webnovel

Chapter 2 - Group yourselves to death

Maxwell's POV

Ang announcer ay kasalukuyang nagsasalita at ipinapaliwanag ang mechanics ng unang laro.

"Let me introduce to you your first game, and it is called "Group yourselves to death." "

How to play:

Same as the game "The boat is sinking, group yourselves into???"

Game rules:

Accuracy: Nangangailangang sakto ang bilang ng tao sa kada isang grupo depende sa kung ilan ang hinihingi ng announcer na nakalagay sa TV.

Excess and insuffiency: Kamatayan sa mga taong magkukulang ng tao sa kanilang grupo at kamatayan sa mga taong sosobra ng tao sa kanilang grupo.

Weapons and accessories: Hubarin ang inyong helmet at isuot niyo sa inyong mga braso ang mga bracelet na ipo-provide namin.

Sa kabilang banda, magbibigay din kami ng mga armas at sandata at kayo na ang bahala kung paano niyo ito gagamitin, and at last, you will be given at approx. 10 minutes to prepare.

"Let the game begin!" said the announcer.

Nagsimula na ang 10 mins. mark para sa aming preparation.

Kanya-kanya nang pag-uusap, pagbubuo ng samahan, pagpaplano, at iba pa ang nagaganap.

Hindi ko alam kung makikihalubilo pa ba ako sa iba or hindi dahil ang alam ko, in the end ay gagawin ng bawat isa sa amin ang lahat para lang makasurvive.

Pero kung hindi naman ako makikisocialize ay madali akong madidispose at hindi ako makakasama sa kahit anong groups.

Paniguradong walang magsasama sa akin sa grupo nila kung tutunganga lang ako dito.

Minarapat kong makisalamuha sa iba't-ibang mga tao para mag build ng trust and relationship subalit tila ba hindi nagtu-turnout ang ineexpect ko na mangyayari bagkus, halos ang lahat ay nagpapanic at hindi namin nagagawang makapag-usap nang maayos

Nariyan ang mga tanong na "Paano 'yung mga hindi sasakto sa bilang ng grupo?! Anong gagawin sa kanila?! Hahayaan nalang ba natin sila?

252 kaming narito ngayon at kung sabihin ng announcer ay "Group yourselves into 13."

May mabubuo kaming 19 na groups consisting of 13 people per group, subalit may matitirang butal na lima at ang limang iyon ay walang magagawa kung 'di ang mamatay.

Sa madaling sabi, gaano man kapursigi naming iligtas ang bawat isa ay mayroon at mayroon pa rin talagang mamatay.

Makalipas ang ilang minuto at nagdrop na sa zero ang timer, nagsalita na ang announcer, at pinakita na sa TV kung ilan ang kailangang magiging tao per group.

Ikinagulat naming lahat nang makita namin ito, dahil ang nakalagay sa TV ay "The boat is sinking, group yourselves into (the 95th decimal of pi)"

"Group yourselves into the 95th decimal of pi?

Walang nag-akala sa amin na ganito pala ang magiging sistema ng laro. Ineexpect naming lahat na magbibigay lang ang announcer ng simpleng number at gagawa na kami ng grupo subalit hindi, may pusang galang problem pa muna ang kailangan naming isolve bago kami makagawa ng grupo.

Mayroon nang lumabas na timer sa tv at mayroon kami ngayong 5 minuto para alamin ang sagot at gumawa ng grupo.

Nagsipagtanungan ang bawat isa kung ano ang sagot sa tanong pero tila ba walang nakakaalam nito na kahit isa sa amin.

Kung wala talagang nakakaalam ng sagot ay nasa lubos kaming panganib dahil mapipilitan nalang kaming mamili ng isang sagot between 1 and 9, leaving us with a chance of 11% to get the answer right.

"C-c'mon g-guys! Baka n-nakakalimutan niyo na iisa lang 'yung buhay natin kaya kung magkakamali tayo dito eh mamamatay tayo!" ani ng isang lalaki

"Kailangang tama ang igu-grupo natin dahil gaya ng sabi sa rules, kapag nagkulang tayo ay patay tayo at kapag sumobra naman tayo eh patay din tayo! Kaya please, baka may nakakaalam ng sagot sa inyo.

Tumuntong na sa ika 1 min. 30sec. ang timer at nagsimula nang magpanic ang bawat isa sa amin.

Ang iba ay nagsimula nang gumawa ng pangkat consisting of 2, 3, 4, or 9 people, even though alam nila sa sarili nilang mamamatay sila kapag kumulang o sumobra man ang bilang ng grupo nila.

30...

29...

28...

27...

Nag-iiyakan na ang marami thinking na baka mali ang grupo nila, and they will die anytime when the timer runs out.

Samantalang ako ay umupo nalang sa gilid at tinanggap nalang ang magiging sitwasyon ko kapag ang timer ay tumuntong na sa 0.

8...

7...

6...

5...

4...

"1!! 1!! ANG SAGOT! GROUP YOURSELVES INTO 1!!!"

Nagulat nalang kami nang may biglang babae ang nagsigaw ng sagot sa halos katapusan na ng timer.

Mabilisan naman akong nakareact at agad na humiwalay sa iba pa following that girl's answer.

3...

2...

1...

0

"The right answer is... 1, group yourselves into one, said the announcer.

Unfortunately, sa mga gumawa ng grupo na mayroong 2 tao pataas, umilaw ang kanilang mga suot na bracelet at may bigla nalang lumabas na malalaking gilingan sa magkabilang bahagi ng dingding ng warehouse, unti-unti at palakas nang palakas sila nitong hinatak.

"Tulong! PAKIUSAP! TULUNGAN NIYO KAMI!" Sigaw nila na sabi

Tulong-tulong namin silang hinatak 'wag lang sila makain ng gilingan na humihigop sa kanila pero sa dami namin, ganunpaman ay hindi sapat ang pinagsama-sama naming lakas para mapigilan sila na hatakin at makain ng gilingan.

Binitawan na ng iba ang taong kanilang hinahatak sa kadahilanang masasama silang mahihigop sa gilingan kapag pinagpatuloy pa nila itong tulungan at hilahin.

Sa kabilang banda, ang babaeng hinihila namin ngayon at tinutulungan ay sinabihan kaming putulin nalang daw namin ang braso niya na kung saan nakasuot ang bracelet.

"PAKIUSAP AYAW KO PANG MAMATAY!" Malakas niya na sabi

"P-pero!" singit ko na sabi.

"WALA NANG IBANG PARAAN! PAKIUSAP GAWIN NIYO NALANG!" Umiiyak na pagpupumilit niya sa amin.

Nagsitinginan pa kaming mga taong tumutulong sa kanya, nagpapakiramdaman kung gagawin ba namin o hindi ang ipinapakiusap ng babae.

Tumingin ako sa mga mata ng babae at bakas na bakas dito ang pagmamakaawa at kagustuhan niya pang mabuhay. Naaawa ako na hindi ko maintindihan, nahihirapan akong magdesisyon kung gagawin ko ba ang nais niya o hayaan nalang siya makain ng gilingan na ito.

Kapag hindi ko ginawa ay gagawin siyang pinong piraso ng makinang ito at kapag pinutol ko naman ang kanang braso niya ay mauubusan naman siya ng dugo pagkatapos.

Sa madaling sabi, kahit ano pang piliin ko sa dalawa ay wala akong magagawa para iligtas siya.

Ikamamatay niya ang alinman sa dalawa...

"Sige na, bitawan niyo na ako." Nakangiti at mahinahon na sabi ng babae

"Maraming salamat sa tulong, you can let me go na, unless gusto niyong sumama sa akin sa gilingan na 'to 'di ba haha." pagbibiro pa niya na sabi

"By the way, I'm Kelly; nice meeting you all." ani Kelly bago siya bumitaw sa amin.

Hindi mapigilang maiyak ng mga katabi ko ngayon sa pagkamatay ni Kelly sa kasakit-sakit na paraan. Sobrang sakit sa amin na sa mismong harapan pa namin ay may makikita kaming ginigiling nang buhay.

In the end, nakain silang lahat ng makina at wala man lang kaming nailigtas kahit isa.

Tumingin ako sa TV at napag-alamang 48 ang lahat nang namatay, leaving us now with 204 people left.

Matapos ang lahat ay pinagkumpulan nang marami ang babaeng nagngangalang Dayah, siya 'yung babae kanina na nagsabi ng sagot sa tanong na hinihingi ng announcer subalit sinabi na niya ito kung kailan

Segundo nalang ang pagitan bago matapos ang timer.

May lalaking nagngangalang Keenan ang lumapit sa harapan ni Dayah at kwinelyuhan niya ito.

"KASALANAN MO ANG LAHAT NANG 'TO!" Sigaw ni Keenan kay Dayah

Sa lakas nang pag-kwelyo ni Keenan kay Dayah ay umaangat na ang paa nito sa sahig.

"P-pasensya n-na!, n-natakot lang ako kanina na baka mali 'yung sagot ko. Please, please, 'wag niyo akong sasaktan." Pagmamakaawa ni Dayah

"Pasensya?! ha?! Alam mo ba kung ilang tao ang brutal na namatay dahil sa kagagawan mo?! Sigaw ni Keenan kay Dayah habang kinukwelyuhan niya ito.

Galit na galit at sinisisi nang lahat ng mga tao na naririto si Dayah dahil sa pagkamatay ng mga kasama namin kanina.

"P-pakiusap, 'w-'wag niyo ako saktan." umiiyak na pagmamakaawa ni Dayah

Sa gulo na nagaganap ay may biglang babae ang nagngangalang Quinn ang pumagitna at sinabing "Ang dami n'yo namang sinasabi, kung galit talaga kayo sa babaeng 'yan eh bakit hindi n'yo nalang siya itapon sa gilingan katulad ng mgauna kanina.

Natahimik ang lahat matapos iyon sabihin ni Quinn at kalaunan ay lumapit siya sa mga taong nakapalibot kay Dayah at kinompronta niya ang mga ito.

"See? Hindi niyo kaya, hindi niyo 'yon magagawa kasi deep inside, alam niyong kailangan niyo pa si Dayah para magsolve sa mga susunod na problem na ibibigay ng announcer." ani Quinn

Tinanggal ni Quinn si Dayah mula sa pagkakakuwelyo sa kanya ni Keenan matapos ay binuhat niya ito at inilagay sa sulok.

Matapos ay tumitig nang masama si Quinn kay Keenan at hindi niya ito inalisan nang tingin hanggang sa huminto at tumayo siya sa harap ng gilingan.

"Ikaw na nga 'tong walang ambag, ikaw pa 'yung malakas magreklamo, buti nga sinabi pa sa iyo yung sagot heh, am I right? Deadweight?" sabi ni Quinn kay Keenan

Hindi iyon nagustuhan ni Keenan kaya galit siyang lumapit kay Quinn at akma niya sana itong itutulak sa gilingan subalit nakaiwas si Quinn sa kanya.

Na-out of balance si Keenan nang mabigo siyang itulak si Quinn sa gilingan at nang dahil doon ay siya mismo ang miserableng nahulog dito.

Rinig na rinig ang kanyang malalakas na sigaw habang siya ay unti-unting napipino ang kanyang katawan.

Kinatakutan nang marami si Quinn matapos ang pangyayaring iyon.

Samantala...

May tumunog na sirena hudyat ata nang ilalabas na ang panibagong problem na kailangan naming i-solve matapos ay gawan ng grupo,

At ilang saglit nga lang ay...

"The boat is sinking; group yourselves into 4!" said the announcer.

Nadisplay na ang 5 minutes timer sa tv at agad gumawa ng grupo ang lahat ng may apat na miyembro per group gaya ng sabi ng announcer, and fortunately for me, may tatlong babae ang nag-aya sa akin na sumama sa kanilang grupo, ang pangalan nilay Shainah, Marian, and Faye.

"Nice kumpleto na tayo." ani Marian

Napagdesisyunan naming lumayo sana iba sa kadahilang baka may taong madikit sa amin at dumagdag ang bilang ng grupo namin, and kapag nangyari 'yon ay there's no doubt na mamatay kami.

Subalit hindi pa man kaming nakakalayong apat ay may bigla nalang nagtutok ng kutsilyo sa mga leeg namin at hindi namin alam kung bakit.

"Have you ever thought, kung bakit nagbigay ang announcer ng mga patalim tulad nito? Hmmm?

Well, it's because killing is not against the rules... But don't get me wrong, we are not here to kill you, but I might change that decision if you refuse to comply with my demands, so now we are here to force you to join our group because, basically, the number of group members you are building is wrong. I'll let Dayah explain it to you." ani ng babaeng nasa likod at nagtututok kutsilyo sa leeg ko

Napag-alaman kong ang nasa likuran ko pala na nagtututok ng patalim sa leeg ko ay si Quinn, ang babaeng nakasagutan ni Keenan kanina.

Samantala si Dayah naman ang nagtututok ng patalim sa leeg ni Faye, lalaking nagngangalang Russell naman kay Marian at babaeng nagngangalang Teyyah kay Shainah.

Kinalaunan ay ipinaliwanag na sa amin ni Dayah kung bakit mali ang sagot na 4.

Sinabi sa amin ni Dayah na ang exclamation symbol (!) daw na nakalagay pagkatapos ng 4 ay hindi exclamation mark na kung saan ito ay ginagamit kapag magpapahayag strong feelings or high volume bagkus ito ay isang math symbol na kung saan ang ibig sabihin nito ay Factorial

"Factorial is a function that multiplies a number by every number below it.

For example, 5! =5x4x3x2x1=120." pagpapaliwanag ni Dayah

So kung ang nakalagay sa tv ngayon ay "group yourselves into 4!" at kung iaapply ko ang factorial function then ang magiging sagot ay 4x3x2x1=?

"Ang sagot ay 24." Mahinahong sambit ko

Nang maliwanagan kami ay ibinaba na nila Quinn ang mga patalim na hawak nila sabay tanong sa amin.

"Ano? Tutulungan niyo ba kaming makabuo ng 24 o hindi?"