webnovel

23rd Door

Suspicion always haunts the guilty mind. -William Shakespeare

***

Rapid gasping. Repeatedly. Nervously. Nonstopping like the world never spare a second to let me suffer. Walang riddle, o puzzle o mathematical equation ang bumungad saakin sa main door ng 23rd floor.

Naabutan kong nakaupo sa lobby ang magkaibigang sina Rielle at Minalyn. Tila hindi nila ako napansin nang buksan ko ang main door at pumasok sa mismong stock area ng MOS.

Ang 23rd floor ang isa sa mga stock floor ng Montellano Towers. Paminsan-minsan napapadpad ako sa lugar na 'to para mag-update ng weekly inventory. This floor is the undergarments storage.

"Tang ina mo!" Isang malakas na sigaw ang bumungad saakin pagpasok ko sa stock room. Boses 'yon ng operations manager na si Sykyoe. Mukhang nagkakainitan ang lalaki at si Larryson.

Naabutan kong nagpupunas ng dugo mula sa pumutok na labi si Larryson. Nakaharang sa harap nito si Andreas at Simond habang si Sykyoe ay halos yakapin na nina Kid, Nathan at ng ilan sa mga naroon. Hirap pigilan ng mga ito ang lalaki dahil malaki ang pangangatawan nito at may katangkaran.

"Guys! Stop it! Ano ba kasing nangyari?" Michonne managed to control her voice pero halata pa rin ang panginginig sa boses nito. Pumagitna na ito sa dalawang nag-aaway na lalaki.

"You asked that brute boss! Pamilyado siyang tao pero may gana pa siyang landiin si Maddie!" Pasigaw na sambit ni Sykyoe. Tinangka uli nitong sugurin si Larryson pero kaagad naman siyang napigilan ng mga nakapalibot sa kanya.

Larryson moved away from the crowd. Mukhang kalmado lang ito at hindi sanay sa eskandalo kaya nagboluntaryo na itong lumayo. Sinundan ito nila Andreas at Thrina.

"Syk, ano ba? Itigil mo na 'to!" Awat naman ni Maddie sa lalaki. Maluha-luha na ang babae habang nakaharap kay Sykyoe.

"You tell him Madz! Akala ko ba okay tayo? We've been secretly dating for three months! Tapos ngayon malalaman kong nakikipaglandian ka sa may asawa? What the hell! Siya ba ang dahilan kaya ayaw mong maging public ang pagdi-date natin?"

"Stop it Syk!" Bulyaw ni Maddie sa ayaw paawat na lalaki.

"Masarap ba siya? Masarap ba?" Tinangkang lumapit ng lalaki kay Maddie. Nanlilisik ang mga mata nito at tila galit na galit.

Ilang pulgada pa lang ang layo lalaki mula kay Maddie ay mabilis nang lumipad ang palad nito padapo sa mukha ni Syk. Isang malutong na sampal ang gumimbal sa mga nakasaksi. Walang nakaimik ilang segundo pagkatapos ng eksena.

"I missed my favorite TV drama last night. But look what we got." Napahagikgik pa si Satana sa likuran ko na tila natutuwa sa mga pangyayari. "Ang lutong ng sampal. Parang chicharon. Eto kasing si Sykyoe, medyo aanga-anga. Obvious namang ginagamit lang siya ni Maddie dahil sa pera niya. Assuming masyado."

Nilingon ko si Satana na nakangisi pa habang pinapanood sina Maddie at Sykyoe. Nahila na nina Nathan si Sykyoe palayo kay Maddie habang ang huli'y nagtungo na sa isang sulok para pakalmahin ang sarili.

"Maddie just cheated on someone who was so willing to do anything for her. She actually cheated on herself out of true loyalty." Satana uttered habang inaayos ang sarili sa likuran ko. Tumabi naman sa kanya si Athena na tila interesado sa topic.

"So, sa tingin mo hindi talaga sasagutin ni Maddie si Syk? Kawawa naman si sir Syk, mukhang loyal pa naman siya." Siniko ng nurse si Satana.

"I could use a chitchat right now nurse Athena. Why don't we find a perfect place para sa session natin? Doon tayo sa mga lingerie." Mukhang nakahanap ng makakachismisan si Satana. Hinila nito ang nurse sa bandang stock bay ng undergatments for women.

They're gone in just a minute.

Napailing-iling na lang ako habang naupo sa loungue area ng floor. I checked my laptop for any email from the mastermind pero parang wala pa itong balak gambalahin kami. Naabutan kong nakaupo doon si Nicolla na tila hinihintay ang nurse na kasalukuyang nakikipagdaldalan kay Satana.

Nginitian ako ng babae nang naupo ako sa pang-isahang sofang nasa tapat nito. Napapikit ako ng bahagya para makapagpahinga. Nang magmulat ako ng paningin ay muling tumambad saakin ang mukha ng babae na tila hindi mapakali at may gustong sabihin.

"Hi." Naiilang kong bati. Kanina pa ako nakaupo sa harap nito at ngayon ko lang nagawang batiin.

"Hello." Tipid nitong sagot saka sumandal sa sofa. "Can I ask you something?" Mahinhin nitong sambit.

"What is it?" Nailapag ko ang laptop sa lamesang nakapagitna saamin. Mukhang seryoso ang tatanungin ng babae.

"How well do you know Natas Vandergouh?" She was stealthy. Palingon-lingon pa ito sa paligid habang nagtatanong.

Mukhang bigla kong naramdaman ang sense of privacy sa tanong ni Nicolla. Lumipat ako sa tabi nito upang masigurong kami lang ang nagkakarinigan. I glanced sideways to make it sure that there is no fly on wall as we discuss a pear-shaped event. "Natas is a rebel kid. I was the one who interviewed him during the final interview. He was highly recommended by the HR team despite of his juvenile cases. He's once a rich kid. His family is known for their engineering firm in Iloilo."

"And why is he here?" Nicolla asked curiously.

"He wanted to get out of his parents' shadows. You know, sa mga ganyang edad, mahilig sa adventure and they are always driven by their emotions and their beliefs." I explained thoroughly as I lean against the sofa.

Tumikhim ang babae saka muling pinasadahan ang paligid. Upon confirmation that no one's around, she asked, "What about Kid and Satana? Aren't they your friends?" Her eyes were scrutinizing. Probably checking how bias my response could get.

Pagak ang naging tawa ko habang sinisigurong walang nakikinig sa usapan namin. I cleared my throat before talking. "They have been my friends since day one here. Zyril is also a friend. Why do you ask?"

"Vlad, I will apologize for whatever I am going to say. B-but I think Satana killed Emerald."

"What? H-how?" Hindi nakapaniwalang naitanong ko habang pinipigilang mapalakas ang boses.

"I heard them back at the 24th. Humihingi ng tawad si Satana kay Natas pati na rin kay Kid. I heard her. U-umamin siyang siya ang pumatay kay Emerald." Nanginginig na usal ni Nicolla. Nayakap nito ang sarili habang binabalikan ang narinig sa 24th.

Hindi ako kaagad nakaimik. Would I believe her? She's been kind and genuinely honest. But hearsay is not a valid evidence.

Napahawak ako sa magkabilang balikat ni Nicolla. What I heard from her surprised me and put me into a state of shock. Pero hindi ako naniniwalang kayang pumatay ni Satana ng isang inosente. She can be rude and a bitch sometimes but Satana is not a criminal. I know the reason why she was apologizing to Natas. Natas and Emerald has been dating for quite some time. Hindi lang pinapaalam ng dalawa dahil medyo istrikto si Claina pagdating sa pamangkin. And Kid, he's been like a brother to me. Hindi ito maglilihim saakin.

"Sa'yo ko lang 'to sinabi Vlad because I know, of all people here, ikaw lang ang fair and just. I... I just can't keep this anymore. I'm scared." Basag ang boses ng babae. Nanginginig ito at tila takot na takot.

I cannot just sit there and watch a vulnerable girl break into pieces. Nilapitan ko ito saka niyakap. Nicolla is petite and with her size, I just easily wrapped her in my arms. I tried to hush her trembling and brushed her back to keep her calm. Kailangan ko siyang makondisyon para makinig sa susunod na sasabihin ko.

Then when her sobbing turn into a slight heaving, I convinced her. "Nics," I called her by her nickname, "I need you to promise me something."

Tinanaw nito ang mukha ko at kumawala sa pagkakayakap ko. Mas lumuwag ang pagkakahawak ko sa balikat niya pagkatapos. "A-ano 'yon?"

"We'll keep this a secret. No one should know this."

Nalito ang mukha ng babae. Mula sa pagkalito ay nabahala ito saka umatras palayo saakin. She seemed scared. Horrified. "Why would we keep a secret like this? Vlad, Emerald got killed and people are dying! Hindi ba't kailangan nilang malaman ang totoo para maiwasan nila si Satana?" napalakas na utal ni Nicolla.

"Shhhh... Nics, this is vital. This is for your own safety. Kapag nalaman ng pumapatay saatin na may alam ka tungkol sa death ni Emerald, baka ikaw ang isunod niya. Remember Nyl, Kyziel, and Emerald? Even Deadrae... I am seeing that this is not just a random death. This is a chain of death na kailangan kong imbestigahan ng maigi. I have been silently investigating about the deaths of our colleagues."

"Vlad, it is very clear. Satana is the killer." Mariin ngunit mahinang sambit ni Nicolla. Her eyes were intently gazing at me and there is no denying that she wasn't lying.

Muli akong napahawak sa kanang balikat ng babae. I met her gaze. "Posible na si Satana ay isa sa mga killers. But what about Kyziel's death? Mildred and Zyril's disappearance? She can't do it alone. I was with her and Kid noong gabing nawala sina Mildred at Zyril. Let's us say, she killed Emerald. But who killed Kyziel? Hindi lang iisa ang may pakana nito. Hindi lang si Satana."

"I can keep this for now Vlad, but please don't make it too late. Baka patay na kaming lahat bago mo malaman ang mastermind nito." She sobbed and then continued. "A-about Satana... How can I deal with her?" Muli na namang binalot ng kaba ang boses ng babae. Palingon-lingon ang mga mata nito sa paligid.

"Just act normal. Pretend you don't hear anything. Pretend you know nothing. That is the only way you can put yourself to safety." Bumuntong hininga ako saka muling napasulyap sa laptop ko nang masiguro kong kombinsido ko na ang babae.

She bit her nails to calm herself.

"We are avoiding the other's to get hysterical or even worse that is why we are keeping this to ourselves. Alam mo naman kung paano magreact si Andreas."

Tumango-tango na lang si Nicolla.

Napasandal ako sa sofa kalaunan. Mukhang hindi kinaya ng sistema ko ang balitang si Satana ang pumatay kay Mildred at nilihim ito nina Natas at Kid. I know Kid and it is expected of him to keep secrets from me for Satana's sake. But Natas, hindi ba't dapat ay nagwawala na ito kanina pa nang umamin sa kanya si Satana? I know how much he likes Emerald. Hindi ba dapat ay may napagsabihan na ito tungkol sa nangyari?

Ano ang motibo ng tatlo? Ano ang motibo ni Kid sa paglilihim sa lahat bukod sa pagpoprotekta kay Satana? Ano ang dahilan ni Natas at bakit niya nilihim ang nalaman niya? Lastly, kung totoo man, ano ang motibo ni Satana sa pagpatay kay Emerald?

Nakaramdam kami ng mga yabag palapit sa lounge. Umayos ng upo si Nicolla at mabilis kong nilingon ang nagmamay-ari ng mga 'yon --ang kakapasok na sina Minalyn at Rielle na mukhang nagsawa na sa pagtambay sa labas.

"There is no riddle to creep you out Vlad." Simula ni Minana tila bagot na bagot sa mga kaganapan.

"Bukas na 'yong elevator pababa ng 22nd!" Bulalas ni Rielle na tila nalubagan ng loob at walang puzzle o riddle na kailangang sagutan bago makababa.

Mina rolled her eyes. Mukhang hindi nito nagustuhan ang galak sa tono ni Rielle. "We still have 22 floors Rielle, saka ka na magdiwang pag nasa labas na tayo ng impyernong 'to."

"We're just here to let you know we can now go down!" Riele blurted out.

Humakbang na paalis ang dalawang magkaibigan. Tumayo na rin ang tila kalmadong si Nicolla para tawagin ang iba. Mabilis kong binuklat ang Macbook para siguruhing wala talagang email mula sa spammer. Walang laman ang inbox.

Ano kayang pinaplano ng mastermind at ginawa niyang ganito kadali ang 23rd floor?

###