webnovel

CHAPTER 85 - A LITTLE BACK STORY FROM JESSICA

CHAPTER 85 - A LITTLE BACK STORY FROM JESSICA

----------

PENELOPE THOMPSON POV

Time Check: 4:00 pm

Nandito pa din sa hospital sina Enzo at Noah. Sumunod din dito ang beshie ko pati na din si Lucas pero hindi din sila nagtagal dahil masama ang pakiramdam ng beshie ko kaya nagpaalam din silang umuwi. At maya maya naman ay ang Mommy and Daddy ko ang dumalaw kay Ethan.

Naalala ko na hindi ko pa nga pala nabanggit sa kanila ang nangyari kay Ethan pero naintindihan naman nila ako dahil simula nung nag iispam ng text sa akin si Jacob ay hindi na ako nag bubukas ng phone. Kaya hindi ko na din nabalitaan sina Mom and Dad about sa nangyari.

Nalaman lang daw nila dahil sa balita. Agad din nila akong kinamusta ganun na din ang kambal.

"Healthy naman po sila Mommy, wala naman pong dapat ipag alala. Inaalagaan din po ako nina Mommy Isabel at Daddy Albert," nakangiting sabi ni Penelope.

Panatag naman sila Mommy lalo kapag nalalaman nila na si Mommy Isabel at Daddy Albert ang nag aalaga sa akin. Kitang kita din naman nila kung paano nila ako alagaan. Umiigi igi na din ang lagay ni Dad dahil hindi na siya naka wheelchair ngayon at nakakalakad na siya mag isa. Pero nandyan pa din si Nurse. Austin para alalayan siya.

Lumipas ang isang araw...

Napagdesisyunan kong matulog sa tabi ng asawa ko. At pagmulat ko, nakita ko na nakatingin lang siya sa akin at nakangiti. Hindi pa makapag salita ang asawa ko dahil may naka kabit pa sa kanya na oxygen mask. Hinahakawan lang ni Ethan ang kamay ko habang pinagmamasdan.

I can see how strong Ethan is. Hindi man lang siya umiiyak. Hawak hawak niya lang din ang tyan ko. I kissed his forehead at hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog na ulit ako.

ETHAN SMITH POV

Ang sakit pa din ng likod ko hanggang ngayon. Ramdam na ramdam ko pa din ang sakit kahit na may gamot akong pain killer. Sobrang gusto ko nang gumaling dahil namiss ko nang tugtugan ang kambal. Yun kasi ang nagiging bondin time namin every night and morning eh.

Nang makatulog ulit sa tabi ko ang asawa ko, nakaramdam din ako ng antok at nagising na din ako.

Hanngang sa nagising ako ng bandang 11 pm dahil sa gamot ko. Napansin ko din na wala na sa tabi ko ang asawa ko.

At pagmulat ko ay nasa tabi ko na din pala ang tinuturing kong bunsong kapatid dahil ganun na lang ako kaprotektado sa kanya. She was just talking to me, pero hindi naman ako makasagot dahil sa oxygen mask. May heavy breathing pa din kasi ako sa ngayon.

"Kuya, magpagaling ka po ha. Wag ka pong mag alala nag papakabait naman po ako. Miss na miss na po kita Kuya Ethan." wika ng umiiyak na si Jessica ang matagal nang assistant ni Ethan.

Hanggang sa nakita kong pumasok sa room ang asawa ko, kasama si Enzo na may hawak pang kape.

"Akala ko kabisado mo na dito. Naligaw ligaw kapa talaga. Hahaha." wika ni Penelope sa kausap nitong si Enzo habang walang kamalay malay na nakatingin pala sa kanila si Ethan.

"Kaya nga e. Pano ba naman kasi ang dami na ding pinagbago nitong Hospital." tugon ni Enzo sa kausap na si Penelope sabay higop ng mainit niyang kape.

*Enzo coughs!

"Buset ka bro! Hahaha. Muntik ko nang mabuga tong kape. Grabe ka naman makatingin sakin bro. Hahaha." natatawang sabi ni Enzo nang makita ang kaibigan na nakatingin sa kanya.

Nakakainis! Sumakit tuloy ng bahagya ang likod ko dun, natawa din kasi ako nang makita ko yung muntikang pagbuga ni Enzo ng ininom niyang kape. Well, kaya lang naman ako ganito dahil iniisip ko na baka nga pinopormahan na ni Enzo ang Asisstant ko lalo ngayon na hindi ako nakabantay. Pano ba naman kasi, nung announcement ng kasal namin ni Penelope nun eh nagsabi akin si Enzo na interesado nga sya sa Assistant ko.

"Ohh? Hon, gising kana pala? Nalagyan na pala ng gamot yang swero mo. Sabi nga sakin ng nurse na baka bukas daw eh tanggalin na yang oxygen mask mo."

ENZO GOMEZ POV

"Nga pala hon, etong si Enzo ang aga aga daw na nandito sa sabi ni Mommy. Sabay pa nga sila ni Jessica na dumating ehh."

Nako yare, baka mamaya kung anong isipin ni Ethan sa nasabing yun ni Penelope. Nagkasalubong lang naman talaga kami nang makapunta sa dito sa Hospital e.

"Ohh, hon? Ano ba yan? Bawal ka pang gumalaw!" wika ni Penelope sa biglang pag galaw ni Ethan nang marinig na magkasabay si Enzo at Jessica na pumunta ng Hospital.

Napangiti nalang ako sa may gilid. Hay nako, etong kaibigan ko na to wala talagang tiwala sa akin ilang beses na nga akong nagsabi sa kanya na nagbago na ako. Never na nga akong sumama kay Noah simula nang makita ko si Jessica.

"Oo nga po kuya, baka mapano ka po." pag aalala ni Jessica sa patuloy na paglikot ni Ethan.

"Haha. Kalma bro, nagkasabay lang naman talaga kami ng Assistant mo. Diba Jessica?" pagpapaliwanag ni Enzo ng nakangiti kay Jessica at Ethan.

Tumango lang si Jessica.

Hanggang sa kumaen na kami ng tanghalian. Ako na ang sumagot ng tanghalian namin nagpaorder nalang ako sa restaurant ng food like Adobo, Sinigang na request ng buntis at Kare kare para kina Tito at Tita at ang paborito ni Jessica na Spicy Beef Ramen at meron pang mga sushi, kimbap, at may wasabi. Nalaman ko yan nang mai-stalk ko ang IG niya. Hahaha.

ETHAN SMITH POV

Aba talaga naman. Nagtabi pa tong dalawa(Enzo at Jessica). Kung nakakagalaw lang talaga ako, ako na ang maghiwalay sa dalawa na yan.

"Hon, kaen tayo. Tabihan nalang kita para may kasama ka." wika ni Penelope na may bitbit na pagkaen sa tabi ni Ethan.

"Ohh? Hon? Ano nanaman ba yan? Wag ka ngang magalaw at matatanggal yang swero mo." pag aalala ni Penelope.

PENELOPE THOMPSON POV

Kanina pa matigas ang ulo nito ni Ethan, kanina pa siya galaw ng galaw tapos nakatingin lang kay Enzo at hmm?

Ahh gets ko na! Kay pala! Mukhang may something nga.

"Hoy! Enzo! Kaya naman ni Jessica na kumuha ng pagkaen niya hayaan mo na siyang gawin yun. Mamaya maparami pa ang lagay mo." nakangiting pag saway ni Penelope kay Enzo na inaasikaso si Jessica sa pagkuha ng pagkain.

At napatingin bigla ang asawa ko. Kaya napabulong tuloy ako sa kanya.

"Grabe, type pala ng kaibigan mo yang si Jessica kaya pala kagabi late na din yan(si Enzo) umuwi. Inantay nya pa siguro na mag out ang Assistant mo tapos kanina ang aga aga daw. 9:00 am palang nandito na. Wag kang mag alala ako ang bahala sa dalawa na yan lalo kay Enzo." bulong ni Penelope kay Ethan na sa wakas ay kumalma na.

After naming kumaen ay maya maya lang nag paalam na din si Enzo dahil may aasikasuhin lang daw ito sa negosyo niya. Kaya nagkaroon ako ng chance na kausapin si Jessica about kay Enzo.

"Sorry kung matanong ko ha. Pero kayo naba?" deretsahang tanong ni Penelope kay Jessica na medyo nahihiya pa kay Penelope.

"Ah, hindi po ate. Wala pa po sa isip ko yun." tugon ni Jessica.

"Isa pa, focus po ako sa trabaho ko. Gusto ko lang po kasing suklian yung sakripisyo sa akin ni Kuya(Ethan). Dahil ilang taong niya din po akong pinag aral at inalagaan." pag oopen up ni Jessica.

Nakwento nga sa akin ni Jessica ang mga natulong sa kanya ni Ethan at nung araw din na kinupkop siya sa bahay ampunan. Di nanaman tuloy maiwasan na ma-touch at maluha sa kwento na yun. Kaya pala ganun nalang kung protektahan ni Ethan si Jessica. Pero feeling ko naman na nasa wastong edad na din naman si Jessica. Nakwento niya nga din na never pa syang nagka boyfriend.

"Eh kelan mo balak magka boyfriend?" curious na tanong ni Penelope.

"Uhm, Baka nga po hindi na ako mag boyfriend eh, natatakot po kasi ako,"

biglang naging emosyonal si Jessica.

"Sorry, Ate. Pero naaalala ko kasi nung bata ako na madalas nag away ang Mommy at Daddy ko. Madalas din silang nagkakasakitan. Natatakot akong mangyari din sa akin yun." pagbabahagi ni Jessica sa kanyang mabigat na nakaraan.

"Tapos nung nawala din ang magulang ko, pinagmalupitan din ako ng mga Tito at Tita ko. Palagay ko po na halos lahat ng nakakasama ko sinasaktan lang ako."

Nagulat ako sa mga ibinahaging iyon ni Jessica. Napakadami niya palang napagdaanan simula nung bata pa lang siya. Pero buti nalang pinagkatiwalaan niya si Ethan na alagaan siya.

"Hindi din naman po naging madali ang lahat. Inaamin ko po na natatakot din ako nung una pero hinayaan lang po ako ni Kuya(Ethan) na makapg adjust at makuha ang tiwala ko. Sobrang bait po ni Kuya Ethan. Dati po magkatabi lang ang bahay namin sa may condo niya hanggang sa makatapos ako sa kurso ko na Business Administration ikinuha na niya ako ng sarili kong condo dito malapit sa Hospital. Nung una po talaga dapat eh ojt lang dapat ako bilang Assistant niya hanggang sa naisip ko na para mabayaran ko si Kuya sa mga sakripisyo nyo eh sa kanya nalang ako magsilbi kahit habangbuhay na Assistant pa niya." masayang kwento ni Jessica.

Bilib din ako sa pagiging matatag nitong si Jessica. Wala siyang katulad. Lalong tumaas ang respeto ko sa kanya. Pero wish ko din naman sa kanya na someday ay mawala ang takot niya na magtiwala at magmahal. Dahil super deserve niyang mahalin dahil alam ko kung gaano siyang kabuting bata. 

Chapitre suivant