webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
62 Chs

57

Third

Kasal

Nasa isang photoshoot si Riri,Ivy,Elaine at syempre ang bride na si Rosie.Isang buwan matapos ang nangyareng Proposal ay agad na gustong magpakasal ang dalawa

Hindi rin naman kasi nila dapat patagalin pa iyon dahil matagal na silang naging 'ON' kaya wala na ring saysay kung isang taon pa bago sila magpakasal

Alam naman nilang sila na ang para sa isa't-isa dahil marami na rin silang naging pagsubok na nilagpasan pareho masayang-masaya ang dalawa sa kanilang relasyon

Pinapanuod ni Riri ang dalawa sa kanilang prenup parehong pagmamahal ang nasa mga mata nilang dalawa ngumito ang dalaga ang dalawa kasi ay bumili muna ng maiinom nandito na rin ang ibang bridesmaid ng bride para sa prenup

Napansin ni Riri ang isang invitation kaya naman binuksan niya iyon at ganun na lamang ang gulat nito ng makita ang isang pangalan

Vaigan Vazquez?Best man?What?Is he really sure?

Kunot noo pa rin itong nakatingin sa invitation pero kalaunan ay napalitan na lamang iyon ng blankonh expresyon.Di niya kasi maisip kung paanong naging 'best man' ang lalakeng iyon gayung wala.na rin naman itong naging kumonikasyon pa

Natapos ang araw nila ng nakakapagod dahil sa dami ng ginawa sinamahan nila ang bride sa ilan pang bagay tulad ng fitting para sa kasal

Napili ng bride na si Rosie na kulay pink at may koronang bulaklak ang suot ng mga bridesmaid niya.Sa isang Beach resort gagawin nag kasal gusto raw kasi ni Rpsie na beach wedding ang gawin

At sa mismong beach resort na hawak ng pamilya dee gaganapin iyon dun din magaganap ang reception.Natutuwa nga si Riri dito dahil pinili nito ang ganung wedding dahil sa vibes na maayos nito

Nagtalo rin ang dalawa ukol duon dahil na rin sa gusto ni Lary sa simbahan pero syempde ang mga babae ang dapat masunod dahil na rin isang beses lamanh ikasal ang mga ito kaya siya na ang nasunod

Sinunod rin nila anh ilang pamahiin ng matatanda para talaga wala ng makakahadlang sa dalawa

"Nakakatuwa talaga dati sulyap-sulyap lang si Lary kay Rosie noh?"natutuwang ni Elaine dito at napatango naman ang dalawa

"Sinabi mo pa."

"Malagkit rin ang tingin nung si Lary eh."

Nagtawanan ang dalawa pero natigil si Elaine duon at tiningnan ang phone nito para tingnan ang viber nito

"Nga pala alam niyo na ba kung sino escort niyo?"tanong nito at tumingin muli sa kanyang cellhphone

"Di ko pa alam eh."ani ni ivy habang si riri naman ay pumunta ng kusina kinakabahan ito dahil baka maging escort ni si Vaigan

Isusumpa ko si Universe kapag escort ko yun!

"OMYGODDDDD!"tili ni Elaine at napatingin naman sa kanya ang lahat na para bang nagtataka at tumingin ito sa direksyon ni Riri

"K-kasama p-pala si Vaigan?"napa-roll yes na lang si Riri at nilapag nito ang petchel na nakuha s ref at nagsalin ng tubig sa baso

"At ang malala riri."

"Hmm?"

"Escort mo!"napabuga ng tubig si riri ng marinig iyon at nanlalaki ang matang tingnan ang dalawa

"Huh?"pinakita ni Elaine ang picture at makikita nga ruon na escort niya nga iyon bumuntong hininga ang dalaga at wala nang magagawa kung ganun

"Yiee."ani ng dalawa inirapan lamang niya ito aat umupo sa may sofa

"Alam niyo tigilan niyo ko ah!"

"Pakipot pa si madir!"nag-aasar na ani ni Ivy dito di na lamang nito pinansin ang dalaga sa halip ay tinitigan ang baso

Naiisip nitong bakit iyon pa ang escort niya kung pwede namang si Bluce o si Slate diba?

Dumating na ang araw na hinihintay ng lahat dumating na ang araw na ikakasal ang kaibigan nilang si Rosie kay Lary.Habang nasa kwarto pa ang bride ay dinaluhan na nila ito duon para sa pre-wedding shoot

Nang matapos ay kinausap pa nial ito

"Hey!You're so beautiful."puri nito sa bride at ngumiti naman si Rosie dito suot nito ang isang fitted na wedding gown at isang 1800's na style sa buhok tinernuhan din iyon ng makukulay na pang-ipit sa buhok kaya nagmukha itong isang dyosa

Ang gown ay isang gawa ng isang designer galing ng paris.Maraming tao ang nalula sa presyo nito pero namangha na rin sa ganda ng pagkakagawa

"Ikaw din naman."puri nito pabalik at simabi ng organizer na magsisismula na ang kasal kaya umalis na ang ilang bridesmaid huminga ng malalim si Rosie at tumayo at pumunga sa isang malaking salamin at kasabay nun ay ang pagngiti

Bumukas ang pinto at laman nun ay ang kanyang ina na kasing-ganda rin niya nung kabataan nito

"I'm so hapoy for you anak."ani ng kanyang ina at lumandas naman ang luha nito sa kanyang pisnge ngumiti si Rosie dito at tumango

"You've found such a good man like him."tumingin ito sa bouquet ng flower na hawak niya at tumingin sa kanyang ina at ngumiti

Sa kabilang dako,nagsimula na ang sermonya at isa-isang naglakad ang mga bridesmaid pang-huli duon si Riri

Habang nakatayo ito ay napansin nito ang isang lalakeng papalapit sa kanyang direksyon di niya alam pero sobrang kabog at tibok ng puso niya ng makita niya kung sino iyon

Si vaigan

Suot ang isang suit na fit na fit sakanya meron itong bulaklak sa kanyang bulsa.Ang clean cut na ayos ng buhok at ang mapupulang labi nito isama na rin ang magandang pangangatawan nito at nakashades na naglalakad

Ngayon lamang nito ulit nasilayan ang binata.Di na nito napansin na nakalapit na palaito sakanya

"You're drooling."seryoso nitong ani napakurap ang dalaga dahil duon at hinawakan ang kanyang labi kung naglalaway ba ito pero hidni naman kaya naman masamang tingin ang pinukol nito dito

Pumila na sila at nilagay naman sa ere ni Vaigan ang braso nito pinaikot na lamang ni Riri ang mata nito at hinawakan ang braso nito

Habang naglalakad sila ay nag-aasaran lamang ito ng mahina

"Ikaw kaya itong naglalaway."

"Kapal laway daw."

"Aminin mo kumakabog dibdib mo kanina?"panunuya ito at sinamaan na lamang niya ito ng tingin at naghiwalay na nga direksyon

Nagsimula na ang sermonya at lutang lamang si Riri pero napapansin nito ang pany tingin ni Vaigan dito kaya naman umatras ito ng kaunti para di siya makita nito

"You may now kiss the bride."at hinalikan na ni Lary ang asawa nito at lahat ng tao ay nagpalakpakan

To be continued.....