webnovel

20th Doors

"Yet each man kills the thing he loves

By each let this be heard

Some do it with a bitter look

Some with a flattering word

The coward does it with a kiss

The brave man with a sword"

― Oscar Wilde, The Ballad of Reading Gaol

***

MINALYN

That riddle back there before that shitty Andreas threw Vlad's laptop. It was terrifying. Really... really terrifying.

People may see me as fighter but in reality, every deaths make me weaker. I am scared. No. Not scared. I am totally terrified. I hate seeing people die. I hate seeing those I love die. Like my parents.

Noong una akala ko pakulo na naman ito ng mga walang magawa sa buhay na mga taga-Employee Engagement Team. Like what they usually do, pretend like every effin' working day is a wonderful day to be inspired and be productive.

Like the shit, I care? We're at the MOS to work and not to pay their games as dumb as rock. A few fries are short of a happy meal for me. I hate it. I hate the employee engagement team!

I just thought their existence was the worse creation on earth, but I was damn wrong. The serial killer or the terrorist or the alien or whatever thing is killing us is real! Kung pwede lang na sumali ako sa korning pa-games ng EE Team, ginawa ko na huwag lang 'to.

I have never been scared my whole life!

This game from an unidentified email addict is killing us all! One-by-one! It killed everyone. It killed Nyl, my friend Nyl. And it might kill Rielle or even me. It's killing my friends and the thought terrifies me.

Habang tumatakbo ako papuntang elevator kasama ang iba pang empleyado, lumilipad sa isip ko ang mga posibeng mangyari dahil sa riddle na 'yon. 'Hold your friends.' The next floors might break our friendship. It might break several circle of friends.

Naabutan naming nag-aaway sina Andreas at Maddie kasama si Thrina sa harap ng elevator. That Andreas is getting annoying. He's quite a good-looking man but he's as annoying as a screaming bitch. Sakto ang dating namin ni Rielle nang sampalin ni Maddie si Andreas.

Malutong. Malakas. Labis kong ikinatuwa. Tangina mong Andreas ka!

"Kung hindi ka ba naman kasi gagong Andreas ka, eh di sana alam natin ang ginagawa natin ngayon! Now tell me, tell us kung anong ang gagawin sa elevator na 'yan?" Galit na galit na sambit ni Maddie. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakaharap sa nakangising lalaki.

"Kung type lang kita, hinalikan na kita dahil sa ginawa mo." Panunudyo ng asong si Andreas na tila napakatigas ng mukha dahil hindi man lang natinag sa ginawa ni Maddie. Hinimas-himas nito ang nasampal na bahagi ng matigas na mukha saka muling nagsalita. "Natatakot ka na baka hindi na tayo kausapin ng killer o natatakot ka na mahihirapan kang kausapin si Vlad dahil sira na ang laptop niya?"

"Pinagbibintangan mo ba si Maddie?" mataray na singit ni Thrina na humakbang na rin para sugurin si Andreas pero naharang siya ni Simond, ang dakilang alalay ni Andreas. Napansin kong nanggagalaiti ang mga mata nitong halos tabingan ng makapal niyang bangs. Burado na rin ang makapal na lipstick nito na lagi niyang suot kapag nasa duty.

"Ikaw lang naman ang kaduda-duda dito Mads!" Singhal ni Simond sa babae. Nakakatawa pa rin ang pangkomedyante nitong mukha kahit na seryoso na. Sinamaan nito ng tingin ang babae. "Bakit ka may infinity tattoo sa batok? At bakit ikaw ang pinakaapektado sa pagkasira ng laptop ni Vlad? Dahil mahihirapan kang bigyan kami ng riddles at puzzles at maths na pwede mong pang-uto saamin!"

"Hindi toto 'yan!" Tanggi ni Maddie. Halos tumalsik na ang laway nito sa sobrang gigil. Nawala sa imahe nito ang pagiging classy at magandang receptionist. "Porke't may tattoo na ako ng infinity at nagkataong ginamit ang punyetang infinity na 'yan sa riddle, ako na ang killer? Eh ang tanga ko namang killer kung ibubuko ko ang sarili ko sa inyong lahat!"

"Well, baka nga tanga kang killer..." bulong ni Satana. Hindi nito intensyong marinig ni Maddie ang side comment niya pero nataong tahimik ang lahat kaya narinig ni Maddie ang sinabi nito.

Bumaling ang nangigigil na si Maddie kay Satana. Nanlilisik ang mga mata nito na parang susugurin na ang huli. "Anong sabi mo?"

"Opinion ko 'yon. Kasalanan mo pinakinggan mo. Saka... huwag ako ang tatangkain mong sugurin girl," Satana rolled her eyes then continued, "Huwag na huwag mong tatangkaing sugurin ako dahil baka malaglag ang matres mo sa gagawin ko."

Napalunok si Maddie. Hindi na ito kumilos nang pigilan siya ni Thrina sa braso.

"Nice one!" hirit ni Andreas kay Satana.

"I didn't do it for you." Umirap ang babae saka tinalikuran ang tila napahiyang si Andreas.

"So, where do we begin? Since ayaw umamin ni Maddie na siya ang may pakana ng lahat ng ito, we start breaking the elevator." Suhestiyon ni Andreas. Nagbibida-bidahan na naman ang nakakairitang aso.

"You're not allowed to do that!" Miss Michonne shouted. Masama ang tingin nito kay Andreas.

"So what boss? Anong plano mo?" Simond asked with sarcasm. Isa rin 'tong aso kagaya ng amo.

Hindi pa man nakakasagot si Miss Michonne ay bigla nang tumunog ang cellphone ko. Matagal ding hindi ko napansin ang phone ko. I usually set my phone in silent mode, how come it's screaming like a bitch?

"Mina, m-mukhang may text ka. Hindi kaya-"

Hindi na natapos ni Rielle ang sasabihin. Hinablot ko ang cellphone kong kalahati na lang ang battery life.

The SMS said:

A millionaire was murdered in his room on a Sunday afternoon. The wife called the police, who questioned her and the household. The alibis were: the driver said he was sleeping in the car, the cook was preparing food, the wife was getting the mail and the gardener was picking flowers. Who killed the millionaire?

At may sumunod pang mga text messages.

Those who answered the "driver" must stay infront of elevator 1.

Those who answered the "cook" must stand infront of elevator 2.

Those who answered the "wife" must stay infront of elevator 3.

Those who answered the "gardener" must stay infront of elevator 4.

"Paki-ulit ang tanong?" Pakiusap ni Ryanne. Nalilito ito sa isasagot.

Muli kong binasa ang text messages. Lahat ng atensyon ay nasa laman ng SMS. Nakatatlong ulit ako ng maingat na pagbabasa bago nagsigalawan ang lahat patungo sa apat na magkakaharap na elevator.

"Follow me," makapangyarihang utos ni Michonne kina Haliya at Ryanne. Mabilis itong nagtungo sa unang elevator. Napilitan namang sumunod ang dalawang subordinates nito sa harap ng unang elevator.

Pumwesto sina Andreas, Simond, Angelyn, Maxine at Bella sa elevator number 2. Inasahan ko nang magkakampihan ang mga ugok na 'yan sa tama man o sa maling sagot. Bahala sila!

Naglakad patungo sa ikatlong elevator sina Natas at Larryson. Sumunod sa kanila sina Vlad at Nicolla.

Nasa tapat ng pang-apat na elevator naman sina Thrina, Maddie at ang aso nitong si Sykyoe. Nakakabobo talaga ang pagmamahal. Nakakamatay din.

Nanatiling nakatunganga sa harap ko sina Satana, Kid, Athena at Rielle. Marahil ay hinihintay ng mga itong kumbinsihin silang sumama o kaya'y wala silang ideya kung alin ang tamang sagot.

"Mina, san tayo?" napahawak na si Rielle sa braso ko. Halos manginig na ang mapanga nitong mukha dahil sa sobrang kaba.

Sabay-sabay na bumukas ang mga pintuan ng elevator. Naunang pumasok sina Miss Michonne, Ryanne at ang nagdadalawang isip na si Haliya sa unang lift. Pinindot ni Miss Michonne and button ng lift na magdadala marahil sa kanya kay kamatayan dahil mali ang sagot nila.

Nagsara na din ang ikaapat na elevator nang pindutin ni Syk and close button.

Ilang segundo pa ay nagulantang kami sa malakas na tunog ng emergency bell.

"Guys! Ano na?" Nag-aalalang tanong ni Athena.

"Mina! Ano? Anong sagot mo? Pakopya?" Untag ng malditang si Satana. Sarap sabunutan ang tuwid na buhok nitong lagpas balikat.

I rolled my eyes on her saka mahigpit na hinawakan ang kamay ng kaibigan kong si Rielle. Hindi ko pinansin ang iba habang mabilis kong tinahak ang pintuan ng pangatlong elevator. Naramdaman ko namang sumunod saakin ang mangongopyang sina Satana, Kid at Athena.

Nanlaki ang mga mata nina Andreas at Simond sa kabilang elevator. Marahil ay napagtanto nilang tanga sila at mali ang sagot nila. Kaya bago pa man magsara ang lift kung saan kami naroon ay mabilis na nakalabas ang dalawa at lumipat sa box na kinaroroonan namin.

The answer is 'wife'. Her alibi is obviously made up. There is no mail on a Sunday. So she's fucked up like those who chose the other elevators.

Bagsak ang panga ng magkakaibigang sina Angelyn, Bella at Maxine nang maiwan sila sa elevator 2. Dinig ko pa ang malakas na tili ni Bella nang tumakbo patungo saamin ang traydor at asong sina Andreas at Simond.

The elevator closed just in time. Hiniling kong sana naipit na lang ang dalawa bilang karma nila sa pang-iiwan sa trio. They will never be my friends. I won't have friends like Andreas and Simond. Mga nang-iiwan.

We heard a loud thud as the elevator closed. Lahat tahimik habang ramdam ang mahinang paggalaw ng lift. We were as nervous as hell. Baka bigla na lang magbago ang isip ng killer at putulin ang lubid ng lift. Babagsak kami mula 20th floor hanggang ground!

Mamamatay kaming parang corned beef.

Pakiramdam ko'y nabasa ng genius killer ang nasa isip ko. Bigla, bumilis ang pagbaba ng elevator. Naramdaman iyon ng lahat. Tila naputol ang lubid ng lift. Nagsimulang tumili sina Rielle, Athena, Satana at Nicolla.

"B-bagsak tayo!" Malakas na sigaw ni Nate.

###