webnovel

A Soul Raised By Love

This story is about a woman named Sofia who accidentally sinned against a woman who had died. When due to an accident Sofia's soul was separated from her own body. It was for the sake of the woman he had sinned against. There was a necklace of life that Sofia was destined to have. But it was captured by an evil soul with a desire to live again to take revenge. But there will come a man who can help Sofia and she will love him as much as she can bet even her own life.

Mae_Herrera · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
15 Chs

Chapter 6

사랑해 언니😍

Cristhopher's POV

" Pa?Ma? Aalis na po kayo?" tanong ko sa mga magulang ko habang nakita ko silang nakagayak at papalabas na ng pintuan .

" Yes son. Don't you want to come with me to our hospital? If you are bored here at home you can come with me?" tanong naman ni Mama

"And then you can go home if you get bored. Just bring your own car sweetie " pahabol pang sabi ni Mommy.

" or else you can  come with me to my office. But the thing is  I leave you there alone because I have many meetings. If you just want to..... because no one is here at home, you might just get bored here." sabi naman ni Papa.

"I'll going with Mama.Maybe next time I'll go with you dad. I would also like to visit the hospital today" sabi ko naman at gumayak na pero nauna na sila Mama at Papa dahil sabi ko ay susunod na lamang ako.

After kong gumayak ay kinuha ko na ang susi ng sasakyan ko at umalis na ng bahay.

After a hour of driving. Nakarating din ako sa ospital namin.

We're owning one of the biggest hospital here in manila. At yung dalawa ko ring ate ay dito rin piniling mag trabaho dahil ' well i don't know '

Pagkapasok ko sa ospital, binati ako ng ilang senior nurses dahil halos lahat sila ay kilala na ako yung iba kasing nurse ay siguro'y hindi pa ako kilala.

Nginitian ko lang sila at tuloy tuloy ng pumasok sa pinaka looban.

Balak kong libutin ang buong ospital para masuri kung ano ano ang pinag bago dito dahil matagal tagal na din akong hindi nakabisita dito.

Nakita kong mas pinalaki yung canteen ng ospital namin. Natandaab ko ding sinabi ni Mama na lahat na ng floor ay nilagyan na ng mga canteen dahil mahihirapan pa daw ang ilang bumibisita o mga doctor and nurses kung bababa pa sila sa ground floor para lang kumain. Para din daw mapabilis ang mga pag kain o meryenda nila dahil sobrang halaga daw ng oras sa ospital dahil napaka raming gagawin at ginagawa pa.

Tumaas ako sa second floor para libutin yung mga patients room. Usually kasi nasa second floor lahat ng mga malalaking rooms para sa mayayaman. Then yung third and fourth mga typical rooms lang. Private kasi ang hospital namin kaya more on personal rooms yun. Wala yung halo halo.

Habang naglilibot ako mayroon akong emergency na nakita. Tapos mayroong apat na babaeng nag hihintay sa labas na mukhang kinakabahan tapos yung isa naman ay umiiyak. Naka white dress sya at mahaba ang buhok. Medyo matangkad din mga 5'5 ata.

Noong natapat na ako sa mismong room napansin kong maroong salamin iyon at makikita ang pasyente sa loob. Pero sa pag kakataon na iyon ay nakasarado ang kurtina non at hindi makikita ang pasyente sa loob.

Nakita kong habang nakatingin ako ay tumingin sa akin yung nakaputing dress ' more on nakatitig pala sya' .

Nagiwas nalang ako ng tingin sa kanya matapos konv mapansinv nag tataka na syang tinignan ko dun sya.

Nagpatuloy na akong naglakad at bumaba na din dahil naiinip na ako. Mabilis kasi akong mainip kaya gusto ko kung mayroon man akong pupuntahan ay malilibang ako para tumagal doon.

Pero dahil maiinip lamang din ako sa loob ay pumunta ako sa labas ng ospital. At nakita kong mayroon pala doong park na merong maraming batang nag lalaro.

Siguro ay mayroong dinalaw ang mga magulang ng mga iyon kaya iniwan nalang nila dito kasama ng mga yaya nila.

Pumunta ako doon at umupo nalang sa isa sa mga swing doon.

Mayroong kalakihan ang park na mayroong bubong din para hindi maiinitan ang mga nag lalaro duon. Kaya kahit tanghali ay pupweding maglaro duon.

Habang naka upo ako at pinag mamasdan ang buong park ay naagaw ng atension ko ang isang babaeng umiiyak ng napaka lakas at napg tanto ko na yuon yung babaeng umiiyak din kanina nung nag ikot ako sa ospital.

Sa sobrang lakas ng iyak nya ay napaka sakit aa tenga. Para bang walang nakaka rinig sa kanya.

Habang tinatakpan ko ang akin tenga ay napalingon ako sa mga tao sa park. Dahil hindi nila pinapansin o kahit tinitigan manlang yung babae. Para bang wala silang naririnig at nakikita.

Tinignan ko muli yung babae. Ganon pa din. Sobrang lakas pa din ng iyak nya pero walang pumapansin sa kanya.

Weird ahhh

Sa sobrang inis ko ay nilapitan ko yung babae.

"Miss pwede ba wag ka naman masyadong maingay. Kasakit kaya sa tenga. Lakas lakas ng iyak mo parang wala namang nakaka rinig sayo " sabi ko sa kanya .

Napatigil sya sa pag iyak at tumingala sa akin .

Naka upo pa kasi sya sa sahig habang umiiyak na para bang namatayan na nag wawala.

Tumingin siya sa akin bago tumingin sa paligid at tumingin muli sa akin.

" A... Ako ba?" nauutal niyang tanong sa akin.

" at sino pa nga?. Ikaw lang naman ang iyak ng iyak dyan. May nakikita ka pa bang ibang umiiyak " sagot ko naman sa kanya. Ang weird nya lang kasi tumitig lang sya sakin at hindi na nagsalita kaya umalis nalang ako at mag papaalam na ako kay Mama dahil uuwi na ako.

....

Pagka uwi ko sa bahay ay chineck ko muna yung phone ko kung mayroon bang message o ano apa man.

Nung nakita ko namang wala ay tumuloy na ako sa kwarto ko at para makapag linis ako ng katawan dahil galing akong ospital baka mayroon pa akong makuhang sakit.

Habang naliligo ako ay sumagi sa isipan ko yung mukha nung babae kanina sa ospital.

Naisip ko yung titig niya sa akin na para bang hindi maka paniwalang kinausap ko sya.

Kung sabagay sino ba namang hindi matutulala at hindi makakapag salit kapag kina usap kona.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at kinalimutan kona ang babae na yun. Pinag patuloy ko nalang ang paliligo.

Pagkayari kong maligo ay bumaba na ako sa salas para kumain na.

Dahil sila Mama at Dad ay gabi na makaka uwi ganun din ang aking mga ate . Tapos si kuya naman ay mayroon ng satiling bahay pero malapit lang din naman sa amin. Nasa iisang village lang din naman kasi.

Pagkababa ko ay nakita ko na doon si Manag Fe. Yung Lola yaya naming mag kakapatid. Kay kuya palang kasi ay si Manang Fe na ang nag alaga hanggang sa dito n sa bahay pinatira ni Mama at inalagaan niya mula kay kuya hanggang sa akin.

Sobrang malapit kaming mav kakapatid kay Manang Fe dahil palaging busy sila Mama siya lang ang lagi naming nakakasama.

Siya lang din ang nakakagawa ng favorite chicken adobo with pineapple ng dalawa kong ate, ginataang seafood with mais ni kuya at sinigang na baka with papaya na paburito ko naman.

Pero kahit ganon ay hindi naman nav tatampo si Mama sa kanya dahil mahal na mahal nila si Manang Fe.

After kong kumain kasama si Manang Fe ay umakyat na ako para matulog at magpahinga.

...

To be Continue...

So that's chapter 6 ❤️

Hope you all enjoy it!

사랑해 언니😍

❤️ 자매 고유 ❤_