webnovel

10th Door

"Isn't it sad that so often it takes facing death to appreciate life and each other fully?"

-Esther Earl

***

My legs were weakened by the unbearable exhaustion. My body was a mold of trembling container that carries my empty soul. My heart, torn and shreded into pieces, almost never beating. My mind was a cage of thoughts, those of the nostalgic flavors, of happy memories and sad ones.

I knew, I will no longer survive tomorrow. I was already weak.

Just one more kill. Just Larryson; then I can go. Mariin kong bulong sa sarili habang papasok ng exit door.

Good thing at pagpasok ko ng 10th floor ay bumungad saakin ang isang malaking stockroom. Isa ito sa stock room ng MOS kung saan nanggagaling ang office supplies ng buong building.

Mabilis kong ginalugad ang buong room. Kaagad kong nahagilap ang isang malaking berdeng bote ng alcohol. Napalunok ako nang sumagi sa isip ko kung gaano kahapdi ang idudulot no'n sa balat ko.

Mahigpit ang pagkakahawak ko doon habang sinusuri ang buong corner ng medical supplies. Natagpuan ko sa isang malaking kahon na nasa ilalim ng isang cabinet ang malaking rolyo ng benda.

Bumuga ako ng hangin mula sa aking baga bago ko hinablot iyon at kaagad na hinubad ang nakaririmarim kong kasuotang puno na ng dugo. Halos mapaigtad ako sa kirot ng sugat ko sa balikat at likuran.

Binuksan ko ang alcohol at muling huminga ng malalim bago ko kinagat ang handle ng hawak kong samurai.

Sa isang mabilis na iglap, ibinuhos ko sa aking sugatang bahagi ang isang buong bote ng alcohol. Pakiramdam ko'y mangingisay na ako sa sobrang sakit. Dumiin ang mga ngipin ko sa espada at halos maluha ako habang tinitiis ang sakit.

Dahil sa matinding training na binigay ng Infinite, mabilis kong nabendahan ang sugat ko. Balot na balot sa benda ang pang-itaas kong katawan.

Palayo na ako mula sa medical supplies nang sumalubong saakin ang isang bulto ng katawang matagal ko nang gustong gilitan --si Larryson.

Blanko ang mukha nito. Hindi ko mawari kung ano ang nilalaman ng dibdib nito. Sumandal ito sa kabinet na nasa kanan ko. Tahimik na nagmasid.

Umigting ang panga ko. Humigpit ang hawak ko sa samurai habang humahakbang siya palapit saakin.

Wala itong dala ngunit napansin kong may nakasukbit an baril sa kanyang tagiliran. Namumugto ang mga mata niya. Malamlam ang titig ng gwapong mukha nito. Humahapyaw sa isipan ko ang mga oras na ako lang ang nagmamay-ari ng atensyon niya.

"Satana..." he called. I heard sadness in his voice. No sound of anger. Just grief.

"Now you feel the pain. The same pain you made me feel when you let Kid die." I hissed. Napahawak ako sa kabinet na nasa kanang bahagi. Mahigpit pa rin ang pagkakapulupot ng kaliwang kamay ko sa espada.

"Yes. I feel the pain. All the deaths. All the pain added up and I'm now a mold of sorrow." His jaw tightened. His teeth seemingly clenched. His grip on the wooded cabinet with pressure.

"You deserve it. You made us kill everyone. You killed everyone."

"I hope your happy. Kahit na alam mong nakakulong ako sa isang tungkuling hindi ko matakasan."

"Karen is dead, Larry. Hindi na maibabalik 'yon kahit na patayin mo ang lahat ng empleyado ng MOS."

"Karen's killer is not just an ordinary person. The killer is a Scorpion. Her death is an insult to the Infinites. That's why we're here. To show them who we are. What we can do." Giit nito. He sighed deep before he showed his back for an exit. "I'm not killing you Satana. I have a gun but I won't kill you."

Natigilan ako sa sinabi ng lalaki. Nagtaka sa kung anong nilalaman ng mga salita niya. Umurong ang dila ko pansamantala.

May kung anong sumipa sa puso ko at pinigil no'n ang kagustuhan kong patayin siya. "I'll kill you Larry! I will kill you!"

He gazed at me over his shoulders. His face, serene and calm. "You won't... you can't."

I grunted at his words. Mukhang tutol ang sinasabi ng isip ko sa binubulong ng puso ko. "I will-"

"You're too weak, Satana. Even if you are at your normal condition, I won't kill you. I don't kill my kins. I kill for them."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay saka na siya nawalang parang bula. Hindi ko alam kung ano ang binabalak nito. Kung sino ang mga nasa listahan niya.

Gustuhin ko mang siyang pigilan, tama siya. My body is too weak. I can't kill him.

Naglakad ako palabas ng stock room. Tinungo ko ang malawak na lounge area ng 10 floor. Doon ko naabutan ang tulirong sina Vlad, Mina, Andreas, Rielle, Ryanne, Bella, Simond, Natas at ang nanghihinang si Zyril.

Sabay-sabay silang napalingon saakin. Napaatras sina Ryanne, Bella, Simond at Rielle nang mapagtantong palapit ako sa kinaroroonan nila.

Nanginginig na ang tuhod ko sa sobrang panghihina hanggang sa mabitawan ko ang hawak kong espada.

Vlad, Andreas, Natas and Mina rushed towards me bago ako tuluyang bumagsak sa carpeted floor. Muli kong naramdaman ang pagdaloy ng dugo mula sa katawan ko. My end is almost near.

"Satana..." nanginginig at takot na takot na tawag ni Vlad saakin habang nakahimlay ako sa mga bisig nito. "Huwag naman ganito, we already lost Kid, please don't."

Uminit ang dibdib ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko. "I'm sorry." 'Yon lang ang tanging nasambit ng bibig ko.

"We should take care of your wounds, Satana. Saka na natin pag-usapan ang mga nangyari kapag maayos na ang lagay mo." Sinserong sambit ni Mina na nakaluhod sa harap ko. I like this Mina I'm facing right now.

Umiling-iling ako. Ramdam ko nang hindi na ako magtatagal. Bilang na ang oras ko. "I have lost too much blood. H-hindi na ako magtatagal."

"No, don't say that. Please don't say that, Satana." Pahikbing usal ni Vlad na mas lalong hinigpitan ang yakap saakin.

Napahagulgol ako sa dibdib nito. Bumulwak ang masaganang luha sa aking mga mata.

Alam kong napakaraming maling desisyon ang nagawa ko sa nakalipas. Tanging ang pagkakaibigang binuo ko kasana sina Vlad, Kid at Zyril ang alam kong tama. Saving them even felt more righteous.

"Vlad, I will j-just slow you down. You only have a few days para makababa hanggang ground floor." Panimula ko.

"Satana, a-ano bang gusto ng killer?" Mina asked.

"T-there is a mafia behind all these. T-they want a few alive and some of you dead. J-just be careful with Larryson."

"I knew it." Mahinang sambit ni Natas na nasa likuran ni Vlad.

Pinukol ko ang atensyon ko kay Andreas. Nasa likuran ito ni Mina na halatang may idea sa sinasabi ko. "Andreas, b-be careful. Protect my friends."

Napalunok si Andreas. Napatiim bagang ito bago nagsalita. "I will." He said like an oath bound to be fulfilled.

"Walang open elevator or fire exit sa floor na 'to. K-kailangan niyong basagin ang bintanang nasa north side ng building. May nakalagay na ramp doon. Doon kayo magpapangalumbitin pababa sa 9th floor.

Several tests awaits you below until you reach the ground. Get to the ground floor before you ran out of time and before Larry gets all of you."

"P-papano ka?" Nalilitong tanong ni Natas.

"I will be fine. Hindi na ako magtatagal pa." Nanghihina kong sabi. Pasulpot-sulpot na ang pagyakap ng dilim sa ulirat ko.

"Satana, ito ba talaga ang gusto mo?" Nanlulumong tanong ni Vlad. May tumulo nang luha sa kanang mata nito.

"Hindi ito ang gusto ko. Pero ito ang nararapat." Pinilit kong ngumiti saka inabot ang gwapong mukha ng kaibigan kong halos kapatid ko na kung ituring. "My fight is over Vlad. Let your's begin. I will see you when I see you."

Vlad closed his eyes and hugged me tight. Bumulong ito saakin, "I will avenge you and Kid. I will."

Then as his warm embrace forged a flame of ice when he let go, I felt the loneliness in hollistic. My fight was over.

Nakahilata ako sa carpeted floor. Hinihintay na yapusin ako ng tuluyan ni kamatayan nang marinig kong nabasag na ang bintana sa timog. Marahil ay nagsimula nang bumaba ang mga natitirang empleyado.

I closed my eyes. Warm liquid traced their way to my ears. Napahikbi ako hanggang sa wala na akong marinig na boses mula kina Vlad.

Sa huling pagkakataon, bumangon ako para makita ang sunset. Kung hindi ako nagkakamali ay palubog na ang araw sa mga oras na 'yon. Tinahak ko ang daan patungo sa bintana.

Nanghihina man ay mas lalo akong nagpumilit na marating iyon. Muli akong humikbi. Masaganang luha ang naging kasunod no'n.

Ganito pala talaga ang kamatayan. People die alone. Malungkot, pero may kung anong kagustuhan sa dibdib mong yakapin na ang kabilang buhay dahil marahil napagod na ang katawan, ang isipan at puso sa sakit na dulot ng pagiging tao.

Pagod na ako... at handa na ako.

Binuksan ko ang sliding window. Dinama ko ang malamig na simoy ng hangin habang nakatitig sa palubog na araw.

"You always make me feel this, life. You always make me want to regret everything, everytime I'm seeing you and your beauty. I'm sorry if I failed you. I'm sorry if I was not the human you wanted me to be. I'm sorry."

Ang mga huling kataga ko ay nagsilbing lintanya ng isang malungkot na kaluluwang lilisan na sa mundo. Saksi ang hangin. Saksi ang malungkot na araw at mga nakasilip na bituin.

Namaalam ako.

Ramdam ko ang malakas na hampas ng hangin habang hinihila ako ng lupa pababa. Napapikit ako. Inihanda ko ang sarili sa darating na kirot.

Ilang saglit na lang ay hahalik ang katawan ko sa lupa. Madudurog ang mga buto ko. Kusang babawiin ng sakit ang buhay na hiniram ko.

Please live... Survive this odds, Vlad... Zyril. Huling sambit ko.

###