webnovel

Simula

Nagtakip ako ng unan sa tainga. Umagang-umaga naririnig ko ang bangayan ni Mommy at Daddy. Wala namang bago tuwing umuuwi si Dad dito. Minsan pinagdadasal ko na lang na sana hindi na sya umuwi. Mas mainam pa na nagtatrabaho sya kasama ang mga magulang nya kesa makasama namin sya dito sa bahay. Masama man akong anak sa paningin nyo, wala ng mas sasama pa sa tingin sa amin ng pamilya nya.

Dad raised with a silverspoon in his mouth. Mom was their employee na nabuntis ni Dad. At ako ang bunga ng di ko alam kung matatawag bang pagmamahalan 'yon.

Kasal sila. Masaya sila sa wedding picture nila. Pera hindi lahat ng nakangiti ay masaya.

Bumangon ako at tumitig sa salamin. Mas mukha pa akong koreana kesa chinese. Malaki na singkit ang aking mga mata. Sobrang puti ko. Balbon ang braso at binti. Pero inaahit ko yung binti ko, ang pangit tignan eh.

Payat ako. Hanggang beywang ang aking buhok. Maliit ang aking mukha. May pwet pa ko sa baba, yung cleft chin na mukhang pwet. Buti di masyadong halata kasi nakakairita!

Chineck ang ngipin ko. Katatanggal lang ng braces ko kahapon. Kahapon ko din tinapos ang ballet class ko.

Grade 12 na ko, ayoko nang makisalamuha sa mga bata. Mag-aaral na muna ako or sa school na lang ako sasali ng mga dance competetion.

Tahimik na ng bumaba ako. Mag-isa akong kumain sa hapag. Ganito ang routine kapag nandito si Daddy.

Bumalik ako sa kwarto upang maligo at maaga akong pumasok.

Naabutan ko sa room ang ilang kaklase ko. I'm taking HUMMS, parehas ng strand ng mga kaibigan kong si Yvonne at Vanna.

I checked my socmed. Nag scroll lang ako hanggang sa madaanan ang picture ni Karl Benjamin Bienvenida. Friend ko pa pala ang ugok na 'to.

Ang gwapo nya talaga. Medyo kulot ang kanyang buhok na naka steady lang sa taas. May kaunting balbas sa baba. He look matured. Mas naging hot pa sya lalo.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa gitna ng aking hita. Agad ko itong inipit. Ang aga-aga, Michiko!

Pinatay ko ang phone at ibinulsa. This is so wrong. Tumayo ako ng makita ang taong nagpapasaya sa akin.

"Goodmorning my babe." Bati ni Ivan. Hinalikan nya ko sa noo. Yumakap naman ako sa kanyang katawan.

"Goodmorning too." Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko. We stayed in this position bago ako unang bumitaw.

"May practice ka ba later?" Malambing nyang tanong.

"Meron. Pero pupunta kaming Bubble Bar, sama ka?"

"May family dinner kami mamaya, gusto mong sumama?" He asked. Agaran akong umiling.

"Huwag na, family dinner nyo yun." Tanggi ko.

"Gusto sana kita isama mamaya." malungkot nyang saad. Dumaan naman sa gilid namin si Yvo at nginitian kami. Like her usual outfit, may suot syang hoodie.

"Okay lang hayaan mo na, basta after ng practice ko pupunta akong bar ha?"

"Sure, wag ka lang masyadong lalapit sa mga boys." Aniya at hinalikan akong muli sa noo. "Sige na, magsisimula na ang klase."

"Bye. See you later." Kumaway ako. Tinanaw ko sya habang naglalakad papunta sa kanyang room.

Nasa unahan ang room nila at dulo ang sa amin. He took STEM.

Magandang idea na isama ako sa family dinner nila pero ayoko na ngayon. Ivan Kael Ejercito is my on and off boyfriend. Legal kami both sides, okay sya kay Mommy pero hindi ako okay sa parents nya.

Ejercitos was very known in politics. His father was our Governor and his mother was our Mayor.

Isang beses akong dumalo sa family dinner nila at talagang hindi ko nagustuhan. Iba ang definition nila sa ama kong Tsino. Porke ba may-ari kami ng isang mall at condominium sa Sta. Cruz Manila ay kasama na si Dad sa mga Chinese drug lord?

Nangyari iyon noong unang beses akong ipakilala ni Ivan sa parents nya. Iyon ang una at huli. Hindi ko na hinayaang maulit ang pag disgusto nila sa akin. Pwede namang pag-alis ko na lang saka nila ako laitin. Wag lang harap-harapan.

Alam kong mahal na mahal ako ni Dad. Kahit na hindi ko sya kinakausap ay okay lang sa kanya.

Natapos na ang unang klase pero wala pa din si Vanna. Ang babae na iyon talaga.

Nilabas ko muna ang phone habang wala guro. Hindi naman siguro pagtataksil ang ginagawa ko habang nags-stalk sa mga pictures ni Karl.

"Good morning!" sabay sabay na bati ng mga kaklase ko kay Vanna. Nagtawanan sila sa sariling kalokohan.

Muntik ko pang mabitawan ang phone ko dahil sa gulat.

"Kaaalis lang ni Miss Anastacia dito.." sabi ko kay Vana.

"I knew it, nadaanan ko diba? Nakita ko si Noah at naka smile sya pagdaan ko." Sagot nya. Napailing na lang ako. Noah na naman.

"Smile o nakatawa sayo? Magkaiba yun." sabat ni Yvo. Inis nya itong hinampas. "Ouch! Nagsasabi lang ako ng totoo!"

"KJ! Akala mo magugustuhan ka ni Miguelito." Asar nito.

"It's Miguel only! Nakakainis ka, di ko naman inaano si Noah mo." agad naman syang niyakap ni Vanna.

"Hala, sorry na. Alam ko namang parehong gwapo at hot ang mga jowa natin eh." Sabi nito.

"Jowa? Nagde-day dream na naman kayo dyan." Sabi ko.

"Edi ikaw na! kainis to, maghihiwalay din naman kayo next week." Sabi nya. Sinamaan ko sya ng tingin.

Wala namang bago doon. Sabi ko nga diba on and off kami. Sa loob ng dalawang taon ganoon kami.

Nakakasama ko sya tuwing lunch kasama ang kambal ni Vanna at ang mga kaibigan nito. Kung ano ang kina-baliw ni Vanna ay syang kinaseryoso ni Vance.

Maaga akong nagpunta sa auditorium para mag practice. Nakita ko si Violet at Leonila, dancer din sila from STEM.

"Aga mo yata, wala kayong date ni Ivan?" bungad ni Violet.

"Wala. May family dinner sila. May lakad din ako." Sagot ko. Tumango sya.

"Ito na pala si Emisse."

Napalingon kami ni Violet sa entrance ng audi. Napairap ako ng makita ang ayos nya. Naka cycling short at jersey sando. Volleyball player lang ang peg.

Naka leggings ako at crop top. Bukod sa pagiging cheerleader ng SHS, president din ako ng Dance Club.

Kailangan na namin magpa-audition para makapag handa sa darating na foundation day. Last year kulelat kami. Ayoko ng mapahiya ngayon.

Nagpractice kaming tatlo nina Violet at Leonila habang wala ang mga mago-audition.

Imbis na sa studio kami ay mas pinili ko dito dahil hindi pa naman sila kabilang sa amin. Kaming tatlo pa lamang ang official member ng dance troupe.

Pagod akong naupo sa mono block na nasa harap ng stage. Kaming tatlo ang magja-judge sa kanilang lahat.

"Yung hindi matatawag ngayon, bukas na lang ha." announced ni Violet.

Sumalang na si Emisse. Pop music ang napili nya. Nakatitig lang ako sa kanya habang umiindak. Magaling sya. Halatang forte ng kanyang katawan ang mga moves nya.

Balita ko Queen ng Grade 11 si Emisse Diaz.

Sampu lang ang pinag perform namin ngayon. Bukas mag whole day ako para madami ang makapag audition.

Sakay ng Yamaha ni Yvo, nakarating naman kami ng safe sa Bubble Bar. Umakyat agad kami sa second floor.

Hindi ko nga alam kung bar ito o computer shop. Mga nagvivideo games ang unang makikita. Exclusive ang bar for different schools kaya madaming students ang naglalaro.

Napahinto pa si Yvo sa likod ng lalaking naglalaro ng karate-karate na yan.

"O! Tanga bobo." Sabi nito bago sumunod sa amin.

Biglang bumilis ang heartbeat ko nang makita si Karl. Mahina akong tumikhim dahil papalapit sya. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tagalan ang titig nyang may kakaibang ipinahihiwatig.

"Hi Michi...ko." bati nya. Hindi ko sya pinansin dahil nagwawala ang buong sistema ko.

Dumiretso ako kay Piper na syang naka duty bilang cashier. Umorder ako ng juice.

Nilingon ko ang mga kaibigan ko. Nakikipag-usap pa din sila kay Karl. I bit my lower lip.

"Michiko ito na, tulala ka dyan."

Mabilis akong lumingon kay Piper. Nagpasalamat ako pagkuha ko ng order. Hindi ko alam kung lalapit ako sa kanila o lalagpasan ko na lang.

"Let's go girls." Sabi ko ng di sila tinitingnan. Wala ng tao sa room 20 kapag dumadating kami. Dito ang palagi naming pwesto.

"Sana in-invite mo si Ivan, Michi?" sabi bigla ni Vanna.

"He's busy, may family dinner pa sila mamaya." Sagot ko. Dalawang beses pa lamang sya sumama sa amin.

Namili na ako ng Kakantahin ko at ni-reserved.

Nag-ingay ang cellphone ni Noah. Tumayo agad ito para sagutin ang caller.

"Sure." Sagot ni Vanna. Napailing na lang ako sa friend ko, feeling jowa talaga.

Nagsimula ako sa pagkanta. Hindi naman ako magaling pero mahilig akong kumanta.

"Ganda talaga ng boses mo.." puri ni Vanna. Ngumiti ako bilang sagot.

"Ako ba? Maganda mukha?" sabat naman ni Yvo. Napairap si Vanna sa kanya.

"Yvonne, Iced tea lang iniinom natin ha, bakit lasing ka?" biro nito. Inabot nito ang isang mic kay Yvo at sinabayan ako.

Oo nga pala..

Hindi nga pala tayo

Hanggang dito lang ako

Nangangarap na mapa-sayo

Hindi sinasadya...

Pumasok na si Noah, pero hindi sya nag iisa. Natigil naman si Yvonne sa pagkanta pero hindi ako.

Nahihilo, nalilito

Asan ba ko sayo?

Aasa ba ko sayo?

Lumapit si Yvonne at Vanna sa tabi ko. At naupo ang apat na college sa kaninang pwesto nila. Hindi ko sila pinansin at tinapos lang ang kanta. Hindi pa sila nakakapaglagay ng mga kanta kaya namili na muna ako sa songbook. Magmukhang busy lang. Natahimik ang buong room.

"Nasaan na ba si Jaxson ? bagal naman nun!" Jaxson Belucci? Kaibigan nila yon? May condominium ang mga Belucci sa Sta. Cruz. Katabi ng pag-aari ni Daddy.

"Naharang ng mga tourism eh, malamang naiinis na yun dahil iniwan naten." Natatawang saad ni Derrick. Napairap ako.

"Grabe naman kasi yung mga yun, halatang mga di naman na virgin." Sabat naman ni Karl. Mas lalo akong napairap dahil sa sinabi nya.

"Bakit? Ikaw nga isa sa mga tiga-punit ng hymen nila eh." saglit silang natahimik bago tumawa. Huli na bago ko narealized ang sinabi ko.

Gaga ka Michi, padalos-dalos ka kasi! Napayuko ako at mariing pumikit.

"Isang babae pa lang ang naikakama ko Michi kung di mo nalalaman. Nakaka dalawang beses pa lang naman kami and you know how she screamed my name so loud? You wanna know? That's almost 2 years ago. I'm single and ready to mingle Michi. I'll think it will fit-"

"Ewww! You're so vulgar Karl, mahiya ka nga. Wag mo nga ikwento kung ganyan lang ang topic." saway ni Vanna sa kanya. Tang...ina.

"Kiss and tell." bulong ko. Para akong pinag pawisan ng malagkit dahil sa sinabi nya.

"Sunduin ko lang si Jaxson, tagal eh." Tumayo si Karl.

"Sus, makikisali ka lang kasi mga chix yun." Asar ni Noah dito.

"I'm not like you, fuckboy."

Hindi na ko muling umimik. Mapapahamak lang ako sa ginagawa ko.

Muli na namang sumariwa sa akin ang nangyari two years ago. Hay! Bwisit na lalaki. Kailangan nya pa bang ipaalala.

May senior party kaming mga 4th year. Pool party ang theme at ginanap sa bahay nina Noah Fostier.

Si Yvonne lang ang kasama ko dahil hindi pinayagan si Vanna. Nang tinawagan ko kanina, umiiyak ito. Kawawa naman ang bebe girl.

"Saglit lang Michi, restroom lang ako." Paalam ni Yvo. Hindi naman kami todo reveal ng katawan. Naka floral dress kami ni Yvo. Samantalang ang iba ay sobrang sexy ng suot.

Kahihiwalay lang namin ni Ivan Ejercito. Napakagwapo nun. Ang daming nainggit sa akin ng malaman nila na girlfriend ako nito. Palagi syang nagbibigay ng bulaklak at chocolates or teddy bear. Walang palya.

"Hi Michi." isa pa 'tong si Miguel. Magkaibigan sila ni Ivan. Hindi ko alam kung may gusto din ba sya sa akin o ano.

"Hello." Sagot ko. Uminom ako sa juice na hawak ko.

"Pinabibigay nga pala ni Ivan." May inabot syang rectangular box. Sya ang tiga bigay ni Ivan kapag hindi ako namamansin. Pero kakaiba ang binibigay nyang titig sa akin tulad ngayon.

"Gusto mo pa ba si Ivan?" Tanong nito.

"Oo, gusto ko pa sya. Salamat dito pakisabi." Sagot ko. Hindi na ako nagbukas ng topic dahil wala ako sa mood makipag-usap.

Galit ako kay Ivan. Kung girlfriend nya ko, ako lang. Dapat wala ka ng sabit. Hinahabol pa sya ng ex nyang si Amanda, nakita ko silang magkasama kahapon at sabi nya magkaibigan na lang sila. May magkaibigan bang nagyayakapan?

Umalis si Miguel sa gilid ko. Bigla namang sumulpot si Yvonne.

"Anong ginagawa ni Miguel dito kanina?" Tanong nito sa akin.

"Yan kasi ang tagal mong mag C.R.. binigay lang nya 'to." sabi ko at binuksan ang box. Necklace na may pendant na heart.

"Pang-suhol na naman. Infairness ang ganda ha, suot ko na sayo." kinuha ni Yvo at sinuot sa akin.

Naa-appreciate ko lahat ng binibigay ni Ivan sa akin. As of now, wala pa naman akong naririnig na pineperahan ko sya. Hello, sa kanya na yaman nila.

Lumapit na naman si Miguel sa akin.

"Uuwi na daw si Ivan. Nagtext daw sya sayo." Sabi nito.

"Ingat sya. Wala akong dalang phone." walang emosyon kong sagot. Umalis agad ito na walang salita.

Marami ang nag-uwian dahil dis oras na din ng gabi.

Dumating si Noah na may mga dalang lemon at asin. Bigla kaming nabuhayan ni Yvonne at nakisali sa kanila.

"Wait lang girls, may hinihintay pa tayo. Nag-invite din kasi ako... ayan na pala sila!"

Nilingon namin ang kararating lang na sasakyan. Kung ang ibang babae ay tumili, ako hindi.

Napairap ako sa hangin. Bakit nandito ang mga basketball player ng SHS?

"Bro!" bati ni Karl kay Noah. Katabi ko si Noah kaya nahuli ako nitong nakatingin sa kanya.

"Sakto lang ang dating nyo."

Kasama nito si Derrick at Peter. Kulang yata sila. Mga twenty persons na lang yata kaming nandito plus sina Karl.

Nag-spin the bottle muna si Noah. Kung sino ang matapatan nya papipiliin nya ng truth or dare.

Naghiyawan sila ng matapatan ang kaklase namin. Si Candy, maganda sya. Napili nya ang dare at ayan sumayaw sya sa gitna.

Pinaikot na ni Candy ang bote at tumapat ito kay Karl. Dare ang pinili nito. Naka stripe polo sya, revealing his well-toned chest. Kita ang gold na kwintas na suot. Gwapo si Karl. Mas lalong nagpalakas ng appeal nya ay ang galing nya sa basketball.

Oo na crush ko sya. Pagtungtong ko pa lang ng highschool sya na agad ang napusuan ng mga mata ko.

"Halikan mo nga yung babaeng pinakamaganda dito." Utos ni Candy. Umiwas ako ng tingin kay Karl.

Sino kaya ang hahalikan nya?

Lumakas ang hiyawan ng tumayo sya. Kita ko sa mga ngiti ng girls ang confidence na sila ang hahalikan nito. Tahimik lang ako. Bakit naman ako hahalikan—

"Oh my god!" gulat na sigaw ni Yvo sa tabi ko.

Literal na nanlaki ang mga mata ko. Ako! Ako ang hinalikan ni Karl sa labi!

Tila nabingi ako sa sigawan nila. Magpaghampas pa ng lamesa ang ilan.

"Lagot ka kay Ivan!"

"Oy! Yung nangyayari ngayon, hindi lalabas 'to ah. Hindi na mauulit 'to bahala kayo." warning ni Noah.

Nagsimula na ulit sila sa laro. Samantalang hindi pa ako nakaka get-over. Sa kalagitnaan ng pagsasaya nila ay tumayo ako at nagpaalam na magc-CR.

Hindi ako makahinga gayong ang lapit lang namin ni Karl.