webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
62 Chs

29

Madness

Ivy

Di ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon sa mga oras na ito andaming tanong na tumatakbo ngayon sa utak ko.Makatingin lang ako sa mga nadadaanan namin hanggang sa binasag ni Lary ang katahimikan

"Ivy."saad nito at di ko pa namalayan na nakarating na pala kami sa dorm kinalas ko ang seatbelt at akmang aalis na ng magsalita ito ng nakapagpatigil saakin sa paghawak sa may pintuan ng kotse

"Wag kang magalit sa kaibigan mo please?"tumingin ako sa kanya at nakita kong lumandas ang luha nito sa kanyang pisnge nakakapagtakang mas inaalala pa nito ang nararamdaman ng kaibigan ko kaysa saakin bumuntong hininga ako

Pinunasan ko ang luha niya di ko kayang lumuluha siya ngayon kaya tumango na lamang ako

"Di maipapangako yan Lary."ani ko at lumabas na ng kotse niya at nagpasalamat ako bago isara ang pintuan at pumasok na sa dorm pinunasan ko ang luha ko na lumandas kanina hbang pinupunasan ko ang luha ni Lary

Nang makarating ako sa dorm ay nandun lamang si Elaine at wala si Rosie nagtataka ako kung nasaan ito kaya naman tinawagan ko ito

"Hey."ani ko at narinig ko ang tawanan nila ni riri bago ito magsalita

"Uhm?Yes ivy?"

"Asan ka?"tanong ko at nilapag ang bag ko sa kama at pumunta sa damitan ko para magbihis na

"Kasama si Riri pauwi na kami nag-stay ako kay Riri sa may shop niyo matutuwa ka may dala ako hihihi."sabik nitong sabi saakin at di ko alam pero napairap na lamang ako

'dala?'

"Wala ka bang part-time at anjan ka?"tanong ko at pumasok na sa c.r at ni-loud speaker ang cellphone at nagsimula na akong magbihis

"Ha?Ayy wala sabi saakin nung katrabaho ko umalis daw ng dalawang araw yung may-ari di ko alam kung saan magpupumta eh sayang wala yata akong magiging income nito eh."saad nito sa nanghihinyang na tono tumingin ako sa salamin at nakita ko ang mugto kong mata di rin pansin ni Elaine ang mugto kong mata dahil tutok ito sa sinasagutan nitong mga papers

"Umuwi ka na may pag-uusapan tayo"agad kong pinatay ang tawag narinig ko pang sasagot si Rosie pero buti na lang napatay ko yung tawag kaagad ayoko ng humba pa ang usapan naming dalawa

Umupo ako sa may bintana para makita ko kung nandyan na sila sa ibaba tumingin ako sa itaas nakita ko ang makikislap na mga bituin ngumiti ako ngunit naputol ang pag-iisip ko ng may marinig akong tawanan sa ibaba nandun na silang dalawa

Tiningnan ko ang orasan at maaga ng isang oras ang uwi ni riri ngayon ah?

Hinintay ko ang dalawa nakatayo lang ako at naka cross arms pa batid kong nakatingin si Elaine saakin

"Psst bunso ginagawa mo?Bakit ganyan postora mo?"tanong nito at niligpit ang mga ginagawa at nilapitan ako tiningnan ko siya

"Malalaman mo pagdating niya."kumunot ang noo nito at napatingin na lang saakin di ko alam kung tama ba itong gagawin ko pero alam ko masasagot nito lahat ng tanong ko

Bumukas ang pinto at mabilis akong naglakad papunta ky rosie at malakas na sampal ang binigay ko sa kanya nakatingin lang ito sa sahig habang nagulat naman ang dalawa sa ginawa ko

"Ivy!!"sabay na sigaw ng dalawa at hinawakan naman ni Riri si Rosie t humarap saakin si Rosie na lumalabas ang luha sa kanyang mga mata ngumiti ako at lumandas na rin ang luha ko sa aking mga mata

Tumingin ako sa kisame at bumuntong hininga ng dalawang beses

"B-bakit?"nauutal na saad ni Rosie

"Bakit?Gusto mong malaman ang sagot?Sige ito!Bakit di mo sinabing ikaw pala ang Ex-Girlfriend ni Lary!?"sigaw ko at nagulat naman ito at ganun din ang dalawa kong kaibigan sa sinaad ko

"Ex ni Lary si Rosie?"tanong ni Elaine saakin pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa kanya

"Oo ex nga niya."madiin kong ani at napa takip na lamang si Rosie sa kanyang bibig

"S-sorry ayoko kasing masaktan ka na yung kaibigan mo pa yung ex ng boyfriend mo."ani nito at sinubukang hawakan ang kamay ko ngunit iniwas ko ito tumawa ako at naoatingin naman saakin si Riri at elaine

"Masaktan?Mas masasaktan ako kasi naglihim ka!"sigaw ko at hinawakan siya sa balikat habang si Rosie naman ay umiiyak

"Sabihin mo nga kapag nagkikita tayong lahat nagkakaroon ba ng pagtataksil sa likod ko ha?!"git na sabi ko mabilis na umiling ng paulit-ulit si Rosie

"Hindi walang ganun!"

"Sabihin mo Rosie alam mo ba na si Lary ang nanliligaw saakin noon pa lang?"tanong ko at tumingin saakin si Rosie tumayo ito ng tuwid

"Hindi!Nalaman ko lang nung pumunta yung kotse niya dito at sinundo ka."ani nito at natawa na lamang ako hindi ako naniniwala sa kanya hindi niya alam?

"SINUNGALING!!!"sigaw ko at napapikit na lamang ito at mabilis akong tumakbo at umalis ng dorm

Di ko na alam....

Rosie

Di ko na alam kung anong nagyayare ngayon basta ang alam ko nandito ako sa isang kwartong puro katahimikan lamang ang naririnig kinuha ko ang phone ko at hinanap ko sa contacts ko si Lary

Di ko alam kung ganun pa rin ang number nito pero sige susubukan

Lary dialing

"Hello?"

"Masaya ka na?"tanong ko at alam kong nagugulat ito dahil tinawagan ko siya pero sana sumagot ito ng maayos

"Huh?"pumikit ako at napmura na lang sa sinabi nito

"Baliw ka na?"tanong ko at tumayo ako at narinig ko ang pagbukas ng pinto at niluwa noon si Elaine na nakatingin ito saakin ng masama

Siguro galit silang lahat saakin

"Sana masaya ka."ani ko at pinatay na ang tawag at pinuntahan ko si Elaine ngunit umatras lang ito at tumingin sa ibang direksyon yumuko na lamang ako at pumunta sa damitan ko nagukat ito ngunit siguro ito na lamang ang tamang magagawa ko sa mga oras na ito

"Anong ginagawa mo?"tanong nito saakin ngunit nginitian ko na lamang siga at nilagay na lahat ng damit ko sa bag na dala dala ko nung una akong pumunta rito

"Aalis ka?"tanong nito saakin at tumango na lamng ako pinunasan ko ang luha ko at humarap sa kanya

"Ayoko nasa darating na araw iba ang pakikitungo saakin ni Uvy ayoko rin na ako ang maging dahilan kung bakit ito laging badmood eh."natawa pa ako sa mga sinabi kong yun pero deep inside nasasaktan ako

Lecheng Lary yun!

Tumalikod ako at pinunasan ang luha ko at pinagpatuloy ang paglalagay ko ng damit sa bag ng niyakap ako ni Elaine sa likod

"Please maayos naman ito eh wag ka ng umalis?"ani nito na mas lalong nakapagpaiyak saakin inalis ko ang kamay niya sa bewang ko

"Sana nga."ani ko at kinuha ko na ang bag ko at mabilis na nilisan ang kwarto nang makalbas ako ay nakita ko si Elaine na nakatingin lang sa may bintana

Sa huling pagkakataon ay sinabi ko ang dalawang word at mabilis na tumakbo palayo para bumalik sa bahay ko at totoong tahanan ko

"Sorry!Thanks!"