webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
62 Chs

32

Meet me

Bluce

Isang linggo ng makarating si Riri dito kasama ang mga kaibigan next week pa ang pasok namin dahil may mga students pa rin na nasa bakasyon.Nakaupo ako habang tanaw ang paglubog ng araw

Narinig kong nag-vibrate ang phone ko kinuha ko ito sa table na nasa likod ko.Nakita ko ang message saakin ni Riri ngumite ako dahil ngayon magkikita na ulit kaming dalawa

Sinabi ko kasing magkita kami sa isang cafe di kalayuan saakin pumayag naman ito dahil wala rin naman daw nitong ginagawa.Alas-dos na ng makarating ako sa pinag-uusapang lugar naming dalawa

Wala pa ang dalaga ng dumating ako ruon nag-order na lamang ako ng coffee para sa aming dalwa.Ramdam ko ang tensyon ngayon na nandito na ako

Sa totoo lang ngayon lang ako aamin na may gusto ako sa kanya.Oo may gusto ako kaso di ko masabi sa kanya lalo na't sila na nung Vaigan na yun.Gusto ko lang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko kahit alam kong ako mismo ang gumagawa ng sarili kong ikakasakit

Nang una kong makita si Riri may gusto na ako sa kanya kaya ko laging hinihiram yung biology book jito kahit meron ako sa bag

Lagi ko rin siyang sinusundan ng palihim at sa tansya ko di naman ako nito nakikita o nararamdaman.Kapag uwian nasa isang sulok lang ako para tingnan siya at kuhanan ng stolen pictures mukha na nga akong stalker eh

She's my first love....

Lahat siguro ng stalker na gawain ginawa ko na maliban na lang sa mga sulat sa locker o bulaklak ayokong matakot si Kyryll saakin siguro okay na sa sulyap

Tumingin ako sa pinto nakita kong nakangiti si Kyryll ng papunta na sa akin that genuine smile gives me a simple happiness kahit di siya magiging akin....

"Bluce na-miss kita!"sigaw nito at niyakap ako sa unang pagkakataon nayakap ko siya iba ang pakiramdam ko ngayon

"Hehehe namiss rin kita."ani ko at pinaupo na ito nagulat ito ng makita nito ang isang kape sa harap nito ngumite na lamang ito saakin tinikman niya ito at nagulat ito

"Paano mo nalaman gusto ko ang gantong kape?Samantalang ang iyo iba?"nagtatakang ani nito napakibit balikat na lamang ako natawa na lamang ito at nag-usapa kami tungkol sa mga bagay ma nangyare sa kanya sa probinsya ganun din naman ako dito sa maynila

Sobrang sarap niyang kasama dahil makwento siyang tao at minsan naghibiro na ikatatawa mo rin siguro yun ang mga bagay na nagustuhan ko sa kanya kahit sa maikling panahon lang

"Ikaw?Ano bang iniisip mo ha?"tanong nito saakin napailing na lamang ako at huminga ng malalim ito na sigiro ang perfect spot

"Kyryll may sasabihin sana ako."

"Hmm?Sige sabihin mo na magkikita pa kasi kami ni Vaigan eh meron ka na lamang 10 mins susunduin kasi niya ako dito bandang 3:00 eh."tumango ako at ito na kailangan ko ng lakas ng loob para masabi ito whooo kaya mo to Bluce!

"May gusto ako sayo Kyryll noon pa lang."ani nito na kinagulat naman niya di ko alam anlakas ng pintig ng puso ko para itong nagtatambol sa lakas halos mabingi na ako dahil pinapakiramdaman ko ito

"A-ano?"

"May gusto ako sayo kyryll sa totoo lang na love at first sight ako s---"

"Sorry pero may boyfriend na ako.Alam mo yan diba?"

"Oo pero gusto ko lang naman sabihin eh.Kasi umaasa ako na may pag-asa ako kahit na meron kang iba."

"Sorry Bluce friend lang ang turing ko sayo.Mahal ko si Vaigan."

"Kyryll kahit maging kahit okay lang saakin.Mahal kita inlove ako sayo Kyryll.Sa bawat araw na nagdadaan ikaw lang ang laman ng puso ko."

"Pe-."

"Kahit konting oras lang ang ibigay mo saakin kahit isang tingin lang sa malayo.Kahit kapirangot na pagmamahal tatanggapin ko."tumayo si Kyryll at sinukbit nito ang kanyang bag tumayo rin ako dahil baka umalis ito

"Friend lang talaga ang turing ko sayo Bluce kaya please stop begging for affection kasi kahit kailan di kita mabibigyan nun dahil si Vaigan lang ang mahal ko at ang tinitibok ng puso ko.Sorry takaga Bluce."ani nito at tinalikuran ako nakatingin lang ako sa likod nito lumandas ang luha ko sa aking mga mata

"Ang hilig mo talagang saktan ang sarili mo Bluce."hinabol ko si Kyryll sa labas tumingin ako sa kaliwa't kanan at nakita ko siya patawid na sa kabilang kalye

Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya wala namang masyadong dumadaan na kotse.Agad ko itong niyakap sa likod batid kong nagulat ito ngayon pa lang

Nagpupumiglas ito sa pagyakap ko pero sadyang malakas ako kaya tumigil rin ito

"Kahit isang yakap lang."bulong ko sa tenga nito at hinayaan na nga lamang ako nito pumikit ako at di pinahalata ang pagiyak ko kahit na nakakabakla

Hinawakan nito ang braso ko na nakayakap sa kanyang bewang humarap ito saakin nakita ko sa gilid ng mata ko ang isang kotse na nakatigil tatlong metro ang layo saamin di ko na pinagtuunan ng pansin ito

"Sorry Bluce pero friend lang talaga."ani nito at ngumite saakin mabilis kong hinawakan ang pisnge nito at hinalikan ito ng walang panubali.Kita ko ang gulat nito sa mukha pero pumikit na lamAng ako

5 seconds ang tinagal nun at mabilis ako nitong tinulak at isang malutong na sampal ang natanggap ko mula rito at tumawid na siya sa kabilang kalsada

Napayuko na lamang ako at tiningnan muli ito mula sa likod.Nanduon pa rin ang kotse na kanina ko pa nakita tinted ang mirror nito kaya di ko alam kung sino ang may-ari nang makita kong haharurot na ito ay mabilis akong umatras para maka-iwas

Nang maka-alis na ito ay sinundan ko ng tingin iyon bakit parang pamilyar saakin yung plate number nun?

"Saan ko ba nakita iyon?"

Elaine

Nandirito lang ako sa dorm nato wala akong nagawa alam niyo yun bored in a house.Dumukot ako ng pera sa may bag ko at lumabas dahil amy nagtitinda ng mga barbeque duon yun na lamang ang gagawin ko ang kumain ng mabuti

Nang makalabas ako ay nakita ko si Ivy na naka-upo lamang sa may hagdan nagtataka naman ako bakit nandun iyon kaya naman nakaisip ako ng kalokuhan.Siguro ang ganda nito kung makuluhanan ko to ng litrato

Agad akong bumalik sa kwarto para kunin ang phone ko at nilagay sa bulsa ang pera ko.Nakita ko ang isang maskara na nakakatakot ang itsura mukhang gawa ito ni Riri

Napataas ang kilay ko dito at mukhang magandang props to ah?Bumaba na ako sa hagdan at nandun pa rin siya cute kinuha ko ang phone ko sinet sa no flash dahan dahan akong bumaba at umupo sa tabi niya mukhang tulala eh

BIGTIME!!!

Bumulong ako ng mahina hanggang sa natauhan na to at humarap sa likod niya at nagualt ito na napatili pa kaya kinuhaan ko ito ng litrato halos mapudpod ko na nga ang phone sa kakapic sa epic niyang itsura hahahaha!

"Tang ina ka!"galit na saad nito mabilis kong hinubad ang maskara at tumakbo palabas bago ako makalayo ay dinalaan ko pa ito

Hahahaha nakakatuwa ang mukha niya bwisit LT!

Nang makarating ako sa may barbequhan ay umorder kaagad ako binigay ko na ang mga order ko at binigay ang bayad ng makita ko si Riri na naglalakad

"Aga naman ata non umuwi?"nagtataka kong tanong ng maibigay na nung tindera ang sukli ay agad akong tumakbo dito hayshh andaming lalakeng magkukumpulan dito

"Riri!"sigaw ko at naagaw ko naman ang atensyon nito ngumiti ako mgumite rin ito pero mukhang may problema ah?

"Kinukutuban ako ng masama ah?Bad vibes na naman siguro nakuha nito kanina."