webnovel

7th Door

Many people will walk in and out of your life, but only true friends will leave footprints in your heart.

Eleanor Roosevelt

***

RIELLE

The gunman almost got me! Halos mahimatay ako sa sobrang kaba lalo na nang sumabog sa harapan namin ang ulo ni Miss Ryanne.

Nakakaloka! Parang hindi ko na kaya. Hindi ko alam kung pusa ako sa past life ko o sadyang swerte lang ako dahil umabot ako sa 7th floor. I survived twenty three floors!

All those that happened for the past four days. Were those part of perfectly plotted massacre na hindi ko mawari kung ano ang dahilan? Ayokong gambalain pa ang iba tungkol sa naiisip kong baka naipit kami sa gitna ng isang business war o mafia wars dahil baka nag-isip na naman ako ng kawirduhan. Mina wouldn't like it. Everyone in this floor wouldn't be pleased. Magmumukha akong baliw sa mga teorya ko --as usual.

But sometimes, if not always, my guts are true. Maraming beses ko nang napatunayang ang kutob ko ay almost accurate.

Halo-halo ang laman ng isip ko habang hinahabol namin pababa sa seventh floor si Larry --ang killer na siyang may pakana ng lahat. Pero sigurado ako, hindi lang siya ang killer. Hindi lang sina Mildred, Maddie at Satana. Someone more powerful was behind this.

The whole set-up --the puzzles, subways, secret doors, riddles. Everything was created by not just five people but many. Kaya naniniwala akong may sindikato sa likod ng mga kaganapan.

But to what extent?

Papaano nila naatim na pumatay ng halos limampong katao? Hindi kaya terorismo ang nasa likod nito?

Gulong-gulo ako!

"Stay five meters behind!" Malakas na sigaw ni Andreas na tila naalerto at sinapian ng isang sinaunang assassin. Hindi naman ito ganito sa mga naunang floors. Naalerto lang siya kanina nang namatay si Miss Ryanne. Mukhang matagal na siyang nagpipigil na ipakita ang tunay niyang pagkatao --isa iyon ay ang pagiging alerto at maliksi niya.

Hindi nakinig sa kaniya si Zyril, isa pang misteryosong babae. Bumaba hanggang sa paanan ng hagdanan si Zyril habang si Andreas ay hindi mapakaling ikinalat ang tingin. His knuckles were hardly gathered together. Mukhang doon niya inipon ang lahat ng gigil niya sa katawan.

"Why are we even looking for Larryson here? Hindi ba't sa plenum galing ang bala? He's definitely upstairs!" Dinig kong giit ni Mina. Nakahawak pa rin ito sa braso ko na tila takot na takot sa muntikan ko nang pagkamatay.

Narinig ko namang sumagot si Vladimir mula sa likuran namin. "We only have less than sixty eight hours to get down. Satana mentioned that we must get to the ground before we ran out of time."

"Tama si Vlad, we're not running after Larryson. We are running to beat the time. If he gets on the way, there is nothing better we can do but kill him." Andreas agreed. Humakbang ito papasok sa seventh floor habang nakawarning sign pa rin ang kaliwang palad nito.

Nagbago ang aura ng mga tao sa paligid. Maliban sa kaibigan kong si Mina na poker face lagi, naging mas seryoso ang kanina'y warfreak na si Andreas. Tila naging isang ahente naman ng NBI si Zyril pati na rin si Vlad.

Had they been this way since this massacre started?

"Let's keep going. Watch each other's back while Zyril and I try to figure out how to get to the ground before all of us turn into dusts here." Untag ni Andreas na patuloy sa pagmamasid sa paligid.

Nasa likod niya ang tapang-tapangang si Zyril na alerto ring pinapakiramdaman ang paligid.

"H-how can Zyril and you solve those riddles and puzzles then?" Hindi ko napigilang sambit. I always urge myself to speak if I wanted to mean something. This time, I mean it. "Vlad and Mina almost solved all puzzles on the upper floors. So p-"

Hinigpitan ni Mina ang hawak nito sa braso ko saka seryoso itong tumingin. Bahagya itong umiling-iling, then she gave me a warning stare as if speaking further can really put me into a great danger.

"We can trust Andreas and Zyril. If they need our help, we're easily alerted." Vladimir's statement seemed to save me from doom. Mukhang kumalma naman ang kanina'y iritableng reaksyon nina Andreas at Zyril.

Hindi na ako umimik pa. Minalyn had sacrificed a lot for me to stay alive. Marami nang namatay and I should not waste the chance of getting lucky with my big mouth. I should trust Mina. Always.

Nakasunod ako kay Mina, Natas, Bella, Vlad, Andreas at Zyril habang tinatahak ang kabuuan ng seventh floor. Alerto ang bawat isa saamin. Pigil ang aking paghinga habang nakakapit sa mangas ng damit ni Mina.

"Just stay close Rielle. Do not ever open your big mouth. Stay alert and we'll get through this." Mahinahon at mahinang sambit ni Mina habang naglalakad kami kasunod ng iba pa.

"If it's my time, well for sure you wouldn't like it, it's really my time. If the end of me calls to saving you, I'd end me and let you live." Wala sa sarili kong nasambit. Those words just automatically came out from my mouth. Like a divine power had the total control of me to say it.

Hindi umimik si Mina. Pero napansin kong may halong takot at lungkot sa mukha nito habang patuloy kami sa paglalakad patungo sa gitna ng seventh floor. We were feeling the same amount of fear -the fear of losing each other.

Ilang saglit lang ay tumigil sa isang punto sina Andreas at Zyril. Napatigil din kami sa paglalakad nang bumungad saamin ang nakalapat sa sahig na limang math puzzles. Mga logic questions at mga numerong hindi ko maintindihan.

Sa baba ng limang mumber puzzles ay may isang digital device din na may limang puwang sa screen at isang kwadradong numeric keypad.

Vlad stepped forward pero pinigilan siya ni Zyril.

Andreas kneeled down as if he already got all five answers. Muling pinasadahan ni Vlad ang mga number puzzles. Saka kinapa ang numeric keypad. Walang alinlangang pinindot nito ang mga numerong 10723 na marahil ay sagot mula sa limang number puzzles.

Isang malakas na kalabog ang narinig mula sa ilalim ng lupa. It's as if something was about to move or open.

Laking gulat ng lahat nang biglang napunit ang carpeted floor at nahila sa magkabilang dako ang isang kwadradong bahagi ng semento. The opening revealed the sixth floor.

Most of us gasped for what was shown but I wondered for something. How did Andreas answer the five number slash logic puzzles so easily? All I knew was he's a hardheaded fool who knew nothing but punch another fool on the face.

I was wrong.

Nagising lang ang diwa ko nang marinig ko na ang mabibilis na yapak ni Zyril pabalik saamin. No hindi ko namalayang tumakbo ito para maghanap ng malaking lubid na magagamit namin pababa ng sixth floor.

Vlad, Natas and Andreas quickly created a knot in the rope. Ang mga buhol na 'yon ang magsisilbing kapitan namin pababa. I can easily jump on the lower grounds pero mukhang medyo mataas nga ang ceiling ng bawat floors ng building.

As Zyril finished hitching the rope around a nearby post, Andreas started to test the rope and later on went down first. Matamang naghintay ito sa sixth floor habang sinisenyasang bumaba na kami. Bella went next bago kami ni Mina. Sumunod si Natas at Zyril at panghuli si Vlad.

Nakahinga ng maluwag ang lahat nang makababa kami sa ikaanim na palapag.

Mina's slightly relieved face gave me an almost convincing smile. Then she said, "Six more and we'll be back to normal. Just stay close."

Tumango ako.

Nauna nang naglakad palibot sa sixth floor sina Andreas, Natas at Zyril. Nakasunod ako kay Mina. Bago ako humakbang ay muli kong tinanay ang malaking kwadradong lagusan mula sa seventh floor.

Then.

What I saw made me see death for the uncounted times --Larryson with his gun. Nakatutok iyon sa nakatalikod nang si Mina. Napansin ko ang mabilis na pagpihit ng mga daliri ng lalaki sa gantilyo ng baril.

Wala sa sarili kong tinakbo ang kinaroroonan ni Mina. Napasigaw ako. Gulat na gulat na lumingon si Mina kasunod ng pagyakap ko sa kanya.

Then the entire sixth floor heard the sound of death. Dalawang magkasunod na putok ang narinig.

At first I wasn't feeling anything. Hanggang sa maramdaman kong lumusot ang mga bala sa aking likuran.

Larryson was a certified killer. He knew every human's easy kill are the kidneys. Ang he was able to shoot them. Bulls eye.

Naramdaman ko ang pangangatog ng aking buong katawan kasunod ng pagbagsak ng aking mga tuhod. Pakiramdam ko'y biglang binawian ng lakas ang aking kalamnan.

"Rielle!" Histerikal na sigaw ni Mina na kaagad akong nasalo sa kanyang mga bisig. At dahil may kabigatan ako'y pareho kaming bumagsak sa sahig.

Hindi ko magawang magsalita. Narinig at nakita ko ang mabilis na paglapit ng mga kasamahan ko sa kinaroroonan namin.

"Rielle." Mina's tears suddenly rolled on her cheers. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kaliwang kamay ko. "Rielle, please don't. Please don't leave me. You're my only family."

Doon nagsimulang umagos ang mga luha sa mata ko. It felt like I disappointed her again for leaving her. I know how hard it was for her to lose her loved ones. Now her friends. "M-Mi-Minnn-aa." I whispered. Nanlalamig na ang buong katawan ko.

"Why did you save me? Why?" She was crying. Nonstop.

I saw Bella behind her in tears as well. Vlad was in pain and Zyril felt it too.

Pinilit kong ngumiti. My tongue felt numb already. Hindi ko alam kung diretso pa ang pananalita ko pero sinubukan ko pa rin ang magsalita. "Y-you alw-ways save me. I owe y-y-you m-my l-life. I w-wont r-regret d-dying j-just because I s-saved y-you."

Humagulgol si Mina. The more I felt the sadness, the pain and longingness. Hindi na ito umimik pa.

"I f-feel cold." Nasambit ko.

Mina held me closer to her. Naramdaman ko ang mainit na luha nitong bumagsak sa pisngi ko. Pigil ang paghagulgol nito habang kinakanta niya ang theme song naming matalik na magkaibigan.

Oh, why you look so sad, the tears are in your eyes,

Come on and come to me now, and don't be ashamed to cry,

Let me see you through, 'cause I've seen the dark side too.

When the night falls on you, you don't know what to do,

Nothing you confess could make me love you less,

I'll stand by you,

I'll stand by you, won't let anybody hurt you,

I'll stand by you

Ang boses ni Mina, sintunado a rin. Pero kahit gano'n pa man, iyon parin ang pinakamagandang kantang narinig ng diwa ko.

###