webnovel

12th Door

"The way to cover our sins is to uncover it by confession."

-Richard Sibbes

***

SATANA

Isa akong kriminal.

I have killed a lot of people.

For reasons only us should know.

They know too well. When he said, all those who know too much and can't contain at keeping the secrets alone, must die; that they don't deserve us.

They'd die the next hour.

They don't deserve to live.

I only follow orders. If he tells me to kill those who doesn't deserve to live and will not pass their standards, we kill them. Either Mildred or I kills the next.

Kid's last words, 'save Satana' din't really mean that I was in danger. He meant to save me from myself, from the danger my mind carries.

He knew I killed Athena but I asked him to keep it a secret. Pinaniwala ko siyang aksidente ang lahat. Na akala ko'y si Athena ang killer na umaaligid sa madilim na floor. He believed me. I would like to think he did.

May nakita si Emerald na hindi niya dapat nakita pa. Ang masaklap, hindi niya nagawang ilihim ang lahat. She should have been saved. Pero dahil nagawa niyang sabihin sa tiyahin niyang si Claina ang nakita niya, she failed.

She's dead the next hour. Claina killed herself. Because Mildred threatened her to kill the others if she didn't end her life. Out of fear, the old lady hang herself.

Ngayon at patay na si Kid, hindi ko na kayang panindigan ang lahat ng sinumpaan kong tungkulin sa organisasyon.

Vlad knew who we are. Now the mastermind wants him dead.

I can't kill my friends. I thought I could save them from them. From myself.

But I was wrong.

They wanted Vlad gone. Hindi niya masagot ang riddle na pinapasagot sa kanya, hindi na siya asset sa grupo, nalaman din niya ang katotohanan tungkol sa kanila pero hindi niya ito nagawang itago.

One must be good at controlling their emotions, keeping himself cool while solving puzzles, silent on every secrets unless totally proven in order to be saved.

Karen got killed by these people. Blood calls for blood. Karen's death calls for vengeance... and for replacement. Someone like us. Someone deserving.

"Kill one, then go." Nakatitig si Mina sa hawak nitong cellphone. Alam kong galing na naman ang text sa mastermind. That brute.

Kanina ko pa pinipigilan ang reaksyon ko. Pansin ko kasing nagmamatyag sina Mina, Vlad at Andreas. May alam na din si Andreas saamin. He knew it the night on the 16th at ang duda ko'y may nasabi sa kanya ang chismosang nurse bago ko siya nilunod at pinugutan sa tunnel.

Vlad must be killed. But I can't. I have lost Kid. I cannot afford to lose Vlad... and Zyril, kahit na hindi kami masyadong close, may pinagsamahan kami. If I were to kill one amongst these employees, hindi isa sa kanila ang papatayin ko.

They were my family. Sa kanila ko nahanap ang kahulugan ng pagkakaibigan. Sila ang dahilan kung bakit sa kabila ng pagiging miyembro ko ng 'Infinite', may nananatiling kabutihan at konsensya sa dibdib ko.

I abandoned my family at an early age. I did not want to live under the shadows of silver and gold. I found the 'Infinite' as my escape to the reality I have long abandoned. Until I found true friendship with Vlad, Kid and if she would agree, with Zyril.

Nagsisi ako nang pumayag ako sa plano ng grupong maging spy sa MOS. Walang kahirap-hirap akong nalapasok sa MOS para isakatuparan ang paghihiganti nila sa kamatayan ni Karen at paghahanap sa kapalit nito.

Sino ba si Karen bukod sa naging karelasyon siya nina Vlad at Andreas?

Bakit kailangang pumatay ng isang buong kompanya para sa kamatayan niya?

Hindi ko nakausap o nakasalamuha si Karen. I only know her by name and her name says everything about her. We follow orders for Karen and the Infinite.

But.

Killing my friends for Karen is a different story.

So...

"If we kill one then we can go, does it really mean killing either Mildred or Zyril?" Mahina kong sambit sa likod ni Vlad. Napalunok ko bago nagpatuloy. "I should kill me."

Nalilitong nilingon ako ni Vlad. Magkahalong gulat at pagkalito ang nasa mukha nitong humarap saakin.

"Satana. W-what are you doing?" Vlad asked in dismay.

"I'm trying to save you. Something I should have done. You know who I am, Vlad. All of it are true." Nangilid ang mga luha sa mata ko. Nanghinayang ako sa mawawalang pagkakataong kasama ko sila. Sa pagkakataong pwede akong mabuhay kasama sila ng mapayapa, walang agam-agam, walang tinatakbuhan.

Pero imposible iyon. The Infinite is everwhere. Hindi nila ako patatawarin kapag nagkataong bumaliktad ako.

They will hunt me down.

But I have the chance to save Vlad and the rest. I can contribute to the greater probability of their survival.

I can change something.

"Everyone, run towards the exit or to the elevator!" Singhal ko kasabay ng paghakbang paharap sa kinaroroonan ng walang malay na sina Zyril at Mildred.

Tinungo ko ang samurai na nasa paanan ng dalawa. Sabay-sabay na napaatras ang lahat.

"P-papano sina Mildred at Zyril?" kinakabahang sambit ni Ryanne na nakakapit na kina Bella at Natas.

"Satana..."muli kong dinig kay Vlad na tila pinipigilan ako sa aking binabalak. I know Vlad very well. Bibigyan ako nito ng chance kahit na alam na nitong kasabwat ako sa nangyayaring massacre.

"Save Zyril, Vlad." Pigil-hikbi kong sambit saka mabilis na pinutol ang mga tali sa paa ng walang malay na si Zyril. Isinunod kong tinapyassn ng talim ng samurai ang makapal na taling nasa braso ng babae.

Kusa itong nahulog. Awtomatikong nasalo naman siya nina Natas at Vladimir.

Everyone gasped at the scene. Mukhang natakot na silang lahat saakin dahil sa mga ikinikilos ko at dahil may hawak akong samurai.

Naunang umatras sina Simond, Ryanne at Bella. Sunod-sunod na tumakbo sa fire exit ang mga ito.

"Mina, d-don't tell me sasanggain mo ang samurai ng baliw na si Satana?" kabadong tanong ng damuhong si Andreas. Gagong 'to, ang laki ng katawan napakaduwag. Pasalamat siya wala siyang alam sa mga nagkalat na sikreto dito, kundi matutuwa akong hiwain siya ng pinong-pino.

"Sinong may sabing haharapin ko 'yang baliw na 'yan? Gusto ko lang malaman kung bakit siya nagboluntaryong patayin ang sarili niya?" Tinaasan ako ng kilay ni Mina. Napakuyom ito ng palad habang palipat-lipat ng tingin saakin at kay Mildred. "Guilty much, Satana?"

"Oo!" Singhal ko saka itinutok ang talim ng espada sa pangahas na si Mina. Pabida 'tong babaeng 'to. Sarap balatan ng buhay.

Mabilis na nahila ni Andreas sina Mina at Rielle. Mukhang hindi papatinag ang tapang-tapangang si Mina. I admire her bravery but it won't work unless the Infinite acknowledges it and decides to let her live.

"Mina, nababaliw ka na ba? B-baliw na yang si Satana. B-bakit mo pinapatulan? Anak 'yan ni satanas kaya 'yan naging Satana!" Nanginginig na usal ni Rielle na pilit ding hinihila si Mina paatras.

"I want to know what's happening? Kasi base sa memorya ko, nandoon ang babaeng 'yan kung saan namatay sina Emerald at Athena. The way she carries the samurai, mukhang sanay na sanay siya! So now, confess!"

"You should leave now, Mina. Andreas, please take her." Kalmado kong usal. The sound was not normally me, but since my life was about to end, I should end it with atleast goodness. Atleast.

"Halika na Mina, umalis na tayo dito." Pagpupumilit ni Rielle na hindi sumusuko sa paghila sa braso ng kaibigan.

"No. I should know what's going on!" Nanliit ang mga singkit na mata ni Mina. Tumitig ito ng ilang segundo saakin bago lumipat ang tingin kina Vlad, Maddie at Larryson. "Vlad obviously knows something. He was about to tell me. Larryson and Maddie knew something too. Kung hindi, kanina pa dapat sila umalis dito gaya ng normal nilang ginagawa. Ikaw Natas? Anong kinalaman mo sa mga nangyayari?"

Nanlaki ang mga mata ni Natas na nakaalalay kay Vlad habang buhat-buhat si Zyril. "I-I am here to help! Huwag mo akong tinatanong ng ganyan Mina!"

"Mina, I will tell you as soon as we get everyone to the 11th floor. Kailangan muna nating dalhin sina Zyril at Mildred sa mas ligtas na lugar!" Untag ni Vlad.

"We can't let any of you go down. Vlad, you can go with us. Pero maiiwan sina Larryson, Maddie, Natas, Satana, Zyril at Mildred dito." Mariing giit ni Mina. Seryoso padin ito at mukhang hindi na mababago ang isip ng babae.

"Sino ka para magdesisyon kung sino ang maiiwan sa floor na 'to?" Larryson interrupted. Pinigilan ito ni Maddie sa braso nang tangkaing lapitan si Mina.

"She knows better than any of us here. So she decides and we back her up!" Andreas was in his offensive tone and gesture that seemed to warn Larryson from his attempts. "Vlad, either you leave Zyril and Mildred here or you can stay with them."

Nilingon ko si Vlad pati ang katabi nitong si Natas. Nangilid ang mga luha ko nang mapagmasdan ko ang panlulumo ng kaibigang itinuring kong parang kapatid. "Vlad, take Zyril with you. Natas, go with them. Hindi ka dapat narito."

"Satana... maybe we can still change every-"

"No Vlad. It's not as easy as you think. I'm so sorry for keeping this to you... to Kid and Zyril. The lesser you know about me and where I really work, the safer you live. Patawarin mo ako."

"Satana... what are you talking about?" Malakas na tanong ni Larryson. Hindi ko ito sinagot. Hangal.

"Mina," tawag ko sa babaeng nagmamatigas pa rin. May punto naman kasi ito. May karapatan siyang magduda. "Please take Vlad, Natas and Zyril with you. I am the killer! And Mildred is t-"

Napatili si Rielle sa kinatatayuan dahilan para maalerto ako. Saktong paglingon ko'y pababa na ang patalim ng espadang hawak ng pusakal na si Mildred.

Mabilis na umatras sina Vlad at Natas, gayundin sina Larry at Maddie.

"Run!" malakas kong sigaw saka sinangga ang pag-atake ng killer na nagpapanggap na janitress.

Awtomatikong tumakbo sina Mina, Rielle, Larryson at Mildred samantalang tinulungan ni Andreas si Vlad sa pagbuhat sa walang malay na si Zyril.

Nilingon ako sa huling pagkakataon ni Vladimir. Dama ko ang pait sa mga mata nito. Ramdam ko ang pamamaalam nito na hindi na nagawang bigkasin ng mga bibig niya.

Isang malakas na kalabog ng pintuan mula sa fire exit ang narinig ko bago ko hinigpitan ang paghawak sa handle ng samurai. Gigil kong pinalipad ang dulo nito para hiwain ang ulo ni Mildred pero nakailag ito.

"I should have killed you, Satana. Isa kang traydor sa organisasyon!" Her accent was perfectly neutral. The way she spoke was too far from the pretentious regional accent she was portraying. Nanlilisik ang mga mata ni Mildred na nagawang magpakawala ng double forward slash gamit ang matalim na espada.

Nadaplisan ako sa kanang braso. Ramdam ko ang pagtulo ng mainit na likido mula sa hiwa ng patalim.

"Hindi kasali sa usapan ang pagpatay niyo kay Kid at Vladimir! The emperor promised to spare them!" Singhal ko saka ko itinukod ang kanang braso ko at nagpadausdos palapit sa babae habang bumubwelo ang hawak kong samurai.

Sa bilis ng pagkilos ko, hindi namalayan ng babae ang paglipad ng dulo ng samurai da kaliwang binti nito.

Tinamaan ko siya.

Mildred leaped backward para makalayo saakin. Duguan ang binti nito. "You believed the emperor just because you are an asset to the Infinite?" Tumawa ito ng pagak.

"Kaya ko ginagawa ang bagay na dapat ay matagal ko nang ginawa, Mildred."

"You killed Emerald. You killed Athena and you were part of setting everything up here in MOS. Hindi mababaw na rason ang patayin mo sila dahil alam kong obsess ka kay Larryson kaya lahat ng sasabihin niya, gagawin mo!"

"Yeah, I'm obsessed! Pinatay ko si Emerald dahil nakita niya kaming naghahalikan ni Larryson. Pinatay ko si Athena dahil nalaman niya ang tunay na pagkatao ni Larryson! All those stupid things, I did for him! Pero anong naging kapalit? Ang ipamukha saakin hindi ako kundi ang bagong recruit na si Maddie ang mahal niya?"

"Nahihibang ka na. Alam mong kahit kailan ay bawal ang pakikipagrelasyon saatin. Maddie is just another flavor of the month. You were a flavor that never lasted. Ngayon, kung ang balak mo ay banggain ang isang pader na gawa sa metal na gaya ng Infinite, go ahead." Mildred smirked as she raised her blades. "But you have to go through me first before you can do that."

Napatiim ako ng bagang kasabay ng paghigpit ng hawak ko sa espada. "I will kill you then Larryson and Maddie comes next. You cannot recruit any of my friends with your stupid riddles and puzzles. They deserve to live normal. I've been in hell Mildred, I will drag you with me!"

"So be it." She whispered.

Then, two silver lights flash in the middle of the room. Mag-uunahan kami ni Mildred hanggang sa isa saamin ang matira.

One shall live.

It should be me... it must be me.

###