webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
62 Chs

55

Riri

Visit

Narito na ako sa aking Main Office at kasalumiyang tinitingnan ang mga papers na pipirmahan ko marami iyon kaya kailangan kong basahin lahat

"Ms.Legazpi?Please check this."ani ng secretary ko dito na si Ariella kinuha ko ang folder na nasa kanyang palad at binasa iyon

"What is this?"tanong ko at binuksan iyon binalik ko ang tingin sa kanya

"Ahm isang survey po from our client."tiningnan ko ang bar graph not bad dahil maganda ang performance ng aming Company

"Good."ani ko at binigay sa kanya iyon at pinagpatuloy ang pagbabasa sa ilang papeles na nakatambak sa table ko nakita kong nakatayo pa rin ito

"What?"tanong ko rito at umiling ito saakin at bumulong na hindi ko naman narinig pa.Umalis ito at pinagpatuloy ko ang pagpirma

Ilang oras ay natapos na ako sa pagpirma at nag-relax bago lumabas ng opisina para tingnan ang mga empleyado ko.Nang sapat na ang makuhang enerhiya ay lumabas na ako at dumretso sa may interior department

Busy ang lahat kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para tingnan ang mga designs nila nadako ang tingin ko isang isang design

"I like that."lahat ay napatingin saaking direksyon lahat sila ay tumayo para magbigay galang saakin humarap saakin ang babae

"Thank you maam."ani nito saakin at tiningnan ko ang screen maganda ang lay-out

"Keep it up."ani ko rito at dumretso sa ibang cubicle para tingnan ang kani-kanilang design may iilan na may papasimula ang ilan ay patapos na

"Ahm excuse me?"tanong ko sa isang lalake na may glass nagulat ito saakin pero ngumiti na lamang ako

"May i ask where is the office of your head department?"tanong ko at tinuro naman nito ang dulo at tumango na lamang ako at nagpasalamat

Pagbukas ko ng pintuan ay isang likod ng swivel chair ang sumalubong saakin mabibigat ang yabag  na nagagawa ng heels ko

"Yes?"buo ang boses nito at pamilyar na saakin ang boses na iyon kaya nagtataka kong tumingin sa bar na nasa table niya at dun na nanlaki ang mata ko ng makita iyon

Slate Williams?

Humarao ito sakin at pareho kaming nagulat at ilang segundo rin ang tinagal nito.Napakurap ako ng magsalita na ito

"Kyryll?What are you dong here?"tanong nito saakin at lumapit saakin at ngumiti na.

lamang ako sa kanya

"Visit?"tumango naman ito saakin

"So you're the head of Interior Designs?"tanong ko at tumango naman ito saakin kumamot ito sa kanyang ulo at ngumiti ng kaunti

"Ikaw?Dito ka rin pala nagtatrabaho?Architect right?"tumango ako dito at ngumiti naman siya saakin

"Aside of being Architect i'm your also Boss Slate."ani ko rito na sa una ay di naniniwala saakin at tumawa pa ito kaya binatukan ko ito

"Tawanan ba naman ang CEO."sa huling salita ko siya napatigil at unti-unting tumigil ang kanyang pagtawa

"Weh?"tumango ako

"Papaano?"

"Legazpi nga diba?"duon niya naalala yung sinabi ko nung nasa Coffee shop kami at napatango ito at humingi ng tawad saakin

"Okay lang!"ani ko."Marami pa rin ang ilan sa mga tao rito ang di nakakakilala sa akin."tumango naman siya saakin at nagkwentuhan lang kami

Lumabas na ako ng office nito dahil masyado na ring matagal ang kwentuhan naming dalawa naramdaman kong nag-vibrate ang aking phone kay kinuha ko iyon

At si mama pala ang tumatawag kaya sinagot ko ito

"Ma?"

"Nasa condo mo ako."nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya napatay ko ang tawag at mabilis na tumumgo sa office para kunin ang bag at pumunta agad ng condo dahil nandun si Mama

Paano nalaman ni Mama na nandun ang condo ko at sino ang nagsabi ng password ko kung ganun?

Mabilis na inandar ni Mang Bert ang sasakyan papunta saaking Condo.Ilang oras lang ay nakarating na rin ako at mabilis na anglakad papunta saking Condo

Nang makarating sa tamang floor ay agad kong binuksan ang condo ko pero wala naman si Mama duon?Niloloko kaya ako ni Mama

Tinawagan ko siya at sinagot naman niya iyon

"Mama nasan ka?Wala ka naman dito eh?"tanong ko at binuksan ang kwarto wala pa ring mama na nadun

"Ay na kay Elaine pala ako."ani nito at pumikit na lamang ako nasa kabilang condo pala ito.Akala ko nandito na naman si Bluce eh siya lang ang may alam ng Passcode ko

Agad akong lumabas ng condo at pumunta kila Elaine ng makarating ako ruon ay nakita ko si Mama na umiinom ng juice napatingin ako kay Elaine na nakatingin saakin

"Nandyan na po siya Tita."ani ni Elaine at tinuro ako ngumiti naman ako at dinaluhan silang dalawa

"Ma!Bakit di mo sinabing pupunta ka po?"tanong ko rito at ngumiti naman si Mama sa paglipas ng panahon tumatanda na si mama mas nakikita na iyon ngayon

"Surprise anak!"tumawa naman ito saamin ngumiti n lamang ako at niyakap siya

"Sabihin niyo rin minsan ma ah?"hinalikan ni mama ang ulo ko at tiningnan ko siya at hinawakan nito ang aking kamay

"Oo sa susunod."tumango ito at ngumiti.Ilang oras ang tinagal namin sa condo ni Elaine nanuod pa kasi kami ng Movie eh

Nang umuwi na kami ay hindi na kami naghapunan dahil marami na kaming nakain kila Elaine umupo si Mama sa Sofa ko at ako naman ay kumuha ng tubig sa may Ref

"Kamusta ka anak?"humarap ako kay Mama at nilapag ang baso na pinaginuman ko at umupo sa tabi niya pinatong ko ang ulo ko sa balikat nito

"Okay po mama."ani ko

"Ang pag-ibig?"nawala ang ngiti ko dahil sa tanong nito kaya napatingin ako rito at binigyan ng kunot-noong tingin

"Alam kong nandito na ang dating nagwasak ng puso mo Riri wag ka ng magkaila pa."ani nito napasimangot naman ako sa sinahi niya mukhang alam niya pero kanino gaking iyon?

"Sino pong nagsabi sa iyon niyan ma?"tanong ko

"Di na dapat nating pagtuunan ng pansin kung sino ang nagsabi ang tanong ko ang sagutin mo."ani nito napakagat ako ng labi ko

"Nalilito po ako Ma."malungkot na ani ko hinawakan nito ang aking kamay at pinagpatuloy ko ang kwento

"Ma kasi di na kayang magtiwala ma eh.Kasi baka mamaya mali na naman desisyon na gagawin ko.Pero snabi niya saakin na mahal niya ako ma yun ang totoo nakipaghiwalay po siya sa akin kasi seseryusohin niya na po ako pero pinangunahan po ako ng galit ko."

"Yung pamilya niya rin po ang may pakana nung nakulong po kayo kaya nalilito po ako kung anong gagawin ko po."ani ko at umiiyak na sa kanyang dibdib pinatahan naman ako nito pero tuloy lamang ako sa pag-iyak

"Matagal na ang nakalipas nang mangayri iyon anak ko.Nagawa ko namang magpatawad sa iba dapat gawin mo rin iyon kasi lahat tayo nagkakamali at wala naman siyang kinalaman dun diba?"tumingin ako sa kanya at tumango siya saakin

"Mahal ka ng taong iyon anak kung anong sinasabi ng puso mo gora ka kasi minsan kapag utak ang pinairal natin nagkakamali tayo ng desisyon ganun din naman ang puso pero minsan mas lamang ang puso sa pagdedesisyon."

"Pero ma paano kung lokohin ako?"huminga ng malalim si mama sa tanong ko

"Malalaman mo yun kung ang pagmamahal na binibigay niya ay pawang kasinungalingan lamang kapag alam mong di mo madama wag mo nang ituloy pa kasi masasaktan ka lang."tumango ako rito at niyakap ko ulit si mama mothers knows best nga naman

"Minsan ang pag-ibig parang isang lason.Lalasonin ka hanggang sa di mo na madama ang sarili mong kaligayahan kaya may mga taong sobra ang binibigay na pagmamahal eh kasi nilalason sila ng pagmamahal."

"Sa mundong ibabaw anak pagmamahal lang ang nakakapuna sa kalungkutan at pangungulila kaya ikaw kung mahal mo siya wag kang magduda hayaan mo ang sarili mo na maramdaman iyon."

"Wag mong hayaan pangunahan ka ng takot at pangamba sa pagsugal.Kase kapag di ka sumugal ikaw ang mawawalan."