang magising. Pumunta ako sa kwarto ni Max at Lola at sinubukang gisingin din sila pero bigo ako, ganun na lang kahimbing ang tulog nila para hindi maabala sa pagtulog.

"Grabe naman sila matulog, di sila magising"

Maya maya ay may kumaluskos sa labas. Kaya lumabas ako ng bahay, paglabas ko ng bahay ay biglang simoy ng pagkalamig lamig ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.

"Sinong nanjan? May tao ba jan?" pasigaw ko.

Ramdam kong may tao sa paligid at nakamasid lang sa tabi tabi. Nagulat ako sa nahulog na sanga sa mula sa puno kaya napatalon ako at natapilok sa bato.

"Aray!!" napahawak ako sa paa ko na namumula at nagkaroon ng maliit na sugat.

______________________________________

JESSY'S POV

Nagulat ako at nagising bigla ng matapik ng kamay ni Shane ang mukha ko kaya nagising at napabangon ako. Nakita ko si Shane na pawisan at mukhang nananaginip kaya ginising ko ito.

"Shane! Gising!" pero hindi ito magising. Dali dali akong tumakbo kay Max at ginising ito.

"Max!" pagyugyog ko sa katawan ni Max at nagising naman ito agad.

"Bakit?"

"May problema ba Hija?"

"Si Shane po kasi eh mukhang nananaginip!" sabi ko at nauna pa sa amin ang lola ni Max na pumunta kay Shane.

______________________________________

"Sakit!" sinubukan kong tumayo at maglakad ngunit sobrang sakit ng paa ko.

Biglang may lumitaw na lalaking mukhang espasol ang kulay at pulang pula na akala mo ay isang apple ang labi sa harapan ko.

"Sino ka?!"

Lumuhod ito upang magkapantay kami, hinawakan niya ang pisngi ko. Grabe na lamang ang lamig ng kamay niya. Patay ba siya? Agad kong nilayo ang mukha ko sa kamay niya.

"Sino ka?! Lumayo ka sa akin!!" sabi ko, pinipilit kong lumayo sa kaniya sa pamamagitan ng pagsadsad ng mga paa ko sa lupa dahil di ako makatayo para tumakbo. Ngunit siya lang itong lumalapit sakin.

"Sumama ka na sa akin" malamig pa sa yelo nitong tono.

"Hindi! Hindi ako sasama sayo!" pagtutol ko sa sinabi niya. Bigla na lamang niyang hinawakan ang magkabila kong braso.

"Sumama ka na sa akin!! Binibini sumama ka na!!" kung kanina ay malamig at nasa mababang tono lamang siyang makipag-usap sa akin ngayon at galit na siya at mahigpit na ang hawak niya sa braso ko. Nakita kong may lumabas na pangil sa bibig niya kaya natakot ako.

"Hindi ako sasama sayo!! Hinding-Hindi!!"

______________________________________

JESSY'S POV

Ginagawa ng lola ni Max ang lahat napapalibutan ng kandila ang bawat sulok ng paligid ng hinihigaan ni Shane. Napansin kong may pasa sa magkabilang braso si Shane na kanina naman ay wala at sugat na namumula sa kaniyang paa. Ngayon ay nasaksihan ko ang mga sinasabi niya sa amin. Ngayon ay nagdadasal ang lola ni Max, sana bumalik na si Shane.

______________________________________

"Sumama ka na!"

"Ayokong sumama sa tulad mo! Kampon ng dem*ny*"

"I'm not a demon! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito!!"

Nakakaramdam na ako ng init at nakakaamoy ako ng ensenso at usok.

Maya maya ay nagising ako, (nagising ako?) Panaginip?

Bumangon ako at nakita ang mga kandila na nasa sulok ng higaan ko.

"Shane! Your awake! Thank god!" pag-aalalang tono ni Jessy.

Nanaginip ako kanina? Nakaramdam ako ng masakit sa paa ko, nakita kong may sugat ito at nakita kong may pasa ako sa mga braso ko.

"Pinipilit niya akong sumama sa kaniya! Pinipilit niya ako! Nakita ko, di ako basta nanaginip, totoo yun!" naluluha kong pagkwento ko sa kanila.

"Shhh hija hindi ka niya makukuha sa amin tiwala ka lang"

"kukuha lang kami ng tubig lola" sabi ni Jessy at sinama si Max sa labas.

"Hija kapag nagpakita ulit siya sa panaginip mo wag na wag kang sasama, ito isuot mo palagi yan para hindi ka niya malapitan" sabi ni lola at inabot sa akin ang isang kwintas na may pendant na silver bullet.

"Hindi ka niya malalapitan kapag suot mo yan may dasal yan para maging proteksyon mo"

"Salamat po lola" sabi ko at bumalik na sa pagkakahiga, ramdam kong umalis at lumabas na ng kwarto si lola. Napatingin ako sa bintana ng kwarto at nakita kong nakasilip doon ang lalaki na nasa panaginip ko. Kahit malayo siya ay rinig ko ang sinabi niya. "Makukuha din kita! Malapit na!" pabulong nito at nilamig na naman ako. Hanggang sa nakatulog ako.

______________________________________

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Lumabas na ako at pilay na naglakad dahil sa sugat sa paa ko.

"Gising ka na pala Shane kain na!" sabi ni Jessy na nag-aayos ng hapag kainan.

"Morning Shane!" pagbati ni Max sa akin at ako naman ay tumango at ngumiti lamang sa kanilang dalawa.

"Papahangin lang muna ako sa labas ha" pag-papaalam ko sa dalawa kong kaibigan.

"Sige wag kang lalayo ha baka mapano ka"

"Oo"

Lumabas ako at pumasok sa loob ng van namin at doon umupo pero hindi ko isinara ang pinto.

Nagscroll ako sa facebook para hindi ako mabored. Ng mabaling ang tingin ko sa isang puno na natatanaw mula sa malayo.

"Ano bang kailangan nila sa akin? Bakit ako? Madami namang babae sa mundo bakit ako pa?" pagkakausap ko sa sarili ko, madaming katanungan sa isipan ko na hindi ko malaman ang sagot at naguguluhan na ako.

Bumalik ako sa loob ng bahay dahil sa kakain na daw at tinawag na rin ako ni lola. Tahimik lang akong kumakain at hindi pa rin malimutan kung anong nangyari kagabi sa akin. Ngayon lang ako naka encounter ng ganito sa buong buhay ko kaya ganun na lang ang takot ko.

"Shane ayos ka lang ba?" tanong ni Jessy sa akin. Ayos nga lang ba ako?

"Kanina ka pa tahimik" - Max.

"Oo ayos lang ako wag nyo ako alalahanin"

______________________________________

Hindi pa daw kami makakauwi dahil baka masundan ako ng mga nilalang na iyon sa bahay at kung ano pang gawin sa akin. Pero may pasok na ako bukas at hindi pa kami makakauwi.

Nakaupo ako ngayon sa likod ng van namin ng bigla na namang lumakas ang simoy ng hangin.

"Aalis ka na?" may malamig na tonong bumulong sa tainga ko.

"Sino ka ba? Ano bang kailangan mo?" pagtanong ko sa kaniya, para na akong buang dahil kinakausap ko ang sarili ko. Napahawak ako sa dibdib ko at napagtantong wala ko suot ang kwintas na bigay ni lola kaya pala nakakausap niya na naman ako.

"Ikaw ang kailangan ko binibini" pagtugon nito sa tanong ko at biglang may lumitaw na lalaking parang espasol ang puti sa harap ko.

"Bakit ako?" tanong kong muli sa kaniya.

"Dahil ikaw ang napili nila, ikaw at wala ng iba" sabi nito at umupo sa tabi ko, para akong nasa tabi ng malaking tipak ng yelo sa lamig nito.

"Ipagpatawad mo binibini kong nasaktan at nasugatan kita at ipagpaumanhin mo din dahil pumasok ako sa isip mo ng wala ang iyong pahintulot"

Patawad? Paumanhin? Marunong naman pala siya non.

"Ayos na siguro yun" sabi ko sa kaniya at lumayo ng bahagya sa kaniya.

"May problema ba?"

"ang lamig kasi kaya lumayo ako ng bahagya"

"Pasensya ka na ispiritu ko lamang kasi ito at wala pa ako sa katawan ko dahil napapaso ang tulad ko sa araw"

"Oo nga pala bampira ka, sino ka ba?"

"I'm Vlad, binibing shane"

"Bakit mo ko kailangan? Para saan? Pagkain nyo? Dahil ba sa dugo ko?"

"Hindi, i admire you since your in grade school! Ikaw na talaga ang napili nila because you have a sweetest blood."

"Yun na rin yun, kailangan nyo ko dahil sa dugo ko"

"Sumama ka sakin, papakita ko sayo lahat. At bago lumubog ang araw pangako binibini ibabalik kita dito ng ligtas"

"Ayoko, di ako nakakasiguro"

"Nangangako ako binibini ibabalik kita kung hindi man, ikaw mismo ang sumaksak sa dibdib ng katawan ko"

"Oo na sige na!" pagpayag ko dahil kukulitin lang ako nito ng kukulitin.

Sumunod ako sa kaniya sa mga kakahuyan sa likod ng bahay at bigla na lang niyang hinawakan ang mga kamay ko at kurap lang ng makarating kami sa lugar na ngayon ko lamang nakita. Ang ganda at parang mga engkantado at engkantada ang naninirahan dito.

"Nandito na tayo binibini"

"Bigla ng uminit kamay mo, pwede mo na ba akong bitawan? Kanina mo pa kasi hawak kamay ko"

Pagsabi ko sa kaniya pero hindi niya ito binitawan at naglakad lamang ito papunta sa malaki at magandang bahay, lahat ng kauri niya na daanan namin ay nakatingin sa akin na namumula ang mata at nakalabas ang mga pangil na parang uhaw na uhaw sa dugo ng tao.

"Gusto ko ng umuwi" pabulong kong saad kay Vlad.

"Vlad gusto ko ng umuwi! Natatakot na ako dito! Iuwi mo na ko" sabi ko dito at humigpit ang yakap nito sa kamay ko.

"Hindi ka pa nila nakikita mahal ko"

Anong pinagsasabi ng bampirang to? Anong mahal ko?

"Ano bang pinagsasabi mo? Di na kita maintindihan!"

Huminto kami sa malaking bahay na mayroong itim na pinto. Ang kalikasan lang ang nakikita kong may kulay ngunit ang mga ta- bampira na naririto ay nakaitim kung hindi nakaitim ay nakaputi ang mga ito.

"Gusto ko ng umuwi" sabi ko kay Vlad ngunit hindi ako pinakinggan nito sahalip ay pumasok kami sa loob ng bahay. Pagbukas ng pinto ay biglang nabaling ang tingin ng bampira na nasa loob sa amin.

"Ano ba?! Gusto ko ng umuwi!!" galit kong ani habang sunusuntok na ang kaniyang balikat ngunit parang wala lang sa kaniya ito.

Nagulat ako ng biglang may lalaking lumitaw sa harapan ko. Kanina lamang ay ang lalaking ito ay nakaupo at nakikipag-usap sa kanilang kapwa bampira.

"Smell's so good! Siya na ba ang hapunan natin Vlad!" mapang akit na sabi ng lalaki na ito at lumabas ang pangil nito at ilalapit sa leeg ko ng itulak siya ni Vlad.

"Stay away from her Adver! She's not are food!" galit na tono ni Vlad.

Tumayo at lumapit sa amin ang isang babaeng maganda at isang lalaki na kamukha ni Vlad. Tingin ko magulang niya ito.

"You finally found her" - the girl.

"Yes you did son" pagsang-ayon ng lalaki sa sinabi ng babae.

Found? Me? Naguguluhan na ako, ano ba talagang nangyayari?

Umupo kami sa isang kulang itim na sofa at nag-uusap silang mag-anak. Di ako mapakali anong oras na ba? Baka nag-aalala na sila sa akin.

"Mawalang galang na po, ano po bang kailangan nyo sakin? Ano pong ibig nyong sabihin sa nahanap na ako?" pagputol ko sa pinag-uusapan nilang di ko naman maintindihan. Naguguluhan na kasi ako sa mga nangyayari.

"Ikaw ang natatangi sa lahat binibini at ikaw ang nais naming ipakasal sa anak naming si Vlad" pagpapaliwanag ng babae sa harap ko.

"Ano po? Ako ang natatangi? At gusto nyong ipakasal sa anak nyo, eh ngayon ko lang kayo nakasalamuha. Kung gusto nyo po yung dugo ko pwes magbibigay ako ng 3 bag ng dugo ko kada linggo"

"Hindi sa ganun binibini, hindi dugo mo ang habol namin, dahil nalalapit na rin ang pagsapit ng iyong ika 18 na kaarawan at sa araw na iyon lalong tatamis ang dugo mo para sa mga bampira! Binibini hindi lamang kami ang bampira sa mundo hindi kami yung bampira na tulad ng iniisip mo at kapag dumating yung araw ng kaarawan mo madali ka na lang nilang mahahanap dahil sa amoy ng dugo mo. Ipapakasal ka namin sa anak namin para sa pansarili mong kaligtasan at dahil na rin ikaw na ang tinakda ng propesiya" mahabang pagpapaliwanag ng babae sa akin. Maniniwala ba ako? Anong 18 birthday? Next week na yun eh, anong gagawin ko.

Work of Fiction/Imagination.

⚠:: Typos and Grammatical Errors Ahead.

To be Continue:

PART 2

_____________________________________

"ayos na ba lahat? Wala na ba tayong naiwan? Baka may naiwan pa tayo, kayong dalawa may naiwan ba kayo? Hindi tayo makakabalik agad dito, malayo pa ang uuwian natin." pagpapaalala ni Jessy siya kasi ang pinakamatanda sa aming tatlo 20 na siya habang kami ni Max ay 18 pero ako ay mag-18 pa lang sa Friday.

"wala na akong naiwan, baka si Shane mayrong naiwan? Shane! Shane!" nagulat ako ng tapikin ni Max ang pisingi ko.

"Huh? Ano yun?" tanong ko sa kanila, napatulala kasi ako ng ilang segundo dahil sa naalala ko na naman ang sinabi ng mga bampirang iyon sa akin.

"Tulala ka na naman, ayos ka lang ba talaga? Kung hindi dito muna tayo" pag aalalang tono ni Jessy.

"Oo, ayos lang ako, tara na"

"mga apo! Hija! Shane sandali lamang!" takbong sigaw ni Lola patungo sa amin na papasok na sana sa loob ng sasakyan.

"Bakit po lola?" tanong ni Max sa lola niya.

"Naiwan mo ang kwintas na ibinigay ko sa iyo" sabi ng lola ni Max kaya kinuha ko naman ito.

"Salamat po lola, at pinaniwalaan nyo ako" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Alis na po kami la, maraming salamat po ulit" sabi ko at tuluyan ng pumasok sa sasakyan namin.

"Mag-iingat kayo mga apo" sabi ni lola habang kumakaway sa amin na papalayo.

Ako naman ay nakaupo at pinagmamasdan ang kwintas na galing kay lola. At dahil nagkasignal na ang phone ko ay naghanap ako sa internet ng about sa silver bullet.

Nakakita ako ng ang silver bullet ang tanging armas na makakapatay sa bampira dahil ito ang kahinaan nila, at kapag sila ay natamaan ng balang ito ay hindi na silang mabubuhay pang muli.

Ang daming kong nalaman tungkol sa pendant ng kwintas na to, hanggang sa nakatulog na lang ako at nagising na lang ng gisingin ako ni Max upang makipagpalit sa akin, malapit na rin naman na kaming makauwi kaya nakipagpalit na rin ako kasi si Max ay wala pang tulog. Tinago ko na ang kwintas na hawak ko sa bagahe ko at nakipagpalit na kay Max.

Ilang oras at minuto ang nakalipas ay nakauwi na rin kami.

Bumaba na ako sa van at nagpaalam na sa mga kaibigan ko.

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin at tulog na sina mama at papa, buti na lang ay maghawak akong susi ng bahay kung wala hindi ako makakapasok sa bahay namin at sa labas pa ako matutulog.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko at pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay nagulat ako sa lalaking nakahiga sa kama ko at tulog na tulog pa ito.

Nilapag ko sa isang tabi ang mga gamit ko at lumapit sa lalaking ito.

'Vlad?'

"Vlad! Gising!" sabi ko dito at tinapik tapik ang mukha nito.

Nagising ito at napakunot ang noo nito, umunat ito ng mga braso atsaka bumangon.

"Bakit? Naantok pa ako eh" napikit na tanong nito.

"bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" sunod sunod kong tanong dito.

"Wala, masama ba kung dito ako titira kasama ka?"

"Titira? Kasama ako? Nasisiraan ka na ba? Bampira ka at tao ako, at hindi ka kilala ng mga magulang ko"

"Edi magpapakilala ako"

"umalis ka na, di ka pwede dito"

"ano? Bakit naman? Nandito na mga gamit ko oh!" sabi niya saka tinuro ang mga gamit niya.

"binibini kahit ngayong gabi lang"

"bakit kasi nandito ka?"

"para bantayan ka syempre, ganun naman pagmahal mo diba?"

"malay ko" sabi ko at tumalikod sa kaniya.

"bakit namumula ka binibini"

"Hindi ako namumula, umalis ka na jan sa kama ko, gusto ko na magpahinga"

"saan ako magpapahinga kung ganon?"

"jan sa lapag"

"dito? Sa lapag? E masakit sa likod yan at isa pa, di ako natutulog sa lapag lang"

"kasalanan ko? Eh ikaw ang pumunta dito kaya magtiis ka" sabi ko at humiga na.

"pasalamat ka ikaw ang takda" pabulong niya na sapat lang para marinig ko.

Bumangon ako at padabog na lumabas sa kwarto ko. Pumunta ako sa kusina para uminom.

VLAD'S POV

"anong problema nun?" "narinig niya ba sinabi ko?"

HAHAHAHAHA ang ganda niya lalo kapag nagagalit.

____

Ilang minuto ang lumipas ay bumalik na si Shane dito sa kwarto.

"Binibini galit ka ba sakin?"

"H-hindi bakit?"

"Nagdadabog ka kasi"

"Vlad, di ba pwedeng maghanap na lang kayo ng iba? Pwede bang wag na lang ako?"

____

Ilang segundong natahimik si Vlad sa tanong ko.

"Dahil ikaw ang gusto ko binibini" sagot niya sa tanong ko ng nakangiti.

"HAHA, matulog ka na lang, oh ayan di ka na mahihirapan sa pagtulog mo" sabi ko at inabot ang kutson, unan at kumot sa kaniya.

____

Maaga akong nagising dahil may pasok ako at may mga tawanan na sa baba. Kinusot kusot ko ang mata ko at nag inat, nilibot ko ang tingin ko sa kwarto ko at wala akong nakitang Vlad sa paligid.

Dali dali akong lumabas at bumaba ng hagdan at muntikan na akong maout of balance dahil sa taranta.

"Shane! Ano ba? Parang hindi ka babae kung bumaba ah!" - papa.

"Oo nga Shane nakakahiya sa boyfriend mo" - mama.

Boyfriend? Shungaa talaga siya, nagpakilala talaga siya sa parents ko.

"Hindi mo man lang kami ginising ng mama mo para kagabi pa namin siya nakilala" - papa.

"Good morning Shane" pangbungad ni Vlad na galing sa kusina na nagluluto ng mga pagkain.

Sumunod ako sa kaniya sa kusina at binatukan ito.

"Aray! Bakit?"

"Nasisiraan ka na ba? Bakit ka nagpakilala sa parents ko na boyfriend kita?"

"Bakit? Masama ba? Eh kung liligawan naman kita magiging boyfriend mo na ko"

"Ehh kahit na! Nagsinungaling ka pa rin! At isa pa! Bakit ikaw nagluto?"

"Nakita ko kasing naggagayat ng bawang at sibuyas mama mo eh kaya tinulungan ko"

"Vlad tingnan mo mga kamay mo pula na kakahawak mo ng bawang! At sa tingin mo makakain ka ng mga pagkain na hinanda mo kung may bawang? Maglalaho ka kung kakain ka ng mga pagkain na may bawang!"

"Concern ka ba?"

"Ewan sayo Vlad, bibili na lang ako ng pwede mong kainin!"

"tara sama ako"

"Hindi pwede!"

Ang kulit niya naman!!!

"Bakit naman hindi pwede?"

"Tingnan mo sikat ang araw sa labas, kapag lumabas ka masusunog ka, dito ka na lang sa loob ng bahay hindi ka masisinagan ng araw dito"

"Hindi na ako masusunog sa araw"

"Ha?"

"binigyang basbas ako ng kapangyarihan ni ina para mabantayan ka kaya hindi ako masusunog sa araw"

"Argggghhhh ewan ko sayo bahala ka"

____

Nakabuntot lang siya sa akin at sinusundan lang ako. Panay tili at bulungan ang mga babae dito sa labas ng makita siya. Nakakairita!!

____

"Ante pabili nga ako ng pagkain na walang halong bawang jan" saad ko sa tita kong kaedad ko lang.

"Walang bawang? Mayroon ba non?"

"oo mayroon non"

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Vlad sa likod ko at nakatitig sa mga tinda ng ante ko.

"Vlad umayos ka nga naiipit ako"

"ano yang mga yan shane" pabulong niya sa akin.

"Pagkain yan"

"Masasarap ba yan?"

"wala bang ganyan sa inyo?"

"Wala hahahaha"

"Tanda mo na di mo alam yan"

"Binibini, gusto ko ng lahat ng yan" saad niyang nagpapakyut pa.

"Oo na Vlad tigilan mo lang yan!"

____

"Ante pabili nga ako nito, nito, nito" sabi ko at turo sa mga pagkain na gusto ng lalaking ito.

"Anteeeee" pagsigaw ko sa tita ko na tulalang nakatitig kay Vlad.

"A-ano yun?"

"Pabili ako"

____

"Shane kain na!" - papa.

"alis na po ako ma, pa malalate na po ako eh"

"Sige mag-iingat ka"

"na saan si Vlad pa?"

"May pupuntahan daw siya eh"

"Ahh sige pa alis na po ako"

____

VLAD'S POV

"Ina, gusto ko ring mag-aral sa paaralan kung na sana si Shane!"

"hindi tayo makakasigurado kung mapapasayo si Shane"

"What do you mean?"

"Your brother"

"Why?"

"Adver like Shane too"

"Ina! Pano naman nangyari yun"

"Dahil sa amoy ng dugo ni Shane, naakit nun si Adver"

"No, di ako papayag na pati si Shane kunin niya rin sa akin."

"baka maya maya lang ay magkita na sila"

"ina payagan mo na ako!"

"Oo na"

Work of Fiction/Imagination.

⚠:: Typos and Grammatical Errors Ahed.

To be Continue:

Part 3

____

Nandito na ako sa room at nagtahimik na ang lahat ng pumasok ang principal ng campus.

"Good morning students!" - Principal.

"Good morning Mr. Torres!" pagbati naming lahat sa principal ng school.

"I'm here to announce that we had a two transferee's and since itong section nyo ang pinaka unti ang mga students i decided na dito na sila idagdag sa inyo" mahabang alintaya ng principal.

____

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng pumasok ang dalawang transferee sa room namin.

Adver? Vlad?

Anong ginagawa nila dito?

Bakit nandito yang dalawang bampira na yan?

"Hi everyone! I'm Adver Hoshin and nice to meeting you all" - Adver.

"And i'm Vlad Hoshin" - Vlad.

'Parehas Hoshin?'

'Magkapatid ba sila?'

'Oo siguro'

'Ang gwapooooo!'

'Ang puti nilaaa!'

'Akin ka na lang kyaaa!'

'I want that guy to be mine!'

____

Umalis na ang principal at sinabing maghanap na sila ng mauupuan nila.

"Pwede ba akong tumabi sayo?" sabay na sabi ng magkapatid.

Anong nangyayari sa dalawa na to?

"Stay away Adver, find another chair!" - Vlad.

"Why? I'm the first one who ask her!" - Adver.

"I said find another seat!" galit na tono na pananalita ni Vlad.

"Bakit ba?! Nauna ako!" - Adver.

"Ako ang nauna!" - Vlad.

"ano ba Vlad? Get out!" - Adver.

"Why should i? I'm her boyfriend!" - Vlad.

"No your not! Hindi mo nga siya niligawan!" - Adver.

'Boyfriend?'

'Sila na ba?'

'Omg haba ng hair ni Shane!'

"Ano ba?! Kayong dalawa nag-aaway kayo sa iisang upuan! Lilipat na lang ako para may maupuan kayo!" pagsabat ko sa away nilang dalawa.

Kakaloka sila, nag aaway dahil sa upuan.

"No! Stay here" sabi ni vlad at tinulak si Adver dahilan para mapaatras ito at umupo na sa tabi ko si Vlad.

Susuntukin sana ni Adver si Vlad pero pumagitna ako sa kanila.

"Adver stop! Kapatid mo siya" pagpigil ko sa kaniya.

"Fvck!!" pagmura ni Adver.

"Adver there's a vacant seat here!" pagsabat ng malanding boses ni Natalia.

Gusto niya siguro si Adver.

"What's happening here?" Ma'am Cortez said, our first subject teacher.

"Nag-aaway sa iisang upuan HAHAHAHA" pabebeng saad ni Natalia.

"may vacant seat sa tabi ni Natalia" walang nagawa si Adver kundi umupo na lang sa tabi ni Natalia.

____

ADVER'S POV

Vlad! How dare you! I'm going to kill you!

Naririnig kita adver! I have that skills too! Kaya kong marinig ang sinasabi ng isipan mo.

"Hi adver, i'm Natalia!"

Isa kapang flirt girl ka!.

"I don't want to talk to a flirt girl!"

"What did you say? You call me flirt!" sigaw ng babaeng katabi ko, totoo naman eh your a flirt! Malandi kang babae.

"Natalia! Nakakaisturbo ka sa klase ko!"

"It's not my fault tita! These guy called me a flirt! Hindi ako malandi!"

'Totoo naman kasi isa kang malanding babae! Gusto mong mapasayo lahat ng lalaki sa loob at labas ng campus!' - rinig kong sabi ng isip ni Shane.

"Totoo ba yun?"

"Ma'am" Shane raise her hand so she get the attention of the whole class and also our teacher.

"yes shane?"

"Adver Hoshin is a transferee and new student here so hindi niya pa po kilala si Natalia, hindi po ako naniniwala na masasabi ni Adver yun kay Natalia this is the first day that Adver came to this school"

Napangisi ako sa pagtatanggol sa akin ni Shane.

"I'm warning you Natalia"

That's what you deserve kasi malandi ka.

'Ikaw na babae ka, may oras ka din sa akin' rinig kong sabi ni Natalia sa isip niya.

Di ako papayag na mangyari yun.

____

After all discussion thanks god dahil break time na dahil gutom na gutom na ako.

Lumabas na ako ng room at pupunta na sana sa cafeteria ng may humawak sa pala pulsuhan ko at hinila ako palayo sa room.

"Adver! Bitawan mo nga ako!" sabi ko kay adver at patuloy akong hinila papunta sa court ng campus.

"Sumama ka muna sa akin ngayon please, narinig ko si Natalia, may balak siyang masama sayo, at di ako papayag na mangyari yun"

"Hinahanap na ako ng mga kaibigan ko"

"Sasama ako sayo"

"Ayoko! Wala akong tiwala sayo! Remembr when we first met? Gustong gusto mong kagatid leeg ko at inumin ang dugo ko"

"I'm sorry for what i did before di ko naman alam na ganito pala ang mararamdaman ko ngayon sayo"

"what do you mean?"

"I like you Shane! No, i've love you!"

"Ano? Pero nakatakda ako sa kapatid mo"

"I know pero di ko napigilan eh, nagustuhan kita!"

"Di pwede, sorry Adver"

Sabi ko at iniwan siya sa court.

____

Naglalakad ako papunta ng cafeteria dahil alam kong naghihintay na mga kaibigan ko don.

"There you are! Pakialamerang babae!" iritang sabi ni Natalia.

"Pinahiya mo ako kanina! And how dare you to do that!"

"Pinagtanggol ko lang si Adver!"

"Pinagtanggol mo ba talaga? O you make a way para ma inlove sayo si Adver?" - Juvi said alalay ni Natalia.

"eh bakit? Kung totoo man o hindi ang sinabi ni Adver, isa ka pa ring malandi"

"HOW DARE YOU!!" aambahan ako ng sampal ni Natalia kaya napapikit ako at hinahantay na lumagapak ang palad ni Natalia sa pisngi ko pero wala akong naramdaman na palad sa pisngi ko.

Minulat kong muli ang kamay ko at nakita kong nakaharang ang dalawang lalaki sa harapan ko. Si Adver at Vlad. Si Adver na nakapamulsahan at si Vlad na hawak ang palapulsuhan ni Natalia.

"Wala kang karapatan para saktan ang Girlfriend ko!" - Vlad.

"Yah! Di mo sya pwedeng saktan!" - Adver.

"Pero siya ang nauna! Pinahiya niya ako"

"I don't care! Kung ano ang sinabi ni Adver kanina totoo yun, your a flirt! Halos lahat ng lalaki sa campus na to napapasayo, pero ibahin mo kami ni Adver! Di ka namin gusto!" walang tonong saad ni Vlad.

"Vlad is right, dont you ever to hurt her again kundi kami ang makakalaban mo"

"ARRRRRRGGGGGG"

Naiinis si Natalia na umalis sa harap ng dalawang magkapatid.

"Wala ka pala! HAHAHAHA" sabi ko habang nakatingin kay Natalia papalayo.

Pagharap ko sa dalawang lalaki na ito ay nakabusangot at parang may nagawa akong kasalanan.

"Bakit ganiyan kayo makatingin?"

"Wag mo na gagawin yun" - Vlad.

"Wala naman akong ginawa!"

"Wag mo na akong ipagtatanggol ulit! I can protect my self!" - Adver.

"Makatitig kayo parang ang laki ng kasalanan ko"

"Makulit siya Vlad kaya wala kang magagawa kaya magtyaga ka sa kaniya."

Hala! Kanina lang nag-aaway sila at nagconfess pa si adver sa akin tapos ngayon ayos na sila? Di ko talaga maintindihan ang mga lalaki minsan!

"Your right bro!" - Vlad.

____

After classes ay uuwi na sana ako pero naalala ko si Adver.

"Adver!" pagtawag ko ng pansin sa kapatid ni Vlad.

"Why?"

"Saan ka pala tutuloy?"

"Sa bahay namin"

"Ha?"

"mom bought a house for us"

"Ahh sige mauna na ako"

So di na matutulog sa bahay si Vlad?

Akala ko doon pa sila uuwi sa probinsiya

"Wait Shane"

"Bakit?"

"I'm sorry to what i say lately, alam ko namang di mo masusuklian ang pagmamahal ko so i want you to be my friend na lang"

"Kaibigan lang naman pala, sure!"

"Thank youu thank youu"

Masayang saad ni Adver at napalaki ang mata ko ng bigla na lang niya akong yakapin.

"Eheem!" - Vlad.

"I'm sorry nadala lang ako" - Adver.

Lumapit si Vlad sa amin at inakbayan ang kapatid niyang si Adver.

"Friends lang No hug annd no Hold hands"

Pagpapaalala niya sa kapatid niya.

Grabe naman tong lalaki na to! Yakap lang yun eh. Sobra ka na Vlad.

"Pinoprotektahan ka lang ni Vlad Shane!" nakalimutan ko bampira pala sila kaya nababasa nila ang isip ko.

"Shane!" napalingon ako ng may tumawag na naman sa pangalan ko. Akala ko kung sino si Jessy at Max lang pala.

"bakit?" tanong ko.

Dali dali kasi silang pumunta sa akin at inilayo pa ako sa magkapatid na Adver at Vlad.

"Wag kayong lalapit sa kaibigan namin! Di nyo siya makukuha!" sabi ni Jessy atsaka ako hila hila papalabas ng pinto.

"Shane, sino ba sila? Wait Shane" - Vlad.

"Jessy teka lang ano ba nangyayari?" tanong ko sa mga kaibigan ko.

"Ilalayo ka namin sa mga bampira na to!"

"Jessy di sila masama! Transferee sila dito!"

"Hi beautiful ladies! I'm Adver!" pagpapakilala ni Adver sa sarili niya at bahagyang lumapit sa amin.

"Jan ka lang wag ka lalapit sa amin!"

"Max bitawan mo nga ako! Hindi nga sila masama!" pagpupumiglas ko kay Max na nakahawak sa akin.

"Ano ba Shane?! Na saan na ba ang kwintas na binigay sayo ni Lola" - Max.

"Tumigil na nga kayo Jessy!" pagsigaw ko sa mga kaibigan ko kaya nabaling ang tingin nila sa akin.

"Bakit Shane? Magpapakuha ka na lang ba sa dalawang bampira na to" pagbubunganga sa akin ni Jessy.

"Hindi nyo kasi naiintindihan, 4 days na lang at 18 na ako kaya nandito sila ay para protektahan ako. Di naman ako mapoprotektahan ng kwintas ng Lola mo sa oras na nasa legal age na ako" mahabang alintaya ko sa mga kaibigan ko.

"What you mean Shane? Sinasabi mo bang peke ang kwintas na binigay ng lola ko, how dare you! Tinulungan ka namin" - Max.

"Hindi nyo naiintindihan" napasampal na lang ako sa noo ko, di ko na alam kung anong pagpapaliwanag ang gagawin ko.

"No Shane it's all over!" sabi ni Max at umalis na.

"No Max! Wait! Max!"

Hindi pwede, ano bang buhay to!

"Wala kang utang na loob Shane!"

"Wait Jessy, let me explain!"

Lahat na lang, wala ng natira sa akin.

"ARRRRGGGGG kasalanan nyo tong dalawa! Mula ng dumating kayo sa buhay ko minalas na ako!" sabi ko sa kanilang magkapatid at iniwan na sila.

Ano ng gagawin ko? Iniwan na ako ni Jessy at Max.

Mga kaibigan ko iniwan na ako.

____

VLAD'S POV

"What we do now?" Adver asked me.

What should i do? Nasira namin ang pagkakaibigan nila.

"Adver we need to talk Shane's bestfriends and tell them all the reason why we here!"

"That's right!"

Sana gumana ang plano namin, sana bumalik na sila sa dati.

____

JESSY'S POV

'La la la la'

Nakaupo ako at nakaharap ako sa study table ko at nag-aaral.

"Jessy"

"AY KABAYO!" nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko.

Napatakbo ako sa kama ko ng makita ang magkapatid na bampira sa loob ng kwarto ko.

"A-anong ginagawa nyo dito? P-paano kayo nakapasok?"

Work of Fiction/Imagination.

⚠:: Typos and Grammatical Errors Ahead.