webnovel

Chapter 5

Nagdaan ang mga araw simula ng gabing nagkasagutan sina Toni at Alex. Hindi na sila magkasabay pumapasok sa school.

Hindi na rin sila magkasama sa recess time. Iniiwasan din ni Toni na pumunta sa mga lugar na puwede silang magkita or magkasalubong.

Maging sa bahay ay laging nakasara ang kurtina ng bintana niya sa kwarto para hindi ito makita.

Isang hapon na narinig niya itong may kausap sa gate. Papaalis na sana siya papunta sa bahay nina Trisha.

Nanatili siyang nakatayo doon, hindi siya tumuloy lumabas lalo na nang marinig ang malakas na tawa ni Bea.

Maging ang ina ay napansin na rin ang pag-iwas niya sa bestfriend niya. Sinabi niya lang na nagkatampuhan sila.

Sa part ni Alex ay hindi rin naman ito nag -e-effort na suyuin siya. Mukhang masaya pa ito na hindi na siya ang kasama nito lagi, kundi si Bea na.

Isang umaga, araw ng linggo pagkatapos nilang magsimba kasama ang mga magulang, kinausap siya ng mga ito. Nasa loob sila ng coffee shop.

"Anak",simula ng ama.

Hindi alam ni Toni kung bakit tila napaka importante ng sasabihin ng mga ito.

"Tinanggap na ang application na pinasa ko sa isang hospital sa California".

"Wow, daddy congrats. Thats wonderful",excited niyang turan. Matagal nang pangarap ng ama makapagtrabaho sa California.

"Salamat anak. At alam mo na seguro kung ano ang ibig sabihin nito diba?".

Natahimik siyang bigla.

"Iiwan mo kami ni Mommy dito?",aniya mayamaya.

"Hindi Toni, hindi ko kayo iiwan ng mommy mo. What i mean is, aalis na tayo ng Pilipinas. Kasama sa kontrata ang makasama ko kayo. Doon na tayo maninirahan habang doon ako naka-assign",paliwanag ng ama.

Now, that was a big shock for her.

Hinawakan ng ina ang kamay niya.

"Doon mo na ipagpatuloy ang pag-aaral mo anak.We will be leaving next month",anito na lalong nagpagulat sa kaniya.

Next month? eh kakasimula palang ng second year niya sa high school.

"I know na it will be hard for you anak",anang ama."But i want you to be tough. Para rin ito sa future mo. Sana, you will be ready by then".

Ngayon palang, naisip na niya ang buhay na iiwanan niya rito, ang mga kaibigan niya mga kaklase, kapitbahay, teachers, si Trisha, lalong lalo na si Alex.

At malaking adjustment ang mangyayari kapag nasa ibang bansa na sila.

But this is her fathers dream, she should be willing to sacrifice for him too.

Sa ngayon, kailangan niyang sulitin ang mga natitirang linggo para makasama si Alex. Kailangan na nilang magkabati.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Humalik pisngi ng ginang si Toni.

"Madalang ka nang pumarito sa bahay ah. Masyado bang buisy sa pag -aaral?",tanong ni Mrs.de Guzman.

"Medyo po tita eh. Si Alex po ba nasaan?"

"Nasa kuwarto niya, pero may kasama".

Napakunot noo siya.

"Sino po? Sunday po ngayon, dumating po ba si Tito Alvin?".

Isang piloto ang ama ni Alex, kaya madalas itong wala sa kanila.

"Bukas pa uuwi ang Tito Alvin mo. Ang kasama ni Alex ay iyong new friend niyo,si Bea?".

Himdi na nga maganda ang balitang binigay ng ama, ngayon naman mas nadagdagan pa.

"Ganun po ba? Sige po tita, next time ko nalang po kakausapin si Alex".

"Huh? Bakit di mo nalang akyatin sa itaas?".

Umiling siya.

"Huwag na po. May kailangan pa pala akong tapusing Science project, muntik ko na makalimutan. Sige po Tita Mabel, uuwi muna ako".

Humalik uli siya sa pisngi nito at nagmadaling umalis.

Hindi na niya ito nilingon nang tawagin nito ang pangalan niya.

Tuluyan na nga segurong mawawala si Alex sa kaniya. Seguro, time na rin para sanayin ang sarili dahil mawawala na rin naman siya sa buhay nito after a month.

Dumiretso siya sa bahay nila, kumuha ng water bottle sa kusina at umakyat sa kwarto. Lumapit agad siya sa bintana, at mula sa kinatatayuan ay kitang kita niya ang dalawa sa kabila.

Tumutugtog ng gitara si Alex habang nakangiti naman si Bea habang pinapanood ito. Nang mapatingin sa dako niya si Alex, nagkasalubong ang kanilang mga mata at unti -unti itong tumigil sa pagtugtog. Nakita niya itong tumayo palapit sa bintana, pero hindi na niya hinintay na makalapit pa ito. Isinara na niya ang kurtina, at para narin hindi pa marinig ang mga ito, isinara narin niya pati bintana.

Binuksan niya ang ilaw ng kwarto at naupo sa gilid ng kama. Napatingin siya sa photo frame na nakapatong sa side table niya.

She and Alex, in her elementary graduation. They look so happy, dahil naalala niyang napakasaya nga nila that time dahil magkakasama na sila sa iisang school. But now that it happened, they are not happy anymore. Everything had change since Bea came along in just a short period of time.

She cried again. She cried for lossing her bestfriend. She cried because in a few weeks, they won't be seeing each other again. She cried because for the first time, she realize that she had a huge crush on her bestfriend.....

...........................................................................................❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤......

Chapitre suivant