webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
62 Chs

11

Nasa ilalim yung kamay ko!

Riri

Nandito ako sa shop medyo maraming tao pero okay lang self service din nga pala dito.Ako ang bahala sa paggawa ng cofee at pagsusulat ng pangalan nung may-ari nung cofee si ivy naman ang bahala sa mga cupcake at cakes na inoorder din ng costumer habang si Ate shay naman ang bahala duon sa cashier section

7:00 pm na rin 3 hours na lang at makakuwi na ako gagawin ko pa ang ilang works kong naiwan ganun din si ivy minsan nagkakatalo talaga kami sa time

Namimiss ko na ang pamilya ko kamusta na kaya sila?Sana okay lang sila

Nabalik ako sa huwisyo ko ng may marinig ako malilit na tili at bulungan.Nakita ko ang pagpasok ng limang lalake mukhang masasama ang loob dyosko wag naman sana

Pero habang papalapit sila nakikita ko ang isang pigura na pamilyar na saakin mukhang si Sir Lary yung nasa likod.Sinulyapan ko si Ivy at nakita ko ang paglaki ng mata nito at pamumula niya

Hay nako!

Umupo ang apat na lalake sa isang table di kalayuan saamin at lumapit naman si Sir Lary saamin agad akong bumati sa kanya

"Ahmm Kyryll gawan mo kami ng coffee dalawang Café Latte at tatlong Cappuccino.Ivy bigyan mo kami ng Cheese Cake okay?"tumango naman kami at bago pa makaalis si sir ay humingin ito saakin ng papel at sinulat ang mga pangalan ng taong bibigyan niya ng cofee

Nandun na rin ang kung sino ang mga may gusto ng latte at cappuccino

Habang ginagawa ko yung cofee ay tumingin ako sa kanila at nagtatawanan pa ang mga ito.Siguro matagal na silang magkakaibigan

"Ate shay?Magkakaibigan ba sila simula noon?"tanong ni ivy kay ate shay andito na naman siya sa pagiging chismosa sa nakaraan

"Ah,sila ba?Oo."pagsagot naman ni ate shay at tinulungan ako sa paggawa ng cofee bumalik na rin sa paglalagay ng cheese cake sa tray si ivy

Nilagay ko na ang pangalan ng mga lalake sa coffee at lumapit na sa amin si Sir Lary at binuhat ang cake na nilagay ni ivy

"Pare tulungan na kita."rinig kong pagtulong ng lalakeng naka shade hay nako naka shade pa gabi na di ko tuloy alam kong may araw pa kasi ang alam ko gabi na tsk..

Paglagay ko ng cofee sa table ay may humawak ng kamay ko na nakahawak sa kape at unti-unti akong napatingin sa humawak noon.Napakunot ang noo ko at tumingin sa kamay naming dalawa

"Miss kamay ko please."napatingin ako sa kamay namin aba't ang kapal nasa ilalim yung kamay ko pero siya pa ang nagsabi noon ang kapal talaga

"Hehehe!Sir kamay ko po yung nasa ilalim baka gusto niyo po ialis yang kamay niyo para maalis ko na rin ang kamay ko diba po?"ngumiti ako ng peke sa kanya nakakaasar ah!Simple simple pa tong mokong nato!

"Ay sorry!"at tuluyan na nga niyang inalis ang kamay niya at kinuha ang coffee niya pati na rin yung isa pa habang kinuha na rin ni sir lary ung tatlo pang natira

Di ko alam kung bakit ganun na lang ako kainis sa kanya pero i swear di ko bet ugali niya

Nung natapos yung duty namin ay natira na lang kaming walo dito nandito pa rin kasi yung mga kabigan ni sir ang sabi niya maglinis na lang kami at siya na ang bahala ang mag-sara nito dahil usually si ate shay ang nagsasara nitong shop

Habang nagmo-mop ako nitong floor nakikita kong pasulyap-sulyap yung lalakeng may shade kanina.Mukha siyang manyak sa ginagawa niya kinukutuban ako shet!

Matapos naming malinisan ang lahat ay nagpaalam na kami kay sir lary at sa kaibigan nito.Nakita ko pa ang tingin ng lalake saakin

"Ah wait girls!Hayaan niyong magpakilala ang friends ko para kung sakaling pumunta sila dito you know them na."ani ni sir lary at uminom ng kape nito at nagpakilala na nga sila isa isa

"Hi i'm joshua!"sa datingan ng lalake na to mukhang sweet lover itong lalakeng ito

"Ken!"siya yung matangkad sa kanilang lahat siguro basketball player toh

"Ryan!"meron itong suot na salamin ang nerd niya tingnan pero lumalabas pa rin ang kagwapuhan niya

"Vaigan."sa lahat ng nagpakilala siya ang may pinaka malamig na boses parang bossy ganun

Tumango na lamang kami at akmang paalis na sana ng magsalita yung joshua

"Pwede rin bang introduce niyong sarili niyo?"tanong niya at tumingin kami kay sir lary at tumango ito saaming tatlo nauuna na si ate shay sunod si ivy at ako

"Ivy Yana Verdoza."nakangiti nitong sabi at nag-bow sa kanila habang ako ito di ko alam bakit kinakabahan ako lahat sila nakatingin saakin

"Ahmm....Kyryll Barcelona pero riri na lang."nag bow din ako pagkatapos kong magsalita

"Bakit naman riri eh kyryll ang pangalan ml?"tanong nung ken saakin tumingin na lamang ako lay sir lary

"Ah sir lary kailangan na po naming umuwi may mga paper works pa po kaming kailangan tapusin."nakamgiti kong saad at tumango siya saamin

"Sige mag-iingat kayo."ngumiti ma lamang kami at umalis na ayaw ko talaga sagutin yung tanong nung ken na yun pake ba nila?yun palayaw ko eh

"Oyy!ang gwapo nung mga kaibigan ni sir lary noh?Pero mas gwapo siya hihihi."napairap na lang ako sa kawalan oo aaminin ko gwapo pero di ako attractive sa kanila as in never!

Nang makaratingna kami sa dorm ay nandin na yung dalawa at may ginagawa na assignment nandoon sila sa kanilang study table agad kong binaba ang aking bag sa kama at umupo nakakapagod ring tumayo ilang oras din yun

Hinanap ko ang phone ko at agad na denial sa pamilya ko mga 5 minutes lang dapat ang mabawas sa oras ko para magawa ko pa ang ilan kong paper works

Habang nagri-ring yung phone ay kinuha ko na yung mga gagawin ko at nang may makita akong math problem di gagana yung utak ko ngayon kaya naman binigay ko yun kay ivy alam ko namang isang tingin pa lang nun alam na niya ang sagot matalino kasi sa math

"Patulong."tiningnan iyon ni ivy at ngumiti saakin at kinuha niya iyon saakin

"Thanks sa riddle!"natawa ma lang ako

Narinig kong sinagot na ang ohone call ko kaya nagpaalam muna akong dyan lang sa sala para makausap ang aking pamilya

"Ma!"ani ko at narinig ko ang pagsasalita ni papa kay mama

"Nak riri?"patanong pa ang sagot niya diba naka-sabe itong phone number ko sa kanila?

"Opo ma!kamusta ka po kayo?"tanong ko at tumingin sa labas nagkikislapan ang mga bituin sa langit sana nakatingin rin si mama dyan

"Okay lang nga pala may dapat kang malaman."ani nito sa seryosomg tono mukhang may problema sila ah?

"Si kuya eman at kuya lucs mo nanjan sa maynila."napatigil ako saglit at naglo-loading pa saakin ang mga sinabi ni mama

Kasi bakit naman pupunta sila kuya dito?Anong gagawin nila rito?Tyaka saan sila kumuha ng pera pag punta dito?

"Nak?anjan ka pa ba?"tanong niya sumagot naman ako na-oo na may patawa pa

"Bakit po sila nandito?"tanong ko at rinig ko ang pagnuntong hininga ni mama

"Kasi gusto nilang magtrabaho dyan samantalang si lucs naman gustong mag-aral dyan sabi naman ni eman siya na ang magpo-provide sa kapatid mo kaya pumayag na rin kami."ngumiti na lamang ako Hay nako kahit kailan talaga mag-utol talaga iyong dalawang yun walang iwanan eh

"Eh ikaw?kailangan mo ba ng pera ha?naubos na ba ang pera mo padadalhan ka namin anak."

"Di na ma!May part time po ako rito yun po ang gagamitin ko po para sa gastusin ko di naman po ganung kabigat ang trabaho mama!Bukas ko na po kayo tawagan ma gabi na po may gagawin pa po ako text niyo na lang po kung nasaan sila kung ano pong nangyare sa kanila ngayon pati po phone number po!Bye na po!"agad kong pinatay ang phone call at bumalik nasa loob ng kwarto at nagsimula ng gumawa ng works ko

Naiisip ko kung nasan na sila kuya ngayon?Kung nasaan sila natutulog kung kumakain ba sila hayss

"Nasan na kaya sila kuya?"