webnovel

THE POWER

Samantala, sa loob ng palasyo kung saan tanging ang mga may dugong bughaw lang ang pwedeng pumasok, naka-tayo sa loob ng treasure vault sina Ravi at Agartha. Nasa loob na sila ng lokasyon kung saan naka-baon ang soul bead na kailangan nilang makuha. Ilang kawal ng palasyo ang sumubok na harangan sila, subalit dahil sa kapangyarihan ni Agartha ay walang kahit isa na nagtagumpay.

Kanina, bago ang earthquake.

"Senior brother, Ravi. According to my divine vision, the general of all the guards will use his power to provoke the founder of this kingdom whom actually Rowel's father. By then, we can use that opportunity to dig in this area." Ani Agartha habang nakapikit dahil pinapanood niya ang mga nangyayari sa labas ng palasyo.

"Sigh.. Antagal mo na dito sa Terra Crevasse pero hanggang ngayon, hindi ka prin marunong gumamit ng lengwahe ng mga taga-mundong ilalim?" Reklamo ni Ravi.

"I.. I can still understand your language tho?"

"Yun lang ang? Paano kung may taong hindi ka maintindihan? Tsk! Sabagay, kapag nag-tagumpay si Master na buksan ang portal na kumokonekta sa lahat ng firmaments, makakabalik ka na rin sa mundo nyo."

"Yes. That's why we have to hurry and get the soul bead before those people noticed us." Sagot ni Agartha. "Quick! Take your position, Loxim will now going to... Ugh! Dig now!" Mariin ang bawat kataga na sambit ni Agartha na mabilis ding sinunod ni Ravi.

Sa ilang sandali pa, kasabay ng lindol na ginawa ni Loxim sa labas ng palasyo, mabilis na naging dragon ang katawan ni Ravi at bumulusok pailalim sa lupa. Kailangan din nilang makaalis sa palasyo sa lalong madaling panahon dahil na rin alam nila na magkaka-gulo ang mga tao sa nasabing kaharian.

Samantala, sa labas ng palasyo.

Nasa harapan ng mag-amang Sefyola ang mga tauhan ni Loxim. Lahat ay naka-handa nang umatake. Mabilis na bumaba isang metro mula sa pwesto ni Ramil ang Acon. Naka-alerto din ang monster na ngayon at kilala na ni Rowel na isang spirit beast, ayun kay Veronica.

"Loxim, alam mo ba kung ano ang pwedeng maging resulta sa ginagawa mo ngayon?" Madilim ang anyo na tanong ni Ramil sa lalakeng madilim din ang anyo habang naka-tingin sa kanya.

"Ako ang dapat na mag-tanong nyan, former leader. Alam mo ba na isang pag-tataksil sa grupo ang ginagawa mo ngayon? Alam mo na mortal na magka-away ang Drakaya at ang mga Huluwa ng Chuswar Kingdom. Pero pinili mo pa rin na kausapin ang lalakeng yan?!" Sagot ni Loxim habang dinuduro si Rowel.

"Baka nakakalimutan mo, ako ang nag-tatag ng palasyo na ito. Ako din ang kumupkop sa inyong lahat. Higit sa lahat, anak ko ang dinuduro mo ngayon."

Ang tono ng boses ni Ramil ay nananatiling mahinahon subalit may pagdidiin. Naka-titig siya sa mga mata ni Loxim habang nag-sasalita. Samantalang si Loxim ay bahagyang napa-flinch. Totoong lahat ang unang sinabi ni Ramil. Noong tumatakas sila kamatayan na pinakawalan ng tyrant king ng Drakaya, ang inakala nilang kaaway na si Ramil ang bukas palad na tumulong sa kanila. Dinala sila ng leader ng Embers dito sa Chuswar kingdom. Pinakain at binigyan ng maisusuot kasabay ng salitang nagsasaad na mortal na kaaway na nila ang sino mang galing sa Drakaya.

"Hindi namin nakakalimutan yun. At lalong hindi rin namin nakakalimutan na ikaw din ang may sabi sa amin, na dapat patayin ang sino mang tao na nanirahan at kakampi ng Drakaya. Kaya ngayon, ibigay mo sa amin ang lalaking yan. Masakit man sa loob mo, we have to kill that... Ugh!"

Bago pa matapos ni Loxim ang kanyang sinasabi, isang bolang apoy na ang tumama sa kanyang sikmura. Subalit dahil naka-suot siya ng protective armor, tanging ang lakas ng impact lang ang kanyang naramdaman.

"Sino ka para utusan akong isuko ang anak ko sa iyo upang paslangin mo lang?! Sa palagay mo ba pipiliin ko ang grupo mo kesa sa anak ko?!"

Sa ngayon, malakas na ang boses ni Ramil. Humuni na rin ang Acon kasabay ng pag-pagaspas ng pakpak ng spirit beast. Si Loxim naman ay tiim ang mga bagang na mabilis ding naka-bawi.

"It seems that, ang dating leader ay kaaway na natin ngayon. Konti na lang ang myembro ng EMBERS, marami tayo. We can easily defeat them! Soldiers hear my command, kill those traitors!" Malakas na sigaw ni Loxim.

Dahil panay Huluwa ang naka-tira sa Chuswar kingdom, nakaramdam ng konting kaba si Ramil para sa kaligtasan ng anak. Oo at malakas siya lalo pa at mayroon siyang alagang Acon. Subalit sa dami ng mga Huluwang kaharap niya ngayon, ang pinagsamang kapangyarihan ng mga Embers ay hindi sapat upang maubos nila ang mga kaaway.

"Rowel, umalis kana dito. Kung totoo nga na kayang buksan ng kaibigan mo ang portal pabalik sa mundo natin, please tell your mother that I'm sorry. Masaya ako na nakita kita ulit kahit saglit lang. Mahal na mahal kita anak.."

"Pa, enough. Ngayon na alam ko na buhay ka, hindi ako papayag na hindi kita maisasama pabalik sa mundong ibabaw." Putol ni Rowel sa sinasabi ng ama. "These people are all greedy of powers. Alam ko na hindi lang dahil sa sitwasyon ngayon ang dahilan kung bakit gusto kang patayin ng Loxim na yan. Gusto niyang makuha ang buong kaharian na ginawa mo." Ani pa ni Rowel habang naka-tingin kay Loxim na bahagyang natigilan.

Subalit saglit lang. He suddenly burst out laughing. "Hahaha! Yes, but so what?! Kailangan ko lang naman patayin ang founder at ako na ang magiging hari ng Chuswar. Ako ang nagsumikap na palakasin ang pwersa ng buong Chuswar, habang ang ama mo na leader ng Embers ay walang ibang ginawa kondi ang hanapin ang lagusan na imposible naman na makita. He's crazy! At dahil dyan, hindi siya karapat-dapat sa titulo ng leader!" Sigaw ni Loxim kasabay ng kanyang pag-talon sa kanyang pwesto na nagresulta ng malakas na pag-lindol.

Kasunod nun, parang nabalot ng iba't ibang kulay ang buong kasundaluhan ng Chuswar. Ang kanilang kapangyarihan ay kasalukuyang naka-lutang sa kanilang uluhan, handa nang itapon sa pwesto ni Ramil. Sa isang iglap lang din, ang buong myembro ng EMBERS kasama ang Acon ay napalibutan ng fire ball barrier. Si Rowel ang kasalukuyang naka-lutang sa ere at siya rin ang gumawa ng barrier. Ang sitwasyon ay nagpapatunay na mangyayari ang isang malawakang massacre sa buong Chuswar kingdom.

Chapitre suivant