webnovel

CHAPTER 86 - ETHAN AND PENELOPE'S BUNSO

CHAPTER 86 - ETHAN AND PENELOPE'S BUNSO

---------

PENELOPE THOMPSON POV

Mahigit dalawang linggo din ang makalipas at tuloy tuloy ang pag galing ng asawa ko. Nakakatayo na siya at nakakapag lakad na din. Natanggal na din yung oxygen mask niya. Ang ginagamot na lang sa kanya ay yung sugat niya. Kaya umaga at gabi ay nililinis namin yun.

Time Check: 10:00 pm tulog na silang lahat kami nalang ni Ethan ang gising dahil kailangang gamutin ng sugat niya.

"Aray! Aray hon! Ahh! Mmm. Ang sakit grabe. Hon! Dahan dahan please." wika ni Ethan habang pinapahidan ng gamot sa likod.

"Dahan dahan naman hon a. Sorry. Eto dadampi ko na ulit okay?" tugon naman ni Penelope.

"Okay. Ahh sh*t ang sakit talaga hon e. Ahh!"

MOMMY ISABEL SMITH POV

Nagising kami sa ingay nila Ethan. Dito na kami sa kwarto ng room ni Ethan natutulog dahil unti unti naman na siyang gumagaling,

"Isabel my love? Ang ingay naman ata ng dalawa?" wika ni Don Albert na bigla nalang nagising sa langitngit ng hospital bed.

"Ayy anong gagawin ko? Istorbohin ko yung dalawa?" tugon naman Madam Isabel na bagong gising lang din.

"Ano kaba? Bawal pa ang anak mo sa ano at baka bumuka ang tahi!" pabulong na sabi ni Don Albert.

Kaya wala naman akong choice kundi bumangon. Pero hindi ko naman alam kung paano sila papahintuin sa ginagawa nila. Hayy nako itong dalawa na to, porket gumaling na si Ethan talagang hayy nako naman wala na akong masabi. Pinakinggan ko muna sila sa may pintuan at baka huminto din naman.

"Ahh hon! Sige pa, hindi pa basa oh." wika ni Ethan kay Penelope.

Nako naman! Pano yan? Hindi pa daw basa. Jusko po!

Unti unti ko nang binuksan ang pinto para masilip kung tapos na ba sila at mapagsabihan ko na din. At habang binubuksan ko...

"Hala Hon, parang bumuka ng konte." wika ni Penelope.

"Ang alin hon?" tugon naman ni Ethan.

"Ayy! Puk* mong malake!" pagsigaw ni Madam Isabel nang magulat ito at tuluyan na ngang nabuksan ang pinto at gulat na gulat sina Ethan at Penelope.

Bwisit tong Alberto na to binato ako ng unan sa pwetan ko nagulat tuloy ako!

"Ahh ohh gising pa pala kayo? Ano bang ginagawa niyo kasi? medyo nanginginig pa na tanong ni Madam Isabel.

"Eto Mommy, nilinasan ni Penelope yung sugat ko. Nagising ba namin kayo?"

"Nagising ang Daddy mo Ethan, bat ang ingay nyo kasi? Akala namin kung ano na yang ginagawa niyo."

"Di ko naman mapigilan na mapa aray kasi ang sakit ng gamot na nilalagay sakin e. Hirap tiisin, Pero wag kayong mag alala tapos nakong lagyan ni Penelope. Diba hon?"

"Opo, Mommy. Hehe, pasensya na po."

Pabalik na sana ako ng kwarto nang may naalala akong gusto kong itanong sa kanila.

"Ehh ano yung bumuka kamo na sabi niyo?"

"Bumuka? Ahh yung tahi po yun Mommy. Akala ko bumuka hindi naman po pala. Hehehe. Pasensya na po Mommy. Di na po kami mag iingay." tugon na nakangiti ni Penelope kay Madam Isabel.

"Okay, matulog na din kayo ha. Wag nang kung anu ano pang gawin. Yung mga bawal wag gagawin ha. Sige, matulog na kami." paalala ni Madam Isabel sa mag asawa.

ETHAN SMITH POV

Nagkatinginan kami ng asawa ko nang pumasok na si Mommy sa bedroom nila ni Dad.

"Nakakagulat naman ang Mommy mo Ethan. Nagising pala natin sila. Ingay mo kasi e." wika ni Penelope.

Natatawa tawa nalang ako dahil parang na-gets ko yung ibig sabihin ni Mommy.

"Ohh? Bakit ka tawa ng tawa dyan?" tanong ni Penelope sa bigla nalang tumawa na si Ethan.

At nakwento ko kay Penelope na feeling ko nga akala ni Mommy na may ginagawa kaming kung anuman. At sabay na kaming nagtawanan. At natulog na din pagkatapos.

Kinabukasan...

Time Check: 8:00 am

Nakapag breakfast na kami at tapos na ding lagyan ng gamot ang likod ko. Sinabihan na din ako ng Doctor na mamaya ay pwede na akong madischarge dito sa Hospital. Niready ko na yung gamit, sakto wala ang asawa ko kaya susurpresahin ko siya pag dating niya dito.

Nang magulat ako sa aga ng aking bisita.

"Enzo? Wow! Ang aga naman ng maalalahanin kong kaibigan a." biro ni Ethan sa kaibigan na si Enzo.

Napangisi lang si Enzo sakin. Sabay abot ng dalang prutas sa akin.

"Nakakatayo kana pala bro no?" tanong ni Enzo nang makita na nakapaglakad na ang kaibigan.

"Syempre bro, magaling ang mga Doctor dito eh. Ang bilis ko bang gumaling?" nakangiting tanong ni Ethan sa kaibigan.

"Hahaha, bro? Bat parang may laman yang sinasabi mo? Hahaha. Natutuwa nga ako na magaling kana." nakatawang tugon naman ni Enzo.

At sa kasamaang palad? Hahaha. Biglang dumating sina Penelope kasama ang Assistant ko na si Jessica.

"Ohh kuya!" gulat ni Jessica nang makita na nakatayo at naglalakad lakad si Ethan.

Niyakap agad ako ni Jessica sa tuwa.May dala silang food dahil nagutom daw bigla ang asawa ko habang nasa mall sila kanina.

"Buti naman kuya magaling kana! Namiss kita!" naiyak sa tuwa na sabi ni Jessica.

"Tahan ka na nga, mamaya mahawa pa yung Ate Penelope mo sa pagiging iyakin mo eh. Hahaha." nakatawang sinabi ni Ethan kay Jessica at bigla nalang din itong natawa sa sinabi ni Ethan.

"Hahaha, mukhang magaling kana nga kuya. Nagbibiro ka na eh." nakangiting tugon ni Jessica.

PENELOPE THOMPSON POV

Nagulat ako dahil pagkarating namin ay parang ang ayos ng room ni Ethan? Wala namang mag aayos dahil wala sina Mommy Isabel at Daddy Albert dahil may mga pasok na sila.

"Hon? Sino nag ayos nitong mga gamit?" nagtatakang tanong ni Penelope nang makitang naka ayos ang kanilang mga gamit sa hospital.

"Hahaha! Nahalata mo agad ha." tugon ni Ethan sabay pakita ng release paper kung saan pwede nang madischarge ang asawa sa Hospital sa anumang oras na gugustuhin nito.

OMG! Napayakap ako sa asawa ko dahil sa tuwa.

"Aray ko Hon! Dahan dahan naman. Alam kong masaya ka. Hahah. Pero pag bumuka yan mag iistay pa din tayo dito. Hahaha." biro ni Ethan sa asawa.

Hanggang sa nag aya na ang asawa kong umuwi. Magpapaalam na din sana sina Enzo at Jessica kaso gusto silang isama ni Ethan sa bahay namin. Na-excite tuloy ako dahil maigagala din namin sila sa bahay namin. Nung gender reveal lang naman sila nakapunta sa bahay eh, pero hanggang pool area lang sila.

Ginamit na sasakyan ang sasakyan ni Daddy Albert na Mecedes Benz 300 dahil sa apat kaming pupunta sa bahay at para maluwag luwag din kami.

Nakatulog ako sa byahe kaya hindi ko namalayan nasa bahay na pala kami. Ginising nalang ako ng asawa ko nang bababa na kami ng sasakyan.

Pagkauwi ay nilibot agad namin sina Enzo at Jessica sa bahay namin. Pinakita din namin sa kanila ang secret room nitong bahay. Ang office ni Ethan na matatagpuan sa ilalim nitong bahay namin.

Manghang mangha ang dalawa sa mga nakita nila.

ETHAN SMITH POV

"Wow! Bro! Ang angas naman dito. At nasa underground talaga a? Parang kailangan ko ding mag pagawa ng ganito kapag nagpatayo ng ako ng sarili kong bahay kasama ang mapapangasawa ko." wika ni Enzo habang lumulibot sa underground office ni Ethan.

"Hahaha. Ayos ka dun bro a. Di halatang may pinariringgan ka. Hahaha." wika ni Ethan sabay apir kay Enzo.

Hanggang sa nag 7:00 pm, naisipan namin na magpicnic sa may rooftop namin habang nag sisight seeing sa mga bituin. Actually, kaya naisipan kong ayain sina Jessica at Enzo dito sa bahay namin ay bilang pasasalamat ko sa kanilang dalawa dahil sila ang dalawang masipag na dumalaw sa akin. Di man araw araw pero nakikita ko na binibigyan nila ako ng time para bisitahin.

Pero syempre yung ibang kong kaibigan ay naiintindihan ko din naman. Dahil sa text naman sila nangungulit sa asawa ko. Tsaka isa pa, gusto ko din na magkakilala pa itong si Enzo at Jessica. Aware naman sa motibo ng kaibigan ko e. At nararamdaman ko naman na desidido siya sa bunso bunsoan kong kapatid.

Sinabi niya nga sakin na kahit naman na magkaibigan lang daw muna sila ay okay lang sa kanya. At natuwa naman ako sa nasabi niya na yun. Ibig sabihin nun e, nirerespeto niya si Jessica at para na din makilala niya ang bunso kong kapatid nang maigi. Dahi lagot talaga siya sakin kapag pinaiyak niya ang kapatid ko.

Habang kumakaen kami, kanya kanyang moment. Tumutugtog ako para sa kambal ko na tuwang tuwa sa tiyan ng Mommy nila.

ENZO GOMEZ POV

Binigyan ako ng malaking opportunity ni Ethan para makilala ko si Jessica. Kaya lulubos lubosin ko na. I feel na naiilang pa din si Jessica sa akin. Hindi ko din malaman kung bakit ba ganito ako sa kanya. Parang nakakaramdam ako ng hiya. Hindi tulad sa mga nakasama ko noon na sungab agad pero pagdating kay Jessica parang natatakot ako. Kahit lumapit o kausapin siya.

*Enzo coughs

"Sorry, Ahm. J-jessica? Kamusta? Ayos ka lang ba? Kumaen kana? Haha, buti naman. Ako nga pala si Enzo. Uhm. Pwede ba kitang ayain na lumabas paminsan minsan? Pwede? Talaga?"

Knock! Knock!

"Enzo bro? Matagal ka pa ba dyan sa cr? Naiihi na ako e." wika ni Ethan na nagmamadali,

Naku, naiihi si Ethan. Nagpapraktis pa man din ako ng sasabihin ko kung sakaling nasa harap ko na si Jessica.

Agad naman akong lumabas.

"Tagal mo naman bro."

Hayy, at paglabas ko nakita ko na nagbabasa si Jessica kaya umupo ako sa tabi niya.

"Hi." pagbati ni Enzo sa noo'y nagbabasa na si Jessica.

Hindi siya sumagot. Naku po. Ang sakit, na snob ako dun ah.

"Ahh sorry, nagbabasa kasi ako eh." nakangiting tugon ni Jessica dahil sa kanyang binabasa.

Hala grabe, yung ngiti niya. Lalo akong nabighani dun a. Kahit gabi na pero sa ngiti niya, parang lumiwanag bigla ang paligid.

"Hehe, okay lang. Ano ba yang binabasa mo?" nakangiti ding tugon ni Enzo.

"Ahh, eto ba? Romeo and Juliet. Bago ko lang tong babasahin. Bakit? Nagbabasa ka din ba?" tugon at tanong na din ni Jessica.

Naku, paano ako mag mamaimpress nito? Pero natatandaan ko dati nung bata ako nakapagbasa nga ako ng libro dahil may libro din ang Mommy ko dati. Ano nga ba ang title nun? Hmm..Naalala ko na!

"Oo, nakakapag basa din ako paminsan minsan. Alam mo yung "The Fault in our stars?" favorite ko yun eh." pagkukunwari ni Enzo.

"Huh? Talaga? Hindi ko pa yun nababasa eh. Pero ang dami ngang nagsasabi sa akin na maganda nga yun. Anong kwento ba nun?" tanong in Jessica na manghang mangha sa librong nabanggit ni Enzo.

Nako! Patay na. Bakit kasi ako nag sinungaling eh. Yung cover lang naman talaga ang tinignan ko nun. Naku po.

"Ahh. Ang n-nangyare dun? Hehehe. Di m-mo pala alam. Hehehe." sabay kamot sa ulo si Enzo.

Buti nalang talaga at sakto ang pag aya sa amin ni Ethan na kumaen na ng inihaw nila na barbecue. Kaya agad kaming nagtayuan at kumaeng muli.

PENELOPE THOMPSON POV

Time Check:10:00 pm

Balak pa sana namin na dito na din sila patulugin kaso hindi daw pwede si Enzo dahil maaga daw siya with his client tomorrow kaya nauna na siyang umalis. Samantalang si Jessica ay nagpasyang dito na muna magpalipas ng gabi.

Hindi ko alam kung pinaglilihian ko ba itong si Jessica. Basta natutuwa ako tuwing kasama ko siya. Kaya nirequest ko nga kay Ethan na kung pwede ay dito na muna tumuloy sa bahay namin si bunso. Hindi pa namin napapaalam kay Jessica. Pero sana pumayag siya.

Chapitre suivant