webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
62 Chs

7

Mall

Riri

Ngayon na yung araw na bibili kami ng gamit sa mall tanghali na kami nagising masarap ang tulog namin malamig kasi kagabi kaya masarap magtago sa kumot na medyo makapal

May dalawang c.r nga pala dito sa dorm kaya di hassle kapag may nagmamali maliban na lang kung matagal maligo yung nasa loob.Naligo na ako nagsuot lang ako ng white t-shirt at pantalon na tenernuhan ng white na sapatos

Nakita kong nag-aayos ng buhok si Rosie samantalang si ivy naman ay naglalagay ng lip tint sa kanyang labi at si elaine naman ay pumasok sa C.R

"Guys maya na kaya tayo umalis kasi naman ang init my gosh!"ani ni ivy na animo'y isang mayamang babae sa kanyang accent

"Ay nako ivy maraming tao ang bibili ng school supplies sa mga mall baka maubos ang ilan sa supply."mariing sabi ni rosie sa kamya at ngumiti sa kanya habang si ivy naman ay napasinangot na lamang

Matagal-tagal rin ng makaalis kami sa dorm antagal kasi ni elaine siguro nagmuni-muni muna yun bago magbuhos hahaha!

Sumakay na kami sa isang jeep papunta sa mall na balak naming puntahan maanlinsangan ang panahon ngayon sobrang init talaga!Tumingin ako sa bintana ng jeep at may nakita akong pulibi rokn nadududrog ang puso ko sa nakikita ko matanda na kasi sila eh asan kaya ang pamilya niya?

Naalala ko ang pamilya ko sa San Lucia nakakamiss sila sobra....

Nang makarating kami sa mall ay madami ngang tao yung uba may bitbit na pinamiling gamit sa school.Ang iba naman ay mag-kasintahang namamasyal lamang

Pumasok kami sa isang store na puno ng mga gamit sa eskwelahan mura nga eh nakakatipid kami.Sa mga gantong panahon nape-pressure ako kung anong bibilhin kasi di ako yung decided na tao paiba iba ng gusto

"Ivy kailangan ko kaya toh?"pinakita ko sa kanya ang isang pack ng mga colors ng ballpen at tumango naman siya saakin tuningnan ko ang presyo niya buti na lang di ganun kamahalan

"Riri ano bang course mo?"tanong saakin ni rosie yung dalawang magkapatid naman ay nandun at nag-uusap

"Ah ako ba?Hospitality Management."nakangiti kong sabi at nginitian niya rin ako kumuha ng dalawang notebook na maliit para sa notes ko

"Eh ikaw?"tanong ko at nakaharap sa kanya habang siya naman ay kumukuha ng plastic cover

"Ahmm sa Arts ako eh."napatango-tango na lamang ako at naglakad na kaming dalawa at nagkasalubong na kaming apat at tumngo na sa counter

Habang nasa counter kami ay puro kami biruan hanggang sa may narinig kaming tilian kaya naman napatingin kami sa direksyon doon.Pumasok ang isang lalake na parang pamilyar nasa akin may kasama itong 4 na lalake at may dalawang babae

"Barkada ata?"bulong ko at napatingin sa counter ako na pala nalibang ako sa pag-iisip kong ito

Madami-dami rin ang napamili ko para na rin sa mga susunod na pangangailangan ko di na ako bumili pa isahan na lang sayang kase ang pamasahe."Maam 945 po lahat."agad akong nagbayad at sumunod naman sila.Lumabas naman ako at sinabing duon na lamang ako maghihintay sa labas

Habang palabas ako ay mag bumangga saakin buti na lang di ganun nagkalat ang mga pinamili ko at tumayo ako at tiningnan ng matalim yung lalakeng bumangga saakin

Bwesit toh!

Bigla ba namang umalis di na nagsorry sarap kurutin!Aangas-angas pa ng dating kala mo gangster arghhh gigil niya ako besh!

"Oh okay ka lang?"tanong saakin ni ivy na nakalabas na pala huminga ako ng malalim

at nginitian siya

"Oo,ayos lang ako."tiningnan ko pa rin yung lalakeng bumangga saakin

'makakaganti rin ako sayo'

Elaine

Nakita kong tumakbo si Ivy papaunta kay riri ano kayang nangyare?Nauna nga pala saakin si rosie patapos na rin siya habang tumitingin ako sa ibang item ay napnsin kong naglabas ng card si Rosie

'Credit card?'

Nagtataka lamang ako kung bakit meron siya nun diba mayayaman lang ang meron nun?Di ko namalayan na nakatingin na pala saakin si rosie kaya sa gulat ko ay napasinghap na lamang ako ng malakas

"Ayos ka lang?"tanong nito saakin at tumango na lamang ako sa kanya lumabas na siya at tumungo kila riri

Matapos kong bayaran ang pinamili ko ay pumunta na kami sa isang store ng ice cream nagpresinta ako at si rosie ang umorserat maiwan na sila para magbantay sa pwesto namin

Habang nasa pila kami ay kinompronta ko na si Rosie

"Rosie mayaman ka ba?"tanong ko sa kanya halata sa kanya ang pagkagulat at napalunok ito saakin."Ano?Sumagot ka oyy!"saad ko at naghihintay ng sagot sa kanya

"Oo."pag-amin nito saamin at niyakap ko siya hay nako ayoko talaga na may naglilihim saakin eh nakaka-asar pero sa kanya di ko magawa

"Alam mo rosie,di mo naman kailangan ilihim yun eh."

"Kaso baka---"naputol ang pagsasalita niya ng kami na pala ang susunod sa counter kaya umorder muna kami at sinabi ko na lang sa kanya na sa table na lang sabihin para malaman ng iba

Nang nakaupo na kami ay nagsimula na nga siyang magsalita hindi naman ako galit nagtatanpo lang dapat kasi sinabi niya saamin una pa lang pero sa bagay di ko kailangan magalit ng hindi ko pa nalalaman ang rason niya malay ko kung may mas malalim siya rason hindi ba?

"Ayoko kasing ma-feel niyo na iba kayo saakin ganun din ako.Kaya naman naisip kong ilihim sa inyo na yun nga Mayaman ako,Kung nagtataka kayo kung bakit nag-take pa ako ng scholarship pumunta pa sa dorm niyo para maki-drom desisyon ko yun at ng pamilya ko kasi gusto kong bumukod na tumayo sa sarili kong mga paa kaya naman pinayagan nila ko pero yung expenses ko sila pa rin ang magbibigay pero hahanap rin ako ng part time kaya di ko rin magagamit yung mga card ko."aniya at ngumiti na lamang kami sa kanya at niyakap siya pinagtitinginan pa nga kami ng iba dito eh

But who cares? Naman diba?Moment namin toh!

"Ayy guys ukol nga pala dyan sa part-time na yan kailangan ko rin maghanap eh para dagdag sa ipin at gastusin ko dito sa maynila."saad naman ni riri at napaisip ako kung kailangan ko din ba nun?namin ni ivy

"Ganto na lang may ilang araw pa naman tayo kaya maghahanap tayo bukas na bukas rin ayos na?"ani ko at sumang-ayon naman sila

Ilang minuto rin ang tinagal namin sa Mall para mamasyal kalaunan din ay umuwi na kami Pagdating namin sa aming dorm ay nakatulog na rin kami

"Makakahanap kami ng part-time bukas na bukas rin!Kaya namin toh!"