webnovel

Chapter 4

Kinabukasan ng umaga, sabay nang pumasok sa school sina Alex at Toni. Ngunit hindi maipagkailang mayroon ng pagbabago sa samahan nila, tila may kulang.

Halos wala silang imikan. Sa parte ni Toni, alam niyang may kirot sa puso niya. Alam niyang maraming bagay ang magbabago sa mga susunod pang mga araw. Simula palang ito ng unti - unting pagkabuwag ng samahang nabuo ng maraming taon.

Isang simpleng 'bye' lang ang binitawan nila sa isa't isa bago naghiwalay sa campus.

Expected ng dalagita na hindi siya nito isasabay sa recess time, pero nagkamali siya. Dahil nakaabang na ito paglabas niya ng classroom.

"On time ako, kaya sana hindi ka na magtatampo sa akin. And flower for you".

Lumambot naman agad ang puso niya. Nakangiti na siya nang tanggapin ang gumamela. It reminds her the first time na bigyan siya nito ng bulaklak.

"Thank you",aniya.

Isinabay na nila si Trisha sa canteen.

Akala niya okay na ang lahat, pero the moment na masaya na silang nagmemeryenda, dumating si Bea. Nakangiti itong bumati kay Alex bago sa kaniya.

Paano nga ba niya nagawang kainisan ang babae kung mabait naman pala ito sa kaniya? Dahil inaagaw lang naman nito ang bestfriend niya sa kaniya.

"So Toni, how is Alex as a friend?", tanong nalang nito bigla.

Nagkatinginan sila ni Alex bago niya sinagot ang tanong ng babae.

"She's the best",simpleng sagot niya.

"Wow, i hope we can be good friends as well",sagot nito na lalo pang nagpainis sa dalagita.

"That wouldn't be impossible Bea",sagot ni Alex na may kasama pang matamis na ngiti.

She tried to hide her emotions to herself, pero di niya iyon maitago kay Trisha.

Nang magring ang bell, hudyat ng pagkatapos ng recess time, tumayo agad ang dalagita.

"Mauna na kami ni Trisha"aniya nang tumayo na rin ang kaibigan.

"Bye Toni. Maybe we can hang out sa bahay nila Alex mamaya after school?"

"I have something to do later"sagot agad niya.

Bakit ba nagdedesisyon nalang ito ng ganun ganun nalang? Hangout sa bahay nila Alex? As if close na close na sila.

"Ohh, then kami nalang ni Alex. Have fun".

Hindi na siya lumingon pa ng iwan ang mga ito. Kumukulo ang dugo niya sa babaeng iyon.

"Medyo hindi ko gusto ang ugali ng babaeng iyon. Hindi kita masisisi kung bakit ka inis sa kaniya"ani Trisha nang pabalik na sila sa classroom.

"Nagdedesisyon na siya nang ganun-ganun nalang. Who give her the right to do that?".

"Ramdam niya seguro na wala namang problema kay Alex. Narinig mo naman ang sinabi ni Alex sa kaniya".

Hindi umimik ang dalagita. Tinanggal niya ang bulaklak na nakaipit sa likod ng tainga niya at pinagmasdang maigi, saka napabuntung hininga. Kailangan na niyang sanayin ang sarili na magkaroon ng karibal kay Alex. Lalo na seguro ngayong nagkakagusto na ito. Hindi naman siya maaaring maging girlfriend nito. They were just best friends. And sooner or later, baka maging dating bestfriends nalang sila. Coz she can't stand to think of Alex being with someone else romantically. Kahit anong sabi niya sa sarili na 'no big deal', nasasaktan parin siya.

The main reason why?

Hindi niya parin alam.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Gulat na gulat si Toni sa biglang pagdalaw ni Trisha sa kaniya pagsapit ng hapon. Kakatapos lang niyang gawin ang mga assignments niya nang magdoorbell ito sa gate. Ngunit hindi ito nag-iisa.

"Toni, this is Ian my cousin, and this is our makulit na kapitbahay, Aaron",pakilala ni Trisha sa dalawang kasama.

Nakipagkamay ang dalagita sa dalawa. Halos magkaedad lang ang dalawa, and two years older sa kanila ni Trisha, kaedad lang din ni Alex.

And she can't help admiring Aaron's look. Ang guwapo nito.

Ipinakilala niya rin sa parents niya ang dalawang lalaki , since kilala na nila si Trisha.

"Cute si Aaron",bulong ng mommy niya na ikinangiti niya.

"Pero wala munang ligaw-ligaw anak ha?",dugtong din nito agad.

"Mom, i'm fourteen. Siyempre wala pa",sagot naman agad niya.

"Good".

Iniwan din sila ng mga ito sa sala matapos ipagserve ng ina ng juice ang mga bisita.

Nagkwentuhan sila at nalaman ng dalagita na nag-aaral sa ibang high school ang dalawang lalaki. Hindi niya maipagkailang magaan agad ang loob niya kay Aaron. Maliban sa guwapo ito, masarap pa kausap. At napapansin niya ang madalas nitong pagtitig sa kaniya.

Nagbigayan rin sila ng landline number, wala pa siyang hand phone dahil hindi pa siya pinapayagan ng magulang na magkaroon ng sariling kaniya. Hindi naman issue iyon sa kaniya. Makapag-antay pa siya ng ilang taon.

Pagkalipas ng eight ng gabi, nagpaalam na ang mga ito since pareho silang may pasok pa sa school kinabukasan.

Nang ihatid niya sa labas ng gate ang mga ito, tamang tama namang nasa labas rin ng kabilang gate si Alex, kasama si Bea. Kasalukuyang nagtatawanan sina Toni at Aaron nang makita sila ni Alex, at nawalang bigla ang ngiti nito sa nakita.

"Hi Alex",bati ni Trisha rito.

Lumapit ito sa kanila, kasunod si Bea.

Kay Toni lang ito nakatingin ngayon.

"Akala ko ba may gagawin ka. Hindi mo man lang sinabi na may mga bisita ka pala",anito sa tonong galit.

"Unexpected ang pagdating nila Trisha", sagot rin ng dalagita sa tonong katulad rin nito.

Tumingin ito sa dalawa niyang katabi.

"This is Ian,and Aaron",aniya.

Hindi man lang ito ngumiti, or nakipagkamay.

"Ihahatid ko lang si Bea sa taxi stand sa labas ng subdivision",anito at agad tumalikod na wala man lang pasabi sa dalawang lalaki.

"Is she okay?",tanong ni Aaron sa kaniya. Si Alex ang tinutukoy nito.

"I think so",sagot niya.

"Is she a lesbian? Parang astig kasi kung magsalita at gumalaw",komento naman ni Ian.

Si Trisha ang sumagot.

"Matagal na. She is Toni's bestfriend, at iyong kasama niya ay nililigawan niya yata".

"Akala ko boyfriend ni Toni".

Napatingin si Toni kay Aaron at napakunot noo.

"How could you say that?,tanong niya.

"Obvious kasi sa reaksyon niya na hindi niya nagustuhang may kasama kang iba. I maybe wrong, so stop looking at me like i have grown two heads",anito sabay tawa.

"Sorry, it just that you are right of being wrong about her reaction. Nagulat lang yun",aniya.

Nagpaalam muli ang mga ito at naglakad patungo sa gate ng subdivision.

Segurado siyang makakasalubong pa ng mga ito si Alex.

Nang nakapasok na siya sa loob ng bahay, mayamaya lang ay sumugod si Alex sa bahay niya.

"Who are they?",tanong agad nito pagkabukas niya ng gate.

"Trisha's cousin and friend",simpleng sagot niya.

"At anong ginagawa nila rito sa inyo? Akala ko ba buisy ka kaya hindi ka makajoin sa amin ni Bea? And now, makikita ko nalang na ang saya saya mo kasama sila? Kakakilala mo lang sa kanila, pero feeling close na agad kayo?".

Shocked na napatitig rito ang dalagita. Funny how it turns out, na siya dapat ang nagagalit dahil sa pag-snob nito kila Aaron at Ian, pero heto at ito pa ang galit sa kaniya.

"Nasabi ko na sa'yo. Unexpected ang pagdating nila. At bakit ka ba nagagalit ng ganyan? Masaya ka naman na kasama si Bea buong araw diba? So why don't you let me be happy too. Why don't you mind your own business, while i'll do mine".

Pakiramdam niya, sasabog rin siya.

Hindi ito nakapagsalita. Pagkaraa'y nagyuko ng ulo at lumambot ang ekpresyon ng mukha.

"I'm sorry",anito.

"We better go to sleep na Alex. Good night".

Itinulak niya ito palabas ng gate saka pinagsarhan.

This is the first time na nagkasagutan sila, and she is not happy about it.

At hindi niya mapigilan ang pagtulo ng mga luha.

.

.

.

.

.

Chapitre suivant