webnovel

A House With Heartthrobs (Tagalog Version)

Si Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang mga lalaki. Doon ay tinanggap si Kaoree upang manilbihan at tumira sa iisang bubong kasama ang limang lalaki. Si Thaddeus, kilala bilang isa sa pinakagwapo at tahimik na lalaki sa kanilang lima. Sporty type siya at isa siyang introvert. Kabaligtaran niya ay si Latrelle, siya ay kilala hindi lang dahil sa ka-gwapuhan niyang taglay ngunit karamihan sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay dine-date niya. Ang pinakaclose niya naman ay si Marcus , parehas silang makulit ni Latrelle kaya sila ang pinaka magkasundo sa lima. Hilig niya? Babae? Hindi. Mahilig siya sa paru-paro at adventurous siyang tao. Ang Heather nilang lima - Si Wyndery na sinalo ang lahat ng bagay na pinaka sa isang lalaki. Nasa kanya na ang talino, kabaitan at ka-gwapuhan. Ngunit ang kagandahan ay walang ibang sumalo kung hindi si Jez. Si Jezrielle, ang bestfriend ni Kaoree na hinding-hindi siya pababayaan. Nang makilala ni Kaoree ang apat na lalaki ay nagbago ang lahat. Lalo ng nahulog ang loob ng tatlo sa limang lalaki sa kanya. Ano nga ba ang mas mananaig? Ang pagkakaibigan, o ang puso? Ngunit paano na lang kung hindi lang pala iyon ang susubok sa kanila lalo na kay Kaoree? Pilit man na hindi alalahanin ang nakaraan ay sadyang binabalik ito ng tadhana. Ang nakaraan bang ito ang magiging sanhi upang magkawatak-watak sila o mas papatagin ang kanilang pagkakaibigan? -Writer: 4the_blg3, chasing_dreams a.k.a chace_gonzales

Chace_Gonzales · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
17 Chs

6

Lechon

"Sakit ng bewang ko"

Nag-stretching ako pagkabangon sa kama. Ano kayang oras na? Tinignan ko ang aking wrist watch. Alas singko ng hapon. Kailangan kong magwalis ng bakuran.

Mumukat-mukat ang mga mata ko habang kinukusot iyon pababa ng kusina.

Luminga-linga ako sa paligid. Humagikhik ako. "Walang tao. Wala namang nakalagay sa listahan na hindi ako pwedeng kumain nga marami"

Ngiting kakaiba ang Ate niyo dahil pagbukas ko ng refrigerator bumungad sa akin ang masasarap na pagkain. Unti-unting naipon ang laway ko sa aking bibig.

Kailangan ko ng bilisan. Buti na lang umalis sila ngayon. Chance ko ng makatikim ng lechon. Dream come true talaga to'!

Pagkatapos nito ay pwede na kong pumanaw. Iniisa-isa akong tignan ang pagkain.

Ano kayang uunahin ko? Lechon ba muna? Graham? Omo! May pizza pa ang mga Kuya niyo!

Inuna ko munang tikman ang Graham. Panghuli ang lechon. Syempre save the best for the last. Tama ba ko?

Ang sarap talaga! Parang hindi ako nabulunan habang kumakain at ninamnam ang pagkain.

"For the last round!!! Tententeneeen!!!", nilabas ko ang lechon parang kumikinang ito.

Hiniwa ng ko ito ng maliliit pagkalapag sa mesa. Small bite lang naman. Hindi naman masamang tumikim.

Dahan-dahan ang paghiwa ko gamit ang kutsilyo. Naging mabilis ang mga ngipin ko habang nginunguya iyon.

"Masarap ba?"

Nabitiwan ko ang kubyertos na hawak ko. Hindi ko alam kung ano ang kinagulat ko. Nanlaki ang mga ko dahil sa glowing abs and sweat nito. Akala ko ay lechon at dyamante lang ang nakininang pero hindi pala.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan niya. Defined abs at ang puti!

Inhale. Exhale.

Kalma ka, Kaoree. Okay? Mahiya ka naman. Amo mo yan!

"Mesherep. I mean masarap yung pandesal. Ano pala... Oo! Masarap!"

Girl! Wag ka maharot. Ito naman kasing si T.H nang gulat ba naman. Eh di nag-iinit ang pisngi ng Dyosa niyo.

Lumakad siya papunta sa kinauupuan ko. Tatayo na sana ako...

"Wag kang aalis"

Kagat-labi ako kasabay ng malakas na tibok ng puso ko. Unti-unting lumapit ang mukha nito. Napapikit ako.

Omo! Bubuka na nga ba ang bulaklak? Papasok na ba ang hari? Sasayaw sa kama.

"Hoy! Anong kaartehan yan? Feeling may prince charming girl?", bumukas ang mga mata ko dahil sa lakas ng boses ni Jez.

Si T.H ay nakatayo sa harap ko.

"Anong meron dito? Landian agad mga be? Hindi manlang pinaabot ng isang buwan?", aniya Jez habang nakapamewang.

Napayuko ng makita si Wyn sa likuran nito. Wala naman siyang reaksyon na nagpapakitang na dismaya siya pero ako ang nanliit para sa sarili ko.

Ikaw lang Wyn ang gusto ko. Ito kasing T.H kung hindi ba naman shunga! Nagpakita sa akin half naked eh di nanlambot ang bulaklak ng ate mo.

"Itong kaibigan mo. Kinain yung lechon", aniya T.H sa malamig na tono. Nakapamulsa siya habang naglakad paalis.

"Lechon!?", aba nakauwi na rin pala ang isang ito.

Nagpabalik-balik siya ng tingin sa lechon saka sa akin.

"Ibalik mo ang lechon ko! Paborito ko yan! Paborito ko!", aniya Latrelle.

"Ah. Hehe! Teka. May gagawin pa pala ko", tumakbo ako palabas saka kinuha ang walis tingting at dustpan.

Mula sa labas rinig ko ang hagalpak ng tawa ni Marcus.

Ako naman ay taimtim ng nagsimulang magwalis.

"Lalalala...", pakendeng-kendeng ako habang nagwawalis.

Ilang minuto matapos ang ginagawa ko ay nakarinig ako ng lagaslas ng tubig mula sa gripo. Nakatayo ang lalaking naka shirt na green at shorts. Hinawi niya ang kanyang buhok dahil humaharang iyon sa mukha.

"Tapos ka na?" tanong nito habang nagdidilig ng halaman.

"Oo", pinagmasdan ko siya habang dinidilig ang mga iyon. Sana ako na lang mga halamang ito. Sana talaga.

"Mahilig ka pala sa halaman?"

Tinignan ko ang aking wrist watch. May benteng minutos pa ko para makipag-usap sa kanya.

"Hindi naman masyado. Biyaya sila kaya dapat alagaan", tumango-tango ako.

Ngumiti siya ng bumaling sa akin. Parang anghel sa langit. Pwede na yata akong mamatay. Pero joke lang po Lord madami pa kong pangarap.

"Ikaw ba mahilig ka ba sa halaman?"

Napangiwi ako ng nag-iwas ako ng tingin.

Halaman talaga ang topic namin ganon?

Wala na bang iba?

"Hindi eh. Iba kasi hilig ko. Si Donny kilala mo ba yun?"

"Ah. Oo. Yung artista"

Ilang minutong naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Pamilyar na yabag ng tsinelas ang narinig ko.

"Nandyan ka lang pala, Wyn", sabi ni Jez.

"Oo, nagdidilig siya ng halaman. Sana all dinidiligan. I mean sana all maalam magdilig"

Mahina akong hinampas ni Jez sa ulo.

"Grabe ka naman? Pwede bang sa braso na lang maghampas"

Binaba ni Wyn ang hawak nitong hose at kumaway sa amin bago pumasok sa loob.

"Ikaw ha. Wag kang masyadong maharot. Alam kong puro ginagagamba na yang bulaklak mo at madamo na. Pero hinay ka lang ha!"

Kumamot ako sa aking ulo.

"Wow ha? Misunderstanding lang yung kanina. Saka babayaran ko naman yung lechon. Nagutom lang talaga"

Humalakhak siyang peke saka hinampas ako ng abaniko nitong hawak.

"Anong nagutom lang? Hoy! Walang oras yatang hindi ka nagutom!"

Hindi na lang ako umimik. Ngumuso ako bago ko siya iwan sa kanyang kinatatayuan.

"Saan ka pupunta?"

"Magsasaing. Malamang!"

Pagpasok ko ng bahay ay masama ang tingin sa akin ni Latrelle. Para bang kakainin ako nito. Ginantihan ko siya sa pamamagitan ng paglabas ng dila ko.

"Bleee!!!"

Halakhak sa tawa si Marcus na nasa tabi nito.

"Sorry na ha. Ibawas mo na lang sa sweldo ko", tumawa ako.

Si T.H ay nadatnan kong umiinom ng juice sa baso. Yumuko ako habang tahimik ang pagtingkayad. Iniiwasan na marinig nito ang mga paa ko.

Mamaya na lang siguro ako magsasaing.

"Oy, saan ka pupunta?"

Umayos ako ng tayo. "Uhm. Magba-banyo lang?"

"May banyo rito", nakayuko akong pumunta roon.

Pumasok ako sa loob. Nag-iwan ako ng konting siwa ng pinto.

Hindi pa ba siya tapos uminom?

"Ayusin mo ang pagsara ng pinto", may awtoridad ang boses nito.

Umupo ako sa bowl at iniintay ang pag-alis niya. Nakakahiya! Kainis! Ginasumot kong parang papel ang mukha ko.

Ano kayang inisip niya kanina ng pumikit ako dahil sa paglapit niya?