webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
62 Chs

31

Riri

Isang buwan na matapos ang nangyare kay Ivy at Lary di pa rin ito nago-open up tungkol duon pero pumapasok pa rin naman siya kaso nag-resign siya sa shop

Nakakaawa siya sobra iyak lang siya ng iyak ayaw niyang sabihin kung bakit naghiwalay sila ni Lary siguro mago-open up yun kapag nakarecover na pero sa ngayon di gaano nakakagawa pa rin naman ito ng mga paper works

Kapag nasa dorm lang kami nakatulala lang siya habang yakap yakap ang kanyang mga tuhod galit na galit si Elaine ng malaman niya yung nangyare gusto nitong sugurin si Lary pero pinigilan siya ni Ivy ayaw jitong magkaroon pa ng gulo sa pagitan nila

Di ko rin kayang magalit sa tao dahil di ko alam kung anong rason nito ayokong gumawa ng isang gulo na ako rin naman ang mapapahiya sa huli

Desyembre,bakasyon na nandito kami sa probinsya namin sa San Lucia nakatingin lang ako sa tanim naming mga palay at maisan na nasa tabi nito habang kumukumpas ng malakas ang hangin at sumasayaw naman ang buhok ko dito

Narinig kong tumunog ang phone ko nakita kong tumatawag si Bluce kaya naman sinagot ko ito

"Uhmm?Hello Bluce?"ani ko at naglakad lakad habang tinatanaw ang nagtataasang maisan sa aming lupa

"Asan ka?Di na kasi kita nakikita eh pumunta ako ng dorm niyo kasi wala daw kayo?"tanong nito napatigil naman ako sa paglakad nakalimutan kong sabihin sa kanya minsanan lang naman kasi kami magkita dahil magkaiba kami ng course

Engineering siya habang ako naman ay Architecture

"Sorry di ko nasabi sayo na nandito ako sa probinsya namin.Umuwi kami bakasyon na rin naman eh."ani ko at nagsimulang maglakad muli

"Ah ganun ba.Sige tawag na lang ako ulit."saad nito at pinatay na agad ang tawag naisipan kong pumunta sa bahay nila Elaine

Nang makarating ako duon ay sinabi ng mama niya wala daw sila duon nagtaka naman ako kung nasaan ang dalawang yun?

"Aishh?Baka nandun sila!"mabilis akong tumakbo papunta sa isang lugar na hindi na namin napupuntahan noong mga panahon na mga dalaga na kami malimit na lamang kung makita namin iyon

Hinihingal akong nakarating ruon at humawak ako sa puno na nasa tabi ko para alalayan ako ang init pa man din

"Hoyyyy!Elaine wag ka!Mas maganda ako kaysa sa iyo tandaan mo yan!"rinig kong sigaw ni Ivy kay Elaine nakakatuwang pagmasdan ang dalawang toh kahit kailan aso't pusa talaga

"Wehh!?Talaga boh????Kwento mo sa pagong!"nangiinis na saad ni Elaine kay Ivy sa totoo lang mas maganda si Elaine kay Ivy pero wala eh ayaw nilang magkapatid yan

Lumapit ako ng kaunti sa kanila at napansin naman nila ako kapwa nagulat ang dalawa sa pagdating ko hahaha priceless yung mga mukha nila sa totoo lang

"Pwede bang makisali?"ani ko at nakapamaywang pa di pa nakakasagot ang dalawa ay lumusong na agad ako sa tubig

"Whoooo lamig!"ani ko at natawa naman ang dalawa at nagbasaan kami hahaha nakakamiss tong mga gantong pangyayare.Lumapit ang dalawa saakin at hinawakan ang kamay ko mukhang alam ko na ang sinasabi nila

Agad kaming sumisif sa ilalim ng ilog na ito malinaw ang tubig ng ilog na ito noong mga bata kami dito kami lagi pinapagalitan dahil baka umitim kami ng sobra dahil sa giangawa namin dahil duon dalawang beses sa isang linggo lang kami magkapag swimming dito

Ngayong malalaki na kami kami naman ang dapat masunod hahahha minsan lang ito

Nung matapos pumunta kami sa lugar na dating gustong-gusto namin andaming memories dito

"Hayshh antaas pa rin nitong bundok na to noh?"ani ni Ivy natawa naman kami sa kanya alam niyo noong mga bata kami siya palagi ang nagrereklamo mabilis kasi itong mapagod

"Hanggang ngayon di ka pa rin nagbabago anoh?"ani ko at tinarayan na lamang ako nito Ilang oras lang ay nakarating agad kami sa taas

Isang malakas na hampas ng hangin ang sumalubong saamin sa sobrang lakas ay ang palda ni Elaine ay nahawi na rin buti na lamang ay may short ito

Dahil may puno naman ay duon kami namahinga tulad ng nakasanayan ay umakyat kami dito si Elaine ang mas may kasanayan dito kaya siya ang nasa itaas habang sunod ako at ang pang-huli naman ay si Ivy

Tinanaw namin ang ganda ng gantong lugar ang probinsya ang may magandang tanawin na ito pumikit ako para damhin ang sarap ng simoy ng hangin narinig naming may bumulong ngunit sapat ma para marinig namin iyon kaya naman napatingin kami sa isang halaman na gumagalaw nagulat kami ng makita namin si chichay

Agad akong bumaba para lapitan ito

"Bakit anong nangyare?"pinalo nito ang kamay ko at nagulat ako sa ginawa nito napakunot tuloy ang noo ko

"Sumisigaw ako ng malakas kasi tinatawag ka nila mama tapos nakita kitang kasama sila ate leng at yeng sinundan kita tapos grabe ang sakit ng tuhod ko antaas naman kasi ng pinupuntahan niyo."reklamong ani nito at natawa naman kaming tatlo at bumaba na sa bundok na iyon

December 25,2015

Abala sa paghahanda si Mama ng mga pagkainng pang noche buena ngayon ko lang ulit madama ang malamig na simoy ng hangin malimit kasi na mainit duon sa bagay di pa naman ako nakapag pasko ruon siguro malamig din ruon

"Riri tulungan mo nga ako."sigaw ni ate maria saakin tumigil ako sa pag-iisip at tinulungan ko na si Ate sa paghiwa ng mga rekados na gagamitin ni mama

Lumapit ako at kinuha na ang kutsilyo para hiwain ang mga rekados magkaharap kami mi ate maria sa ngayon

"Kamusta?"nakangiting ani saakin ni Ate Maria nagulat ako dahil hindi ito nagtatanong saakin ng mga bagay na tungkol sa pag-aaral

"A-ahh okay lang naman ate."ani ko at hiniwa na ang siling haba habang siya naman ay tumigil sa paghiwa kaya naman napatingin ako sa kanya

"Kung may problema sabihin mo lang kahit ano pa yan."ani nito at duon ko lang natapos na pala.ito sa paghihiwa ng mga rekados naiwan na lamang saakin ang ibang rekados

Tumingin ako sa likod ni ate maria bakit parang may pahiwatig si ate?

Dumating na ang oras nakahanda na ang lahat ng mga pagkain at ilang minuto o segundo na lang ay magpapasko na nakakatuwa nga't nilabas nila mama't papa ang isang bag na naglalaman ng mga regalo di rin alam nila ate at kuya na may tinatago ito

"Andaya!"ani naming lahat nagtawanan na lamang kami at dumaying na ang oras na hinihintay namin

"Merry Christmast!!!!"

Hinalikan namin ang isa't isa at binati ito di nagtagal ay kumain na rin kami ang isa sa mga paborito ko ay yung sinandayan ni papa ang sarap talaga nun yun lagi ang request ko tuwing sasapit ang gantong okasyon

Matapos naming kumain ay nagbigay na sila mama at papa ng regalo.

"Para sa bunso!Chichay!"binigay ni mama ang isang box ng buksan iyon ni chichay isang manika ang nandun sa box laking tuwa ng bata kila mama hahaha nakakatuwa simple pero sobrang saya

"Para sa ate?Ate maria!"binigay ni papa ang isang paper bag lahat kami nagtataka kung anong laman nun inalog ni ate maria yun nagtataka pa rin nang huksan niya ito ay lahat kami ay nagulat binigyan ni Papa si Ate ng isang Iphone wow!

"Saan galing ang pera mo pa?"tanong ni ate dito inakbayan naman ni papa si mama so sweet

"Pinag-ipunan namin lahat ng regalong binigay namin sa inyo mga anak."ani ni papa napanginiti naman ako grabe kaya pala may nakita akong isang box sa cabinet ni mama

"Para naman kay liza!"lumapit agad si ate liza at binigay naman ni Mama ang regalo nito sa kanya at isang malaking box ang nakabalot mumhang alam ko na ito

"Mukhang alam ko na yan."pinanlakihan naman ako ng mata ng lahat habang si mama at papa naman ay nilalakihan ako ng mata natawa na lang ako

"Bawal spoiler!"sigaw ni kuya lucs na nandun sa gilid nila lolo at lola ngumiti na lamang ako lahat kami nakatingin sa box na iyon ng buksan niyaniyon ay isang ipad

"Sabi na eh."bulong ko tuwang-tuwa si ate liza mahilig kasi ito sa mga manga kung magkakaroon daw to ng pagkakataon gusto niyang maging manga artist kaya siguro siya binigyan jiyan para makapag-drawing kahit basic lang

Niyakap ni ate liza sila mama at papa.Binigay ni papa at regalo nito kay lolo at lola at isang bagong salamin para kay lolo mababa na daw kasi ang grado ng salamin nito samantala kay lola ay isang sewing kit na kumpleto na para kapag walang ginagawa ito na lang ang pagkaabalahan

Habang si kuya eman naman ay isang jersey at sapatos na gustong gusto nito.Si kuya lucs naman ay cellphone din na mas mataas lang ang series kay ate maria

"At para kay Riri."binigay ni papa at mama ang dalawang regalo nagulat ako dahil dalawa kumunot ang noo ko dahil duon habang si kuya eman at ate maria naman ay tinutukso ako dahil dalwa ang nakuha ko baka daw special ako hayyy

Binuksan ko ang isang box na medyo may kabigatan binigyan ako ni mama ng favorite kong scarf at isang panlamig

"Salamat ma!"kiniss ko ito sa kanyang pisnge dati nakikita ko lang to sa mga store ngayon meron na ako binuksan ko na rin ang isang box at naglalaman iyon ng isang laptop

Nanlalaki talaga ang mata ko habang nakangiti lang si Papa saakin

"Whahhhh thank you papa!"niyakap ko ito at pinudpod ng halik nakakatuwa naman sobrang saya ko ngayon

"Mga anak mga gamit lang yan na masisira rin.Tandaan ang kasayahan ay natatamo lang sa isang tao at hindi sa isang bagay maliwanag ba?Lagi niyong tatandaan yan."ani ni papa at niyakap naman ni Mama si papa at lahat kami ay nagyakapan kasama na sila lolo at lola

Pinagpatong-patong namin ang mga kamay namin at sumigaw ng

"MABUHAY ANG PAMILYA BARCELONA!"

Mabilis lang ang panahon at pabalik na naman kamimg tatlo sa maynila para sa pag-aaral namin grabe ang saya saya ko talaga

Kumaway ako sa pamilya ko at sumakay na sa Tricycle magkikita kita kami nila Elaine sa bus terminal

"Mag-iingat ka!"rinig kong sigaw ni Papa tumango na lamang ako at panibagong taon na naman 2016 na

Panibagong buhay.....at syempre paninagong hamon na naman ang kahaharapin ko ngayon.