Matagumpay na nakuha nina Ravi at Agartha ang Soul bead na nakabaon sa ilalim ng Palasyo ng Chuswar. Paglabas nila ay sumalubong sa kanila ang nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng labing-limang EMBERS at ang mahigit 600 na kasundaluhan na pinamumunuan ni Loxim.
Habang pinoprotektahan ni Rowel ang grupo ng ama nito ay umaatake naman sila. Dahil sa protective barrier na ginawa ni Rowel, hindi alam ng lahat na siya ang tumatanggap ng damage sa bawat kapangyarihan na direktang tumatama sa barrier. Ang Acon ay patuloy naman bumubuga ng apoy at sinisikap na sunugin ang mga tauhan ni Loxim na gumagamit din ng wine of chaos, Water whirlpool at Earthquake upang labanan ang Acon. Masyadong tagilid ang sitwasyon at hindi pabor sa grupo ni Rowel ang pagkapanalo. Konti lang sila, at kahit gamitin pa ni Ramil ang kanyang poisonous whip, kitang-kita ang resulta ng pagkatalo sa kanilang grupo.
Isang malakas na roar ang pinakawalan ni Ravi ng makita niyang sumuka ng dugo si Rowel. Si Agartha naman ay mabilis na nag-transform sa kanyang orihinal na anyo. Nawala ang fire barrier ng EMBERS, pansamantalang nahinto ang lahat at parang slow-mo na napa-lingon si Ramil sa pwesto ng anak na ngayon ay unti-unti nang bumabagsak mula sa pwesto nito kanina.
"Rowel..!!!" Magkasabay na sigaw ni Ravi at Ramil sa pangalan ni Rowel.
Gamit naman ang kapangyarihan ng isang Divinian, kinontrol ni Agartha ang isipan ng mga Huluwa na kalaban ng EMBERS. Bagamat sa dami ng mga ito, natatakot siya na hindi tatagal at makakawala din sa kanyang mind control ang lahat. Ang Acon ay bumaba din sa lupa dahil sa pagod at patuloy na pag-labas ng kapangyarihan.
"Rowel.. You idiot! Why did you use your own inner force para gumawa ng barrier?!" Malakas na bulyaw ni Ravi sa kaibigan.
Walang nakakapansin ng panginginig ng kanyang buong katawan. Ramil is holding his son in his arms habang kabado din. Habol kasi ni Rowel ang hininga habang nakapikit. Ang kanyang bibig ay patuloy na lumalabas ng dugo dahil sa internal damage na natanggap ng kanyang katawan.
"Anak! I'm sorry, I'm sorry. Hindi ko alam na inner force mo pala ang pumoprotekta sa amin. Umatake ako ng umatake sa kalaban habang tinatanggap ang kanilang atake." Naiiyak na sambit ni Ramil sa anak.
Hindi magawang makapagsalita ni Rowel dahil sa damage sa loob ng kanyang katawan. Si Agartha naman ay pinag-papawisan narin at bahagyang nanghihina na. Kapag nawala ang mind control sa kalaban, walang choice si Ravi kundi ang lumaban narin. Subalit mas importante ang kaligtasan ni Rowel.. Because.. Because.. Because Rowel is his master's friend.
"Don't sleep..! Wait for me. I'mma kill these people!" Puno ng galit na turuan ni Ravi.
Sa isang iglap lang, ang kanyang mga mata ay kumislap ng Electricity. Ang kanyang mga braso ay nagkaroon ng kaliskis. Ang kanyang mahabang buhok ay bahagyang nag-laro sa hangin. Iniunat niya ang kanyang kamay sa deriksyon ng kalangitan at gagawa na sana ng makapal at maitim na ulap nang bigla na lang siyang natigilan sa malakas na sigaw ni Ramil. Nilingon niya ito at doon niya nakita ang pag-bagsak ng kamay ni Rowel sa lupa. He's dead...?
"N-No.. No, no. You fucker don't die!"
Malakas na sigaw ni Ravi kasabay ng mabilis niyang paglapit kay Rowel. Yes, Rowel is no longer breathing. At pailan-ilan narin lang tibok ng kanyang puso. Sa madaling sabi, he is now walking in the path of death. Lalong naging mabalasik ang anyo ni Ravi at kahit si Ramil ay napa-upo din ng pabagsak sa lupa.
Isang malakas na energy wave ang pinakawalan ni Ravi kasabay ng kanyang pagbabalik sa kanyang orihinal na anyo as dragon. Bilang kanang kamay ng Suzerain, Si Leviathan Ravine ay nakatanggap ng kapangyarihan na hindi nalalayo sa kapangyarihan ng kanyang master. Dahil dun, sa isang malakas na roar na kanyang ginawa, nabalot na water wall ang buong kasundaluhan ng Chuswar. Si Agartha naman ay tuluyan ng nabuwal sa lupa at naputol ang kanyang mind control sa mga kalaban. Dahil dun, lahat ng sundalo ay alam na ang nangyayari.
"D-Drakaya?! Ang dyos ng Drakaya?!" Bulalas ng mga Huluwa na kitang-kita na ang takot sa kanilang mukha.
"T-totoo nga ang dyos ng Drakaya? Ibig sabihin, siya din ang gumawa ng protective barrier ng Drakaya kingdom at nag-annihilate sa buong Sediorpino kingdom?!" Ani ng isang intel ni Loxim.
Si Loxim ay nanatiling walang imik. Alam niya ang kwento tungkol sa Dragon na tinatawag ng mga Drakanians na kanilang Hari. Bata pa lang siya ay bukambibig na iyon ng kanyang ama't ina. At ngayon ay hindi siya makapaniwala na kaharap na niya ito ngayon.
"You weaklings! Dare to hurt my Rowel?!" Halos mabingi sila sa malakas na boses ni Ravi.
Subalit sina Ramil at Agartha ay bahagyang napa-kunot noo. Bakit parang may mali sa sentence na ginamit ng dragon? Nagkamali ba sila ng narinig?
Sa muling pag-roar ni Ravi, parang napayungan ng makapal at madilim na ulap buong kalaban. At sa kanyang muling pag-roar, bumagsak ang malalakas na kidlat na tumatama na ngayon sa mga Huluwa sa ibaba. These people are born in Terra crevasse. Ang kanilang mga magulang ang galing sa mundong ibabaw. Sa madaling salita, wala silang alam sa tinatawag na mundong ibabaw.
Ilang sandali pa, ang malalakas na sigaw ng mga Huluwa ang maririnig sa loob ng water wall. May iilan na sumisikap na labanan ang kapangyarihan ni Ravi. Kaya lalong nagalit ang Dragon. Huminto lang siya nang marinig ang mahinang tibok ng puso ni Rowel. Napalingon siyang muli dito at tsaka muling nag-anyong tao.
"He's going to die anytime soon. We should bring him to Master Veronica." Ani Agartha.
"No.. Kahit dalhin pa natin siya kay Master, it'll be too late. There's only one solution then." Nanginginig na sagot ni Ravi.
"Solusyon? May sulusyon pa? Please, sir, God. Help my son.." Mabilis namang lumuhod si Ramil sa harap ni Ravi at ilang beses na nag-kowtow.
Isang paraan ng pagsusumamo sa mga Dyos. Bagamat hindi siya pinansin ni Ravi.
"Dragons have 7 hearts. Iyan ang dahilan kung bakit may pitong moon ang Terra Crevasse. And those moons representing me. Sa bawat pagkawala ng aking mga puso, mawawala din ang mga moon sa kalangitan. Subalit kasabay nun ang pag-babago ng klema ng buong mundo ng Terra crevasse." Nagsimulang mag-kwento si Ravi.
"What's gonna happen, then?" Tanong naman ni Agartha.
"Sabi ni Master noon. Kapag nawala ang mga moon sa kalangitan, bibilis ang takbo ng panahon. Mag-sisimula ang pag-kabuo ng mga pwersa sa mundong ilalim at aangat sa karagatan ng mundong ibabaw. Magkakaroon ng kakayahan ang mga ito na magkaroon ng sariling kapangyarihan na kayang sumira sa mundong ilalim. Kasabay nun, ang unti-unting pagsakop ng kadiliman."
"Well? Why are you telling us that?" Pagkikibit balikat ni Agartha habang paminsan-minsan ay sumusulyap sa mga Huluwa na unti na lang natitirang nakatayo.
"Because, from this moment on, magsisimula nang magbago ang Terra crevasse at ang karagatan ng mundong ibabaw." Sagot ni Ravi kasabay ng kanyang hiwa sa kanyang dibdib.
"Wait! Are you crazy?! You're going to give your heart to him?!" Awat ni Agartha.
Si Ramil naman ay napa-kurap din at napa-upo ng tuwid. Nag-tatanong ang kanyang isip kung ano ang nangyayari.
"Why not? I'd rather choose to lost one of my heart than to lose him." Makahulugang sagot ni Ravi.
Sa isang iglap lang, ang inaakala nilang puso, I mean, hugis puso at may dugo dapat, at isa palang kumikinang na cystal na kasing hugis ng moon sa kalawakan. Inilapit ni Ravi ang kanyang "puso" sa may dibdib ni Rowel at hinayaan i-absorb iyon ng bawat tibok ng puso ni Rowel. Kasabay nun, ang bahagyang pag-bigat ng magnetic force sa lupa. Ang kalangitan ay biglang dumilim at ipinakita ang pagkawala ng isang moon.
Sa Hanaj Kingdom, ang dalawang lalake na naglalaban ay bigla ring natigilan. Wala silang alam kung ano ang nangyayari. Ang mga tao naman sa Drakaya kingdom ay ganun din. Nilukob ng takot at pagkabahala.
Samantalang sa isang sulok ng buong mapa ng Terra crevasse, isang crack sa illusion barrier ang gumising sa natutulog na nilalang na naka-kulong doon. Ang nasabing nilalang ay inilagay doon ni Nyuweko upang siyang pumatay sa Dyos na mag-tataksil sa kanya. Ilang sandali pa at muling lumiwanag ang buong Terra crevasse.
Back to Chuswar kingdom, binalot ni Ravi ng water transportation ang buong grupo kasama ang mga EMBERS habang karga niya si Rowel na ngayon ay wala parin malay bagamat alam niyang buhay na. Bumalik sila sa Hanaj dala ang Soul bead. Ang mga tao naman ng Chuswar ay tuluyan nang pinatay ng kidlat ni Ravi.
Hanaj kingdom, Sabay na napalingon ang dalawang lalakeng sugatan subalit patuloy parin na naglalaban. Sina Yohan at Clewin. Ang dalawa ay naglalaban dahil ang isa ay gustong kunin si Veronica, habang ang isa naman ay pinoprotektahan si Veronica.
"What the hell?" Gigil na sambit ni Ravi habang naka-tingin sa dalawang humihingal pa.