webnovel

A Certified Casanova

"I've always wanted to be a Casanova. I think it's very tasteful." He saw you. He met you. He liked you. He wanted you. He chased you. He got you. He had you. And in the end, he left you. Terrence Palermo's favorite toy---a woman's heart. He can get any girl he wants. Of course, he's fucking handsome, hot and rich. Kailanman ay hindi siya nagseryoso sa babae dahil ang tingin niya sa mga ito ay parausan lang. Why? Because he hates them to the extent that breaking their hearts makes him happy. May pag-asa pa kayang magbago ang isang certified Casanova?

pinkyjhewelii · Urbain
Pas assez d’évaluations
35 Chs

Chapter 13

GUILT. Iyan ang tanging nararamdaman ko ngayon. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin? Hindi ko din alam kung ano ang dapat isipin. Kanina ay si Robi ang iniisip ko dahil nakipaghiwalay na siya sa akin nang tuluyan pero ngayon, hindi maalis sa isip ko si Terrence.

Been there, done that.

Anong ibig sabihin niya sa sinabi niyang iyon? Na nangyari na sa kaniya ang nangyayari sa akin? Kung ganoon, masyado ko ba siyang hinusgahan? Nakakainis! Hindi ko na talaga alam kung paano ko haharapin si Terrence pagkatapos nang mga nasabi ko.

Mariin akong pumikit. Huminga ako nang malalim saka ako nag-dial ng number niya. Wala nang hiya hiya. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya nakakausap.

Nagring naman ang tawag at maya maya ay sinagot niya rin iyon.

"Who the fuck is this?"

Napangiwi ako sa sagot niya. Lasing ba siya? Sa tono ng pananalita niya, halatang lasing siya.

"Terrence..."

Nanaig ang katahimikan.

Tumikhim ako saka muling nagsalita. "Sorry... hindi ko talaga sinasadya iyong mga nasabi ko kaninang tanghali. Nadala lang talaga akonng emosyon ko. Masyado akong nasa---"

"Come here."

Kumunot ang noo ko. "Saan?"

"Hashtag bar."

Kasunod ng sinabi niyang iyon ay ang tunog ng end tone. Binabaan niya ako. Nasa hashtag bar siya so ibig sabihin, lasing nga siya?

Jusko, huwag niyang sabihin na mula kaninang tanghali pagkaalis niya dito sa apartment ko ay uminom na siya doon? Huwag naman sana.

Kahit papaano ay nag-aalala ako kay Terrence.

May bahagi sa puso ko na sinasabing kasalanan ko kung naglasing man siya. Hindi sa assumera ako pero pakiramdam ko ay may nasabi akong hindi maganda at tinamaan siya.

Mabilis akong umibag. Kinuha ko lamang ang sling bag ko saka lumabas ng apartment bitbit ang cellphone ko.

Nang makababa ako ay pumara ako ng taxi at sumakay.

"Hashtag bar po." Sabi ko.

Tiningnan kongmuli ang cellphone ko. Alas nueve na ng gabi at nag aalala tuloy ako.

Napapaisip nga ako kanina kung mahal ko pa ba talaga si Robi? Hindi ko rin alam kung bakit pumasok iyon sa isip ko pero kasi... para bang hindi ko man lang iyon pinoproblema mula nung nagsagutan kami ni Terrence kanina. Para bang nasaktan ako, oo perokumipas lang din agad.

Tumunog ang phone ko at nagulat pa ako dahil si Robi ang tumatawag.

Huminga ako ng malalim saka sinagot iyon. "Hello..."

"Baby. I'm sorry. Hindi ko sinasadya iyong mga nasabi ko sa iyo kanina saka iyong babaeng narito sa unit ko? Pinalayas ko na dahil ikaw naman talaga ang pipiliin ko e. Bati na tayo?"

Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit. Para bang wala na akong makapa sa dibdib ko ni katiting na paki.

"Saka nalang tayo mag-usap, Robi." Sabi ko dahil natatanaw kong malapit na ako sa hashtag bar.

"Pero baby kasi... sobrang sama ng pakiramdam ko. Siguro dahil iyak ako ng iyak kanina noong pinaalis kita dito sa unit ko. Halos lalagnatin ako at gusto kong ipacheck up agad 'to kaso wala pa akong sahod."

"Sorry pero next time na tayo mag-usap." Sabi ko saka mabilis na pinutol ang tawag. Tumigil na kaai ang taxi sa harap ng Hashtag bar. Nagbayad ako saka bumaba.

Nag aalala na talaga ako kay Terrence. Bahala na muna si Robi. Hindi pa ako handang kausapin ulit siya. Hindi ko na talaga mintindihan pero mas gusto kong puntahan si Terrence kesa kaniya kahit pa sabihin niyang may sakit siya.

Pumasok ako sa hashtag bar. Hinanap ko agad si Terrence. Nasaan ba kasi ang lalaking iyon?

Ang sakit pa naman sa mata ng ilaw ng disco lights. Tinungo ko ang bar counter pero wala aiya hanggang mapatingin ako sa bandang VIP tables. Naroon siya pero may kausap siyang babae.

Para akong napa-atras pero kailangan ko siyang lapitan. Hindi naman sila naglalandian ng kausap niya e. Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan siya no'ng babae pero tinanggal niya ang kamay ng babae sa braso niya.

Maingat akong lumapit sa kanila. Hindi ako tsismosa pero gusto kong marinig ang pinag uusapan nila.

"Get out of my sight!" Sigaw ni Terrence.

Kitang kita ko iyong galit sa mga mata niya. Laaing na laaing na nga siya. Nasa itsura naman niya.

"Babe, please. I'm here. I came here to apologize. Nagsisisi na ako sa nagawa ko. I really love you."

Kumabog ang dibdib ko. Sino ang babaeng iyon? Ano siya ni Terrence? Bakit ganoon ang sinasabi niya at teka,bakit ba parang apektado ako?

"I don't want to see you fucking again." Madiin na sabi ni Terrence sa babae. Nakatalikod sa pwesto ko ang babae kaya hindi ko maaninag ang itsura niya.

"Mahal na mahal kita! What do I need to do to prove that to you?!" Tumaas na rin ang boses ng babae.

"Please... not now. Please, honey."

Napalunok ako. Tinawag ni Terrence na honey iyong babae. Ibig sabihin ba, girlfriend niya iyon? Hala, bakit naman kaya ganito ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko?

Ano namam kung may girlfriend siya 'di ba? Saka ano, bakit pa ako narito?

"Fine! I'll stop for now but expect me tomorrow. I won't stop until you accept my apologies." Sabi noong babae saka umalis na sa harap ni Terrence.

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung dapat na ba akong umalis pero hindi naman ako makagalaw.

Bakit naman umalis iyong girlfriend ni Terrence? Ang sweet nga niya e. Kahit galit siya, tinawag pa rin niya iyong babae ng endearment nila.

E bakit pa kaya ako pinapunta dito ni Terrence?

Tumalikod na ako. Ayokong makausap muna si Terrence dahil sa tingin ko ay okay naman siya. Lasing lang siya pero atleast, andyan na pala ang girlfriend niya e. Baka may hindi lang sila pagkakaintindihan.

"Keeshia..."

Nanlaki ang mga mata ko nang may yumakap sa akin mula sa likod ko. Iyong pagkabog ng dibdib ko, hindi na normal. Iyong puso ko, may kakaibanh pakiramdam na.

"Uh, T-Terrence..." kumawala ako sa pagkakayakap niya. Nakakailang kasi. Tapos ang tapang pa ng amoy ng alak.

Hinarap ko siya. Bigla naman niya akong niyakap.

Ano bang nangyayari sa kaniya? "Terrence, ano ka ba? Ano bang problema mo? Bakit mo ako pinapunta dito?" Tanong ko saka ikinalas siyang muli sa pagkakayap sa akin.

"I want you. I want to see you. Damn it. I want to kill your fucking boyfriend."

Lasing na nga siya.

"Halika na, ihahatid kita sa mansyon---"

Natigilan na naman ako nang bigla naman niya akong halikan. Napalunok ako. Ano bang pinaggagagawa niya?

"Terrence!"

"Sabi mo halikan na. I did."

Jusko, sakit nito sa bangs. "Lasing ka na. Ihahatid na kita sa inyo." sabi ko.

Umiling siya. "Bring me to your apartment please. Ayokong umuwi ng lasing. Malalagot na naman ako kay Mom."

Huminga ako ng malalim. Kung sabagay, ano namang sasabihin ko kina Mrs. Palermo kapag inihatid ko doon si Terrence?

Bakit kasi hindi ko matanggihan ang lalaking 'to?! Nakakainis na! Wala naman dapat akong pakialam sa kaniya e.

Ini-akbay ko siya sa akin at inalalayan palabas ng bar. Ang bigat bigat niya jusme!

"Girl, ang bigat ba ni pogi? Ako nalang ang mag uwi sa kaniya?" Sabi ng kasalubong naming bakla. Jusko naman.

Hindi ko sila pinansin hanggang makalabas kami ng bar. Nag abang ako ng taxi habang naka-akbay pa rin sa akin si Terrence. Mananakit ang katawan ko nito. Ang laki laki kasing tao!

Nang may dumaang taxi ay dahan dahan ko siyang isinakay sa likod saka ako sumakay. Sinabi ko ang address ko saka isinandal si Terrence sa balikat ko.

Nagulat naman ako nang tumunog ang cellphone ko---hindi, hindi ko ringtone iyon. Kumunot ang noo ko nang may nagba-vibrate mula sa bulsa ni Terrence. Cellphone pala niya ang tumutunog.

Walang pangalan na nakalagay sa screen. Numero lamang ang nakarehistro kaya sinagot ko iyon.

"Babe, I love you okay? You were drunk kaya hindi ko na ipinilit ang gusto ko but we'll talk tomorrow. I really need some rest too. You know how much I missed you dahil mula sa airport, pinuntahan agad kita kung nasaan ka. Pinuntahan pa kita sa Cali, hindi ko alam narito ka sa Pinas. Goodnight, okay? Let's see each other tomorrow."

Napalunok ako. Namatay na ang tawag pero hindi namana ko maka-react. E bakit may nagwawala sa dibdib ko. May kakaibang boltahe sa sistema ko na para bang kinikirot ang damdamin ko.

May girlfriend pala si Terrence e. At galing pala sa ibang bansa. Ngayong narito na ang girlfriend niya, dapat pala iwasan na niyang magdidikit sa akin. Ayoko namang makasira ng relasyon.

Konsensya: Bakit ka nasasaktan?

Hindi ako nasasaktan! Hindi rin ako apektado. Ano lang kasi talaga... hindi ko lang alam na may girlfriend pala siya.

Konsensya: Umasa ka kasi naghalikan na kayo

Halik lang naman iyon. Tutal laking ibang bansa si Terrence, normal na sa kaniya iyong makipaghalikan. Bakit kasi ako naaapektuhan ng ganito 'di ba?

"Miss narito na tayo."

Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita ang driver. Nagbayad ako ng taxi fare saka naunang bumaba. Saka ko hinila pababa si Terrence.

Halos nakayakap na siya sa akin. Grabe! Sobra ang effort na ginagawa ko para sa lalaking ito. Tawagan ko kaya iyong girlfriend niya para siya ang mag-asikaso kay Terrence?

Sabagay, hindi pwede. Ako ang alam ni Terrence na kausap niya kanina. Siya rin ang nagsabing sa apartment ko siya uuwi.

Iniakyat ko siya pataas sa apartment ko. Hingal na hingal ako. Bakit kasi nagpakalasing ang lalaking 'to! Hindi naman pala kaya ang sarili. Nakakainis! Ako tuloy ang naperwisyo e.

Binuksan ko ang apartment ko saka ipinasok siya sa loob. Inihiga ko siya sa sofa.

Napabuga ako ng hininga sa sobrang pagod ko.

"Ang bigat mong lalaki ka!" Reklamo ko.

"K-Keeshia..."

E? Tinatawag niya ako? Lumuhod ako sa sahig saka inilapit ang tainga ko sa bibig niya. Pabulong kasi magsalita e.

"Ang..."

Ano? Hindi ko siya maintindihan.

"Ang... raprap mo. Ugh."

Naningkit ang mga mata ko. Kung libre lang manapak ng lasing, nagawa ko na. Hanggang pagtulog ba naman, kamanyakan pa rin? Wala na talaga siyang pag-asa!

Tiningnan ko siy. Nakabaluktot siya sa sofa dahil ang haba ng... biyas niya! Iying binti niya! Ang tangkad naman kasi.

"Honey..."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Iyong girlfriend ba niya ang tinatawag niya?

"Honey..."

Ayoko na siyang pakinggan. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis na naman ako. Bahala nga siya dyan! Matutulog na ako!

NAGISING ako dahil sa malakas na sounds. Ano ba iyong naririnig ko? Nagpapatugtog na naman ba ng malakas iyong katabi kogn apartment? Pero hindi e, semi soundproof naman ang mga apartment dito so hindi ko iyon gaanong maririnig.

Bumangon ako saka naghilamos muna sa banyo dito sa kwarto ko. Itinali ko ng messy bun ang buhok ko saka lumabas ng kwarto ko.

Nag inat inat pa ako.

"Oh fucking raisins."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses na iyon. Ngayon ko lang napagtantong narito nga pala si Terrence.

He's topless. Nakasuot pa siya ng apron habang may hawak na sandok. Seriously?

At iyong sounds, siya pala iyon. Napatingin ako sa wireless speaker ko na nakapating sa center table.

"Anong ginagawa mo?!"

"How about you, Keeshia? What the fuck are you doing?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tinatanong kita! Sumagot ka nga!"

He chuckles. "I'm cooking our breakfast. Marunong akong magluto dahil napilitan ako noon sa Cali kapag napaparusahan ako ni grandma. Kapag may nagawa akong kasalanan, lahat ng pagkaing ayaw ko, iyon lang ang pinapaluto niya."

E kaso naman... bakit ang hot tingnan? Bakit ngayon lang ako naka-appreciate ng lalaking topless tapos naka apron tapos may hawak na sandok? Para siyang nagmomodel ng sandok e.

"Okay? Pero..."

"Now answer me, Keeshia. What the fuck are you doing? Are you trying to seduce me? O baka naman gusto mo nang makipag sex sa akin?"

Okay? Parang walang nangyaring sagutan kahapon. He came back from being playful.

Lumapit ako sa kaniya saka pinindot ang coffee maker sa may gilid. I need coffee. Papasok pa ako sa trabaho.

"Putangina, Keeshia."

Sinamaan ko ulit siya ng tingin. "Ang aga aga nagmumura ka." Sabi ko. "Ikaw nga ang bastos mo na, tapos kailangan nakatopless ka talaga?"

"Tinitigasan ako, Keeshia."

Nahamoas ko siya sa braso saka nameywang. "Ang bastos mo talaga. Lagyan mo nga ng fil---"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nalang siyang lumapit sa akin. Akala ko ay hahalikan niya ako pero tumungo siya at naramdaman ko... ang bibig niya sa dibdib ko.

Oh my! Bakit...

Tumunghay siya. "Is this what you wanted kaya ibinabalandra mo sa akin iyang boobs mo? Tangina, kitang kita ko ang nipples mo through your white fucking shirt."

At doon ko na-realize na wala nga pala akong bra dahil sanay ako na matulog na inaalis ko ang bra ko at dahil mag isa ako sa apartment, hindi na ako nagkakabit sa umaga dahil maliligo din naman ako.

"Ahhhhh!"

Mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto ko saka malakas na isinara ang pinto. Lumaput agad ako sa human sized mirror saka tiningnan ang sarili ko.

Jusko po! Napakanipis ng white shirt ko at oo! Bakat na bakat ang nipples ko. Basa pa sa parte ng boobs ko dahil sa ginawa ni Terrence kanina! Ahhh! Nakakahiya!

Ano bang ginagawa ko? Ayoko na! Huhu. I feel so harassed. Ano nalang ang sasabihin ko sa manyak na 'yon?!

At teka nga, bakit hinayaan ko siyang gawin iyon sa boobs ko?! He kissed... hindi e, he sucked! Oo. He sucked my boobs under my shirt. Wala na talaga! Wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya!

Thank you for still reading this story! xoxo

pinkyjheweliicreators' thoughts