webnovel

Chapter 29

"Nabusog ba kayo" Matapos makita ng emcee na lahat ay halos patapos ng kumain ay muli na siyang nagsalita. "Hala! Muntik na natin mapataob ang mesa, gutom pa din kayo?" Natawa ang lahat. "Nabusog na kayo?" Muling tanong ng emcee. "Yes!" "Oo!" Sabay-sabay na sabi ng mga bisita.

"Dahil busog na ang ating mga tiyan, busugin naman natin ng kilig ang ating mga puso. Tinawagan kong muli ang mga newly wed at ang mga soon-to-be wed. Aaayyyiiieee!" Tukso ng emcee kila Luke at Valerie na magkahawak pa ng kamay habang naglalakad papunta sa stage kung saan nakatayo na sila Andre at Abigail.

"Madami kang ikukukwento sa kin." Kunyaring galit na sabi ni Abigail kay Valerie pero nasa mukha ang nanunuksong ngiti. "Yeah." Nakangiting sabi ni Valerie.

"Okay! Isipin n'yo na lang na parang practice n'yo na 'to kapag kayo naman ang kinasal. Basta ako pa din ang emcee ha?"

Natawa ang lahat sa sinabi ng emcee.

"Lahat ng gagawin ng ating newly wed ay gagawin n'yo din tutal naman ay mag-bff kayong apat." Tumango sila Luke at Valerie.

"Slicing of cake muna tayo. Tapos wine toast. Hindi ko na explain isa-isa dahil malalaki na kayo." Muling natawa ang lahat.

Matapos humiwa ng cake nila Andre at Abigail ay ganoon din ang ginawa nila Luke at Valerie. Halos sabay na sinubuan nila Andre at Luke ang mga babae. Natawa ang lahat ng nakita nila kung gaano kalaki ang hiwa na kinuha nila Abigail at Valerie.

"Ang laki naman!" Sabay-sabay na sabi nila Andre, Luke, at pati na din ang emcee. Natatawa naman sila Abigail at Valerie sa kalokohang naisip. Walang nagawa ang dalawang lalaki kungdi ibuka ng malaki ang kanilang bibig. Napalibutan ng icing ang paligid ng mga bibig nila Andre at Luke na ikinatawa ng mga bisita.

"Hep, hep, hep!" Pigil ng emcee ng makita niya na pupunasan na nila Abigail at Valerie ang bibig ng dalawang lalaki.

"Boys, it's your turn." May nakakalokong ngiti sa mukha ng emcee at lahat ng bisita ay sabay-sabay na sumigaw ng, "Kiss! Kiss!" Gusto sanang tumakbo palayo nila Abigail at Valerie pero nahila na sila nila Andre at Luke palapit sa kanila.

Sigaw at tawanan ang pumuno sa loob ng venue. Sigawan dahil sa kilig at tawanan dahil napuno na din ng icing ang mukha ng dalawang babae ng hindi lang sila sa lips hinalikan ng dalawang lalake. Hinalikan muna sila sa noo, pagkatapos ay sa ilong, tapos ay sa pisngi, at saka lang nagtagal sa kanilang mga labi.

Matapos maglinis ng kani-kanilang mga mukha ay muli silang bumalik sa stage.

"Nag-enjoy ba kayo?" Sabay-sabay na sumagot ang mga bisita ng, "Oo!"

"But wait, there's more." Sabi ng emcee at binigyan ng tig-isang wine glass ang apat. "Blindfold please." Kumunot ang noo ng apat sa sinabi ng emcee. "Syempre, twist na naman 'to." Sabi niya. "Let's get hot in here. Yung mga bata, takpan ang mga mata!" Muling natawa ang lahat.

"Sila Andre at Luke ang magpapainom ng wine kila Abigail at Valerie at ganoon din ang gagawin ng ating mga girls." Inayos na ng emcee ang dalawang magkapareha. Pinaglapit ang mga ito at iniharap sa bawat isa. Nang masigurado na hindi na talaga nakakakita dahil sa blindfold ay lumayo na siya sa apat.

"Okay! Pansin n'yo ba na masyadong mapula ang ating mga wine? It's because iyan ang magiging guide nila pero mamaya ko na sasabihin kung para saan. Let's start!" Pagkasabi noon ay nag-umpisa na nga ang dalawang magkapareha na inumin ang wine. Dahil nakablind fold ay hindi maiiwasan na hindi matapon ang wine. Nang maubos ang wine sa kanya-kanyang baso ay tinanggal na ng dalawang magkapareha ang kanilang mga blindfold.

"Wait! Wait!" Pigil ng emcee sa apat ng pupunasan na nito ang wine na tumulo at tumapon sa kanilang mga bibig at pati na din sa kanilang mga damit. Lumapit ang emcee sa bawat isa.

"Sayang! Kaunti lang ang tumapon. Mukhang tanggero at tanggera silang apat." Natawa muli ang lahat.

"Dahil ayaw natin ang nagsasayang, kailangan ay wala akong makikitang trace ng wine sa bawat isa sa inyo." Nanlaki ang mata ni Valerie ng madinig ang sinabi ng emcee. Tiningnan niya si Luke at pasalamat na lang siya dahil kaunti lang ang nakita niyang wine sa bibig nito. Samantalang siya ay umabot sa leeg ang tapon.

"Sa boys muna tayo." Kunyaring nahihiya pa si Andre pero bigla naman niyang hinila si Abigail. Naghalikan ang dalawa at napuno ng sigawan ang venue. Ganoon din naman ang ginawa ni Valerie. Lumapit siya kay Luke at hinalikan ang binata.

"Ayan, sa girls na tayo." Si Abigail naman ang humila kay Andre at natawa ang lahat ng paikutan ng halik ng lalaki ang asawa. Si Luke naman ay nakatayo sa harap ng dalaga at tinitingnan ang leeg ng dalaga kung saan tumulo ang alak.

"Hellooooo???" Natawa ang lahat ng lumapit ang emcee kila Luke at Valerie. "Tapos na sila oh." Muling sabi ng emcee. Napalunok si Luke ng itagilid ni Valerie ang leeg.

"Mga bata, takpan ang mga mata!" Napuno ng tawanan ang venue. Nang magsimula na si Luke ay namula na ang mukha ni Valerie.

"Grabe na ito! Pero thank you sa pagiging game nila Luke at Valerie. I'm looking forward to see you both soon." Sabi ng emcee at binalik na ang limelight sa dalawang bagong kasal.

Nang matapos ang program ay isa-isa ng nagpaalam ang mga bisita sa bagong kasal.

"Hindi na din kami magtatagal. Kailangan nyo pang mag-ayos ng mga gamit." Sabi ni Valerie na nakahawak sa braso ni Abigail. "Thank you talaga sa gift mo." Sabi ni Abigail at saka niyakap ang kaibigan.

Isang trip to Bali, Indonesia ang regalo ni Valerie sa mag-asawa.

"See you in a week. Kailangan pagbalik n'yo may laman na 'yan." Nakangiting sabi ni Valerie habang nakaturo sa tiyan ni Abigail.

"Don't worry, aaraw-arawin namin." Sabi ni Andre na inakbayan ang asawa.

Chapitre suivant