webnovel

Chapter 28

"Kung kanina mga girls ang naglaway, mga boys naman ang tulo laway ngayon!" Tawanan ang ilan sa mga bisita at hiyawan naman ang mga lalaki at kabilang dito ang mga nasa tabing lamesa nila Luke. "More! More!" Sabi pa ng mga ito.

"Papatulan ko na talaga 'tong mga 'to." Napatingin ang mga kasama ni Luke sa kanya. "Cap, wala tayong magagawa. Hindi lang maganda si Doc, sexy at talented pa kaya tiyak na madami talaga ang hahanga sa kanya." Sabi ni Aziz. "Hindi pwede!" Inis na sabi ni Luke na kinakunot ng noo ng mga kasama. "Cap, single si Doc." Sabi ni Darwin. "Taken na siya at ako ang boyfriend niya!" Sabay-sabay na napatingin sila Aziz, Bowie, Ceasar, at Darwin sa kanilang Captain.

"Alam namin na gutom na kayo pero promise, pagkatapos nito ay sabay-sabay na tayong lalafang." Muling nagsalita ang emcee na kinatawa ng lahat.

"Dahil nagsimula tayo sa twist, susundan pa ulit natin ito ng isa pang twist. Tinatawagan ko ulit ang mga bridesmaids at groomsmen pati nadin ang ating best man at maid of honor na may pinakamadaming fans sa ating mga bisita." Hiyawan ang mga lalaki para kay Valerie at tiliin naman ang mga babae para kay Luke.

Siniko ni Mia si Valerie ng makita nitong papunta sa table nila si Luke. Nang makalapit na ng tuluyan ang binata sa dalaga ay inilahad nito ang kamay niya na nakangiti naman tinanggap ni Valerie. Ang akala ng dalaga ay hahawakan lang siya sa kamay ni Luke pero nagulat siya ng hapitin siya nito sa bewang.

Ramdam ni Valerie na iba ang mood ng binata. "May problema ba?" Tanong niya. "Wala, naiinis lang ako. Bakit kasi ang ganda mo?" Natawa si Valerie mula sa nadinig mula sa binata. "Naiinis din ako eh." Ganting sagot ni Valerie. "Ha? Bakit? May nambastos na ba sa'yo?" Muling natawa si Valerie. "Bakit kasi ang gwapo mo?" Si Luke naman ang natawa.

"May alam ka ba na di ko alam?" Tanong ni Abigail sa asawa ng makita niya ang sweetness ng dalawa. "Sila na." Maikling sagot ni Andre. "Ano'ng sila na?" Kunot-noong tanong ni Abigail. "Mag boyfriend-girlfriend na sila Luke at Valerie." Nanlaki ang mga mata ni Abigail at nagpalipat-lipat ng tingin sa binata at dalaga. "What? Kailan? Paano?" Sasagot pa sana si Andre sa asawa pero tinawag na din sila ng emcee.

"Ganito ang ating gagawin. Kung dati ay ang bride ang naghahagis ng bouquet, baligtarin naman natin ngayon. Mrs. Guevarra, pakibigay na po ang bouquet sa inyong asawa." Ganoon nga ang ginawa ni Abigail. Natawa ang lahat ng nagkunyaring babae si Andre ng tanggapin ang bulaklak mula sa asawa.

"At dahil ang groom ang maghahagis ng bouquet, syempre ang sasalo ay ang mga boys." Tawanan ang mga bisita.

"Okay, ready boys?" Sabay-sabay na tumango ang mga ito. "At the count of three...one..." Nagulat ang mga lalake ng bigla ng ihagis ni Andre ang bouquet habang hindi pa nakahanda ang mga ito. Hiyawan ang lahat ng si Luke ang nakasalo.

"Uy, si Mr. Best Man ang nakasalo. May I know your name please." Tanong ng emcee na tinapat ang microphone sa binata. "Luke." Tilian ang mga kababaihan.

"Tapos na tayo sa boys, girls, ready na ba kayo?" Tumango naman sabay-sabay ang mga ito. "Dahil si Luke ang nakasalo ng bouquet, he'll do the honor para pumili kung sino sa girls ang gusto niyang bigyan ng bouquet kaya lang parang wala ng thrill kasi nakita n'yo ba yung nakita ko kanina!?" Nakangiting tanong ng emcee na nakatingin kay Valerie. Ang iba ay tumango, ang iba naman ay nagkunot ng noo.

"So, Luke, kahit alam ko na ang sagot dahil sa pagiging possessive mo kanina, para lang sa mga hindi nakakita, sino ang bibigyan mo ng bouquet?" Tumingin si Luke kay Valerie at dahan-dahan lumapit sa dalaga.

Halos lahat ay kinikilig lalo na sila Mia at Abigail. Sila Emma at Lucy ay ganoon din. Kanina ay nabanggit na ni Emma sa mag-asawang Damian at Lucy ang nalaman nila mula kay Luke at gaya nila ay natuwa din ang mga ito ng malaman na magkarelasyon na ang kanilang mga anak.

"Naku, mga girls at boys, sorry pero I smell romance in the air." Sabi ng emcee ng iabot ni Luke kay Valerie ang bouquet at inalalayan na ito papunta sa gitna ng venue.

"Okay! Bago tayo magstart, na-iintriga lang talaga ako sa dalawang ito eh." Nakangiting sabi ng emcee at tumabi kila Luke at Valerie. "Miss Maid of Honor, your name please." Tanong ng emcee. "Valerie." Maikiling sagot ng dalaga. "And what's your relationship with the newly wed?" Muling tanong ng emcee na tinapat muna ang microphone kay Luke. "Bestfriend." Sagot ni Luke. "Bestfriend." Sagot din ni Valerie ng sa kanya naman tinapat ang mic. "BFF pala. Eh kayo, ano kayo?" Biglang tanong ng emcee sa dalawa na ikinapula ni Valerie.

"Ooohhh, nag-blush si Miss Valerie." Sabi ng emcee na ikinangiti ng lahat. "Mr. Luke, para lang sa kaalaman ng lahat at ng matigil na ang kakatulo ng mga laway ng ating mga kalalakihan at kababaihan dito, are you in a relationship with Miss Valerie?" Tanong ng emcee. "Yes!" Mabilis na sagot ng binata at napuno ng hiyawan ang buong venue.

"Sorry ladies and gentlemen, confirmed!" Natawa ang lahat sa sinabi ng emcee. "Okay, let's go back to business at baka hindi na ako bigyan ng tip ng bagong kasal dahil nawala na sa kanila ang limelight. Nakakakilig kasi ang dalawang ito eh." Sabi ng emcee na tinuro sila Luke at Valerie.

"Let's begin! Eto ang ating gagawin..." Nag-iintay ang lahat sa sasabihin ng emcee. "Pero, kumain muna tayo dahil ang mga bulate natin ay kanina pa mga nagwawala!" Tawanan ang lahat.

Chapitre suivant