webnovel

17th Door

Sacrifice is a part of life. It's supposed to be. It's not something to regret. It's something to aspire to."

-Mitch Albom, Five People You Meet in Heaven

***

SYKYOE

We're on the 17th floor. The elevator brought us here. Had any of us realized that the answer to the mystery case was supposed 'wife' because there is no mail on a Sunday? I knew we chose the wrong door. Mina and Vlad's team was right.

Ofcourse.

They're always right. They're the best.

But why did I choose to be here? It wasn't for something. I had to be here for Maddie... and for Thrina. Hindi kakayanin ng dalawa kapag nagkataong habulin sila ng killer. People were missing and were even dead.

Madilim sa loob ng production area. Halos masagi namin ang mga nagkalat na swivel chairs at lamesa. Ang 17th floor ay para sa repairs and design department ng MOS. Dito inaayos ang mga items na may defect at dito na din dinidisenyo ang mga online items for sale.

Hindi ko masyadong memoryado ang floor na ito. I was an external officer doing business outside this building. Lagi akong nasa labas ng tower. I have been here twice or three times if my memory was accurate. I know that the entire floor is full of heavy equipment for the repair team and a part of it is allotted for executive meetings.

"M-maddie, Syk, what are we even supposed to do here?" Hinahabol ni Thrina ang kanyang paghinga habang naglalakad kami papasok sa buong production floor. Halos hilain nito ang manggas ng polo shirt ko sa sobrang kaba.

Nanatili naman si Maddie sa tabi ko. Hindi man ito umiimik ay ramdam ko din ang takot nito sa posibleng mangyari.

I knew I was not supposed to be afraid but who wouldn't? Who wouldn't bear fear when everyone's dying and missing in just a thread of time?

"Wait for a puzzle or a riddle or maths or death to blurt out I guess?" Maddie uttered. Mabilis ang paghinga niyo at hindi pa rin nababawasan ang takot sa boses.

"Whatever happens, we stick together." Tipid kong usal. Patuloy akong humakbang papasok sa kabilang dako ng design department. May nakabukas na ilaw sa may conference room.

Our instinct harmonized as Maddie and Thrina stepped towards the conference room. Mabilis kaming lumapit doon sa pag-aakalang may mapapala kami. Pagkapasok sa conference room ay ginalugad namin ang buong lugar. Walang clue. Walang puzzle. Walang problem solving.

Mas mabuti pa noong gumagana pa ang laptop ni Vladimir. Atleast doon may mahihintay kaming hint mula sa mastermind. Kung hindi lang talaga gago si Andreas, sana'y nasaamin pa ang Macbook at hindi kami nahhirapan ng ganito.

"A-anong gagawin natin dito? Hindi pwedeng maghintay tayo sa wala! Ayokong magpalipas ng oras dito. N-nasa 16th floor ang recreational area. May mga pagkain din doon. K-kailangan natin makababa!" Natatarantang usal ni Thrina. Hindi na mapakali ang babae na halos nakalimutan nang ayusin ang mga nahuig na buhok sa mukha.

Maddie gasped out of nowhere. May nahagilap ito sa ilalim ng malaking conference table kung saan kami nakapalibot. Isang piraso ng nilukot na bond paper.

In italics, a series of the sentence was written:

Inside the vase behind found in this room, you will find three colored golf balls: red, yellow and blue. Pick one color of your choice.

In the production area, a roulette is a set-up for this game. A ball will be dropped onto a revolving wheel with colored compartments. The color in which the mother ball comes to rest will be eliminated. Let's play!

"Eliminated? I-ibig s-sabihin, k-kung saan tatama ang bola sa roleta a-at k-kung sino ang may hawak ng kulay na 'yon s-siya ang ma-ma-m-mamamatay?" Nauutal na sambit ni Thrina. Halos maligo na ito sa sariling pawis. Humahangos ito at halos hindi na makahinga.

Maddie held Thrina's hands. Nagsimula nang umiyak si Thrina at halos hindi na makontrol ang emosyon.

"Thrina, we will figure things out okay? H-hindi ka mamamatay!" Untag ni Maddie. Pagkatapos ng ilang beses na pagpapakalma sa kaibigan ay nagawa nitong maglakad patungo sa vase na tinutukoy ng mastermind.

Nasa dulo ito ng conference room. Nakapating sa isang coffee table na pabilog ang hugis. She rumbled the three colored balls inside the base as she came back to us. Hindi ito makatitig ng diretso saakin. Marahil ay sa sobrang kaba o dahil pa rin sa nadiskubre kong nangyari sa kanila ng taga-HR na si Larryson.

"Syk, take one." Iniabot nito ang vase na may lamang bola. Nagkunwari siyang inaalo si Thrina habang nakaabot ang vase saakin.

I picked one ball. Blue.

She took one ball for herself as well. Then Thrina shakingly picked the yellow one. Tahimik kaming tatlo habang hawak-hawak ang kani-kaniyang mga bola. I heard random gasps from both of the girls. Maddie dropped the vase on the conference table. Tumingin ito saakin saka tumango.

We were taking the production area. Sa bahagi kung saan may mga malalaking makina para sa repairs and creations ng mga online items. Nakakapit si Thrina sa kaibigang si Maddie habang ako'y naunang naglalakad.

Unti-unti, naramdaman kong nagstayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Biglang nanuyot ang aking lalamunan at pinagpawisan ako ng gamunggo kahit na sobrang lamig na sa 17th floor. It felt like I was about to face the machine of death. The roulette of death.

One spin determines our faith of survival. Humigpit ang hawak ko sa asul na bola lalo na nang tumambad saamin ang naiilawang bahagi ng production area. Patay ang malalaking makina. My nose was filled with the combination of an oil and rusty odor in the air. Halos manikip na ang dibdib ko.

"Syk, s-start spinning." Kabadong suhestiyon ni Maddie. Nakayakap na ito halos sa kabadong si Thrina.

Maddie looked beautiful even under such circumstances. Her slender body and elongated neck almost falling due to fatigue and pressure moved closer to me. I still got the same amount of electricity even she's betrayed me. Many times.

Itinulak ako ng bahagya nito palapit sa roleta. Napahakbang ako ng ilang pulgada. I didn't want to start spinning.

I didn't want to spin for our death.

Umiling-iling ako. Sinamaan ako ng tingin ni Maddie. Takot naman ang sumambulat sa mga titig ni Thrina na pinipigil ang hikbi habang nakakapit sa kaibigan.

"Start spinning Syk! You the drill! Kapag hindi tayo sumunod, baka kung ano pang gawin niya satin!" Naghisteryang usal ng babae. Muli ako nitong itinulak palapit sa roleta.

Napalunok ako. Sinubukan kong mag-isip ng ibang paraan pero walang pumasok sa ulo ko. Wala akong ideya kung paano malulusutan ang floor na 'to. I could have just crushed the floor para makababa kami sa 16th. Or pwedeng takbuhin ko na lang ang fire exit pababa.

But it couldn't happen.

The killer is too good for this. He's planned this so very well than even just a single wrong move could definitely kill us.

"Syk, p-please spin." Pakiusap naman ni Thrina. NMagkahalong takot at pagkalito ang nasa mukha nito nang lingunin ko.

Napalingon-lingon ako. No one's around. Baka pwede kaming tumakbo na lang o baka pwede kong paunahin sina Thrina at Maddie sa fire exit para kung sakaling humarap saakin ang killer, ako na mismo ang dudurog sa kanya.

"Syk. Baka kung anong gawin niya satin." Muli kong narinig si Maddie sa gitna ng maingat kong pagmamatiyag sa paligid.

Sa mabilis na iglap ay iniwan nito sa kinatatayuan si Thrina at naglakad ng mabilis patungo sa roleta. Saka ko lang napagtanto ang balak nito nang makalagpas na ito saakin. For the last time, I smelt her scent pass through me.

Nilingon ako nito bago siya humawak sa gilid ng roleta at malakas iyong hinila pababa. The white ball started rolling. Three colors spin infront of my eyes. Blue, red and yellow equally divided.

Habang umiikot ang roleta ay mataman kong pinapatakbo sa utak ko ang susunod na gagawin. No one should die on the floor. My head whispered.

Patigil na ang roleta, naaninag ko na ng maigi ang mga kulay sa wheel nang pumukas sa atensyon ko ang isang stool chair na gawa sa metal. Nagrigodon ang kabog sa dibdib ko. I had to do something. The game needed to stop.

I had to stop obeying the killer. It might stop us from getting killed.

Kaya...

Walang alintana kong tinakbo ang maliit na metal stool sa kanang bahagi ng production floor. I carried the aluminum leg and ran as fast as I could. Bago pa man tumigil sa kulay dilaw ang roleta ay malakas ko itong hinampas ng upuan. The collision of forces created a string spark. Nawarak ang roulette at halos malaglag ang panga nina Maddie at Thrina sa nangyari.

"T-the production floor is burning!" bulalas ng dalawa.

Napagtanto kong tama ang sinabi ng dalawa nang maamoy ko ang nasusunog na langis sa paligid. I saw golden flames crawling on the floor. Another spark was created from behind the huge machines. Gumapang ang apoy at halos sakupin no'n ang buong production area.

"R-run!" wala sa huwisyo kong nasambit kasabay ng pagkabuhay ng water sprinkler. The smoke detector might have sent signal to the emergency circuit kaya awtomatikong nabuhay ang sprinklers.

Basa kaming tumakbo palabas ng production area. Pinauna kong tumakbo ang dalawang babae para masiguro kong ligtas sila.

Kumalat ang apoy sa 17th floor. Mukhang hindi nakayanan ng sprinklers ang lakas ng apoy dahil na rin sa langis na nagkalat sa mga makina. Isang malakas na pagsabog ang sumunod. Mas lalo naming binilisan ang pagtakbo.

Dahil basa na ang buong floor, nahinrapang tumakbo sina Maddie at Thrina. Nadulas si Maddie kaya naiwan ito ni Thrina sa pagtakbo.

"Madz!" Sigaw ko palapit sa babae. Nakatayo naman at nakatingin lang saamin ang tumigil sa pagtakbong si Thrina.

Inalalayan kong tumayo si Maddie na tila napilayan. Sa pagtayo naming pareho ay biglang sumulpot ang isang maliit na aninong nakatalukbong at may hawak na samurai sa likod ni Thrina. Nanlaki ang mga mata ko. Mahigpit ang naging pagkapit saakin ni Maddie. Marahil ay dahil sa sobrang takot.

"Thrina! Sa lik-"

Hindi na naituloy ni Maddie and babala sa babae dahil sa mabilis na paggalaw ng anino. Silver flash was raised as the blade moved upward to meet its kill. The unknown killer made a horizontal slash to cut Thrina's neck.

Tila isang bolang nahulog mula sa katawan ng babae ang ulo nito. Tumalbog pa ito at gumulong-gulong kasama ang kulay dilaw na bolang hawak nito patungo sa harapan namin ni Maddie. Nakadilat ang mga mata ni Thrina. Nakatitig saaming pareho.

Napahiyaw ng sobrang lakas si Maddie. Halos sakupin no'n ang buong floor.

Tumakbo ako palapit sa aninong may hawak na espada. Mabilis itong nakasalisi patungo sa stock room na nasa gawing kanan ng area.

Bago ko ito sundan ay siniguro kong makakatakbo patungong fire exit si Maddie. "Take the fire exit Madz! Run!"

Tigagal na sumagot ang baba. Umiiyak ito habang nakatingin sa pinugutang katawan ni Thrina. "P-please be careful." Takot na takot na sagot nito saka paiga-igang tumakbo patungong fire exit.

Nahagilap ko ang isang malaking flower vase na nasa gitna ng lamesa kung saan ginaganap ang coaching at coffee sessions ng repair and design team. Mahigpit ang pagkakahawak ko doon habang naglakakad patungo sa stock room.

Nakailang lunok na ako para maibsan ang nanunuyong lalamunan ko. Dahan-dahan at alerto kong pinakiramdaman ang aninong iyon.

Nagitla ako nang mapansin kong tumakbo ito lagpas sa tatlong shelves na nasa stock room. Puno ng mga garments at babasaging bagay ang shelves kaya hindi ko masyadong nahagilap kung saan siya nagtungo.

"Lumabas ka na! This has to end! You killed a lot of people. Kailangan mong magbayad!"

Muli akong nakarinig ng mga tumatakbong yapak sa aking likuran. Takot man ay nilakasan ko ang loob ko para hagilapin ang walang hiyang killer. Mahuhuli ko na siya. Mawawakasan na ang trahedyang kinasasangkutan ng mga kaibigan ko.

Pinakiramdaman kong maigi ang paligid. Alam kong ako ang target ng killer. Uunahan ko siya bago niya ako masaktan. Mahuhuli ko siya.

Dahan-dahan akong naglakad sa gitna ng dalawang shelves. Kabado ako pero kinailangan kong kainin ang kaba ko para mahuli ang mastermind. Ilang hakbang bago ko marating ang sulo ng shelf kung saan naghihintay saakin ang isang alley ay muli akong nakarinig ng isang ingay. Mula iyon sa mga nahulog na babasaging plato sa bandang kanan. Ikatlong shelf mula sa kinaroroonan ko.

Alerto at mabilis akong umikot pabalik sa pinanggalingan ko. Hahabulin ko ang lapastangang demonyo!

Pero bago pa man ako makahbang pabalik ay isang anino ang bumungad saakin. Nakasuot ito ng isang itim na cloak at tahimik na nakaabang sa likuran ko.

Naging mabilis ang mga pangyayari. Ni hindi ko nahagilap na gumalaw ang hawak nitong samurai. Naramdaman ko ang mainit na likidong kumakawala mula sa sikmura ko.

Nagawa niya akong saksakin sa sikmura ng hindi ko namamalayan. Mabilis niya akong naunahan habang paikot ako pabalik. Naramdaman ko ang hapdi sa nasaksak kong sikmura. Nanginig ako at nanghina dahil na rin sa dami ng dugong nawala saakin.

My visions started to become blurry. I have had hallucinations. I almost fell asleep.

Bago ako mawalan ng ulirat at tuluyang managutan ng hininga, tinanggal ng anino ang talukbong nito sa mukha.

Bumagsak ako paatras sa killer. Hinugot nito ang samurai na puno ng dugo.

Tumitig ang maamo nitong mukha saakin habang nakatiim ang mga bagang.

Sa huling pagkakataon, sinubukan kong isigaw ang pangalan ng taong pumapatay saamin simula 31st floor. Baka sakaling marinig ako ni Maddie.

"M-M..." nautal ako. Naiyak habang sumasagi sa balintataw ko ang mga alaala ko sa kompanyang ito. Ang mga masasayang alaala namin ni Maddie. Kung paano ko siya nakilala noong unang araw niya bilang receptionist. Kung paano ko siya niligawan. Kung paano ko binuo ang mga pangarap ko kasama siya.

Magtatapos na ang lahat ng iyon dahil lang sa kasakiman ng isang empleyadong hindi ko lubos akalaing magagawa ang kabrutalang ito...

"M-Mildred." Naninkip ang dibdib ko. Sinakop ng dilim ang ulirat ko. Si Mildred and killer. Siya ang may pakana ng lahat ng 'to.

###

This is an ongoing thriller written in Filipino. Ongoing chapters are randomly released every 7:00 A.M (UTC+8).

Ruru_Montcreators' thoughts