webnovel

Chapter 26

Napangiwi si Valerie sa naramdamang sakit ng kanyang ulo.

"Ano na naman ba ang ginawa ko kagabi?" Tanong ni Valerie sa sarili pagkatapos ay bumuntong hininga ng malalim. Unti-unti niyang binuksan ang mga mata para lamang isara muli ang mga ito ng makita na siya ay wala sa sariling kwarto.

Binuksan niyang muli ang mga mata pagkatapos ay tiningnan ang sarili at nakita niyang ang damit na suot ay hindi naman napalitan.

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama pero bago tuluyang lumabas ay inayos muna ang unan at kumot na kanyang ginamit.

Nang makalabas ng tuluyan ay natapik niya ang sariling noo ng malaman kung nasaan siya.

Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa pinto pero nakadinig siya ng isang tikhim. Inayos niya ang sarili saka humarap sa taong nasa kanyang likod.

"Good mor..." Hindi natapos ni Valerie ang sasabihin dahil natulala siya sa kanyang nakita.

Kakalabas lang ni Luke mula sa banyo at kitang-kita ni Valerie ang magandang katawan ng binata. Mula sa mga muscles nito sa mga braso, matipunong dibdib, at ang "6 pack abs" ni Luke na naging dahilan para matuyo ang lalamunan ni Valerie.

"Done checking me?" Nakangising sabi ni Luke bago lumakad papunta sa kinatatayuan ng dalaga. Sa bawat lakad ng binata ay ganon naman ang pag-atras na ginagawa ni Valerie hanggang sa masandal na siya sa pinto at tuluyan ng makalapit sa kanya si Luke.

"You're still beautiful kahit bagong gising." Ramdam ni Valerie ang pag-iinit ng kanyang mukha, hindi lamang dahil sa papuring nadinig mula sa binata pero dahil din sa napakalapit nito sa kanya at naaamoy na niya ang ginamit nitong shampoo at sabon.

Itinaas ni Luke ang mukha ni Valerie na hindi makatingin sa kanya ng deretso.

"Nasaan na 'yung matapang na babaeng kausap ko kagabi?" Kumunot ang noo ni Valerie sa nadinig mula sa binata.

"May nangyari ba kagabi? May ginawa ba ko? May sinabi ba ko? Haha, sa sobrang kalasingan wala akong maalala, haha." Ngumisi si Luke, alam niyang ganito ang mangyayari kaya kinuha niya ang phone saka pinidot ang audio recorder.

"Boyfriend kita, girlfriend mo ko. Girlfriend mo ko, boyfriend kita." Gustong lumubog ni Valerie sa kinatatayuan. Si Luke naman ay natatawa sa itsura ng dalaga.

"So, may naaalala ka na ba sa mga nangyari kagabi?" Bumuntong hininga si Valerie. Alam niyang kahit ano'ng palusot ang gawin niya ay wala na siyang kawala. Tumingin siya ng deretso kay Luke pero bigla siyang nagulat ng hapitin siya sa beywang ng binata dahila para muli silang magkalapit.

"I like you and I know you like me too. Let's not waste our time sa mga unnecessary this and that but instead, let's enjoy our moment being together. Alam natin pareho na ang pinili nating mga trabaho ay kinakailangan ng mas madaming oras. Mas madami kang oras na ibibigay sa mga patients mo at ganoon din naman ako sa taong bayan." Nakatinging lang si Valerie sa binata habang ito ay nagsasalita.

Will you be my girlfriend?" Mas gustong madinig ni Luke mula sa dalaga na willing itong maging girlfriend niya ng hindi ito lasing at nasa tamang pag-iisip. Nag-aalala man siya na baka bawiin nito ang sinabi kagabi ay wala siyang magagawa. Hindi niya pipilitin ang dalaga kungdi bibigyan niya pa ito ng oras para makapag-isip.

"Yes, I want to be your girlfriend." Ngumiti si Luke, yung ngiting panalo. Tumingin siya sa dalaga pero bago pa man niya mahalikan si Valerie ay tinakpan na nito ang bibig. Kumunot ang noo ni Luke.

"Mabaho pa hininga ko." Natawa si Luke sa sinabi ni Valerie. "Ano?" Kunyaring hindi niya naintindihan ang sinabi nito. "Mabaho ang hininga ko." Nilakasan na ni Valerie ang kanyang sinabi pero nagkunyari pa din si Luke na hindi ito naintindihang muli.

Inalis na ni Valerie ang takip ng kanyang bibig at nanlaki ang mga mata niya ng bigla siyang halikan ng binata. Noong una ay tinulak niya pa ito pero bandang huli ay bumigay na din siya at tinugon ang mga halik ng binata.

Nag-umpisa ng uminit ang paligid. Ramdam nila Luke at Valerie ang pangangailangan nila sa bawat isa pero bigla sila napatigil ng may kumatok sa pinto.

"Luke? Valerie?" Tawag ni Emma sa anak.

"Si Mommy!" Mabilis na tinulak ni Valerie ang binata. "Magbihis ka na, bilis!" Natatarantang sabi ng dalaga na tinutulak ang binata papasok sa kwarto nito.

"Let them in." Nakangising sabi ni Luke na huminto sa may pinto ng kwarto. "Gusto mo bang masaktan ha? Papasukin ko sila ng...ng..." Muling napalunok si Valerie dahil kita niya ang nakataas na parte ng tuwalya na nakatapis sa beywang ng binata.

Ngumiti si Luke sa muling pamumula ng dalaga. "Kiss muna." Sabi ni Luke sabay nguso sa kanyang labi.

"Luke? Valerie?" Muling nadinig ng dalaga ang boses ng ina.

Mabilis na lumapit si Valerie sa binata at binigyan ito ng mabilis na halik saka nagmamadaling naglakad papunta sa pinto.

Bago niya buksan ang pinto ng tuluyan ay tiningnan niya muna ang binata at nakahinga siya ng maluwag ng tuluyan na itong pumasok sa kwarto para magbihis.

"Mom! Dad!" Bati ni Valerie sabay binigyan ng halik at yakap ang ama't ina.

"Ano ka ba naman, Valerie? Ba't ganyan ang amoy mo?" Napangiwi ang dalaga sa sinabi ng ina at naalala niya ang ginawa ng binata kanina. "Hindi ka na nahiya kay Luke." Dugtong pa ni Emma.

"Bakit ka nandito? Ano'ng ginawa n'yo?" Ang mga tanong na inaasahan ni Valerie na itatanong sa kanya ng ina pero mas inintindi pa nito ang amoy niya.

"Bakit hindi ka muna maligo anak?" Si Arsenio ang nagsalita. Nagulat si Valerie ng bigla siyang akbayan ni Luke.

"Oo nga, hon, ligo ka muna." Nagpalipat-lipat ng tingin sila Arsenio at Emma kila Luke at Valerie. Gusto namang sipain ng dalaga ang binatang may masayang ngiti sa mukha. "At habang naliligo ka, ipagluluto ko muna sila Tito at Tita." Habang nagsasalita ay inaalalayan naman ni Luke ang dalaga palabas ng kanyang unit.

Inumangan ng suntok ni Valerie si Luke pero tumawa lang ang huli. "Ligo ka na." Sabi ni Luke sabay nilagay ang daliri sa ilong. "Aba't..." Bago pa man makabalik sa loob si Valerie ay naisara na ni Luke ang pinto ng unit niya. Naiwan sa labas ang dalaga na inis na inis. "Humanda ka sa akin mamaya." Sabi niya sabay lakad papasok ng kanyang unit.

"Tito, Tita, pwede po ba kayong makausap?" Seryosong sabi ni Luke na nakatingin sa mga magulang ni Valerie. Ngumiti naman ang mag-asawang Arsenio at Emma saka umupo sa sofa. Huminga ng malalim si Luke saka umupo na din sa sofa na nakaharap sa "soon to be in laws" niya. Nangiti ng lihim si Luke sa naisip.

Chapitre suivant