webnovel

Chapter 25

Hindi namalayan ng lahat ang mabilis na paglipas ng mga araw. Bukas ay kasal na nila Andre at Abigail kaya ang TOP ay nasa bridal shower ng bride samantalang ang ORION naman ay nasa stag party para sa groom.

"Cheers!" Sigaw nila Valerie, Abigail, Mia, Archer, at Genesis bago pinagtama ang mga shot glass na hawak nila saka tinungga ang laman ng mga ito. Nasa private room sila ng isang kilalang bar sa Maynila. Gusto kasi ng bride to be na masolo niya ang mga kaibigan bago man lang siya matali bukas. Alam naman niya na hindi siya pipigilan ni Andre na makasam pa din sa mga happenings ang mga kaibigan pero syempre, priority na niya ang bubuuin nilang pamilya ng magiging asawa.

"Oi, oi, nakakadami na kayo ha?" Sabi ni Archer na pinaalalahanan ang mga kaibigang babae na nakakadami na ng inom. "KJ mo, dapat doon na lang kayo sa kabila eh." Sabi ni Mia. "At ng pag-uwi n'yo eh kung saan-saan na naman kayo pumunta." Sabi naman ni Genesis. "Yaang si Valerie at Mia ang bantayan n'yo, last ko na 'to." Sabi ni Abigail na inubos na ang laman ng huli niyang shot glass. "Oi, Valerie, sana natatandaan mo pa 'yung ginawa mo nung huli kang nalasing ha." Tinuro ni Valerie ang sarili saka umiling. "Naku! Ayoko ng maalala." Sabi ni Genesis.

.......

"Pre, girlfriend mo na ba si Val?" Biglang nasamid si Luke sa tanong ni Andre.

Kung ang TOP ay nasa bar, mas pinili ng ORION na sa unit na lang ni Luke mag-party. Noong huli kasi nilang inuman ay nauwi sa pakikipagsuntukan dahil hindi nila natiis ang pangbabastos ng isang customer sa waitress ng bar na pinuntahan.

Nagkibit balikat lang si Luke dahil sa totoo lang, hindi din niya alam kung ano sila ni Valerie.

.......

Matapos ang operasyon ni Damian ay mas naging malapit sila Luke at Valerie. Kapag nagkakasabay ang day-off nila ay kumakain sila sa labas, nanonood ng sine, namamasyal, at mga bagay na ginagawa ng isang normal na magkarelasyon. Hindi din mawawala ang lambingan na hindi pa naman umaabot sa dulo, mga maiinit na halik at mahihigpit na yakap pa lamang ang namagitan sa kanila. Kapag magkasama sila ay parehong nawawala sa isip nila na itanong sa bawat isa kung ano ba talaga sila. Basta ang mahalaga, masaya sila kapag magkasama.

.......

"Alam ko ang tawag dun." Sabi ni Aziz. "Walang label." Dugtong ni Aziz. "Hindi, MU!" Sabi naman ni Bowie. "Mali kayong dalawa, getting to know each other." Sabi naman ni Ceasar. "Walang tumama sa inyo! Ang tawag dun ay "no strings attach". Sabi naman ni Darwin. Natawa si Andre sa mga sinabi ng mga kasama. Si Luke naman ay gustong batukan isa-isa ang mga kasama pero naisip niya na tama naman ang mga ito, walang sila ni Valerie.

Nagtaka si Andre ng tumunog ang phone niya at si Abigail ang nasa caller ID. Usapan nila ay wala muna silang communication hanggang bukas.

"Valerie!" Sigaw ni Abigail ang bumungad sa tainga ni Andre, pati si Luke ay napatingin dahil nadinig ang pangalan ng dalaga. "Tart, ano'ng problema?" Tanong ni Andre. "Si Val, nagwawala na naman. Hindi namin sila mapigil, sobrang lasing na nila ni Mia." Magsasalita pa sana si Andre pero bigla ng tumayo sa Luke at nagmamadaling lumabas. Sumunod naman sa kanya ang mga kasama.

.......

"Shayaw tayo...bilish..." Hila ni Valerie kay Abigail. "Val, dito na lang tayo. Madaming tao sa labas baka kung mapano ka pa." Pigil naman ni Abi sa kaibigan. "Tara, shayaw tayo!" Hinila ni Archer pabalik si Mia ng malapit na itong makalabas. Si Genesis ay pumunta naman sa cashier para iayos ang bill nila at kunin na din ang sasakyan na sa malayo pa nakapark. "Shayaw tayo, shayaw tayo!" Sabi ni Valerie na hinila si Mia at nagsayaw nga sila sa gitna. Ito ang isang pang dahilan kung bakit private room ang kinuha nila. Mababa ang alcohol tolerance ng dalawa, si Abigail ay pinigil lang ang sarili dahil kasal na niya bukas pero kung hindi ay tiyak na tatlo silang problema nila Archer at Genesis.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh." Sabi ni Archer na nakaharang na sa pinto. "Kunan natin ng video tapos pakita natin sa kanila bukas." Nakangising sabi ni Abigail. "Suportahan taka!" Sabi ni Archer saka nakipag-apir kay Abigail.

"Inom pa tayo!" Pilit na kinukuha ni Valerie ang shot na inagaw na ni Abigail. "Tama na, uuwi na tayo." Sabi ni Abigail. "Ayaw! Inom pa tayo!" Parang batang nagmamaktol si Valerie. Nakahinga naman si Archer ng makatulog na sa kalasingan si Mia. Pareho silang lumingon ng bumukas ang private room nila at pumasok na si Genesis kasunod sila Luke at Andre.

"Luke!!!" Pasuray-suray na lumapit si Valerie sa binata. Mabilis naman nasalo ni Luke ang dalaga na muntik ng mangudngod sa sahig. "Shayaw tayo, Luke!" Inilagay ni Valerie ang dalawang braso sa leeg ng binata saka sumayaw na akala mo uod na nilagyan ng asin ang katawan.

"Ha'ay, iuwi mo na nga 'yan, Luke." Sabi ni Abigail na kumapit na sa braso boyfriend. "Bakit ba nalasing ng ganito 'to?" Tanong ni Luke. "Mababa alcohol tolerance n'yan. Makadalawang shot lang 'yan eh may tama na agad." Si Genesis ang sumagot. "Naka-ilan shot ba?" Muling tanong ni Luke. "Naku, hindi na namin nabilang, dinaan kami sa kwento eh." Sagot naman ni Archer. "Kami na ang maghahatid kay Mia." Sabi ni Genesis na binuhat na ang dalaga. "Oi, kayong dalawa, deretso uwi na ha?" Sabi ni Archer na kay Abigail at Andre nakatingin. "Opo." Sabay naman na sagot ng dalawa. "Luke, ikaw na bahala kay Valerie." Sabi ni Abigail at sabay-sabay na silang lumabas ng bar.

Matapos magpaalam sa lahat ay isinakay na ni Luke si Valerie sa kanyang kotse. Noong una ay ayaw pa nitong sumakay pero noong sabihin niya na meron pang maiinom sa bahay ay napapayag niya din ang dalaga.

"Dahan-dahan." Sabi ni Luke habang inaalalayan niya si Valerie papunta sa unit nito. "Bahay ko 'to ah. Ayoko dito, dito tayo!" Sabi ni Valerie sabay lakad papunta sa unit ni Luke. Naiiling na lang na sinundan ni Luke ang dalaga.

Matapos makapasok ay pasalampak na umupo si Valerie sa sala. "Shaan na beer ko? Bilish!" Natatawang pumunta si Luke sa kanyang personal ref at kumuha ng san mig in can. "Ayan, ayana!" Mabilis na tinungga ni Valerie ang beer kaya natapon ito sa damit niya. "Para ka namang bata." Sabi ni Luke saka kumuha ng tissue. Dahan-dahan niyang pinunasan ang damit ng dalaga.

"Bakit?" Nakangiting tanong ni Luke ng makita na titig na titig sa kanya si Valerie. "Bakit ang gwapo mo?" Natawa si Luke sa tanong ng dalaga. "Kish mo ko." Sabi ni Valerie. Sumunod naman si Luke sa gusto ng dalaga, hinalikan niya ang namumulang pisngi nito. "Nuh ba 'yan, parang bata!" Muling natawa si Luke kaya hinalikan naman ang noo ng dalaga. "Lola ba ko? Lola ba ko?" Muling natawa si Luke. "Dito oh, dito!" Sabi ni Valerie sabay nguso sa kanyang bibig. "Lasing ka na. Magpahinga na tayo." Sabi ni Luke. "Ayoko! Kish mo muna ako dito!" Ngumuso na naman si Valerie kaya napatawa si Luke ng malakas. "Kung makikita ka ng mga pasyente mo, baka hindi na magpacheck up sa'yo." Sabi ni Luke. "Bilish na, kish, kish, dito oh." Bumuntong hininga si Luke bago ginawa ang gusto ng dalaga. Hinalikan niya ito pero dampi lang sa labi ang ginawa niya.

"Gushto mo ba ko?" Napatingin bigla si Luke sa dalaga. "Kashi gushto kita eh. Gushto kitang maging boyfriend kasho baka ayaw mo sha akin eh kasho..." Hindi na naituloy pa ni Valerie ang sasabihin dahil hinalikan na siya ni Luke. Lasing si Valerie pero lalo siyang nalasing sa halik na binibigay sa kanya ng binata. Tumigil lang si Luke sa paghalik sa dalaga ng pareho na silang nangangailangan ng hangin.

"Girlfriend na kita?" Tanong ni Luke at sunud-sunod na tango ang ginawa ni Valerie. "Walang bawian?" Paninigurado ni Luke. "Boyfriend kita, girlfriend mo ko, okay!?" Sabi ni Valerie. "Girlfriend mo ko, boyfriend kita, okay!?" Ulit ng dalaga na ikinatawa ni Luke. "Okay!" Hahalikan muli sana ng binata ang dalaga pero unti-unti na itong napasandal sa kanya. "Boyfriend kita...girlfriend mo ko..." Mahinang sabi ni Valerie bago tuluyang nakatulog.

Chapitre suivant