webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
62 Chs

27

Sweetness

Third

Maagang nagising ang mga babae dahil kailangan nilang magsimba gusto lang nilang magpasalamat sa mga nagaganap ng makalipas na araw

"Ayiee kamusta naman kayo ni Lary aber?"ani ni Elaine di ito sang-ayon sa nangyare dahil hindi naman iyon ang misyon nila kaya sila pumunta ng Maynila

"Okay lang Elaine masaya naman.Elaine pakiusap kapah umuwi tayo sa probinsya wag muna nating sabihin kila Mama at Papa tyak magagalit yun."ani nito at nagmamakaawa sa tono ng boses nito umirap na lamang si Elaine at kinuha ang liptint nito

"Eh ikaw naman Riri paano sila kuya lucs sasabihin mo ba?"saad ni elaine at napaupo na lamang si Riri at tumingin sa bintana nilapitan naman ito ni Rosie at niyakap

"Nako!Sabihin mong balbon ka kung ayaw mong magka-gyera pag nalamang nila yan!Tagawag din yun sa probinsya buking na kayong dalawa."saad ni Elaine na nagpapangaral sa dalawa na animo'y isang nanay

"Opo nay!"ani ni ivy at tumakbo papunta sa C.R dahil mukhang babatuhin ito ni elaine ng kung anong mahawakan nito

Kinuha naman ni Riri ang cellphone nito at mabilis na nag-type sa kapatid para makipagkita pagkatapos ng kanilang pag-simba

Nang matapos magsimba ang makakaibigan ay bumili sila ng apat na sampaguita para kahit papaano ay mailagay nila duon sa picture ng panginoon

"Ahm, girls mauna na kayo kikitain ko pa kasi sila Kuya eh."ani ni riei at napatango na lang ang tatlo at umalis na

Naglalakad ngayon si Riri papunta sa Cafe na sinabi nitong meeting place sa bukana pa lang ay makikita na nito ang dalawang kapatid ngumite ito bago pumasok

Agad nitong nilapitan ang dalawang kapatid at niyakap ito

"Grabe kuya na-miss ko po kayo."ani nito at natawa na lamng ang dalawang binata at umorder ng pagkain

"Kamusta?"ani nito sa kanyang kuya eman napansin nito ang pangangayayat ng binata

"Ito ayos lang naman riri kailanagan kumayod para sa pamilya at dito sa kuya lucs mo."ani nito at ngumite ito sa kanya na sinuklian din niya

"Ikaw ayos ka lang ba?"tanong nito sa kanya lumunok muna ito bago sumagot

"Opo kuya!Nga pala kamusta na sila Mama?"tanong nito at si kuya lucs naman ang sumagot dito

"Ah sila mama maayos sila palagi silang tumatawag saamin kinakamusta nga eh di ka daw kasi tumatawag paminsan-minsan na lang daw ano bang ginagawa mo?"tanong nito at kinain ang waffle na may lamang hatdog at cheese

"Busy kuya eh lalo pa't my part time pa ako."tumango na lamang ang dalawang binata

"Kuya may ipagtataoat sana ako pero hayaan niyo po muna sana akong magpaliwanag."natawa naman si eman sa sinabi nito

"Hahaha bakit ba?Bakit parang sa tono ng pananalita mo parang nakagawa ng malaking kasalanan?"

"Iyon nga po eh!Wag po talaga kayong magagalit promis yan ah?"ani nito at tumango na lamang ang dalawa at himinga ng malalim ang dalaga nagtaoat na ito

"Kuya kasi ano-----May boyfriend po ako."kapwa natigilan ang dalawa sa pagnguya ng mga kinakain nito at nanlalaki pa ang mga mata

"Ano!?"sigaw nito na siyang kinatingin ng mga tao sa kanila

"Kuya huminahon kayo please?!"ani nito at pinaupo silang dalawa

"Paano ako hihinahon aber!?"napakamot na lamang sa ulo ang dalaga at pinilit nitong umupo ang dalawa na nagawa rin naman nito

"Ikaw bata ka!Kaya nga nandito para mag-aral tapos?!"galit na saad ni eman dito at tumingin sa labas habang si lucs naman ay nakatingin lang sa kanya napasimangot na lamang ito

"Kapag nalaman to nila mama hay nako susugod yun dito."inis na saad ni Lucs at uminom ng juice

"Kuya wag naman saayin lang muna nato!Wag kayo mag-alala sasabihin ko naman to kila mama kapag nakauwi na ako."ani nito at tumingin sa kanya ang dalawa

"Sino ba kasing lalake yan ha?Baka naman nag-aadik yan?O di kaya naman ay pasarap la--."mabilis na nabatukan ni Eman si Lucs sa sinabi nito

"Kuya!?"

"OA mo!Hayaan natin siya magpaliwanag."sumenyas na ipagpatuloy ni Riri ang pagsasalita nito

"Yun nga kuya Buwan din naman yung ligawan eh tyaka wag kayong mag-alala uunahin ko yung studies ko syempre nandito pa rin ang pangarap ko.Malayo yung estado naming dalawa Mayaman siya."ani nito at napayuko na lamang habang ang dalawa ay nanlalaki ang mata sa sinabi nito

"Mayaman?"tumango na lamang si Riri at uminom ng juice

"Hayshh mahal mo?"tanong ni lucs at napatingin naman si Riri sa kanya at tumango ito

"Sige di ito makakaabot kay mama at papa!Basta ipangako mong di makakaapekto yan sa grades mo ha!?Alalahanin mo sila mama at papa sila lolo't lola okay yung pamilya natin!Wag kang sasaktan nako ang kamao ko ang tatapos ng buhay niya"ani ni eman sa kapatid at agad namang tumango ang dalaga at mabilis na niyakap ang dalawang kapatid

"Salamat mga kuya!"niyakap din naman pabalik ng dalawang binata si riri

Nang makauwi si Riri ay nakita nitong tulog si Rosie at Ivy habang si Elaine ang gising dahil nanunuod ito nh favorite K-drama nito

"Adik ka talaga ano?"natawa na lamang si Elaine

"Walang pakielamanan!"umiling na lamang si Riri at naramdaman nitong nag-vibrate ang phone nito

*meet me please?*

-Vaigan

Napakunot naman ng noo si riri at nireplayan niya ito

*saan?*

-riri

Habang naghihintay ng text si Riri ay nagbihis ito ng pambahay at muling bumalik sa kama para sipatin ang text ni Vaigan sa kanya

*Tommorow Milky Cafe at 5:00 pm*

-Vaigan

Di na nagreply ang dalaga dahil gusto na rin nitong matulog

Kinabukasan ay nagising ito nh tanghali na gusto-gustong niya dahil nababawi nito ang mga araw na kaunti lang ang tulog niya

Lumabas siya at pumunta ng sala at nakita si Rosie na kumakain ng Chips na galing pa sa Convience Store

"Oyy enge!"ani nito at kumuha ng madami na siyang tingin ng masma ni Rosie dito

"Hingi lang pero halos kunin na lahat ng laman yung totoo hihinga ka ba?"ani nito at natawa na lamang ito at umupo sa tabi ni Rosie tinitigan niya ito

"Alam mo maganda ka."ani nito at napataas na lamng ang kilay nito sa lanya

"Nangbobola ka ba?"tanong nito at tinuon na lamang ang pansin sa chips nito

"Di nga totoo."umirap na lamang si Rosie dito."Anong trip mo?"natawa na lamang si riri at nilagay ito ang paa sa legs ni rosie at humiga

"Wala naman masaya lang."ani nito at tumango na lamang dito

"Di ako relate eh sorry kay Ivy ka na lang mag kwento ng mga magical mong experience."natawa ng malakas si Riri sa sinabi nito

"Bitter ka besh?"hinampas naman ni Rosie si Riri ng chips nito at mabilis na umupo ang dalaga at nilapit ang mukha nito sa dalaga

"May experience ka na ba?"ani nito na siyang kinagulat ng dalaga

"A-anong e-experience?"nauutal at pinagpapawisang saad ni Rosie sa dalaga natawa na lamang si Riri

"Ano bang experience ang nasa utak mo ha?"hinampas ulit ni rosie si riri dito sa pagkakataong yun ay nakailag si Riri

"Ikaw ha maduming utak yan!"

"Baliw ka!Wag ka na magtanong pag di specific!"ani nito at galit na galit

"Galit na galit gustong manakit!"hinabol ni Rosie ang dalaga at nakaabot ito sa labas ng dorm hiningal man ay nilapitan ni Rosie si Riri at inakbayan ito

"Huli ka balbon!"

"Wait nga ito kasi yung tanong ko EXPERIENCE sa love kasi yun!"natatawa saad ni riri at natawa sa mukha ni Rosie

"Okay i admit nagkamali ako."pagtataray ni Rosie dito at bumuntong hininga ito."Syempre kahit sino may experience na sa Love."ani nito at tinanaw ang mga btang naghahabolan sa kalsada

"Anong feeling?"

"Masaya,nakakakaba,nakakakilig pero nakakatakot."ani nito at sumeryoso ang mukha

"Nakakatakot?"tanong nito kay rosie tumango ang dalaga at humarap sa kanya

"Kasi hindi mo alam kung hanggang saan aabot ang relasyon niyo."sa di malamang dahilan ay napakalakas ng tibok ng puso ni riri sa sinabi ni Rosie

"Sa bawat araw di mo alam kung may mga bagay bang magiging hadlang sa pag-iibigan niyo."tiningnan ni Rosie si Riri at hinawakan nito ang bakikat niya

"Di sa lahat ng araw o panahon puro kilig lang ang mararamdaman mo minsan takot,kaba,at higit sa lahat bigat sa dibdib."ngumite ito bago umalis at pumasok sa dorm nito naiwang nandun si,Riri at nakatulala

'Bakit ganun kalakas ang impact na sinsabi niya?'

Dumating ang oras ng pagkikita ng dalawa nakita nito si Vaigan na nakaupo ang may kausap sa telepono pumasok ito sa Cafe na nakita rin naman ni Vaigan tumayo ito palapit sa kanya

"Hi."bati ni riri dito at tumango naman si Vaigan at hinalikan ang pisnge ng dalaga kinilig naman duon si Riri

"Bakit?Anong meron?"tanong nito sa lalake at nang makaupo ay hinawakan nito ang kanyang kamay tiningnan niya iyon at di niya alam kung bakit siya nasasaktan

Kumonot ang noo ng dalaga lumunok ito at tinaas ang kulay nito

"Tara may pupuntahan tayo."tumayo ang lalake at inalalayan ang dalaga sa pagtayo naguguluhan man ay sumunod na lamang ang dalaga

Dinala ni Vaigan sa Riri sa isang place na tanaw ang mga nagtataasang building natutuwa si Riri sa tagpong iyon

"Thank you sa pagdala saakin dito Vaigan ah?"ani nito at niyakap si Vaigan nagulat ang binata ngunit niyakap niya nalang rin ito pabalik at ngumite sa dalaga

"Basta para sayo."ani nito at nginitan ang dalaga sabay nilang pinagmasdan ang mga ilaw sa paligid kinuha ni Riri ang ohone nito at kinuhanan ng litrato

"Nga pala Vaigan kamusta ang araw mo?"tanong ni Riri dito tiningnan ito ni Vaigan at ngumite ng pilit

'Tsk!'

"Okay lang naman you made my day."pagpapakilig nito sa dalga na kinapula ng dalaga at pagngiti nito ng matamis

"Ikaw ha!Habang tumatagal ang lalakas na ng banat mo."natatawang saad ni Riri dito walang emosyon ang binigay ni Vaigan dito

"Kyryll!Bibili lang ako ng soda dito ka lang."ani nito at tumango na lamang ang dalaga at humiga sa damuhan habang hinihintay ang binata

Nang dunating ito ay agad binigay ni Vaigan ang mga binili nito at mabilis na kumain ang dalawa

"Alam mo vaigan ang swerte ko sayo."pipisilin na sana ni riri ang pisnge nito ng biglang paluin iyon ni Vaigan nagulat ang dalaga sa ginawa nito at di na lamang umimik

'Katangahan Vaigan!'

"Sorry ryl."ani nito at hinaplos ang pisnge nito ngumite ang dalaga at mukhang napawi ang tampo nito sa binata humiga ang dalaga sa damo ganun din ang binata

Sabay nilang pinagmasdan ang kalangitan na puno ng stars ngumite si riri sa ganda nito at pumikit uoang madama ang simoy ng hangin

Habang si Vaigan ay tiningnan na lamang ang dalaga sa pagkakataon na yun tumibok ng malakas ang puso nito at lumapit ito sa tabi nito

Inangat ng binata ang ulo ni Riri at pinatong ang knayang braso at duon inihiga nagulat ang dalaga ngunit ngumite na lamang ito sa binata nilagay ng binata ang kaliwang kamay nito sa kanyang likod ng ulo

Nagulat ang binata ng yumakap si Riri sa kanya ngunit hinayaan niya na lamang ito at tumingin na lamang si Vajgan sa langit

'Sana ganto tayo ngayon Trinity.'

Tumingin pataas si Riri at nakita nito si Vaigan na nakapikit ngumiti ito at unti-unti nitong nilalapit ang kamay nito sa tungke ng ilong ito ng dunikat ang binata

Sandaliang tumigil ang pagtibok ng puso ng dalaga sa mga oras na yun at mabilis na umupo ngunit bago pa makaupo ng tuluyan ay hinila ni Vaigan ito pahiga at hinawakan ang kamay nito

Nagulat ng dalaga hanggang sa nilagay ni Vaigan ang daliri ni Riri sa tungke ng ilong nito

'Please puso huminahon ka marinig ka ni Vaigan!'

Sa mga sandaling yun ay kinikilig ng lubusan si Riri at di nito alam kung anong gagawin nito sa mga iras na iyon...